Untold Thirty: The Crown Prince's Magic
Dali-dali kong sinundan si Reagan Asteria palabas ng Deepwoods Academy.
I can't believe him! Talagang sasama nga ito sa akin. "Your Higness, please, stop this! Hindi ka maaaring sumama sa akin. Your Highness!" Panay ang salita ko habang nakasunod dito at noong hindi pa rin niya ako pinapansin, mabilis akong tumigil sa paglalakad at mariing ikinuyom ang mga kamao. "Reagan!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili at tinawag na ito sa pangalan niya. At kagaya nang inaasahan ko, tumigil na rin ito sa paglalakad at binalingan ako.
"Sasama ako," muling sambit nito sa akin.
"Fine, sasama ka," matamang wika ko na siyang ikinataas ng isang kilay nito. "But I need you to promise me first." Kumunot ang noo ni Reagan at hindi nagsalita. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago magsalitang muli. "Kanina, bago pa man namin makaharap iyong evil witch mula sa Coven, I was turning," sambit ko habang pinagmamasdan ang magiging reaksiyon nito sa mga sasabihin. "At kung tuluyan na akong maging evil witch, kapag hindi ko na kayang kontrolin pa ang sarili ko, I want you to kill me."
"Sinabi mo rin ba ito sa mga kaibigan mo?" tanong niya na siyang ikinatango ko na lamang. "At ang ang naging tugon nila?"
"Uhm-"
"They can't kill you," aniya na siyang ikinatigil ko. "Na kahit maging isang evil witch ka, hindi nila kayang gawin iyon sa'yo." He said without even breaking an eye contact. "Ganoon din ang maririnig mo mula sa akin, Zaila. I won't do it. At isa pa, kung talagang magiging isang evil witch ka na, dapat noong araw na natapos ang eksperimento nila sa'yo, dapat ay naging miyembro ka na nila. But no. You didn't. You can still control your mind, your body and your magic. Hindi ka magiging isang evil witch."
"But-"
"Trust me," putol niya ulit sa dapat na sasabihin ko. "Hindi mangyayari iyong kinatatakutan mo, Zaila. Yes, nasa katawan mo na ang dugo ni Merlin. Yes, you've gained power because of what they did to you and that's it, iyon lang ang kayang gawin nila sa'yo. You're not turning into something you're not supposed to be, Zaila. Trust me."
Trust.
I can trust him, but not myself.
Hindi na lamang ako nagsalita at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. At noong nasa harapan na niya ako, mataman ko itong tiningnan. Humugot muli ako ng isang malalim na hininga at tipid na nginitian ito. "Thank you and... I'm sorry, Reagan."
"Zaila-"
"Let's go," yaya ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Walang imik kami ni Reagan hanggang sa tuluyan na kaming makalabas sa main gate ng Deepwoods Academy. May iilang royal guards ang naroon at noong mamataan nila kami, agad na lumapit ang isa sa kanila at yumukod sa presensiya namin.
"Bring us the horses. May pupuntahan kami ng huntress na ito," seryosong saad ni Reagan na siyang mabilis na sinunod ng royal guard. Mayamaya lang ay may dalawang kabayo na sa harapan namin. Bumaling muna sa akin ang prinsipe bago tuluyang sumakay sa kabayong para sa kanya. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago sumakay na rin kabayong inihanda para sa akin. "Amelia and Asher will stay here. Manatili rin kayo rito at bantayang maagi ang buong academy."
"Yes, Your Highness," halos sabay-sabay na wika ng mga royal guard at yumukod sa prinsipe nila.
Tahimik ko lang silang pinagmasdan at noong pinatakbo na ni Reagan ang kabayong sinasakyan, kumilos na rin ako. Mabilis kong sinundan ang daang tinahak nito hanggang sa tuluyan na kaming makalayo sa main gate ng Deepwoods Academy.
Panay ang buntonghininga ko habang nakasakay sa kabayo. Tahimik naman si Reagan sa unahan at mukhang may kung anong malalim na iniiisip ngayon. I sighed again. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at binilisan ang pagpapatakbo sa sinasakyang kabayo. Bumagal lamang ito noong nasa tabi na ako ng prinsipe. "Reagan," sambit ko sa pangalan niya habang nasa unahan ang paningin. "Sinabi mo kanina sa akin na matagal mo nang pinag-aaralan ang tungkol sa mga eksperimento ng Coven. Tell me, sino pang mga noble witch ang nakuha nila?"
"You've met Alyssa, right?" tanong niya na siyang ikinatango ko naman. "Nasa iisang village lang kayo noon," dagdag pa niya na siyang ikinaawang ng mga labi ko. Si Alyssa? Pero hindi ba sinunog nilang lahat ang mga noble witch sa village namin? May nakaligtas pala maliban sa akin no'ng gabing iyon! "We saved her that night. Nanatili ito ng ilang taon sa Royal Capital at noong kaya na nitong mamuhay mag-isa, nagpaalam na ito sa amin."
"And then they caught her," mahinang turan ko at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga.
"She's a survivor, too. Hindi mo ba siya natatandaan, Zaila?" tanong ni Reagan na siyang ikinabaling ko sa kanya. Bahagya pa akong natigilan noong magtagpo ang mga mata naming dalawa. What the hell? Kanina pa ba nakatingin ang isang ito sa akin? Napangiwi na lamang ako at mabilis na tumingin muli sa unahan. "She's one of your distant relatives, Zaila. At kagaya mo, hindi pa rin ito tuluyang nagiging evil witch. She's still fighting... just like you."
Mabilis akong natigilan sa narinig. Kamag-anak ko si Alyssa? I... I don't remember her! Wala akong memorya sa kanya noong nasa village pa ako!
"Nasaan na siya ngayon?" mahinang tanong ko kay Reagan Asteria.
"Home," anito na siyang ikinabaling kong muli sa kanya. This time, hindi na ito nakatingin sa akin. Nasa unahan ang paningin nito at seryosong nakatingin lang doon. "She's safe now, Zaila. Huwag ka nang mag-alala sa kanya." Wala sa sarili akong napatango at muling tumingin na rin sa may unahan namin. Nagpatuloy kami sa paglalakbay hanggang sa tumigil ang kabayong sinasakyan ni Reagan. Naging alerto ako at pinatigil na rin ang kabayong sinasakyan ko.
"Someone's following us," rinig kong sambit ni Reagan na siyang marahang ikinatango ko. Yes, I felt its presence earlier. Hindi ko lang ito binigyan pansin dahil alam kong mas mababa ang lebel nito kumpara sa aming dalawa. Maybe one of the members of Coven, the weaker member. At mukhang tama rin itong daan tinatahak namin ngayon. Kung kanina ay isang presensiya lamang ang nararamdaman namin, ngayon ay umabot na ito ng sampu.
"They're waiting for us," wika ko at kinuha sa likuran ko ang silver weapon na ibinigay kanina ni Reagan sa akin. "An ambush," dagdag ko pa at mabilis na binago ang sandatang hawak. From a dagger, I turned it to a sword. Mas mapapadali sa akin gumamit ng ganitong sandata. Sa dami nila, a bigger sword is the best option for me.
Wala sa sarili akong bumaling kay Reagan at noong halos sabay kaming tumango sa isa't-isa, mabilis kaming bumaba sa kabayong sinasakyan. Pinalo namin ang mga likuran ng mga kabayo kaya naman ay mabilis itong tumakbo palayo sa puwesto namin. Ipinilig ko na lamang ang ulo pakanan at binalingan muli si Reagan. "I wanted to go home, too. My real home," wika ko sa kanya na siyang ikinatigil ko. Nginitian ko ito at mabilis na ikinumpas ang kaliwang kamay noong may biglang sumulpot na evil witch 'di kalayuan sa kinatatayuan naming dalawa.
"I will take you home... safely, Zaila," saad naman nito at kumilos na rin.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Sunod-sunod na mga atake ang ginawa ng mga miyembro ng Coven sa gawi namin kaya naman ay mariin kong hinawakan ang handle ng espada ko. Inangat ko ang isang kamay at agad na gumawa ng mga wind blades. With the help of my silver weapon, mas pinalakas nito ang bawat atakeng pinapakawalan ako. Sa bawat hampas ko sa hawak-hawak na espada, may kung anong enerhiya ang bumabalot sa mga wind blade na gawa ko. This might be one of the abilities embedded in this weapon. Mukhang pinag-aralan ito nang husto ni Asher Asteria! It's working perfectly with my current magic!
"Zaila!" Napabaling ako kay Reagan noong marinig ko ang pagtawag nito sa akin. Mabilis din akong kumilos at napayuko noong mamataan ang pagkumpas nito ng kamay sa gawi ko. He's now using his magic too! Mukhang nagkamali ako kanina. May iilang evil witch na nag-abang sa amin na mataas ang lebel ng kapangyarihan. Nanatili akong nakayuko hanggang sa maramdaman ko ang pagbulusog ng kakaibang kapangyarihan mula kay Reagan Asteria sa may ulohan ko.
Napaawang na lamang ang mga labi ko sa nangyari. Mayamaya lang ay napabaling ako sa may likuran ko at natigilan na lamang noong makitang may tatlong evil witch roon. Nakahandusay na ang mga ito at kung hinid ako nagkakamali, wala ng mga buhay ang mga ito! Napakurap ako at hindi inalis ang paningin sa mga katawan nila.
What the hell was that? Anong klaseng Mahika ang ginamit ni Reagan Asteria?
"Move now, Zaila!" rinig kong sigaw ni Reagan kaya naman ay napaayos na ako nang pagkakatayo. Mahigpit kong hinawakan ang handle ng silver weapon ko at mabilis na kumilos. Gamit ang wind magic ko, pinagaan ko ang sariling katawan. Mas dumoble ang bilis ko at kapag nakakalapit na ako nang tuluyan sa mga evil witch na nag-abang sa amin, agad kong ikinukumpas ang hawak na espada.
Puro pagdaing ng mga miyembro ng Coven ang namayani sa gubat na kinaroroonan namin ngayon noong natapos na kami sa pag-atake ni Reagan. Lahat sila ay nasa lupa na, nakahiga at halos hindi na makagalaw. Maliban sa tatlong pinatamaan kanina ni Reagan ng mahika niya, buhay pa ang mga miyembrong ito at sugatan lamang. Umayos ako nang pagkakatayo at tahimik na pinagmasdan lamang ang mga ito. Mayamaya lang ay kumilos na si Reagan sa kinatatayuan nito at lumapit sa isa sa miyembro ng Coven.
"We're looking for someone. Mind telling us his exact location?" tanong nito sa isa at noong hindi ito gumalaw man lang sa kinahihigaan nito, inilapat ni Reagan ang kamay niya sa noo ng evil witch at segundo lang ang lumipas, may kung anong itim na enerhiya akong nakita sa kamay niya.
It was the same energy he released earlier!
What the hell? Anong ginagawa ng isang ito?
"Reagan, anong-" Bago ko pa natapos ang dapat na itatanong sa kanya, nawalan na nang malay ang evil witch na hinawakan niya. Mas lumakas din iyong itim na enerhiya na nanggagaling sa kamay niya kaya naman ay mabilis akong napatingin sa iba pang evil witch na nakalaban namin kanina. Muli kong binalingan si Reagan Asteria at noong lumapit ito sa isa pang evil witch, naalarma na ako. "That's enough, Reagan."
"Kalaban ang mga ito, Zaila," malamig na turan niya na siyang ikinakunot ng noo ko. Sa tono nang pananalita nito, alam kong may mali na sa kanya. At bago pa man lumapat muli ang kamay nito sa evil witch na nasa tabi nito, agad ko siyang nilapitan at hinawakan ang kamay nito.
Isang nakakapangilabot na enerhiya ang agad na bumalot sa kamay kong nakahawak sa kamay nito. Napaawang ang labi ko at hindi inalis ang paningin sa kamay naming dalawa. Mayamaya lang ay napangiwi ako at mabilis na hinila patayo si Reagan. Mabilis ko itong pinaharap sa akin at noong mamataan ko ang itsura nito, mabilis kong inilapat ang isang kamay sa braso nito.
"Reagan!" sigaw ko sa pangalan niya at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nito. "Damn! Snap it, Reagan! Wake up!"
"They're enemies, Zaila," tila wala sa sariling wika nito at mas lalong lumalakas ang itim na kapangyarihan nito. "We need to kill them. All of them."
"Reagan!" mas malakas na sigaw ko sa pangalan nito at mabilis na kinontra ang kung anong itim na kapangyarihan inilalabas ng katawan niya ngayon. Wala pa akong alam sa ibang mahikang kaya kong gawin pero ang tanging naiisip ko na lamang ngayon ay ang kapangyarihan maaaring pumigil sa itim na kapangyarihan nito.
Light magic. I need to use and produce a freaking light magic to stop him!
"Reagan, please!" I shouted again and released a massive light magic.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya pero kailangan na niyang itigil ito! This is not good for him, lalo na sa akin. Bakit niya kasi ginamit ang mahikang ito? Mukhang hindi pa niya kayang kontrolin ang isang ito kaya naman bakit niya ginamit ito kanina? Damn it!
"Reagan Asteria!" muli kong tawag sa pangalan niya at noong mamataan ko ang pagbabago sa mukha nito, napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi ko. Nagpatuloy ako sa paggamit ng light magic at noong unti-unting bumabalik na ang dating itsura nito, mabilis akong napabitaw mula sa pagkakahawak sa kanya. Napaatras ako ng dalawang beses hanggang sa nawalan ako nang balanse sa sariling katawan. Napaupo ako sa may lupa at wala sa sariling napatingin sa mga evil witch na kanina pa nakahandusay sa lupa.
I silently gasped when I saw their condition. No way. Naapektuhan pa rin sila kahit na hindi naman nakahawak si Reagan sa kanila?
Nagpalinga-linga ako at noong makumpirma kong wala ng mga buhay ang mga evil witch na nakalaban namin kanina, napabuntonghininga na lamang ako at napatingin muli kay Reagan. Nakatayo lang ito sa puwesto niya kanina at hindi gumagalaw. Napatayo akong muli at maharang ikinilos ang mga paa at bago pa ako tuluyang makalapit sa kanya, mabilis akong naalerto at gumawa ng isang barrier na siyang proprotekta sa akin laban sa kapangyarihang inilalabas ng katawan nito ngayon.
Napaatras ako ng isang beses at matamang tiningnan lamang si Reagan.
Wala akong alam o ideya man lang sa kung anong klaseng kapangyarihan ang mayroon itong si Reagan Asteria. Bago pa man ako mapunta sa Deepwoods, bago pa man mangyari ang trahedyang kinasangkutan ng pamilya ko at ng buong village namin, nakakasalamuha ko na itong si Reagan sa Royal Capital. He's the crown prince, the future king of our kingdom. Iyon lang ang alam ko tungkol sa kanya. And now, witnessing his magic, I don't know how to react with it. Hindi isang normal na kapangyarihan mayroon ito. It's dark and dangerous, and I'm afraid that if he can't fully control it, mapapahamak ito at ang mga taong nasa paligid niya. Ang ganyang mahika ay hindi dapat basta-bastang ginagamit!
"Reagan," tawag kong muli sa pangalan nito. "It's okay now. You... can stop now."
Mayamaya lang ay namataan ko ang unti-unting paghina ng kapangyarihang inilalabas ng katawan nito. Nanatili naman ako sa puwesto ko at hindi inalis ang matamang titig sa kanya. At noong tuluyan nang nawala ito, mabilis kong inalis ang barrier na siyang promoprotekta sa akin. Inihakbang kong muli ang mga paa at tuluyan nang nilapitan ang prinsipe.
"We can fight without using that magic, Reagan," wika ko na siyang ikinaangat nang tingin nito sa akin. "Hindi ko alam kung anong nangyari sa'yo pero dapat hindi mo na ito ulitin pa. Ikakapamahak mo ang paggamit muli ng kapangyarihang iyon."
Namataan ko ang pagbuntonghininga ni Reagan at marahang hinawakan nito ang sintido. Mayamaya lang ay nagtagpo ang mga mata namin at takang tiningnan ako. "Anong ginawa ko, Zaila?" marahang tanong niya na siyang ikinatigil ko. Wala sa sariling napakunot ang noo ko habang nakatingin sa lalaki. "And... what happened to them? Anong nangyari sa mga miyembro ng Coven?" dagdag na tanong pa niya sa akin at itinuro ang mga walang buhay na katawan ng mga miyembro ng Coven na kalaban namin kanina.
Napakurap ako at napamura na lamang sa isipan noong mapagtanto ang mga naging tanong nito sa akin. Mabilis kong inilibot ang paningin sa masukal na gubat na kinaroroonan namin ngayon at pinakiramdaman nang mabuti ang paligid. Damn it! What the hell just happened here? Did someone control him? Kaya ba ganoon na lamang ang nangyari sa Crown Prince ng Utopia? Iyon pa ang nangyari?
Ang tanong, sino naman iyon? Si Merlin ba? Nandito siya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top