Untold Thirty-six: The Last Witch Huntress of Utopia
Sa loob ng sampung taong pamamalagi ko sa Deepwoods Academy, ginawa ko ang lahat para maging isa sa pinakamahusay na huntress na mayroon sila. I ace in everything. Lahat ng misyong napuntahan ko, sinisigurado kong magiging maayos at matagumpay ito. Kaya nga isa ako sa mga napiling maging Squad Captain sa batch namin.
I trained really hard. Halos walang araw na hindi ako nagkukulong sa training room ng academy para sanayin ang sarili. Kaya kong gumamit ng kahit anong klaseng silver weapon. I even managed to have the ability to manipulate and change it to a different kind of weapon. Isa ito sa rare ability na mayroon kami kaya naman noong nagawa ko iyon, talagang pinuri ako nila Elveena. Kahit ang Head Huntress ay namangha sa kakayahan ko.
I'm always one step ahead from the rest of the hunters and huntresses of Deepwoods. Kaya nga noong naisipan kong matutong gumamit ng mahika, hindi na ako nagdalawang-isip na gawin iyon. I was so full of myself. Masyado akong bilib sa sarili at kakayahan ko kaya naman kahit na ipinagbabawal iyon nila Elveena, ginawa ko pa rin. Pinag-aralan ko kung paano gumamit ng mahika... kung paano ito kontrolin. At sa loob lamang ng maikling panahon, nagawa ko nga iyong nais ko. I managed to use magic. Without even having a proper training, I succeeded.
I was once a part of a noble witch family... the former royal family of Utopia, the Amethyst. Bago pa man pamunuan ng mga Asteria ang mundo namin, ang Amethyst ang siyang nangangalaga sa buong Utopia. But our reign ended a thousand years ago. Nakalimutan na rin ng mga taga-Utopia ang tungkol sa pamilyang kinabibilangan ko. Even my father doesn't consider himself a former royal. Mas payapa raw kasi ang mamuhay bilang isang noble witch kaysa naman maging isang royal witch.
At ito marahil ang dahilan kung bakit naiiba ako sa ibang mga kasamahan ko. Kahit na hindi ako purely blooded witch, nagagawa ko pa rin ang mga bagay na kayang gawin ng isang witch. Dahil kahit isang pursiyento na lang ng pagiging royal witch ang mayroon ako sa katawan ko, malaking bagay pa rin ito bilang isang half-witch na kagaya ko. At nakumpirma ko rin iyon noong naging isa ako sa test subjects ni Merlin sa headquarters ng Coven.
I was a former royal, ganoon din si Alyssa. Kaya hindi kami tuluyang naging evil witch ay dahil sa dugong mayroon kami sa katawan. At ang naging resulta... tuluyan naming inangkin ang kapangyarihang ibinigay ni Merlin sa amin. With his blood, we became powerful. Naging malakas kami kahit na hindi kami tuluyang naging evil witch kagaya niya.
Ngunit kagaya nga nang palaging sinasabi sa akin ni Elveena, hindi lahat ng bagay na nakakamit natin ay maganda ang dulot. Minsan, mas makakabuti sa atin ang maging ordinary na lamang para maiwasan natin ang pagkabigo... ang masaktan.
Great power comes with great responsibility and achieving your own goal will never be an easy piece of a cake.
Isa lang naman talaga ang nais ko noon. At iyon ang maging isang mahusay na huntress. All I wanted was to hunt the evil witches of Utopia. To stop them from whatever evil plans they have. To fight and protect those who can't fight against them. To save... and to help.
Iyon lang naman ang nais ko ngunit... sadyang mapaglaro ang tadhana.
Merlin caught me. Gave me an extreme magic power... and in the end, hindi ko rin naman iyon nagamit nang maayos para matapos ang gulong mayroon ang Utopia. I became useless. Ni hindi ko nga nailigtas ang mga kaibigan ko. Ni hindi ko nga natulungan si Reagan Asteria.
I ran away... again.
At sa pagkakataong ito ay wala na akong babalikan pa.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nawalan nang malay.
Nagising na lamang ako dahil may mahihinang ingay akong naririnig sa paligid. Napakunot ang noo ko at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Isang beses kong ikinurap ang mga mata at noong makaramdam ako ng presensiya sa lugar na kinaroroonan, mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga.
"Damn!" mabilis na bulalas ko noong maramdaman ko ang masakit sa may tagiliran ko. Agad akong napahawak doon at ipinikit ang mga mata.
"Huwag ka munang kumilos. Hindi pa naghihilom nang tuluyan ang sugat mo." Napamulat muli ako ng mga mata noong may nagsalita. Agad akong napabaling sa gawi nito at napakunot na lamang ang noo noong mapansing hindi pamilyar sa akin ang pustura nito.
"Who are you?" mahinang tanong ko at umayos nang pagkakaupo. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at hinarap ito nang maayos. It was a woman. Sa tingin ko'y kasing edad lang ito ni Elveena at kung pagbabasehan ko ang enerhiyang nararamdaman ko sa kanya, isa itong half-witch. "Nasaan ako ngayon?" sunod na tanong ko sa kanya at tiningnan ang paligid.
Naramdaman kong kumilos ang babae kaya naman ay napabaling muli ako sa kanya. Tahimik kong pinagmasdan ito at noong nasa tabi na siya ng kamang kinalaglagyan ko ay tipid itong ngumiti sa akin. "My name is Blair. Isa ako sa mga nakakita sa'yo sa may boundary noong nakaraang linggo."
Natigilan ako sa narinig mula sa kanya. Boundary? Nakaraang linggo?
"Sugatan at walang malay ka naming natagpuan. You're a huntress, right? We saw your weapon kaya naman ay mabilis ka naming dinala rito at ginamot."
"Nasaan ang silver weapon ko?" tanong ko sa kanya at napabaling sa gawing kanan ko noong may itinuro ito. Mayamaya lang ay napahugot ako ng isang malalim na hininga noong makita nga ang silver weapon ko. Great. Kahit papaano'y may magagamit pa rin ako. I sighed again and looked at Blair. Tahimik lang itong nakatingin sa akin at noong makaramdam muli ako ng kirot sa tagiliran, napangiwi na lamang ako. "Damn it," bulalas ko at kinagat ang pang-ibabang labi.
"Pasensiya na at wala kaming healer sa village na ito," wika ni Blair na siyang ikinatango ko na lamang. "Hindi rin kasi isang normal na sugat iyang natamo mo kaya hindi namin alam kung paano namin ito gagamutin nang maayos."
"It's fine, Blair. No need to say sorry. I can heal myself," wika ko na siyang ikinalaki ng mga mata ni Blair.
"You can use magic?" gulat na tanong niya sa akin. Wala sa sarili naman akong tumango sa kanya at muling humugot ng isang malalim na hininga. "But... you're a huntress! Paanong nakakagamit ka ng mahika kagaya ng mga witch sa Utopia?"
"It's a long story, Blair." Napailing ako at umayos na lamang nang pagkakaupo. "Nasabi mo sa akin kanina na noong nakaraang linggo niyo pa ako nakita sa boundary. Wala ba kayong nakitang kasama ko?" tanong ko sa kanya na siyang ikinailing lang nito sa akin.
That's impossible. Kasama ko si Alyssa noong umalis kami sa gubat kung saan naganap iyong laban namin kay Donovan, Raine at iba pang miyembro ng Coven! Imposible namang iwan ako nito at bumalik sa gubat na iyon!
"Tanging ikaw at ang silver weapon lamang ang natagpuan namin sa boundary, huntress."
"It's Zaila. My name is Zaila," mahinang sambit ko sa kausap.
"Zaila... ba't parang pamilyar ang pangalan mo?" tanong nito na siyang ikinakunot naman ng noo ko.
"I'm a former noble witch. Amethyst. Zaila Amethyst," pagpapakilala ko sa kanya. Namataan ko ang paglaki ng mga mata ni Blair. Mayamaya lang ay umawang ang mga labi nito at mabilis na nagpaalam sa akin. Lumabas ito sa silid na kinaroroonan at iniwan akong mag-isa.
Napangiwi na lamang ako sa nangyari at marahang hinaplos ang sugat sa tagiliran. Gustuhin ko mang gumamit ng healing magic para maibsan ang sakit na nararamdaman ngayon, agad ko namang pinigilan ang sarili. This is not an ordinary wound. Iyon din ang sinabi sa akin ni Amelia noong hindi gumana iyong healing magic niya. Maybe I can heal my own wound. Ngunit sa kondisyon ng katawan ko ngayon, tiyak kong hindi rin ito gagana.
I need to regain my strength first. At kapag maayos na ang kalagayan ko, tsaka ko na gagamutin ang sugat na natamo ko mula sa naging atake sa akin ni Donovan.
Donovan.
Mariin kong ikinuyom ang mga kamao noong maalala ang huling tagpong nasaksihan ko sa naging laban nila ni Reagan.
Alam kong malakas si Reagan. Alam kong kaya nitong makipagsabayan sa lider ng Coven ngunit dahil nga sa natamong sugat nito mula sa silver weapon ko, paniguradong naapektuhan ang katawan nito sa kapangyarihang taglay ng sandata ako. Sana nga lang ay walang masamang nangyari sa kanya. Amelia was there. Alam kong tutulungan nito ang kapatid niya.
And my friends... Theo and Raven were both injured. Si Amelia na lang talaga ang inaasahan kong magliligtas sa kanila. It was really an overwhelming disadvantage in our side. And with the help of Alyssa's magic, sana'y nakaalis sila nang ligtas sa lugar na iyon. Kagaya nang ginawa nila sa akin, sana'y nakabalik sila sa Royal Capital... ligtas at buhay.
I don't care if we were defeated by them, by the Coven. Ang gusto ko lang talaga ngayon ay malamang ligtas silang lahat.
I sighed. Akmang kikilos na sana ako sa kinauupuan ko noong biglang bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ko. Pumasok muli si Blair at ngayon ay may kasama itong tatlong matatandang half-witch, isang lalaki at dalawang babae. Taka ko silang tiningnan at noong magsalita iyong matandang lalaki, bigla akong naguluhan sa mga nangyayari.
"Zaila Amethyst? Totoo bang ikaw si Zaila Amethyst?" maingat na tanong nito sa akin. Wala sa sarili naman akong napatango sa matanda at napatingin sa dalawang kasama pa nito. Namataan kong umiiyak na ang mga ito kaya naman ay naalarma ako. Taka kong binalingan si Blair at noong mapansin tila malungkot na ekspresiyon nito, hindi ko na napigilan pang magtanong sa kanila.
"What the hell is happening? Bakit kayo umiiyak?"
"Hindi mo ba kami naaalala, Lady Zaila?" tanong ng isang matandang babae at humakbang ng isang beses papalapit sa puwesto ko. "Patawarin mo kami at hindi ka namin agad nakilala, Lady Zaila. Ang buong akala namin ay walang natira sa pamilya mo noong nangyari ang pagsalakay ng Coven sa village natin."
What?
Hindi ako nakapagsalita at gulat lang na nakatingin sa kanila.
"Lady Zaila, isa kami sa mga pamilyang nanilbihan sa pamilya mo noon," saad naman no'ng isang matandang babae at bahagyang yumukod sa harapan ko. "Nagagalak kaming makita kang muli, Lady Zaila."
Napakurap ako at wala sa sariling napaawang na lamang ang mga labi.
Oh my God! This can't be real, right? Maliban sa akin ay may mga nakaligtas na half-witches mula sa pag-atakeng ginawa noon sa village namin!
"Nakaligtas kayo," mahinang turan ko at hindi na napigilan pa ang mga luha sa mata. Mabilis naman akong dinaluhan ng dalawang matandang babae at niyakap ako. Mabilis kong ipinikit ang mga mata at dinama na lamang ang mahigpit na yakap ng dalawang matanda na naging parte ng buhay ko noon. Hinayaan ko ang sariling umiyak habang yakap-yakap nila. I think this is what I need right now. A hug. A hug from someone who cared for me before. Ito ang kailangan ko para kahit papaano ay maibsan ang sakit na mayroon ako ngayon.
They're alive. Some of our people survived and alive!
Ilang minuto ang ginugol ko para kumalma mula sa pag-iyak. Humugot ako ng isang malalim na hininga at nagpasalamat kay Blair noong inabutan niya ako ng isang baso ng tubig. Maingat akong uminom at noong natapos na ako, mataman kong tiningnan ang mga kasama sa silid.
"I'm really glad to see that you're safe... and alive," matamang sambit ko at tipid na ngumiti sa kanila. "Hindi ko inaasahan na makikita ko pa kayong muli rito sa Utopia."
"Lady Zaila, kami rin naman. Ang buong akala namin ay talagang naubos na ang Amethyst sa henerasyong ito," sambit ng matandang lalaki sa akin. George. That's his name. Kung tama ang pagkakatanda ko, isa ito sa mga tauhan ng aking ama. Kapag umaalis ito at nagtutungo sa Royal Capital, si George ang namamahala sa village namin. At mukhang hanggang ngayon ay ginagawa pa rin nito ang tungkuling iniwan ng aking ama sa kanya.
Tipid akong ngumiti kay George at humugot na lamang ng isang malalim na hininga. Gusto ko pa sanang kumustahin ito at ang ibang kasama niya sa bagong village na tinitirahan nila ngunit wala na akong sapat na oras. Kailangan kong malaman kong anong nangyari sa labang iniwan ko. I need to leave this place and return to Deepwoods as soon as possible. Kailangan kong malaman ang kondisyon ng mga kaibigan ko at ng magkapatid na Asteria.
"Ang sabi niyo sa akin ay isang linggo na ang nakalilipas simula noong natagpuan niyo ako sa boundary ng Utopia. May... balita ba kayo mula sa Royal Capital? Iyong tungkol sa Coven... may impormasyon ba kayo sa kung anong nangyayari ngayon doon?" Magkasunod na tanong ko na siyang ikinatigil nilang lahat. Humugot muli ako ng isang malalim na hininga at matamang tiningnan ang mga kasama ko sa silid. "Kailangan ko nang bumalik sa Deepwoods."
"Lady Zaila-"
"Sir George, ako na ang magsasabi sa kanya," singit ni Blair na siyang ikinabaling ko sa kanya. Mataman kong sinalubong ang titig ni Blair at hinintay ang mga dapat na sasabihin nito sa akin. "Noong matagpuan ka namin, sugatan at halos walang buhay, alam naming may gulong nangyayari ngayon sa Utopia. Hindi lang namin sigurado kung saang parte ng Utopia naganap ang naging laban mo at ng kung sino mang nakaharap mo. You're a huntress, iyon lang ang sigurado namin kaya naman ay sinubukan naming ipaalam sa Deepwoods ang tungkol sa'yo," sunod-sunod na wika ni Blair. Namataan ko ang paghugot nito ng isang malalim na hininga bago magsalitang muli.
"Malayo ang Deepwoods sa village na ito, Lady Zaila. Umabot ng tatlong araw ang naging paglalakbay namin patungo roon at noong nasa boundary na kami ng Deepwoods, hindi na kami nakausad pa."
"Bakit? B-bakit kayo hindi tumuloy sa Deepwoods?" kinakabahang tanong ko sa kanya.
"Nagkalat ang miyembro ng Coven sa gubat malapit sa Deepwoods, Lady Zaila," anito na siyang ikinalamig ng buong katawan ko. "And... the academy." She sighed again. "They burned the academy. We saw the fire. Malakas iyon at natitiyak naming mahihirapan ang mga naninirahan sa academy na patayin ang ganoong kalakas na apoy."
What?
"They burned everything. We saw it and we don't even have the guts to help them. We were outnumbered. Wala kaming kalaban-laban sa bilang ng miyembro ng Coven sa lugar na iyon. Alam naming ikapapahamak lang namin ang manatili sa lugar na iyon kaya naman ay minabuti naming umalis at lumayo na sa Deepwoods. They killed every hunter and huntress inside the academy, Lady Zaila. Iyon ang naging usap-usap sa buong Utopia pagkatapos no'ng gabing pagsalakay ng Coven sa academy."
Damn it! No... hindi nila basta-bastang mauubos ang hunter and huntress ng Deepwoods. Nasa academy si Elveena noong umalis kami ni Reagan para hanapin iyong umatake kila Raven at Theo! Maging ang Head Huntress ay naroon din! This can't be true! Masira at masunog man nila ang academy, still, may makakaligtas pa rin sa kanila sa pag-atakeng ginawa ng Coven sa tahanan namin!
"And I'm sorry to tell you this, Lady Zaila, pero mukhang ikaw na lamang ang natitirang huntress sa mundong ito. You are the last witch huntress alive here in Utopia."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top