Untold Thirty-seven: The Start of the New Journey

The last witch huntress of Utopia.

The last witch huntress of Deepwoods.

The last and the only survivor of the annihilation of Coven.

That's me. Zaila Amethyst... the one who ran away and survived alone. Again.

Gusto kong sumigaw ngunit walang boses na lumalabas sa bibig ko. Gusto kong magwala. Gusto kong bumalik sa Deepwoods at tiningnan ang kalagayan ng tahanan ko. Gusto kong hanapin ang Coven at ubusin silang lahat. Gusto kong umiyak pero walang luha ang nais kumawala mula sa akin. Gusto kong kumilos ngunit ayaw sumunod ng katawan ko. Marami akong nais gawin ngunit tila wala akong sapat na lakas ngayon sa katawan na kahit ang paghinga ay tila hirap na hirap akong gawin.

Why I'm still alive?

Paulit-ulit kong itinatanong iyon sa sarili ko.

Bakit buhay pa rin ako hanggang ngayon? Bakit kailangan ako ang makaligtas sa lahat ng ginawa ng Coven sa pamilya ko at sa mga hunter at huntress ng Deepwoods? Bakit ako na naman itong buhay ngayon?

I'm tried... Pagod na ako sa ganitong sitwasyon.

Kung nakaya kong mabuhay noon, hindi na ako sigurado kung kakayanin ko ulit ito ngayon.

It's been a month since Blair and her friends found me. At mag-iisang buwan na rin ang lumipas simula noong nalaman ko ang tungkol sa nangyari sa Deepwoods.

They burned them. My friends... my family, my home. They burned them all.

Hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Elveena was there! Nandoon din ang Head Huntress at ang iba pang Senior Squad Captain! Nandoon sila noong umalis kami ni Reagan para hanapin ang evil witch na umatake sa mga kaibigan ko. Nandoon silang lahat! Kaya naman ay nakapagtatakang mangyari iyon sa Deepwoods. Hindi basta-bastang babagsak ang Deepwoods Academy. Sinubukan na iyon noon ni Merlin at nabigo ito! Hindi basta-bastang matatalo ng Coven ang buong Deepwoods at ang mga hunter at huntress nito!

"Lady Zaila." Natigilan ako sa pagmamasid sa tanawin noong marinig ko ang boses ni Blair sa likuran ko. Umayos ako nang pagkakaupo at hindi na nag-abala pang lingunin ito. Mayamaya lang ay naramdaman ko itong lumapit sa puwesto ko at naupo sa gawing kanan ko. Tahimik itong naupo at tumingin na rin sa tanawing nasa harapan namin. "Hinahanap ka ni Sir George, Lady Zaila."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at humugot ng isang malalim na hininga bago magsalita. "Kung tungkol pa rin ito sa pamamahala sa buong village na ito, hindi ko pa rin iyon gagawin," malamig na wika ko sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ang dapat na reaksiyon ko sa sinabi sa akin noon ni George. This village... he wanted to me lead them. He wanted me to become their chief. Afterall, this village was named after my family's name. Amethyst Village. Iyon ang itinawag nila sa lugar na ito.

I sighed.

"I don't want to lead. Ni hindi ko nga maayos ang sarili ko, magkaroon pa kaya ng ganitong responsibilidad." Napailing ako. "Tell George to give up on me. Wala na kayong mapapala sa akin. I don't want to do anything... I just want to disappear, Blair."

"Pagkatapos ng lahat nang pinagdaanan mo, susuko ka na lang ba, Lady Zaila?" mahinang tanong ni Blair sa akin. Alam kong nakatingin na ito sa akin ngayon. Nanatili naman ang paningin ko sa harapan at sinalubong na lamang ang marahang haplos ng hangin sa mukha ko. "You survived before, Lady Zaila. Paniguradong magiging maayos din ang lahat sa'yo ngayon."

Malungkot akong ngumiti at napailing na lamang muli. "Iba ang sitwasyon ko noon," matamang sambit ko. "Noong nakaligtas ako, natagpuan ko ang Deepwoods. Sila ang naging lakas ko para magpatuloy noon. But now... they're all gone. Dead. Wala na akong ibang mapupuntahan pa."

"We're still here, Lady Zaila. Kami... ang mga half-witch sa village na ito ang una mong pamilya bago ang mga hunter at huntress ng Deepwoods. This is your family and home, too."

Sa pagkakataong ito, napabaling na ako kay Blair. Namataan ko ang gulat nito sa hindi inaasahang paglingon ko sa kanya. Napalunok siya at umayos nang pagkakaupo sa puwesto niya.

"Lady Zaila-"

"I'm not a half-witch anymore. Hindi na rin ako isang huntress. Sa tingin mo ba'y dapat pa rin akong manatili sa lugar na ito?" wala sa sariling tanong ko sa kanya. "I don't belong here anymore, Blair. I'm a monster now. Alam kong alam mo ang kung anong ibig sabihin ko."

"But you're still an Amethyst, Lady-"

"Matagal ko nang kinalimutan ang pagiging Amethyst, Blair." Putol ko sa dapat na sasabihin ni Blair. "Matagal ko nang kinalimutan ang totoong pagkatao ko. Hindi ko na rin naman iyon maibabalik sa akin. I already lost everything, Blair. Wala nang mawawala sa akin ngayon kaya naman ay huwag niyong ipilit sa akin ang manatili sa lugar na ito," dagdag ko pa at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo. "Kakausapin ko si George. I will leave tomorrow morning. Mas makakabuti sa lahat ang pag-alis ko."

Hindi na muling nagsalita si Blair. Ikinuyom ko na lamang ang mga kamao at nagsimula nang ihakbang ang mga paa.

It's true. Totoong mas makakabuti sa lahat ng mga naninirahan sa village na ito kung aalis ako. My body... it's changing, faster than I expected. I'm slowly turning into a monster I hated the most. Habang tumatagal ay mas lalong nananaig sa akin ang pagiging evil witch. Mas lumalakas na rin ang kapangyarihan ko. Na kahit wala akong gawin, kusang lumalakas ito. And it scares me. Kung magpapatuloy ang pagbabagong ito, hindi magtatagal ay mahahanap ako nila Merlin sa lugar na ito.

I'm one of his successful test subjects. Paniguradong hahanapin niya ako. Hindi ako kasama sa mga napatay at sinunog nilang hunters at huntress. Natitiyak kong alam nitong buhay pa ako at nagtatago sa mga liblib na village dito sa Utopia.

Wala nang nagawa pa si George sa naging desisyon ko. No one can stop me leaving this village. Alam kong naiintindihan niya ang mga dahilan ko. I can't stay here any longer. Payapa na ang mga buhay nila. Nakalimutan na nila ang nangyari sa dating village namin. May bagong buhay at tahanan na silang lahat. Dapat lang na manatiling ganoon at hindi na magulong muli.

"Lady Zaila," marahang wika ni George habang nakatayo sa gitna ng main entrance ng Amethyst Village. Sa tabi niya ay iilang villagers na malungkot na nakatingin sa akin. I smiled at them. "Mag-iingat ka sa paglalakbay mo."

Natigilan ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Hindi ko kailangang mag-ingat. Mas nag-aalala pa nga ako sa mga taong makakasalamuha ko sa magiging paglalakbay ko. Tipid na lamang akong tumango kay George at muling tiningnan ang mga kasama nito ngayon. Mayamaya lang ay namataan ko si Blair. Seryoso lang itong nakatingin sa akin at noong magtagpo ang mga mata namin, bahagya itong yumukod.

"Thank you," matamang wika ko. "Thank you for saving me... and thank you for surviving. Kayong lahat. Maraming salamat dahil binigyan niyo pa ako nang pagkakataong mabuhay at makita kayong muli. Maraming salamat."

"Lady Zaila." Naiiyak na wika no'ng isa sa matandang villager. "Mag-iingat ka," dagdag pa nito na siyang ikinatango ko na lamang muli. "Kapag tapos ka na sa dapat mong gawin, huwag mong kalimutang nandito lang kami. Tahanan mo rin ang village na ito, Lady Zaila. Maghihintay kami sa muling pagbabalik mo."

Hindi na ako nakapagsalita pa. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at yumukod na sa harapan nila. Ilang segundo akong yumukod sa kanila at noong nakaramdaman ako ng kaunting kirot sa dibdib ko, mabilis akong umayos nang pagkakatayo. Sa huling pagkakataon, tiningnan ko isa-isa ang mga taong naging kasama ko sa loob ng isang buwan. At noong natapos na ako, tahimik akong kumilos at tinalikuran na sila. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago magsimulang ihakbang ang mga paa.

"Paalam, Lady Zaila Amethyst," huling wika ni George na siyang ikinahigpit nang pagkakahawak ko sa strap ng bag na dala. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at hindi na sila muling binalingan pa.

Yeah. It's definitely a goodbye to Zaila Amethyst.

Three days. It's been three days since I left the village. At sa loob ng tatlong araw, wala akong ibang ginawa kung hindi ang maglakbay sa kung saan. Walang direksiyon ang paglalakbay na ginagawa ko ngayon. I just kept on walking. Tanging pagkain at pagtulog lamang ang pahinga ko. Mabuti nga ay may pinabaon sa akin ang iilang taga-village na pagkain. Kahit papaano'y hindi na ako nahirapan sa loob ng tatlong araw na paglalakbay.

Humugot ako ng isang malalim na hininga at naupo sa isang malaking ugat ng puno. Napatingala ako at tinanaw ang buwan sa itaas. I bitterly smiled. Masyadong maliwanag ang buwan ngayon. It's full moon. Wala akong matanaw na mga bituin dahil sa liwanag mula sa bilog na buwan.

Muli akong napahugot ng isang malalim na hininga at tiningnan ang paligid. Kahit papaano'y may naaaninag ako sa paligid. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at tiningnan ang sanga ng punong nasa harapan. "Dito na lang ako magpapalipas ng gabi," matamang wika ko sa sarili at ikinumpas na ang kanang kamay. Segundo lang ay lumutang na ako sa ere at unti-unting lumipad paitaas.

Noong malapit na ako sa may sanga ng puno, maingat akong humawak doon at inangat ang sarili. Naupo na ako at marahang isinandal ang likuran sa katawan ng puno. I sighed again. Inayos ko ang pagkakalagay ng bag sa katawan at ipinikit na ang mga mata.

I will stay here for tonight. Bukas, magpapatuloy ako sa paglalakbay. But this time, may nais akong puntahan muna bago tuluyang umalis dito sa Utopia. I wanted to visit that place first before finally leave and forget about this world.

Dahil marahil sa pagod ay agad akong nakatulog. Kampante akong ligtas ako sa puwesto ko ngayon. I even activated an invisible barrier na kahit may biglaang umatake sa akin dito, hindi nila ako masasaktan dahil sa barrier na ginawa ko. I was having a peaceful night when I suddenly felt a presence. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at umayos nang pagkakaupo. Mas pinatalas ko ang pandama ko at napakunot na lamang ng noo noong may naramdaman akong dalawang magkaibang presensiya 'di kalayuan sa punong kinaroroonan.

"They're running towards here," mahinang wika ko at tumingin sa ibaba. "An evil witch and a... half-witch," sambit ko pa noong makumpirma kung anong klaseng witch itong papalapit sa kinaroroonan ko.

Hindi ako gumawa ng kahit anong ingay sa puwesto ko. Tahimik akong naghintay sa dalawa at noong maaninag ang isa sa kanila, napakunot muli ang noo ko.

It's a wounded female half-witch. Nahihirapan itong tumakbo at noong nasa tapat na ito ng punong kinalalagayan ko, mabilis itong napasandal at nagtago. Ipinilig ko ang ulo pakanan at hinintay ang susunod na mangyayari. I can feel the half-witch heartbeat. Sobrang lakas nito at nahihirapan na rin siya sa paghinga. Segundo lang din ang lumipas ay namataan ko na ang isa pang hinihintay ko.

The evil witch.

It was a guy. May hawak itong espada at matamang tinitingnan ang madilim na paligid. Napatingala ako at napangiwi na lamang noong makitang mas naging maliwanag ang buwan ngayon. Paniguradong mahahanap ng evil witch na ito ang target niya.

Napailing na lamang ako at muling itinuon ang atensiyon sa dalawa.

Wala akong planong makialam sa dalawang ito. It's their fight, anyway. Labas na ako sa kung anong mayroon silang dalawa. Wala rin naman akong mapapala kung makikisali ako sa kanila. At isa pa, isang mababang lebel lamang ang evil witch na ito. Magsasayang lang ako ng oras kung makikisali ako sa gulo ng dalawang ito.

Napailing na lamang ako at muling isinandal ang likod sa katawan ng puno. Pinagkrus ko ang mga braso sa harapan at matamang pinagmasdan ang dalawa sa ibaba.

"Huwag ka nang magtago," rinig kong saad ng evil witch at nagpatuloy sa paghahanap sa babaeng half-witch. "You're wounded. Hindi magtatagal, hindi ka na makakakilos pa. Kaya naman bago pa ako tuluyang magalit sa'yo, lumabas ka na sa pinagtataguan mo."

Binalingan ko ang nagtatagong half-witch. Nakahawak ito sa may tagiliran niya at impit na napadaing. Dahil sa ginawa niya, mabilis na tumigil sa pagkilos ang evil witch. Ngumisi ito at nagsimulang maglakad muli. Dahan-dahan itong kumilos at noong malapit na ito sa puno kung saan nagtatago iyong babae, isang malakas na enerhiya ang biglang tumama sa evil witch na siyang ikinatigil ko. Napaarko ang isang kilay ko at mabilis na hinanap ang pinanggalingan ng enerhiyang tumama at nagpatilapon sa evil witch.

"Morgana!" sigaw ng bagong dating. Ipinilig ko ang ulo at pinagmasdan ito. She's a half-witch too. Pero sa lebel ng kapangyarihang ginamit niya, mukhang mas mataas ito kaysa sa evil witch na pinuntirya niya kanina. Napatango ako at nanatiling nagmasid sa nangyayari sa ibaba.

"Luna!" sigaw ng sugatang babaeng kanina pa nagtatago sa puno. Lumabas ito roon at tinawag pansin ang bagong dating.

Morgana and Luna.

Half-witches. Saang village kaya galing ang dalawang ito? Paniguradong hindi nalalayo sa gubat na ito ang village kung saan nabibilang ang dalawang ito.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Luna at mabilis na dinaluhan iyong sugatan na si Morgana. Tumango naman ang babae at mabilis na napapitlag noong marinig ang malakas na sigaw no'ng evil witch na kalaban nila.

"Bakit ka ba nakikialam sa amin ng kapatid mo, Luna?" inis na tanong no'ng evil witch at mabilis na umatake sa dalawa.

Agad namang kumilos si Luna. Mabilis itong dumipensa at sa muling pagkumpas ng kamay nito, muling tumilapon iyong evil witch palayo sa kanilang dalawa.

"Seryoso ka ba sa tanong mo? You fucking want her dead! Talagang makikialam ako sa inyong dalawa, Varnan!"

"She's nothing but a piece of trash!" ani ng lalaki at tumayo mula sa pagkakasalampak niya sa lupa. "Kung hindi siya papayag na maging parte ng Coven, mas makabubuting mamatay na lang ito. She's useless anyway!"

"You and the rest of the members of the Coven are the real trash, Varnan!" mariing saad ni Morgana at napadaing muli. Bigla itong napaupo kaya naman ay mabilis na dumalo sa kanya si Luna. Napangisi ako at umayos nang pagkakaupo sa sanga ng puno.

Well, kung hindi ba naman ako sinusuwerte sa gabing ito. A member of the Coven is here.

I didn't expect that, though. Alam kong isang evil witch itong si Varnan pero hindi naman lahat ng kagaya niya ay talagang miyembro ng Coven. Some of the evil witches living here in Utopia doesn't want to associate with the Coven. May sarili silang grupo at ayaw sumali sa Coven. Iyon ang unang naisip ko tungkol sa evil witch na ito. He's a low-level evil witch kaya naman ay hindi ko inaasahang miyembro pala ito ng Coven.

I wickedly smiled and decided to join them.

I may not be a witch huntress anymore, but my goal is still the same.

I will hunt every member of the Coven. I will kill every member I crossed path in this journey. And I will definitely hunt those evil witches who burned my family.

This is the sole reason why I decided to start this new journey.

I will hunt and kill them and make them regret for letting me run away and survive.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top