Untold Thirty-two: The Purgatory Fire Magic
Panay ang mura ko sa isipan habang iniiwasan ang bawat atake ni Raine.
Gusto kong makalapit sa kanya ngunit hindi niya ako binibigyan nang pagkakataong gawin iyon. Sa bawat pagtatangka kong makalapit sa kanya, mabilis niya akong inaatake nang paulit-ulit. Wala akong ibang pagpipilian kung hindi sanggain iyon at iwasan para hindi na madagdagan pa ang injuries na natamo ko sa mga naunang atake nito.
"Raine!" sigaw kong muli sa pangalan niya at mabilis na ikinumpas ang espada. Panibagong mga fire ball ang inatake ni Raine sa akin kaya naman ay mabilis akong lumipad para maiwasan ito. Mas tinaasan ko pa ang paglipad at noong nasa tamang posisyon na ako, mabilis akong gumawa ng sariling fire ball.
Hindi kakayanin ng ibang elemental magic na alam ko ang matinding enerhiyang inilalabas ngayon ni Raine. Even the opposite magic of fire, walang epekto sa kanya. Nagsasayang lang ako ng lakas kung ipagpapatuloy ko ang ginagawang atake kanina. I need to do something to stop her. I'll use fire against her own fire!
Mabilis kong hinagis sa kanya ang mga ginawang fire ball. Hindi ko ito tinigilan hanggang sa makita ko itong napaatras mula sa kinatatayuan niya. Nasa may bubong pa rin ito kaya naman noong nawalan ito nang balanse dahil sa mga atakeng ginawa ko, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Gumawa ako ng mas malaking fire ball at mabilis na inihagis itong muli sa kanya. Gamit ang wind magic ko, muli akong lumipad. Sa pagkakataong ito, lumipad ako papalapit sa kanya. At noong natamaan ito no'ng huling fire ball na inatake ko sa kanya, mabilis itong nahulog mula sa bubong na kinatatayuan nito.
"Steel magic," mahinang wika ko at tuluyan nang nakalapit sa kanya. Pagkalapat ng katawan nito sa lupa, agad kung hinawakan ang magkabilang braso nito at puwesto sa ibabaw nito. Pinirmi ko siya at hindi binigyan nang pagkakataong makawala sa akin. "Restraining magic," muling sambit ko habang matamang nakatingin sa mga mata nito. "We'll stop for now, Raine. I'm not your enemy. Hindi dapat tayo ang naglalaban ngayon."
"Let me go!" sigaw niya at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ko.
"I will not let you go, Raine. Not this time," matamang sambit ko at noong matapos ko na ang spell na ginagawa kani-kanina lang, napirmi si Raine sa kinahihigaan niya at ngayon ay hindi na makagamit ng kahit anong klaseng mahika. "I will save you. Kahit anong mangyari, ibabalik kita sa Deepwoods! Naririnig mo ba ako, Raine? You're not a part of the Coven! You're a huntress! Wake up already and use your magic to fight against our real enemy! Raine!" sigaw ko at inilapat sa may dibdib niya ang dulo ng silver weapon ko. "I'm sorry but it will hurt... a lot, Raine. Paniguradong aawayin mo na naman ako kapag malaman mo ito, but hell, gagawin ko ang lahat para bumalik ka lang sa dating ikaw!"
Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Raine noong unti-unti kong ibinabaon ang dulo ng silver weapon ko sa dibdib niya. Mariin kong hinawakan ang handle ng sandata ko at kinagat ang pang-ibabang labi.
I'm so sorry, Raine.
Bago ko pa matapos ang ginagawa sa kaibigan, isang malakas na atake ang naramdaman ko sa may likuran ko kaya naman ay agad akong kumilos. Inalis ko ang pagkakatarak ng sandata ko sa dibdib ni Raine at mabilis na lumipad. Tumigil si Raine sa pagsigaw at ngayon ay mukhang nawalan na ito nang malay. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at tiningnan iyong umatake sa akin kanina.
"You can't save her using your silver weapon, huntress," sambit ng evil witch na umatake sa akin.
Hindi ako nakakilos sa puwesto ko. Nanatili akong nakalutang habang matamang nakatingin sa bagong dating.
Who the hell is this man? Bakit... bakit ganito ang aura niya? Sa lakas ng kapangyarihang nararamdaman ko, natitiyak kong mas malakas ito sa Head Huntress namin o kay Reagan na isang royal witch!
His power... it's fucking overwhelming!
"She's an evil witch now. Nasa dugo na niya ang kapangyarihan ni Merlin. Hindi ito basta-bastang matatanggal ng silver weapon mo," muling wika nito na siyang ikinakuyom ko ng mga kamao. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa espada ko at mas lalong itinuon sa lalaki ang buong atensiyon. "I'm surprised that you can still control your own body, huntress. Ikaw ba iyong tinutukoy ni Merlin na successful subject ng laboratory sa headquarters namin? Ikaw ba iyon?" He chuckled and seconds passed; mas dumoble ang pressure na nararamdaman ko mula sa kanya.
"Who are you?" maingat na tanong ko at inihanda ang sarili sa maaaring gawin nito. Namataan ko ang pagngisi nito habang nakatingin sa akin. Nanatili naman akong nakalutang at noong makaramdaman ako ng isang matinding enerhiyang tila humihila sa akin pababa, nanlaki ang mga mata. Damn it! What the hell? Anong klaseng kapangyarihan itong ginagamit niya ngayon? Is it gravity manipulation magic? Seriously?
Wala na akong nagawa noong tuluyan nang nahila ang katawan ko pababa. Mabilis kong binalanse ang katawan at sabay na itinapak ang mga paa sa lupa. Wala sa sarili akong napalunok at sinalubong ang mapanuring titig ng lalaki sa akin. "Hindi mo ako natatandaan?" He asked me with a smirk on his face. Bahagya kong ipinilig ang ulo pakanan at pilit na inaalala kung nakaharap ko na ba ang lalaking ito noon.
Mayamaya lang ay napahugot ako ng isang malalim na hininga at inangat ang kamay na may hawak na espada. Itinutok ko sa banda nito ang talim ng sandata at masamang tiningan ito. "I don't know you," mariing sambit ko sa kanya.
I heard him chuckled again. "Kung sabagay, bata ka pa noong nangyari iyon," aniya na siyang ikinatigil ko. "I saw you that night. You were there, Little Amethyst," dagdag pa nito habang nakangisi pa ring nakatingin sa akin.
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa espada ko noong mapagtanto kung ano ang tinutukoy niya. Galit ko itong tiningnan at noong akmang kikilos na sana ako, mabilis akong natigilan at napatingin sa paa nitong nakatapak ngayon sa katawan ni Raine. Damn him!
"You ran away last time," aniya at tiningnan ang walang malay na si Raine. "It was a mistake to let you go and escape from us. At ngayon, mukhang isa ka sa mga hahadlang sa lahat ng mga plano namin. Dapat talaga ay hindi ka naming hinayaang makatakas noong gabing iyon," anito at muling tiningnan ako.
"Too late, asshole," mariing sambit ko at ikinumpas ang kamay. Isang malakas na wind energy ang pinakawalan ko at inatake sa kanya. Mabilis namang umiwas ang lalaki sa ginawa kong atake. Ikinilos nito ang katawan kaya naman ay nawala ang paa nito sa katawan ng kaibigan ko. "Hindi ko alam kung masuwerte ba ako o talagang mahihina lang kayo. Dalawang beses na akong nakatakas mula sa inyo," walang emosyong wika ko at muling ikinumpas ang isang kamay patungo sa direksiyon nito. Napahakbang muli ng isang beses paatras ang lalaki at segundo lang, narinig ko ang malakas na pagtawa nito.
"Of course, you're just lucky, Little Amethyst," anito at umiling sa akin. "But you're out of luck. This time, I will definitely kill you."
"With my current magic, I doubt that."
"Sa amin nanggaling ang kapangyarihan mo," anito at nginisihan akong muli. "Kung hindi ka namin magagamit sa laban naming ito, might as well kill you... for good."
Hindi na ako nagsalitang muli at nagsimulang kumilos na. I activated my wind magic and run towards his direction. Inihanda ko na rin ang sandata ko ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko noong biglang tumigil ako sa pagtakbo. Wala sa sarili akong napatingin sa mga paa ko at noong mapansin kong muli ang kakaibang enerhiyang pagmamay-ari ng lalaki, napamura na lamang ako sa isipan. Segundo lang ay nakaramdaman ako ng isang malakas na enerhiya sa harapan ko at bago ko pa ito masangga, tumilapon na ang katawan ko.
Napadaing na lamang ako noong tumama ang likod ko sa lupa. Mabilis ko namang inactivate ang kapangyarihan ko para magkaroon ako ng proteksiyon sa sarili. Isang barrier ang ginawa ko ngunit bago pa man ako makatayong muli, isang malakas na enerhiya ang naramdaman ko sa may ulohan ko. Napamura na lamang ako sa isipan at mabilis na itinukod sa lupa ang hawak na espada. Napaluhod ako at mariing napapikit sa tindi ng gravity manipulation magic ng lalaking kaharap. Damn, I can't even move my body!
"You should stay on the ground, Amethyst." Rinig kong sambit ng lalaki na ngayon ay nasa harapan ko na pala. "And don't waste your magic. Walang silbi ito sa kapangyarihan ko," dagdag pa nito at sa isang kumpas ng kamay niya, mabilis na na-dispel ang barrier na ginawa ko kanina. "See... useless." He said again and smirked at me.
Napailing na lamang ako at pilit na nilalabanan ang kapangyarihan nitong nagpapanatili sa aking nakaluhod sa harapan niya. No. I can still move and fight. I can still use my magic and fight him!
"Give up already," sambit muli ng lalaki at humakbang ng isang beses palapit sa akin. Napatingin ako sa kanya at hindi man lang kumurap noong inilapit nito ang mukha sa mukha ko. "You can't win against me. A former noble witch like you can't do anything. You're powerless against me."
Wala sa sarili akong napangisi sa harapan niya kaya naman ay namataan ko ang pagkunot ng noo nito sa akin. "I'm not powerless," matamang sambit ko at binitawan ang silver weapon na hawak-hawak. "It's just... I don't like using the power I've got from all of your shits. I don't like it, but I guess, I need to lose control of my own self and fight until I defeat you," dagdag ko pa at mabilis na ikinumpas ang magkabilang kamay.
Inaasahan ko nang mangyayari ito sa akin. Itong nag-uumapaw na kapangyarihang mayroon ako ngayon, alam kong magagamit ko ito sa mga labang kakaharapin ko. All this time, I've been controlling myself from using it. Kaya nga ay hindi ko hinihiwalay ang silver weapon ko sa akin. May kung ano kasi sa sandata ko na pumipigil sa aking gamitin ang kung anong kapangyarihang inilagay nila sa katawan ko. At ngayong binitawan ko na ito, maaari ko na sigurong gamitin ang kapangyarihang ito laban sa lalaking kalaban.
Mabilis na lumayo ang lalaki sa akin at mayamaya lang ay narinig ko ang mahinang pagtawa nito. "So, you've been hiding all your powers until now, huh?" anito at ikinumpas muli ang isang kamay. Mabilis ko namang kinontra ang ginawa nito at buong puwersang itinayo ang sarili mula sa pagkakaluhod. Mayamaya lang ay naramdaman ko ang matinding enerhiyang bumabalot ngayon sa buong katawan ko at noong tuluyan na akong lumutang, napangisi ako sa kanya.
Mukhang hindi na ako naaapektuhan ng gravity manipulation magic niya!
"This is everything I've got right now. I will defeat you. Sa kahit anong paraan, tatalunin kita at ibabalik ko sa Deepwoods ang kaibigan ko," mariing sambit ko at umatake na sa kanya. Mabilis akong lumipad palapit sa kinatatayuan nito at agad na gumawa ng wind sword. Dahil wala na nga sa akin ang silver weapon ko, kailangan kong gamitin ang sariling kapagyarihan at gumawa ng sandata. Itinaas ko pa ang isang kamay at gumawa naman ng fire balls. Pinaikot ko ang mga ito sa ere at mabilis na hinagis sa kinatatayuan ng lalaki.
Sunod-sunod na pagsabog ang naging resulta sa ginawa ko. Hindi ko na lamang ito binigyan pansin at nagpatuloy sa pag-atake. Using my wind sword, I immediately slashed it towards him. Hindi ko ito tinigilan hanggang sa biglang nawala ang presensiya nito sa kinatatayuan nito kanina. Napaawang ang labi ko at noong akmang ikukumpas ko na sanang muli ang kamay, bigla ko itong naramdaman sa gawin kanan ko. Napamura na lamang ako sa isipan at agad na gumawa ng barrier sa pagitan naming dalawa. Lumipad ako palayo rito at bago pa ako makagawa ng panibagong atake, na-dispel na nito ang barrier at sa pagkakataong ito, siya naman ang umatake sa akin.
Isang malakas na suntok na ang ginawa ng lalaki at kahit na may distansiya pa sa pagitan naming dalawa, ramdam ko ang lakas nito kaya naman ay mabilis akong nawalan nang balanse sa paglipad. Bahagyang nanghina rin ang kapangyarihan ko kaya naman noong muling umatake ito sa akin, wala na akong ibang pagpipilian pa. Mabilis kong iginalaw ang magkabilang kamay at masamang tiningnan ito. "Kung mamamatay ako sa labang ito, titiyakin kong isasama kita!"
"You can't do that, Amethyst," anito at mabilis na lumipat sa akin. Sa isang pagkurap ko ay nasa harapan ko na naman ito. "You can't kill me. Hindi iyon nagawa ng pamilya mo noon, lalo na ang walang kuwenta mong ama, kaya naman ay hindi mo rin iyon magagawa sa akin ngayon. Not a chance, Amethyst. I'm the leader of the Coven. You can't kill me with your current abilities and magic power," dagdag pa nito na siyang ikinatigil ko. What?
Namataan ko ang pagngisi nitong muli sa akin at noong hindi ako nakagalaw sa puwesto ko, mabilis nitong inangat ang isang kamay at sinakal ako. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na hinawakan ang kamay nitong nasa leeg ko. "You're the l-leader of the Coven?" nahihirapang tanong ko habang pilit na inaalis ang kamay nitong nakasakal sa akin. Kinagat ko ang pag-ibabang labi at pilit na ikinakalma ang sarili. If he's the leader of the evil witches here in Utopia, tama lang na tapusin ko na ang laban na ito! "Ang buong akala ko'y isang halimaw ang lider ng Coven... hindi pala." I said and started to chant a spell inside my head. "Thank you for showing up. Hindi na ako mahihirapan pang hanapin ka sa lunggang pinagtataguan mo," dagdag ko pa at nagpakawala na ng isang malakas na enerhiya na siyang mabilis na bumalot sa aming dalawa. Namataan kong natigilan ang lider ng Coven at mayamaya lang ay lumuwag ang pagkakasakal nito sa akin.
Mukhang alam nito kung anong spell ang ginagawa ko ngayon!
"I told you. Isasama kita," mariing sambit ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nito. Mas lumakas ang spell na ginawa ko kaya naman ay napansin ko ang pagkakataranta nito. I smirked at him. "This is not only my fire. This is my dear friend's power, the freaking Merlin's blood magic within my veins, and my vengeful fire that wanted you to turn into ashes and rot in hell. This is the purgatory fire. It will burn us together and no one will even remember our existence. This is our end, Leader of the Coven."
"You're insane!" sigaw nito at pilit na kumakawala sa akin.
Insane? Maybe I am.
Pero kung kapalit nang kabaliwang ito ay ang pagtatapos ng mga gulong nararanasan ngayon ng buong Utopia, well, I will willingly end my life together with this bastard. Masyado na silang maraming buhay na sinira at kinitil ng walang pag-aalinlangan. This time, gagawin ko ang kung anong ginagawa nila. I will show no mercy. And using the power they gave me; I will end their leader's life. I will bring him down... with me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top