Untold Twenty-five: The Overflowing Magic

Noong araw na nagdesisyon akong maging isa huntress ng Deepwoods, isa lang ang nakatatak sa isipan ko.

Revenge.

Evil witches killed my family. They burned our village. Killed and captured the noble witches. I was lucky to escaped from them. Alam ko ang pasikot-sikot sa buong village namin kaya naman ay walang kahirap-hirap akong nakatakas mula sa kanila.

Tanda ko pa ang mga naging tanong sa akin ni Elveena noong sinabi ko sa kanyang gusto kong maging huntress. I told her my reasons. Sinabi ko sa kanya ang lahat na nangyari sa akin, sa pamilya ko, ngunit agad niya akong pinigilan at hindi pinahintulutang maging huntress kagaya niya. Noong una'y hindi ko maintindihan ang rason nito sa pagtutol sa kagustuhan kong maging huntress. Hunters and huntresses of Deepwoods exist to fight against the evil witches of the Coven. Kaya naman bakit hindi niya ako nais sumali sa kanila kung ang tanging nais ko lamang ay mahanap ang mga evil witch na sumira sa pamilya ko?

"We have our own reasons why we are fighting, Zaila. Ngunit hindi kabilang dito ang paghihiganti. We fight and protect. We fight against evil witches and protect the peace we have here in Deepwoods, here in Utopia. Revenge is not our goal here, Zaila. Kaya naman ay patawarin mo ako. I can't help you with this one. Alam na rin naman ng head huntress ang tungkol sa'yo. Kung wala kang ibang matutuluyan, you're welcome here. You can stay here as long as you want."

Ang paghihiganti lamang ang tanging mayroon ako noon. Iyon lang ang mayroon ako at wala nang iba pa. I wanted revenge... badly. That's what motivates me to stay alive despite of losing everything. But when I started to learn more about Deepwoods and the half-witches living here, I realized that my reasons can't help me anymore. That it will just stop me from moving forward. I need to change. I need to become better to do better. At noong sinabi ko iyon kay Elveena, agad niya akong ipinakilala sa head huntress ng Deepwoods at sinabing maaari na akong maging parte ng Deepwoods Academy.

To become a huntress, I need to gain and loss something... again.

I gain the courage to fight, not just for myself but for the people around me. To become a huntress, I need to forget the main reason why I'm here in this place. I need to forget about my family, my friends, my village. And most importantly, I need to forget who I was and become something else.

"Zaila!"

"I'm sorry I'm late, Elveena," sambit ko noong tuluyan na akong nakalapit kay Elveena. Tinaguhan niya ako at muling sinangga ang atake sa kanya ng isang miyembro ng Coven. Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng oras, umatake na rin ako at mabilis na pinatumba ang iilang evil witch 'di kalayuan sa akin. Mabilis ang bawat kilos ko at noong matapos na ako sa ginagawa, mabilis akong bumalik sa puwesto ni Elveena. "Mag-isa lang akong nagbalik dito," imporma ko sa kanya at umayos nang pagkakatayo.

"What happened to you?" tanong ni Elveena sa akin habang nakatitig sa mukha ko. "Something is strange about you, Zaila."

"Believe me, kahit ako ay hindi maipaliwanag ang kung anong nangyayari sa akin ngayon," wika ko at mabilis na ikinumpas ang kamay noong may dalawang evil witch ang nagsimulang tumakbo patungo sa direksiyon namin. "But I guess we can use this to our advantage. Mamaya ko na sasabihin sa'yo ang lahat-lahat na nangyari sa akin. For now, let's focus on Merlin. We need to stop him," dagdag ko pa at bumaling sa kinatatayuan ni Merlin at ni Head Huntress Gerra.

Napahigpit ang hawak ko sa handle ng silver weapon ko noong mapansin ang mabilis na mga galaw ng dalawa. Abala sa kanya-kanyang laban ang mga hunters at ilang miyembro ng Coven sa paligid nila samantalang halos hindi na mahabol pa ng mga mata ko ang galaw ng dalawa! This is not good. Ngayon ay hindi ko na alam kung kaya kong makipagsabayan sa kanila!

"Zaila, hayaan mo na si Merlin sa head huntress natin. Tulungan na lamang natin ang ibang kasamahan nating nasa sentro ngayon," rinig kong sambit ni Elveena sa tabi ko. Marahan akong tumango sa kanya at tiningnan ang magulong paligid.

Hindi ko pa alam kung ano pa ang kaya kong gawin. Maliban sa malakas na pandama at ang mabilis na pagkilos ko, iyon pa lamang ang natutuklasan kong epekto ng naging eksperimento nila sa akin. Humugot ako ng isang malalim na hininga at nag-isip nang maaaring gawin para mas mapabilis ang pagbaba ng bilang ng mga miyembro ng Coven sa sentro ng academy. Come on, Zaila! Think! Damn it!

"Zaila, come on. Kumilos ka na riyan!" sigaw ni Elveena at nagsimula nang lumabang muli.

Nanatili naman ako sa puwesto ko at hindi gumalaw. Inangat ko ang hawak-hawak na espada at matamang tiningnan ito.

Isa lang ang silver weapon na mayroon ako. Kahit na gamitin kong muli ang pana ko, hindi ito sapat para mapatumba lahat ng miyembro ng Coven na narito ngayon. But... not unless... hindi lang ito ang gagamitin ko.

Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan ang mga hunter and huntress na may hawak na silver weapon ngayon. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at agad na isinagawa ang naisip na plano! Ikinumpas ko ang magkabilang kamay at pinalibutan ng wind energy ang buong katawan hanggang sa lumutang ako sa ere. Ganoon ang ginawa ko kay Elveena at sa ibang pang kasama namin na siyang agad na ikinagulat nila.

"Zaila? What the hell are you doing?" tanong ng isang hunter sa akin habang litong napatingin sa wind energy sa katawan niya. "Let me go! We need to stay on the ground and fight those evil witches!"

"Mas mapapabilis ang lahat kung nasa ere tayo!" sigaw ko at mabilis na binago ang itsura ng silver weapon ko. Muli kong binalik ito sa pagiging pana. "Shift your silver weapons now!"

"What?" tanong ng ilan pero ginawa rin naman ang sinabi ko. From a sword, they shifted all their silver weapons into bow and arrow. Inihanda nila ang mga ito at hindi muna pinakawalan ang pana mula sa mga kamay nila. Namataan ko ang pagtungo nila sa akin kaya naman ay tumingin na ako sa ibaba.

May isa akong namataan na evil witch at kung hindi ako nagkakamali ay isang high-level witch ito. She can dispel my wind magic in an instant kaya naman siya ang unang tinarget ko. "Fire your arrows now! Ako ang bahalang kumotrol dito para tumama ang mga ito sa tamang target!" sigaw kong muli at nauna nang magpaulan ng pana.

Sunod-sunod na magpapaulan ng mga pana ang ginawa namin. Sa bawat panang bumubulusog pa ibaba, sinisigurado kong tatama ito sa mga miyembro ng Coven. Panay ang kumpas din ang kanang kamay ko para makontrol nang maaayos ang mga silver weapon namin at noong bigla akong makaramdaman ng kakaibang pressure sa likuran ko, agad kong dinispel ang wind energy sa katawan at mabilis na bumalik ako sa lupang kinatatayuan ko kanina.

Damn it! That was close!

Ganoon din ang ginawa ko sa mga kasamahan ko at unti-unting ibinaba sila mula sa pagkakalutang ere. Napangisi na lamang ako noong makita ang galit ng evil witch na muntik nang umatake sa akin kanina. She's using her wind magic and just like what I did earlier, she's using her wind energy para lumutang ito sa ere.

"That was cool, Zaila!" ani ng isang huntress at nilapitan ko. Nginitian ko na lamang at muling tiningnan ang evil witch na nakalutang kanina ere.

She's gone! Damn!

"Hindi pa tapos ang laban! Marami pa ring mga miyembro ng Coven ang nakatayo sa teritoryo natin!" rinig kong sigaw ni Elveena at nagpatuloy na ito sa pakikipaglaban. Kumilos na rin ang huntress na nasa tabi ko at muling binago ang silver weapon nito at ginawang espadang muli.

Humugot ako ng isang malalim na hininga at nanatiling nakatayo sa puwesto ko. Inilibot ko ang paningin sa sentro ng academy at noong makaramdaman ako ng kakaibang enerhiya sa kanang kamay ko, napakunot ang noo ko.

Ano na naman kaya itong nararamdaman ko? This overflowing magic is creeping me out now!

Ipinilig ko ang ulo pa kanan at noong may umatake sa gawing kaliwa ko, hindi ko ito binigyan pansin at ikinumpas lamang ang kaliwang kamay. Alam kong tumilapon ang evil witch na iyon kaya naman ay hindi na ako nag-abala pang balingan ito. Muli akong humugot ng isang malalim na hininga at dahan-dahan lumuhod sa lupang kinatatayuan.

I don't know what I'm doing right now. I'm just following my instinct. With this overflowing energy within my body, alam kong may kung ano pa akong magagawa para matigil na ang gulong mayroon ngayon sa Deepwoods Academy!

Slowly, inilapat ko ang kamay sa lupa. Hindi ko inalis ang paningin sa kamay ko at noong biglang nagliwanag ito, napakurap ako. Mayamaya lang ay napangiti ako noong mapagtanto kung ano itong nangyayari sa akin. "It's earth magic," mahinang wika ko at tiningnan muli ang magulong paligid. "Kung ano man ang ginawa niyo sa akin Merlin, tiyak kong pagsisisihan niyong isama ako sa eksperimento ninyo," muling wika ko at mabilis na sinuntok ang lupang nasa harapan.

Isang malakas na pagyanig ang naramdaman namin sa buong Deepwoods Academy. Halos natigil ang lahat sa pagkilos at pilit na ibinalanse ang mga sarili upang hindi matumba dahil sa matinding pagyanig ng paligid. Muli kong sinuntok ang lupang nasa harapan at sinundan iyon nang pagtarak ng silver weapon ko sa parehong lupa. "Go and catch those evil witches," bulong ko at mabilis na nagliwanag ang silver weapon.

This is so good to be true! With this power I've gained from their experiments, I can really use different elemental magics! Maging ang silver weapon ko ay mas naging makapangyarihan ngayon! Maybe because Asher Asteria recreated my weapon before, and with my current ability, mas pinalakas nito ang kakayahan kong gamitin ang sandatang ito!

Nagpatuloy sa pagyanig ang buong Deepwoods Academy at ilang minuto lang din ang lumipas, sunod-sunod na sigaw mula sa mga miyembro ng Coven ang namayani sa buong sentro ng academy. Mayamaya lang ay umayos ako nang pagkakatayo at tiningnan ang nangyayari sa kanila.

They can't move! Hindi makagalaw sa puwesto nila ang mga evil witch! Maging si Merlin ang biglang natulos sa kinatatayuan niya!

"This is an advance magic spell!" mariing bulalas ni Merlin habang unti-unting bumabagsak sa lupang kinatatayuan ang mga kasamahan nito. "Who casted this one?" galit na tanong niya at mabilis na inilibot ang paningin sa sentro ng academy.

Hindi ako kumibo sa puwesto ko at hinintay na lamang na dumapo sa akin ang paningin niya. At noong magtagpo na ang mga mata namin, mabilis na umarko ang isang kilay ko. Galit namang tumitig sa akin si Merlin.

"You escaped," anito noong mapagtanto siguro kung sino ako. "Overflowing magic within your body... you have it now! And... and you can use your abilities with an ease! It was a successful experiment! You are our successful subject!"

Ipinilig ko ang ulo pakanan at mariing ikinuyom ang mga kamao. "Yes," malamig na turan ko at dahan-dahang inihakbang ang mga paa papalapit sa kanya. Mabilis namang bumaling sa akin si Head Huntress Gerra at takang tiningnan lang ako. Hindi ko na lang muna ito binigyan ng pansin at itinuon kay Merlin ang buong atensiyon. "I escaped from your hellish headquarters, but your experiments failed. You can never turn me to be something that I'm not, Merlin. I'm a huntress. I'll live and die in this world as a huntress, and no one can change that!"

Malakas na tumawa si Merlin sa harapan ko kaya naman ay mabilis kong inilapat sa leeg niya ang kanang kamay ko. Ramdam ko pa rin ang kakaibang enerhiya sa kamay ko ngunit sa pagkakataong ito, ibang elemental magic naman ang ginamit ko. Segundo lang ang lumipas ay napansin ko na ang pamumula sa leeg ni Merlin. Fire magic. Kapangyarihang katulad ng kay Raine.

"You can't kill me," ani Merlin habang masamang nakatingin sa akin. "Kahit na nananalaytay na sa katawan mo ang dugo ko, hindi mo pa rin mapapantayan ang kung anong kaya kong gawin." Hindi ako nagsalita at hinigpitan lamang ang pagkakahawak sa leeg ni Merlin. Mayamaya lang ay namataan ko ang pagngiwi nito at mariing ipinikit ang mga mata. "You can't kill me," ulit na wika niya habang mas tumitindi ang init na nararamdaman nito mula sa kamay kong nasa leeg niya.

"Zaila," rinig kong tawag ni Head Huntress Gerra sa akin. "Do what you need to do."

Napalunok ako at masamang tiningnan ang nahihirapang si Merlin. "Alam ko kung bakit mo sinasabi sa akin na hindi kita kayang patayin," mariing sambit ko na siyang nagpamulat kay Merlin. "Cause it's not the real you. Hindi ikaw ang tunay na Merlin."

"What?" gulong tanong nito at sinubukang gumalaw. Nagtaas ako ng isang kilay noong hindi man lang ito makawala mula sa earth magic spell ko kanina.

"See? You're not the real Merlin. Dahil kung ikaw nga ang totoong Merlin, hinding-hindi ako makakalapit sa'yo ngayon."

"Nonsense! I am Merlin!" sigaw nito sa akin at sinubukang gumalaw muli. And just like what happened to him earlier, he failed.

"I will find you, Merlin. The real you. Just wait for me. Kahit saang parte ka pa ng Utopia magtago, hahanapin kita. I will find you and we're definitely have some fun fighting against each other, evil witch," matamang sambit ko at mabilis na itinarak ang kaliwang kamay sa dibdib nito.

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Merlin sa harapan ko at noong hinawakan ko ang puso nito sa loob ng dibdib niya, unti-unting humina ang kapangyarihan nito.

"Damn you... Amethyst."

Napailing na lamang ako sa narinig mula sa kanya at mabilis na inalis ang kamay sa loob ng dibdib niya. Binitawan ko na ang katawan nito at kasabay nang pagbasak ng katawan niya sa lupa, lumapat na rin doon ang puso nitong inalis ko sa katawan niya.

It was a clone. A fucking clone of him!

Paanong hindi ko ito napansin kanina? Paanong hindi ko napansin na hindi pala ito ang tunay na Merlin? Damn it!

Napailing na lamang ako at wala sa sariling napatingin sa gawing kanan ko noong makaramdaman ng kakaibang presensiya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at napailing na lamang. "Merlin," mahinang sambit ko at sa isang pagkurap ko lamang, mabilis na nawala ang presensiyang naramdaman ko kani-kanina lang.

It was him. The real him. I'm a hundred percent sure about that!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top