Untold Twenty-four: The Threat and Arrows

Hindi ko alam kung ano ang unang gagawin ko. Gusto kong tulungan ang ibang hunters at huntresses sa pakikipaglaban nila ngunit nais ko ring mahanap muna sila Elveena at Head Huntress Gerra sa loob ng academy.

Sa gulong nangyayari ngayon sa buong Deepwoods Academy, alam kong nakikipaglaban din ang mga ito ngayon!

"Zaila?" Natigilan ako sa pagtakbo noong marinig ang pamilyar na boses na iyon. Agad akong bumaling sa gawing kanan ko at agad na napaawang ang labi noong makita si Aradia. "Oh my God! Captain!" sigaw nito at mabilis na lumapit sa akin. "You're back."

Hindi agad ako nakapagsalita at tiningnan lamang ang kalagayan ni Aradia. "You're bleeding," wala sa sariling sambit ko sa harapan niya. Namataan ko ang pagngiwi nito sa akin at mayamaya lang ay humugot ng isang malalim na hininga.

"I'm fine. Don't worry about me, Captain." She sighed again. "Halos lahat ng mga bagong estudyante ay nakaalis na sa academy. Tanging mga junior hunter at huntress na lamang ang narito at nakikipaglaban."

"Where's Elveena? Our head huntress?" magkasunod na tanong ko at hinawakan ko ang sugat ni Aradia sa braso niya. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa pero malakas ang pakiramdam ko na may magagawa ako para sa kanya. And to my surprise, tama nga ang hinala ko! Nagkatinginan kaming dalawa ni Aradia at parehong gulat na ekspresyon ang pinakita sa isa't-isa.

"You're a healer now?" mahinang tanong nito sa akin noong inalis ko na ang kamay sa braso niya. Mangha nitong tinitigan ang braso at muling binalingan ako. "You can use healing magic now, Captain!"

"I... I don't even know that I can do that, Aradia," sambit ko at umayos na lamang nang pagkakatayo. "You have your silver weapon?" tanong ko na siyang mabilis na ikinailing ni Aradia. Damn it! Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at ibinigay sa kanya ang tanging sandatang mayroon ako ngayon. "Gamitin mo ito."

"But this is your weapon," nag-aalangang sambit nito sa akin. Tumango ako sa kanya at inilagay na mismo sa kamay niya ang sandata.

"Mas kailangan mo ito ngayon, Aradia. Ipagpatuloy mo ang ginagawa mo. Ilikas mo ang ibang hunters at huntress na hindi kayang makipaglaban."

Umiling si Aradia sa akin at muling ibinalik sa kamay ko ang silver weapon na ibinigay ko sa kanya. "If you're going to stay and fight, then mas kailangan mo ito, Captain. Gagawin ko ang sinabi mo sa akin. I will help those who can't fight against our enemy. Huwag mo na silang alalahanin pa."

Kinagat ko na lamang ang pang-ibabang at tinanguhan si Aradia. Mariin kong hinawakan ang handle ng silver weapon ko at noong muling yumanig ang lupang kinatatayuan namin, mabilis akong naging alerto. Mukhang may isang high level evil witch ang malapit lang sa kinatatayuan namin ngayon.

"Move now, Aradia. Ako na ang bahala rito. Be careful, okay?"

Tumango itong muli sa akin. "Mag-iingat ka rin, Captain," aniya at kumilos ng muli.

Muli kong tiningnan ang palagid. Wala ako masyadong nakasalubong na miyembro ng Coven sa bandang ito ng academy kaya natitiyak ko kung nasaan ang mga ito ngayon.

Nasa sentro sila ng Deepwoods Academy. For sure, nandoon din si Merlin at ang iba pang malalakas na miyembro nila. At kung nasaan ang malalakas na kalaban, natitiyak kong naroon din ang mga Senior Squad Captain namin!

Ipinilig ko ang ulo pakanan at akmang kikilos na sana ako noong bigla akong nakaramdam ng isang atake sa likuran ko. Mabilis kong itinaas ang isang kamay at agad na gumawa ng barrier sa pagitan namin ng evil witch na umatake sa akin.

"You can use magic," rinig kong sambit nito kaya naman ay humarap na ako sa kanya. Hindi ko inalis ang paningin sa evil witch na nasa harapan ko at noong maramdaman ko ang pamilyar na presensiya nito, unti-unti kong dinisolve ang barrier sa ginawa ko.

It was her. Iyong evil witch sa Larton Village!

"We meet again," wika ko at binago ang anyo ng silver weapon ko. Ginawa ko itong espada at mariin hinawakan ang handle nito. Kita ko ang pagkunot ng noo nito habang nakatingin sa akin. Hindi ito kumilos sa kinatatayuan niya at noong mamataan ko ang pagtaas ng isang kilay nito, alam kong naalala na rin niya kung saan huling nagkrus ang mga landas namin.

"You were the one who messed with us," matamang sambit niya na siyang ikinaarko na rin ng isang kilay. "Kaya pala malakas ang loob mo. You can use magic, just like us. Tell me, huntress, are you really a half-witch?"

"I can use silver weapon," sambit ko at itinutok sa kanya ang sandata. "Something you, an evil witch, can't even do." Ngumisi ako sa kanya at hindi na nagsayang pa ng oras. Mabilis akong kumilos at sa isang pagkurap nito ay nasa harapan na niya ako. "And I can do more, evil witch," mahinang sambit ko sa kanya.

"How can-"

Hindi na nito natapos pa ang dapat na sasabihin noong unti-unting bumagsak ang katawan nito sa lupa. Wala sa sariling napahawak ito sa dibdib niya kung saan nakatarak na ngayon ang hawak-hawak kong espada. "Maling-mali ang pagpunta niyo sa lugar na ito," matamang sambit ko at inalis na ang espada sa dibdib niya. "This is our territory. Hindi kayo nabibilang sa lugar na ito."

"D-damn you, huntress." Nahihirapang sambit nito habang unti-unting bumabagal ang paghinga niya. "Merlin... will kill you all."

"Hindi mangyayari iyon," malamig na wika ko at muling itinarak sa dibdib niya ang dulo ng sandata ko. "Habang nabubuhay pa ako at kayang lumaban, gagamitin ko ang kung anong kapangyarihan ibinigay niyo sa akin para ubusin kayong lahat."

Muli akong kumilos at nagpatuloy sa pagtakbo. May iilang hunter at huntress na rin akong nakakasalubong. Ang iba'y sugatan kaya naman ay napagdesisyunan ko munang tulungan ang mga ito. This time, I didn't use my healing ability. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito maaaring gamitin kaya naman ay hindi ko muna ito ginamit muli. Maybe I can use this healing magic again when someone's really in a big trouble. Sa kalagayan kasi ngayon ng mga hunter at huntress na ito, kaya pa naman nilang makipaglaban. They just need to rest for a while then continue fighting again.

"Nasa sentro halos lahat ng makapangyarihang miyembro ng Coven, Zaila," wika ng isa sa hunter na kakilala ko. Humugot muna ito ng isang malalim na hininga at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo sa lupa. "Kung pupunta ka roon, sasama ako."

"Ako rin, Zaila," sambit naman ng isa pa.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi at tiningnan ang mga kasama. Mayamaya lang ay umiling ako at tipid na nginitian ito. "Nasa labas na ng academy ang ilang hunter at huntress. Karamihan sa kanila ay mga bagong miyembro ng pamilya natin. Please, samahan niyo sila. Protektahan niyo sila habang gumagawa kami nang paraan para matalo ang Coven at mapaalis na sila sa tahanan natin."

"Pero Zaila, malalakas na evil witch ang nasa sentro ngayon!"

"I know that, Jerman," mabilis na wika ko na siyang ikinatigil nito sa pagsasalita. "But those hunters and huntresses... they need someone who will guide and protect them too. Halos magkasabayan lang tayong pumasok sa lugar na ito at pareho nating nasaksihan ang ginawa noon ni Merlin. And without the presence of our senior hunters that time, alam mo kung ano ang maaaring mangyari sa atin noong araw na iyon." I sighed. "Hindi natin maaaring hayaang maranasan nila ang bagay na iyon, Jerman."

Hindi nagsalita si Jerman at napabuntonghininga na lang din. Mayamaya lang ay tumango na ito sa akin at niyaya na ang ibang hunter at huntress na kasama namin ngayon. "Mag-iingat ka, Zaila."

"I will, Jerma, so, please take care of them and wait for us to finish this battle."

Sa pagkakataong ito, hindi na ako muling tumigil pa sa pagtakbo. Hindi ko na rin binigyan pansin pa ang mga nangyayari sa mga dinaraanan ko at noong ilang hakbang na lamang ang layo ko sa pinakasentro ng academy, ibang daan ang tinahak ko. Lumiko ko at dumaan sa isang gusaling alam kong wala ibang hunter o huntress, pati na rin miyembro ng Coven, ang naglalaban. Pumasok ako sa gusali at agad na umakyat sa may hagdan. Tatlong palapag lamang ang gusaling ito at dahil pamilyar ako sa lugar na ito, alam na alam ko kung anong silid ang dapat kong puntahan. At noong nasa tamang silid na ako, mabilis kong binuksan ang pinto na naroon at agad na inihakbang ang mga paa patungo sa bintana nito.

"Merlin," mahinang sambit ko noong makita si Merlin sa pinakasentro ng academy. Prenteng nakatayo lang ito roon. May apat na nakabantay sa likuran niya at kagaya nang sinabi nila Jerman, marami ngang miyembro ng Coven ang narito sa parteng ito ng academy. Nagkalat ang mga ito at may kanya-kanyang sandatang hawak. They're here for war. Mukhang handa rin sila sa pagsugod sa lugar na ito.

Tahimik ko silang pinagmasdan at noong namataan kong naging alerto ang mga ito at halos sabay-sabay na itinutok sa gawing unahan nila ang mga sandatang hawak, ipinilig ko ang ulo pa kanan. Tumingin ako sa gawing iyon at noong mapansin ang ang mga pamilyar na mga huntress, napaayos ako nang pagkakatayo.

"Head Huntress Gerra... Elveena," mahinang bulong ko sa sarili.

Sinasabi ko na nga! They're still here!

Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko. Nanatili ang mga mata ko sa kanila. Unti-unting lumapit ang head huntress sa puwesto ni Merlin habang nakasunod sa kanya si Elveena at dalawa pang Senior Squad Captain at noong ilang metro na lamang ang layo nila sa isa't-isa, bigla kong naramdaman ang tensiyon sa pagitan nila. Napalunok ako at inactivate lahat ng senses ko.

"So, you're alive." Panimula ni Head Huntress Gerra. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Merlin kaya naman ay napahigpit ang hawak ko sa espada ko. "Ano ang kailangan mo sa amin, Merlin? You want revenge? Iyon ba ang dahilan nang pag-atake niyo sa lugar na ito?"

Muling tumawa si Merlin kaya naman ay napamura na lamang ako sa isipan. Come on, Merlin. Just fucking tell us what you want!

"Revenge is for weak, Gerra. Hindi ko gagawin iyon," wika ni Merlin na siyang ikinatigil ko. "Isa lamang ang nais ko at iyon ang huwag kayong makialam sa kung anong laban na mayroon kami ng walang kuwentang royal family ng Utopia. Stay your hunters and huntresses away from us."

"At kung hindi namin gagawin iyon?" malamig na tanong ni Head Huntress Gerra sa kanya.

Nagkibit-balikat si Merlin at muling tumawa sa harapan ng head huntress. "Well, we will kill you all. We will burn you like some useless witch in this kingdom."

"Is that a threat?"

"No. It's more than a threat, dear Gerra. Dahil kung wala ni isa sa inyo ang susunod sa nais ko, wala talaga akong ititira sa inyo. My Coven can do anything. Hindi na kami natatakot sa silver weapon niyo."

"Pero marami ang namatay sa inyo ngayon dahil sa silver weapon na sinasabi mo."

Hindi agad nakapagsalita si Merlin. I get it. It was him who stole our silver weapons! Malakas ang loob nitong magtungo rito sa academy dahil alam niyang walang magagamit ang mga taga-Deepwoods na sandata laban sa kanila!

Too bad for him. May iilang hunters at huntress ang nagmamay-ari ng higit sa isang silver weapon, just like me!

"You want to know a little secret?" Head Huntress Gerra asked him without even blinking. "While you're wasting your time talking to me, threatening me about killing us all, someone's already pointing her silver weapon and aiming for your head."

Napakurap ako. Damn it! Naramdaman ba ni Head Huntress Gerra ang presensiya ko rito?

Napailing na lamang ako at ginawa na ang tinuran nito. I immediately shifted my sword and turned it to a bow and arrow. Mabilis kong itinutok kay Merlin hawak-hawak na pana at bago pa man makapagsalita itong muli, pinakawalan ko na ito. Mabilis ko itong sinundan ng magkasunod pang mga atake dahil malakas ang pakiramdaman ko na hindi ko siya basta-bastang matatamaan. Hindi ako tumigil sa pagpapaulan ng pana hanggang sa tuluyan nang may makapansin sa puwesto ko.

Napangiwi ako at mabilis na umayos nang pagkakatayo. Hindi ko inalis ang paningin sa puwesto ni Merlin at kagaya nga nang inaasahan ko, isang barrier ang mabilis na promotekta kay Merlin. Bago pa man tumama sa ulo niya ang dulo ng naunang pana ko, tumigil na sa ere ito, ganoon din ang iba pang pana na pinaulan ko sa kanya. Damn this man!

Napailing na lamang ako at agad na binagong muli ang itsura ng sandata. Pinagmasdan ko ang nangyayari sa baba at noong magsimula nang kumilos ang mga hunter at huntress na nasa sentro ngayon, alam ko na ang dapat kong gawin. I will join them. Ito na ang tamang pagkakataon para tapusin namin ang labang ito! Ngunit bago pa man ako makakilos sa puwesto ko, isang pagsabog ang nagpatigil sa lahat. Segundo lang din ang lumipas ay kanya-kanyang sigaw na ang miyembro ng Coven at nagsimula na ang gulo sa baba.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at kumilos ng muli. Agad akong tumalon sa gusaling kinaroroonan at gamit ang wind magic na natutunan ko noon, binalanse ko ang sarili at hindi hinayaang bumagsak ang katawan sa lupa.

Merlin is here in our territory. Nandito rin ang malalakas na mga miyembro ng Deepwoods Academy at ang ilang Senior Squad Captain. Kung matatalo namin ito ngayon, tiyak kong matatapos na ang lahat ng ito! It's now or never for us! Kung nais naming maging mapayapang muli ang lugar na ito, kailangan naming matalo si Merlin.

Sa kahit anong paraan, kailangang matapos na ang labang ito sa pagitan namin ni Merlin at ng Coven.

This is our battle.

We were trained for this day.

Evil witch versus us, the hunters and huntresses of Deepwoods.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top