Untold Three: The Hunter's Squad

"Next!" seryosong saad ni Aradia habang nakatayo sa harapan ng mga bagong estudyante ng Deeplwoods.

Tahimik ko lang pinagmamasdan ang mga bagong estudyante habang nagpapakilala ang mga ito isa-isa sa amin. Ipinilig ko ang ulo pakanan at matamang pinapakinggan ang mga sinasabi nila.

"Uhm," simula nang babaeng nasa harapan namin. Napakunot ang noo ko. This girl. She's not an ordinary half-witch. I can feel it. Unang tingin ko pa lang sa tindig nito, alam ko ng hindi ito kagaya ng ibang bagong estudyante ng Deepwoods. "Deanna. My name is Deanna. From house of the Witches. A half-witch," tila naiilang na sambit nito at biglang iniyuko ang ulo. Hindi ko inalis ang paningin sa kanya at marahang tumayo mula sa pagkakaupo.

"House of the Witches?" mahinang tanong ko at nilapitan ito sa puwesto niya. "From what family?" dagdag na tanong ko sa bagong estudyante.

Umayos nang pagkakatayo ang bagong estudyante at mabilis na nag-angat nang tingin sa akin. Ramdam ko ang  kaba nito ngunit nagpatuloy pa rin ito sa pagsasalita. "Verlex, Captain!" anito na siyang ikinataas ng kilay ko.

Verlex? I see. She's part of that family. One of the noble family from the House of the Witches. Ano ginagawa ng isang ito dito sa Deepwoods? Bakit ito pinayagan ng pamilya niya at hinayaang maging isang huntress? She's a noble. Hindi nila trabaho ito.

"Zai," mahinang tawag sa akin ni Aradia kaya naman ay napabaling ako sa gawi nito. Pinagtaasan ako nito ng kilay at pasimpleng itinuro ang ilan pang bagong estudyanteng magpapakilala. Tipid akong tumango sa kaibigan at muling tiningnan iyong si Deanna. Hindi ko na ito kinibo at bumalik na sa puwesto ko kanina. Muli akong naupo at pinagpatuloy na ni Aradia ang ginagawa nitong pagtawag sa mga bagong hunter at huntress ng Deepwoods.

Sampu ang bagong miyembro ng squad ko. Limang babae. Limang lalaki. Simula ngayon, ako ang magiging squad captain nila. Lahat ng kailangan nilang malaman tungkol sa pagiging isang hunter at huntress ay ituturo namin, ako at ang ilang senior member ng squad na ito.

"I'm not a strict squad captain," wika ko at tiningnan sila isa-isa. "Wala rin akong pakialam sa kung anong estado mo sa labas ng Deepwoods. Noble or not, you're here in Deepwoods to become one of the best hunter and huntress. Your trainings will be hard but I can assure you that it will be worth it. Pagkatapos ng taong ito, magiging isang ganap na hunter at huntress na kayo."

"Lahat ng estudyante rito sa Deepwoods ay may sariling quarters. We have rules and all of us, captain of the squad or not, must follow." Pagpapatuloy ni Aradia sa pag-o-orient nito sa mga bagong estudyante at ibinigay ang bracelet ng squad namin. "While staying here in Deepwoods, you need to wear that bracelet all the time. Siguraduhin niyong suot niyo ito habang nag-aaral kayo sa paaralang ito. Are we clear?"

Sabay-sabay na sumagot ang mga bagong estudyante kay Aradia at mabilis na isinuot ang kulay lila na bracelet.

"You're dismissed now. Tomorrow, we'll start exactly at five in the morning. Center of the Deepwoods. Bring your best weapon," sambit ko na siyang ikinakunot ng noo ng iilang estudyante sa harapan ko.

"Weapon?" takang tanong ng isa sa akin. Napatango ako sa kanya at umayos nang pagkakatayo sa harapan nila.

"We're going outside Deepwoods," wika ko at nginisihan ang mga ito. "Day one. Hunting."

"What?" halos sabay-sabay na tanong nila na siyang ikinailing ko na lamang.

"I may not be strict but I'm a mad captain. I always love hunting," nakangising sambit ko at tinapik ang balikat ni Aradia. Tinalikuran ko na ang mga ito at nagsimula nang maglakad palayo sa kanila. Si Aradia na ang bahala sa kanila. Bukas... bukas ko na sila pahihirapan.

"Welcome to Deepwoods, Witches!" rinig ko pang sambit ni Aradia na siyang ikinailing kong muli. Napangiti na lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

Tahimik kong tinahak ang daan pabalik sa opisina naming mga squad captain ngayong taon dito sa Deepwoods. May ilan akong nakakasalubong na bagong estudyante at natitiyak kong miyembro ito ng squad ni Theo. Napataas ang isang kilay ko noong makita ang pulang bracelet na suot nila.

Predators. Tahimik na basa ko sa nakasulat sa bracelet na suot nito.

Seriously? Talagang itinuloy nitong gamitin ang pangalan na iyon para sa squad niya?

Napailing na lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

Noong makarating ako sa quarters namin, namataan ko ang tahimik na si Raine at Raven. Abala ang dalawa sa mga hawak na libro at noong maramdaman nila ang presensiya ko, nag-angat ang mga ito nang tingin sa akin.

"Done with your opening ceremony?" tanong ni Raven at muling itinuon sa hawak na libro ang atensiyon.

"Yes," simpleng sagot ko at naglakad patungo sa mahabang sofa na kinauupuan nito. Naupo ako sa tabi niya at kinuha ang isa pang libro sa ibabaw ng mesa. "As always, Aradia do the talking. Nakinig lang ako sa kanila."

"You're the squad captain. Bakit mo naman ibinigay kay Aradia ang trabaho mo?" tanong ni Raine na siyang ikinataas ko ng isang kilay. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Raven sa tabi ko kaya naman ay mabilis kong hinampas sa kanya ang hawak na libro.

"Aray naman, Zai!" angal nito at umayos nang pagkakaupo. Inirapan ko ang katabi at tiningnan si Raine sa puwesto nito.

"Hindi ko ibinigay kay Aradia ang trabaho ko bilang isang squad captain. She volunteered to do that," malamig na turan ko at isinandal ang likod sa backrest ng sofa. "It was just a opening ceremony anyway."

"Kahit na," wika pang muli ni Raine na siyang ikinairap kong muli.

"Whatever you say," walang ganang sambit ko at binalingan si Raven. Naalala ko na naman ang pangalan ng squad niya! "Talagang itinuloy pala ni Theo ang squad name niya. Predators? Seriously?"

Tumawa si Raven sa tabi ko at naiiling na inilapag ang hawak-hawak na libro. Binalingan niya ako at pinagtaasan ng isang kilay. "How about your squad name? You sure you want to use your family's name? Amethyst?"

"Matagal nang nakalimutan ng mga taga-Utopia ang pangalang iyan. No one will notice if I use that one," walang emosyong tugon ko sa kanya.

"May iilang galing sa noble family tayo ngayon dito sa Deepwoods. I have four in my squad," ani Raine na siyang ikinabaling kong muli sa kanya. Nasa libro pa rin ang atensiyon nito at hindi man lang ako tinapunan nang tingin. "Will it be safe for you to use that?"

"I think so," walang emosiyong sambit kong muli rito at nag-iwas nang tingin sa kanya.

Nabalot nang katahimikan ang quarters namin. Nagpatuloy sa pagbabasa ang dalawa samantalang nakatingin lang ako sa kawalan.

I used our family's name as our squad name. Amethyst. A precious purple jewel. Something I treasure, just like my squad. Noong isang araw ko pa ito napagpasyahan. At ngayong tinanong muli nila ako tungkol dito, ganoon pa rin ang desisyon ko. I will use it. Ilang taon na rin ang lumipas simula noong mawala ang pamilya namin dito sa Utopia. No one will remember about it. No one will notice that name.

Ang katahimikang bumabalot sa kabuuan ng quarters namin ay nabasag noong bumukas ang pinto. Maingat akong bumaling doon at noong mamataang pumasok ng silid si Theo, napabuntonghininga ako. And here's our proud captain of his squad, the Predators!

"Ang gagaling ng bagong estudyante ngayon ng Deepwoods!" anito at mabilis na naupo sa katapat na sofa namin ni Raven. "May mga noble rin ba sa squad niyo?" tanong nito at umayos nang pagkakaupo. Tahimik akong tumango noong maalala ang isang noble sa squad ko.

Deanne Verlex. I remember that family name from the House of Witches.

"Ilang taon na tayo rito sa Deepwoods at ngayon taon ang may pinakamaraming nobles na nakapasok dito. Ganoon na lamang ba karami ang gustong maging hunter at huntress ngayon?" takang tanong ni Theo na siyang ikinatigil ko naman.

Well, he's right. Sampung taon na ako rito at ngayong taon lang nagkaroon ng isang noble sa squad na kinabibilangan ko. Kahit noong si Elveena pa ang squad captain namin, wala kaming nakatrabahong mga noble. Ayaw ng mga noble ang ganitong trabaho kaya nakapagtataka ring maraming galing sa mga mararangyang pamilya ang pumasok sa academy ng Deepwoods ngayong taon!

"Ang ibig sabihin lang nito ay tumataas na rin ang bilang ng mga half-witches dito sa Utopia," tila walang ganang sambit ni Raine na siyang ikinabaling kong muli sa kanya. Namataan ko ang paglapag ng librong hawak nito sa mesa at tiningnan kami sa puwesto namin. "Mas marami na ang pinapanganak at nabubuhay sa Utopia na katulad natin. Half-witches. Alarming, right? Sa mga nangyayari rin ngayon sa royal capital, hindi na ako magtataka kung may isang royal witch ang mapadpad dito para maging isang hunter at huntress na rin."

Natigilan kami sa sinabi ni Raine. She got a point on that. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tahimik na nakinig na lamang sa kanya.

"A noble joining a hunter squad is one thing but, having a high numbers of them here in Deepwoods means something." Pagpapatuloy pa ni Raine sa mga sinasabi nito.

"Something? Like what?" tanong naman ni Raven at umayos na rin nang pagkakaupo. Mukhang nakuha ni Raine ang buong atensiyon nito.

"I don't know. Maybe Coven, the troublemaker of Utopia, is making a move and targeting the heirs of the noble family," turan nito na siyang ikinakunot ng noo ko. "At kagaya nga nang sinabi ko, hindi na ako magtataka kung magkakaroon ng royal witch dito sa Deepwoods. They need to take risks, and to save their asses, they need to do something."

"Kaya nasa Deepwoods sila?" It was Theo who asked Raine. Tahimik lang akong nakikinig sa palitan ng mga salita nila.

"The safest place for them is here. In Deepwoods, the house where the best witch hunters and huntresses live. Wala ng iba pa. Ligtas ang lugar na ito sa Coven. Malamang dito nila dadalhin ang mga tagapagmana ng mga pamilya nila," mariing sambit muli ni Raine at umirap sa kawalan.

Mukhang pinag-isipang mabuti ito ni Raine. Lahat kasi ng mga tinuturan nito ngayon ay tama. Posible lahat nang sinabi nito! Pero... parang may mali. Bakit dito pa sa Deepwoods? This is the house of hunter and huntress of Utopia. Hindi kakayanin ng nobles at royals ang pamumuhay sa lugar na ito!

"Deepwoods is not some sort of a shelter," mahinang turan ko at ikinuyom ang mga kamao. "This is a place where we train ourselves to become hunters and huntresses," dagdag ko pa at napabuntonghininga na lamang. "Sooner or later, they will hunt those evil witches. Maling lugar ang pinuntahan nila kung iyon nga ang dahilan nila sa pagpunta rito sa Deepwoods."

Nagkibit-balikat na lamang si Raine sa akin at hindi na nagsalita pa. Muli akong napabuntonghininga at umayos nang pagkakaupo sa sofa. Mayamaya lang ay napabaling muli kami sa pinto ng quarters namin noong bumukas ito. Halos sabay-sabay kaming napatayo mula sa pagkakaupo noong mamataan namin si Elveena, ang dating squad captain namin at ngayon ay isa na sa high rank witch huntress ng Deepwoods.

"Tapos na ba ang opening ceremony ng kanya-kanyang squad niyo?" takang tanong ni Elveena sa amin noong makitang kompleto kaming apat sa loob ng quarters. "That was fast. Wala ba kayong pinagawa sa mga bagong miyembro niyo?"

"I let them rest for today," sambit ko sa kanya.

"And your squad, Raven?" tanong ni Elveena sa katabi ko.

"Pinagpahinga ko rin sila," simpleng sagot din nito. Napakunot naman ang noo ko sa tinuran nito. Wala sa sarili akong napatingin kay Raven at noong ganoon din ang sinabi ni Theo, napa-arko na ang isang kilay ko.

No way. Don't tell me pare-pareho ang gagawin ng mga squad namin bukas?

"Five in the morning. We're doing some hunting," sabay-sabay na sambit naming apat na siyang ikinangisi ni Elveena.

"I raised and trained you well," anito at lalong lumawak ang ngisi sa labi. "If that's the case, then, I'll suggest na pag-isahin niyo ang mga squad niyo para sa training niyo bukas. Theo, join Raine's squad. Go to southern part of Deepwoods. We received some reports from the head of the villages there. They saw evil-witches roaming around their village. Raven and Zaila, northen part of Deepwoods."

Napailing na lamang ako at hindi makapaniwalang napatingin sa mga kasama.

Sa loob ng sampung taong magkakasama, hindi talagang maiiwasang iisa lang ang takbo ng mga utak namin. And just like Elveena said earlier, she really did raised us well. The four of us, the top member of her squad before.

"Good luck everyone. Teach them how to become the best hunter and hunters of Deepwoods. Ituro niyo sa kanila ang lahat nang natutunan niyo mula sa akin."

"Yes, ma'am!" malakas na wika namin at sumaludo na sa harapan ni Elveena. Tumango ito sa amin at nagpaalam na. At noong kaming apat na lamang muli ang nasa loob ng quarters namin, tahimik naming tiningnan ang isa't-isa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top