Untold Thirty-three: The Leader Of Evil Witches

Kahit na mahigit isang dekada na ang lumipas, tandang-tanda ko pa kung ano ang nangyari sa village namin noon. Na kahit sobrang bata ko pa at wala pang masyadong alam sa kung anong mga nangyayari sa paligid, alam kong dadalhin ko hanggang sa dulo ang galit ko sa mga evil witch na sumira sa tahimik na pamumuhay namin noon.

I never saw who killed my parents. Bago pa man nila makaharap ang mga miyembro ng Coven, nagawa na nila akong paalisin sa bahay namin. They let me escape... they let live.

"Run, Zaila. Kahit na anong mangyari, tumakbo ka at huwag tumigil."

"You need to survive. You need to stay alive, Zaila."

"Huwag mo na kaming alalahanin dito. Tumakbo ka lang at huwag nang lumingong pabalik dito. Naiintindihan mo ba ako, hah, anak? You need to run as fast as you can. You need to survive."

Yes, I survived. Iyon naman ang gustong mangyari ng mga magulang ko. Kahit na naririnig ko ang sigawan at paghingi nang tulong ng mga ka-nayon ko, hindi ako tumigil sa pagtakbo. Tumakbo ako at kailanman ay hindi na sila binalikan.

I was scared. Na kahit na ilang taon na akong naninirahan sa Deepwoods, na kahit isa na ako sa top huntress ng academy, hindi ako naglakas loob na bumalik sa dating village na tinitirahan ko at ng pamilya ko. I'm still scared. Siguro nga'y tama sila. Na kahit ilang taon pa ang lumipas, hindi mawawala sa atin ang takot na siyang dahilan kung bakit tayo pilit na lumalaban at nabubuhay. For me to survive, I need to remember the pain, the fear... and even the vengeful feeling I had during that night. Dala-dala ko pa rin ang mga ito hanggang sa araw na ito.

At ngayong nasa harapan ko na ang lalaking pumaslang sa mga magulang, ang lalaking siyang lider ng Coven, pakiramdam ko'y tama lang na sumunod ako sa mga bilin ng magulang ko. Na tumakbo ako at tumakas noon. Dahil alam nilang darating din ang araw na ito. Ang araw kung kailan ko makakaharap ang taong ito.

This is the day that I've been waiting for. I acted as if I don't care about my past, about my family, but the truth is... it's the only thing that keeps me going. At sa pagkakataon ito, tatapusin ko na ang lahat. I will end him. Sa kahit anong paraan. Kahit na pati ang sariling buhay ko'y mapahamak sa gagawin, still... I will cast this spell. This is my all. I will use it to end this evil witch!

"D-damn you, Amethyst!" mariing sambit ng lider ng Coven sa akin at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ko sa kanya. I stay still and tried my best to hold him tight. No. Hindi kita bibitawan!

Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kanya at noong mas lumakas ang apoy na nakapalibot sa aming dalawa, napangiwi ako. I can feel it. It's burning my body too! Napapikit ako at pilit na nilalabanan ang matinding init na ngayon ay halos tumutupok na rin sa akin. Umawang ang labi ko at mayamaya lang ay napasigaw na ako.

Sa ginawa kong pagsigaw ay mas lalong tumindi ang apoy ng spell na ginawa ko. Napasigaw na rin ang lider ng Coven at muling nagpumiglas sa pagkakahawak ko.

Segundo lang ang lumipas ay pakiramdaman ko'y hindi na ako makahinga nang maayos. Ipinirmi ko ang sarili at pilit na hinahabol ang sarili hininga. Napatingin ako sa lider ng Coven at noong makitang ganoon din ang nangyayari sa kanya, napangisi ako. We're both going to die here. Walang makakaligtas sa aming dalawa sa spell na ito!

I was about to finish my spell when someone grabbed my arm. Mabilis na nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling napatingin sa humawak sa akin.

Agad namang napaawang ang mga labi ko noong makita kung sino ito.

"Reagan," mahinang sambit ko sa pangalan niya noong magtagpo ang mga mata namin. What the hell is he doing? Bakit siya pumasok sa spell na ginawa ko? Mapapahamak siya sa ginagawa niya! Damn it! "Let me go," mariing sambit ko sa kanya. "Please. Lumabas ka na rito. Mapapahamak ka!"

"I won't let you die in here, Zaila," mariing sambit niya at hinigit ako. Dahil sa gulat ay mabilis kong nabitawan ang lider ng Coven. At dahil sa nangyari, mabilis akong inilabas ni Reagan sa spell na ginawa ko kanina. Pabagsak akong napaupo sa lupa at wala sa sariling napatingin sa spell na ginawa ko.

The purgatory fire magic is still active. Nasa loob pa nito ang lider ng Coven at kung walang mag-aalis sa kanya sa loob nito ay tiyak kong matutupok na ito nang tuluyan. Wala sa sarili akong napalunok at napatingin kay Reagan na ngayon ay tahimik na nakatayo sa tabi ko.

"He's the leader of the Coven," sambit ko at pilit na itinayo ang sarili. Ngunit dahil sa biglaang panghihina ng katawan, ni pagtayo nang maayos ay hindi ko magawa.

Binalingan naman ako ni Reagan at matamang tiningnan ako. "That was a stupid plan, Zaila," anito na siyang mabilis na ikina-iwas ko nang tingin sa kanya. Itinuon ko sa purgatory fire magic ang paningin at hindi kumibo sa kinauupuan ko. "Kung nahuli lang ako ng ilang segundo, paniguradong sabay kayo ni Donovan na mawawala sa mundong ito," dagdag pa niya na siyang ikinatigil ko. Muli akong napatingin sa kanya at gulat na tiningnan ito.

Wait a minute. Did he just call that evil witch Donovan? Iyon ang pangalan ng lider ng Coven?

"Mukhang ngayon mo lang nakaharap ang lider ng Coven," ani Reagan at humugot ng isang malalim na hininga. "Tama ang kung anong nasa isip mo, Zaila. He's Donovan. Alam kong pamilyar sa'yo ang pangalan na iyan. You've met him before."

Donovan... Right! Isa siya sa royal guard ng palasyo! One of my father's comrades! No way! Kung siya ang lider ng Coven... it only means that my father's comrade killed him that night. Isa sa pinagkakatiwalaan niya royal guard ang pumatay sa kanya. Damn it!

"But... he's different. Iba ito sa kilala kong Donovan," matamang saad ko at napabaling muli sa purgatory fire magic na gawa ko kanina. "That's impossible... The Donovan we knew can't be this evil."

"People change, Zaila," mariing sambit ni Reagan at inilahad ang isang kamay sa akin. "Come on. Umalis na tayo sa lugar na ito. Nandito na rin naman ang kaibigan mo. We'll leave this place and bring her home."

Wala sa sarili akong napatango kay Reagan. Mukhang matutupok naman iyong si Donovan sa loob ng spell ko. Mas mabuting umalis na kami bago pa dumating ang ibang miyembro ng Coven. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at akmang hahawakan ko na sana ang kamay nitong nakalahad sa akin noong mabilis kaming natigilan. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napayuko noong maramdaman ang isang malakas na atake patungo sa puwesto naming dalawa.

Agad namang kumilos si Reagan sa kinatatayuan niya at gumawa ng barrier. Mabilis naman akong napatingin sa puwesto ni Raine at noong makitang ginawan din ito ni Reagan ng barrier, napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tiningnan ang nangyayari sa labas ng barrier.

Damn! Nandito na ang ibang miyembro ng Coven!

Nagkatinginan kaming dalawa ni Reagan at mabilis na tumango sa isa't-isa.

Dahil sa paggamit ng purgatory fire magic kanina, matatagalang bumalik sa akin ang lakas na nagamit ko kanina. I can't fight right now! Hindi kakayanin ng katawan ko ang makipagsabayan sa kanila! Magiging pabigat lang din ako kay Reagan kung sakaling kailangan na naming lumaban sa kanila. Damn it!

"They're going to dispel the purgatory fire magic," ani Reagan na siyang ikinaawang ng mga labi ko. Napatingin ako sa gawi kung saan naroon ang spell ko. May apat na miyembro ng Coven at naroon at sinusubukang ipagsawalang bisa ang spell na ginawa ko. Napalunok ako at mariing ikinuyom ang mga kamao. "I can still feel Donovan's presence. Hindi pa ito tuluyang natutupok ng apoy sa loob ng spell."

"Damn it! We need to stop them!" bulalas ko at muling sinubukang tumayo. Nakapagpahinga na rin naman ako at natitiyak kong makakagamit na ako kahit mahihinang spell lang. We need to stop them! Hindi maaaring makaalis sa purgatory fire magic si Donovan!

"No," mabilis na sambit naman ni Reagan na siyang ikinatingin ko sa kanya. "They're all high-level evil witches. Hindi kakayanin ng kasalukuyang kondisyon mo ang makipaglaban sa kanila," dagdag nito at binalingan ako. "I will deal with them. Tumakas na kayo ng kaibigan mo."

Napatanga ako sa sinabi ni Reagan sa akin. What?

Mabilis akong umiling na sa kanya at buong puwersang itinayo ang sarili. At noong nakalapat na ang mga paa sa lupa, matamang tiningnan ko si Reagan. "I'm done running away, Reagan. Ilang beses ko nang ginawa iyon noon! I wanted to fight! Hindi na ako ang dating Zaila na walang ibang alam gawin kung hindi ang tumakbo... ang tumakas sa kanila! Hindi ko na iyon gagawin at hindi ko iyon magagawa sa'yo. I won't leave you here and fight with them alone!"

"Zaila-"

"Don't you ever underestimate me, Your Highness. Kahit na maubos ang lakas ko, lalaban pa rin ako. I'm a huntress from Deepwoods and running away from evil witches is not my thing."

Hindi nagsalita si Reagan at matamang nakatingin lamang sa akin. Mayamaya lang ay sabay kaming napatingin sa labas ng barrier noong tuluyang na-dispel ang purgatory fire magic ko. Napamura ako sa isipan at inihanda ang sarili sa maaaring sunod na mangyari. Paniguradong ang barrier ni Reagan ang sunod na i-di-dispel nila! Damn it! Mukhang tama nga si Reagan kanina. They're the high-level evil witches of Coven!

"Just don't die on me, Zaila," mahinang sambit ni Reagan na siyang ikinatigil ko. "Don't you dare die on me," ulit nito at humakbang ng isang beses. Tahimik ko lang itong tiningnan at noong itinaas nito ang isang kamay, inihanda ko na ang sarili ko.

Wala akong ibang sandata ngayon. Binitawan ko ang silver weapon ko kanina para magawa iyong purgatory fire magic ko at hindi ko na alam kung nasaan na ito ngayon! Damn it!

Hindi na hinintay ni Reagan na ma-dispel ang barrier niya ng mga kalaban namin. Kusa nitong inalis ang barrier at agad na kumilos patungo sa kinaroroonan ni Donovan at ilang mga evil witch. Hinayaan ko na lamang ito sa nais gawin at itinuon ang atensiyon sa iba pang miyembro ng Coven. Gamit ang natitirang kapangyarihan sa katawan, gumawa ako ng dalawang wind sword. Wind magic is my main magic. Kahit na nahihirapan ako ngayon, alam kong hindi ako bibiguin nito!

Mabilis na umatake sa akin ang dalawang evil witch. Ipinirmi ko naman ang mga paa sa kinatatayuan at mabilis na sinangga ang mga atake nila. They attacked me simultaneously while I just defended myself against them. Mayamaya lang ay napamura ako sa isipan noong napaatras ako at nasugatan sa kanang braso. Ininda ko na lamang ang sakit mula sa natamong sugat at sa pagkakataong ito ay ako naman ang umatake sa kanila. Mabilis akong lumutang sa ere at halos sabay na ikinumpas ang hawak na wind sword. Dumepensa ang dalawa sa mga atake ko at noong tuluyan na akong nakalapit sa isa sa kanila, hindi na ako nagdalawang isip pa. Agad kong pinatamaan ang dibdib ng isa sa evil witch at itinarak doon ang dulo ng hawak na espada. Muli akong lumutang sa ere at lumayo sa puwesto nito noong maramdaman ang pag-atake sa akin ng kasamahan nito.

Napamura na lamang akong muli sa isipan noong makitang walang kahirap-hirap na inalis no'ng isang evil witch ang espadang itinarak ko sa kasamahan niya. Damn it! Kung silver weapon lang sana iyong ginagamit ko ngayon, tiyak kong hindi na niya maaalis sa dibdib at maililigtas pa ang evil witch na iyon!

Humugot ako ng isang malalim na hininga at mabilis na inilibot sa paligid ang paningin. Dahil nasa ere ako ngayon, mas mapapabilis ang paghahanap ko ng silver weapon ko. I need to find it! Iyon lang ang makakatulong sa akin para mas mapabilis ang pagtalo ko sa mga evil witch na ito!

Mas tinaasan ko pa ang lutang sa ere at binalingan ang direksiyon kung nasaan si Reagan. Hindi ko inalis ang paningin sa kanya habang sabay-sabay na umaatake sa kanya ang apat na high-level evil witch. Mayamaya lang ay napansin ko ang walang malay na si Donovan. Nakahandusay ito sa lupa at mukhang hindi pa rin bumabalik ang lakas nito mula sa purgatory fire magic ko. Napahugot na lamang muli ako ng isang malalim na hininga at noong may napansin ako sa tabi ng katawan ni Donovan, kusang napaawang na lamang ang mga labi ko.

It was silver weapon!

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis kong kinontrol ang wind magic ko at lumipad patungo sa kinaroroonan ng silver weapon ko. Mayamaya lang ay nakaramdaman ako nang pag-atake sa direksiyon ko kaya naman ay mabilis akong gumawa ng barrier para proteksiyunan ang katawan ko. Mas binilisan ko ang paglipad at noong ilang pulgada na lamang ang layo ko sa puwesto ni Donovan at ng silver weapon ko, agad akong kinapos ng hininga.

Napaawang ang labi ko at unti-unting nawalan ng kontrol sa sariling kapangyarihan. Kusang na-dispel ang barrier na ginawa ko at bago pa ako makakilos muli, isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa kanang tenga ko. Napailing na lamang ako at bago ko pa mahawakan ang sariling silver weapon, tumilapon na ako kapalayo rito.

Sa katawan ng isang malaking puno tumama ang katawan ko. Napamura na lamang ako sa isipan noong bumagsak ang katawan ko sa lupa at napaubo ng isang beses. Mayamaya lang ay nalasahan ko ang sarili dugo sa labi. Napangiwi ako at mabilis na itinayo ang katawan mula sa pagkakabagsak. Damn it!

"Stay away from our leader." Natigilan ako noong marinig ang pamilyar na boses na iyon. Wala sa sarili akong napabaling sa gawing kanan ko at napaawang na lamang ang mga labi noong makita si Raine. Nakatayo na ito ngayon at napapalibutan ng kanyang fire ball. At sa isang kumpas ng kamay ito, sunod-sunod na lumipad sa gawi ko ang fire ball na ginawa nito!

Shit! This is not good! I can't make a barrier now! Wala na akong sapat na lakas para iwasan o sanggain pa ang mga fire ball nito! Damn it!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top