Untold Twelve: The Uninvited Guests
"Zai, nakikinig ka ba?" Napakurap ako noong marinig ang boses ni Theo. Mabilis akong napabaling sa kanya at namataan ang pagkunot ng noo nito habang nakatingin sa akin. "Narinig mo ba ang mga sinabi ko?"
Umiling ako sa kanya at humugot ng isang malalim na hininga. Umayos ako nang pagkakaupo at tumingala na lamang.
Nasa iisang silid kaming apat ngayon. Kakatapos lang nang pag-uusap namin sa hari ng Utopia at sa mga anak nito. At kagaya nang napagkasunduan namin kanina, mananatili kaming apat sa Royal Capital ng Utopia para pag-aralan ang lahat tungkol sa iba't-ibang klase ng mahika at sa mga bagong silver weapon na gawa mismo ni Asher Asteria.
"Kanina ka pa tahimik, Zai. May problema ba?" tanong naman ni Raven at lumipat ng puwesto. Naupo ito sa tabi ko kaya naman ay napabaling ako sa kanya. "Just tell us, Zai. Alam kong may kung anong bumabagabag sa'yo ngayon."
I sighed again. Tahimik kong tiningnan ang mga kaibigan ako at tipid na inilingan ang mga ito. "I'm just being paranoid... maybe."
Hindi nagsalita ang tatlo at matamang nakatingin lamang sa akin. Napangiwi ako at napasandal na lamang sa backrest ng sofa na kinauupuan ko.
"Fine, I'll tell you what's bothering me," sambit ko at napairap na lamang sa kawalan. Wala akong balak na sabihin sa kanila ang tungkol dito. Hindi rin kasi ako sigurado sa mga negatibong nararamdaman sa misyong ito. I don't have freaking evidence for my claims! But... I can't just ignore this. Damn! Bahala na nga! "Something's off with this mission." I finally said to them. "Malakas ang kutob ko na may kung anong hindi sinasabi sa atin ang royal family ng Utopia."
"So, naramdaman mo rin pala iyon," ani Raine na siyang ikinabaling ko sa kanya.
"Wait... you're doubting the king and this secret mission of ours? Kayong dalawa?" tanong ni Raven sa amin na siyang halos sabay na ikinatango namin ni Raine. Napangiwi si Raven habang nakatingin sa amin at marahang bumaling sa tahimik na rin na si Theo. "How about you, dude? Ganoon din ba ang naramdaman mo kanina?"
"I'm here for the mission. Wala akong ibang nais mangyari kung hindi ang matapos natin ito nang matiwasay," ani Theo at tumayo mula sa pagkakaupo nito. "Ignore your negative thoughts for now and focus, Zaila, Raine. Tsaka na natin pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito."
"We can't just ignore this, Theo. Pareho kaming may hindi magandang kutob sa misyong ito," mariing sambit ni Raine at inirapan si Theo. "A secret mission? Really. Sino ang maniniwala sa kanila? At talagang apat na hunter at huntress lang ang pinatawag nila para sa misyong ito at sa main base mismo ng kalaban tayo pupunta! This is a suicide mission, Theo! This is wrong!"
"But this is for Deepwoods!" Theo said with a serious tone. "And we're doing this for Utopia, too. Hindi niyo ba naintindihan ang mga imaheng ipinakita nila sa atin kanina? The enemies are attacking the people of Utopia. Iniisa-isa na nila ang mga houses na mayroon ang mundong ito. Sooner, hindi lang ang Royal Capital ang aatakihin nila. Deepwoods is not an exemption. Kahit na kaya nating makipaglaban sa kanila, still, kung hindi natin masisira ngayon ang mismong main base nila kung saan naroon ang lider ng Cover, masasayang lang ang lahat nang pinaghirapan natin sa loob ng sampung taon." Hindi ako nakapagsalita at tahimik na pinakinggan na lamang si Theo. "This is our only chance. Kung hindi natin matatapos ngayon ang misyong ito, natitiyak kong mas malala pa ang susunod na mangyayari sa buong Utopia."
Theo is right. Mas mabuting matapos ng mas maaga ang misyong ito para hindi na masundan pa ang mga trahedyang nangyari sa mga nasasakupan ng Royal Capital. Mukhang ito rin ang nasa isip ng hari at ng ibang miyembro ng royal family ngunit hindi talaga mawawala sa amin ni Raine ang negatibong nararamdaman sa mga susunod na mangyayari sa amin sa misyong ito. Just like what she said earlier, this is a suicide mission. Walang kasiguraduhan sa kung anong sunod na mangyayari sa amin at sa miyembro ng royal family na magiging kasama namin sa misyong ito.
Napabuntonghininga na lamang ako at wala sa sariling napatingin sa puwesto ni Raine. Masama itong nakatingin kay Theo at hindi na rin nagkomento pa sa tinuran nito. Mayamaya lang ay tahimik itong tumayo sa kinauupuan at nagpaalam na sa amin. Magpapahinga na raw ito at mabilis na lumabas sa silid. Mabilis naman napahugot ng isang malalim na hininga si Theo at agad na sinundan ang lumabas na si Raine.
"Mukhang mag-aaway ang dalawang iyon," ani Raven habang nakatingin sa nakasarang pinto ng silid na kinaroonan namin. "Ito ang unang beses na hindi sumang-ayon si Theo kay Raine. Paniguradong masama ang loob nito kay Theo."
"Mali ba kami ni Raine, Raven?" mahinang tanong ko sa kaibigan. "This is the first time too that we both agreed on something. Alam kong palagi kaming nagbabangayan ni Raine, but when we felt something like this, dapat ay hindi natin ito ipagsawalang bahala na lamang."
"I know that Zai, but with our current situation, we can't do anything. Wala tayong ibang alam tungkol sa kalaban natin maliban sa ibinigay na impormasyon ng royal family."
"Exactly my point," mabilis na saad ko at binalingan si Raven. "They're feeding us information they only wanted us to know and that's not enough for me, and obviously, not good enough too for Raine."
"So, your plan is?" tila nag-aalangang tanong nito sa akin na siyang ikinabuntonghininga ko na lamang muli. "We need to follow them, Zaila. They're the royal family of Utopia. We can't just disobey them and abandon our mission."
"We're not going to abandon this mission, Raven. Hindi natin kailanman gagawin ang bagay na iyon. But right now, we... we just need enough information about our enemy before declaring war against them. Dahil kung may mali sa gagawin natin ngayon, kinabukasan ng buong Utopia ang masisira. Hindi lang tayo, hindi lang ang Deepwoods Academy ang ipapahamak natin kung may kahit isang mali tayong magagawa sa misyong ito."
Hindi ako nakatulog nang maayos kinagabihan. Dilat lang ang mga mata ko habang nakatitig sa madilim na kisame ng silid na kinaroroonan ko. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang tungkol sa pinag-usapan namin ng mga kaibigan ko at ng hari ng Utopia. I need to do something here. Alam kong kayang pigilan ni Theo si Raine sa kung anong maaaring gawin nito habang nasa Royal Capital kami at kung mangyari man iyon, ako na lamang mag-isa ang gagawa nang paraan para malaman ang kung anong hindi sinasabi sa amin ng royal family. Theo can't stop me, lalo na si Raven. Wala silang magagawa kung mapagdesisyunan kong kumilos mag-isa. This is for our mission. Yes. For our mission.
Kinabukasan, tila lumulutang ako sa ere habang naglalakad sa mahabang pasilyo patungo sa training room. Paniguradong naroon na ang tatlo at dahil nga hindi ako nakatulog nang maayos kagabi, halos hilain na ako ng higaan ko kanina pabalik sa pagtulog noong sinubukan kong bumangon. Gustuhin ko mang magpahinga ngayong araw ay hindi ko iyon ginawa. Marami akong dapat na gawin ngayon. Maliban sa pag-eensayo kasama ang mga kaibigan, kailangan ko ring makausap ang isa sa anak ng hari ng Utopia.
Asher Asteria. I need to talk to him about our mission.
Dere-deretso lang ang lakad ko at noong paliko na sana ako sa dulo ng pasilyo, mabilis akong natigil sa paglalakad. Agad kong kinuha ang silver weapon ko na nakasiksik sa may bewang ko at mabilis na inihanda ang sarili. Sa lakas ng presensiyang nararamdaman ko ay natitiyak kong mararamdaman din ito ng mga kaibigan ko sa loob ng training room!
Mayamaya lang ay napamura ako sa isipan noong mas lalong lumakas ang presensiyang nararamdaman ngayon. Agad akong napatingin sa pasilyong dinaanan kanina at noong makaramdaman muli ako ng panibago at kakaibang enerhiya sa paligid, agad akong tumakbo at tinahak ang daan palabas sa gusaling kinaroonan.
Evil witches inside the royal palace premises? Seryoso ba ito?
Mas binilisan ko ang pagtakbo at noong makita ko na ang main door ng gusaling kinaroroonan, agad kong binuksan iyon. Segundo lang din ang lumipas ay napako ako sa kinatatayuan at wala sa sariling napatingin sa gawing unahan ko kung saan may iilang kawal ng palasyo ang naroon. May pinapalibutan sila at kung hindi ako nagkakamali, ito ang evil witch na naramdaman ko kanina!
Pero... bakit mag-isa lang itong pinabalibutan ng mga kawal ng palasyo? Dalawang magkaibang presensiya ang naramdaman ko kanina!
Agad kong ikinilos ang mga paa at naglakad palayo sa gusali pinanggalingan. Mas lalo kong pinatalas ang pakiramdaman at hinanap ang isa pang evil witch na narito ngayon sa palasyo. Mayamaya lang ay narinig kong nagsalita iyong evil witch na pinalilibutan ng mga kawal. Napabaling ako sa puwesto nito at matamang tiningnan ang ginagawa nito.
"Let me speak to His Highness. Nandito ako ngayon para ayusin ang hindi pagkakaunawaan ng royal family at ng Coven!" anito na siyang ikinatigil ko. "Wala kaming ginagawang mali na siyang ikasisira ng naunang kasunduan sa pagitan natin!"
Kasunduan? May kasunduan ang hari at ang Coven?
Bakit wala kaming alam tungkol sa bagay na ito? Alam ba nila Elveena at Head Huntress Gerra ang tungkol sa kasunduang tinutukoy ng evil witch na ito?
"Umalis ka na sa palasyo!" mariing sambit ng isang kawal at mas hinigpitan ang pagbabantay sa evil witch. "Umalis ka-"
Hindi na natapos ng kawal ang dapat na sasabihin noong bigla itong natumba sa kinatatayuan niya. Nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan at muling binalingan ang evil witch sa gitna ng kumpol ng mga kawal. She's a high-level witch! Nagawa niyang patumbahin ang kawal na iyon kahit na walang ginagawa na kahit ano! Ni hindi ko nga ito nakitang kumilos sa kinatatayuan niya! Damn! She's a trouble!
"Huwag niyong hintaying maubos kayong lahat dito. Papasukin niyo na ako sa palasyo ng hari," mapanganib na wika nito na siyang bahagyang ikinaatras ng iilang kawal na nakapalibot dito. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko at matamang nakatingin lang sa kanila.
What should I do now? Should I interfere and save these royal knights? Damn it!
"Don't make a single move, huntress." Napakurap ako at napako sa kinatatayuan ko noong may nagsalita sa likuran ko. Segundo lang din ang lumipas ay isang malamig at matulis na bagay ang naramdaman ko sa may leeg ko. "So, tama nga ang sinabi sa amin ng intel namin. May huntress nga sa lugar na ito."
Napaawang ang labi ko sa narinig. What? They have an intel inside the palace? Damn it!
"We just want to talk to His Highness, ngunit mukhang hindi ito lalabas sa chamber niya kahit na maubos namin ang mga walang kuwentang kawal niya," anito sa likuran ko at mahinang tumawa. "Kahit na siguro patayin kita ngayon dito ay hindi ito matitinag. He's really a coward and cruel at the same time."
"Anong pakay niyo sa hari ng Utopia?" malamig na tanong ko sa kanya. Mukhang hindi nito nagustuhan ang pagsasalita ko kaya naman ay mas nilapat nito ang patalim sa leeg ko. Napalunok ako at mariing hinawakan ang handle ng silver weapon ko. Hindi pa yata nito nakikitang hawak-hawak ko na ang sandata ko kaya naman tiyak kong hindi masyadong mahigpit ang pagbabantay nito sa akin ngayon. "Answer me, evil witch. Tell me what you know before I finish you off."
Muling tumawa ang evil witch sa likuran ko at mayamaya lang ay naramdaman ko ang paglapit ng katawan nito sa akin. Halos maramdaman ko na ang tenga ko sa hininga nito at noong magsasalita na sana itong muli, isang malakas na pagsabog ang nagpatigil sa aming dalawa. Napatingin ako sa mga kawal ng palasyo at sa isa pang evil witch ngunit hindi ko sila maaninag nang maayos. Napuno ng itim na usok ang puwesto nila at noong akmang kikilos na sana ako, agad akong pinigilan nitong evil witch sa likuran ko.
Napairap na lamang ako at kumilos na. Mabilis kong inalis sa leeg ang patalim nito at agad na inangat ang kamay na may hawak na silver weapon. I immediately shifted my dagger and turned it into a sword. I swayed my hand and slashed my sword towards her. Agad namang umatras ang evil witch palayo sa akin at masamang tiningnan ako.
"Maling-mali na ako ang unang nilapitan mo sa lugar na ito," matamang sambit ko at itinutok ang espadang hawak-hawak. "I'm going to ask you again, evil witch. Ano ang pakay niyo sa hari ng Utopia."
"You're just a huntress, wala kang pakialam sa kung anong pakay namin sa hari," anito at umatras muli ng isang beses palayo sa akin. What? She's afraid I might hurt her using my silver weapon. Really? Nasaan na ang tapang nito kanina noong itinutok sa leeg ko ang sandata niya? "This is between witches, huntress. Ang mga kagaya mo ay hindi na dapat nakikisali sa gulo namin!"
"Nakalimutan mo na bang may karapatan kaming mga taga-Deepwoods na makisali sa kahit anong gulong kinabibilangan niyo?" tanong ko at ipinilig ang ulo pakanan. Sa itsura ng evil witch na ito, natitiyak kong mas mababa ang ranggo niya kumpara sa kasama. Now, I need to finish her and helped those royal knights. They can't fight against that evil witch. Mapapahamak lang silang lahat kung ipagpipilitan nilang kalabanin ito.
"I should finish you now so I can deal with the other uninvited guests of the royal palace. Sorry, evil witch. This is not your day today. At ako pa talaga ang nakaharap mo. This is the end of you," mariing turan ko at inihanda na ang sarili. Mabilis kong iginalaw ang kamay na may hawak na silver weapon at muling ikinumpas iyon patungo sa kanya.
Mayamaya lang ay napangisi na lamang ako noong makita may enerhiyang nabuo sa atakeng ginawa ko. It worked! The combination attack I created using my silver weapon and my wind magic worked! Muli akong napangisi at hindi inalis sa evil witch ang paningin ngunit bago pa man tumama sa kanya ang ginawang atake ko, mabilis akong napaatras at tumalon palayo sa kinatatayuan ko noong makita walang kahirap-hirap na sinangga noong isang evil witch ang enerhiyang ginawa ko. Damn it! She's really a high-level witch!
Hindi ko inalis ang paningin sa kanya at sa enerhiyang ginawa ko kanina. Nanatili kasi ito sa harapan niya at noong mapagtanto ko kung ano ang susunod na gagawin nito, agad akong napamurang muli sa isipan. At noong ikinumpas na nito ang kamay na ginamit sa pagsangga sa atake ko, napangiwi na lamang ako.
Gusto kong gumalaw ngunit ayaw sumunod ng katawan ko! What the hell? Bakit hindi ako makagalaw? Napatingin ako sa katawan ko, pabalik sa dalawang evil witch na sumugod dito sa palasyo. Something is wrong with me! Hindi ko talaga maigalaw ang katawan ko! Damn!
Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko at bago pa man ako tuluyang matamaan ng sariling enerhiyang ginawa kanina, isang kakaibang barrier ang pumalibot sa akin. Napakurap na lamang ako at manghang tiningnan ang barrier na nakapalibot sa akin ngayon.
Fire and water barrier.
Really? They can pull this kind of trick now? Mukhang nagbunga na ang pagsasanay ng mga kaibigan ko.
"I'm pretty sure that you can make your own barrier, Zaila," rinig kong sambit ni Raine at unti-unting nawala ang fire barrier nito. Segundo lang din ay nawala na rin ang water barrier na tiyak kong isa kila Raven at Theo ang may gawa. Napailing na lamang ako at tiningnan ang mga kaibigan. Nasa may pintuan na ito ng gusaling pinanggalingan ko at masamang nakatingin sa dalawang evil witch na nakatayo 'di kalayuan sa puwesto ko. "Hindi man lang tayo sinabihan ng hari at ng mga anak nito na may mga uninvited guest pala sila ngayon sa palasyo. Don't tell me kasama ito sa sinasabi nilang training para sa atin?" tila iritadong wika pa ni Raine at hinawi ang buhok sa may balikat nito.
"Are you okay, Zai?" tanong naman ni Raven sa akin na siyang ikinatango ko na lamang. Hindi ko pa rin maigalaw ang katawan ko, but I think I'm good now. They're here.
"Come on you two, let's finish this. Maraming mga kawal ang sugatan kaya naman ay tayo na lamang ang humarap sa dalawang evil witch na ito," seryoso saad ni Theo at inilabas na ang silver weapon nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top