Untold Thirty-nine: The Amethyst Emblem
Noong nasa academy pa ako, palagi ko itong naririnig kay Elveena.
Magic can be good and evil. Depende sa kung sino ang gumagamit nito.
Ang matutong gumamit ng mahika ay hindi pangunahing itinuturo sa aming mga hunter at huntress ng Deepwoods. We don't normally used magic. Maliban na lamang kung isang high rank hunter at huntress ka na. Silver weapon. Ang paggamit sa kahit anong klaseng silver weapon talaga kami nakatuon noon. Isama mo na rin ang walang katapusang combat training.
That's how we train ourselves inside the academy.
At hindi ganoon ang itinuro sa labas nito. Lalo na sa mga half-witches sa Mountainbane at sa Royal Capital kung saan naroon ang mga Asteria. They are more focus on using magic. Kaya naman habang tumatagal, mas lalong lumalakas ang mga witch sa Utopia. At ang iba pa'y masyadong nalulunod sa kung anong kaya nilang gawin at ang ending, nagiging masama na ang epekto ng kapangyarihang hinasa nila at unti-unting nawawala sa tamang landas.
Coven... The house of the evil witches. Dito nagtutungo ang mga witch mula sa Mountainbane at Royal Capital. Sila ang mga witch na hindi na kayang kontrolin ang paggamit ng dark magic nila kaya naman ay pinagbawalan na sila sa kani-kanilang mga tirahan. Sa Coven sila nanunuluyan at dito rin nila mas lalong hinahasa ang kapangyarihan nila. And for sure, in no time, tiyak kong mas darami pa ang bilang nila sa mundong ito.
At kapag mangyari ang araw na iyon, natitiyak kong katapusan na rin ng buong Utopia.
The Royal Witches can't fight them alone. Ngayong wala na ang Deepwoods, wala na silang ibang pagpipilian pa. They need to fight the Coven without the help of the hunters and huntresses. They need to fight them without using the only weapon they created to defeat their mortal enemies.
Hindi ko inalis ang paningin sa magkapatid. Seryosong nag-uusap ang dalawa samantalang matiyaga akong naghihintay sa magiging desisyon nilang dalawa.
Kung tama lahat ng hinuha ni Luna sa kung anong mayroon sa village nila, hindi talaga maiiwasang hindi madamay ang mga residente sa lugar na ito. This magic... it's a rare and ancient one. Wala akong ideya kanina sa kung ano ito ngunit noong maramdaman ko ang kakaibang enerhiya kanina sa labas ng bahay na ito, sigurado akong isa ito sa mga forbidden magic na nakatala sa isa sa mga nabasa kong aklat sa library ng academy.
It's a life steal magic. Someone casted this spell for a long time now kaya naman ay ganito na lamang ang epekto nito sa mga residente ng village na ito. At kapag ma-dispel na ito, tuluyan nang mawawalan ng buhay ang mga residenteng naapektuhan ng mahikang ito. Tanging ang barrier o ang force field na bumabalot ngayon sa buong village ang pumipigil para tuluyang hindi mapawalang bisa ang mahikang ginamit sa kanila.
Napahugot ako ng isang malalim na hininga at wala sa sariling napatingin sa may pinto ng bahay. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at noong may mapagtanto ako, mabilis akong natigilan. A barrier and a rare and ancient magic. Two different magic spells! Magkaiba rin ang gamit nito kaya naman maaaring magkaibang witch ang nag-cast nito sa buong village!
"Luna," tawag ko sa kanya at mabilis na bumaling dito. Sabay na napatingin naman sa akin ang magkapatid. "Nasabi niyo sa akin kanina na mag-iisang taon ng walang dayong nagtutungo rito sa village ninyo." Tumango naman ang dalawa. "Naaalala niyo pa ba kung sino ang huling dayo na pumunta rito?"
Namataan ko ang pagkunot ng noo ng dalawa at noong umiling si Luna, napangiwi na lamang ko.
"It was a man," ani Morgana na siyang ikinatuon ko nang atensiyon sa kanya. "Hindi mo siya nakita dahil abala ka sa pag-aaral, Luna," dagdag pa nito at hinarap ako nang maayos. "I don't know his name, but I remember him. Tanda ko ang itsura nito at iyong emblem na nasa kasuotan niya."
An emblem...
Ipinilig ko ang ulo pakanan at nanatili ang titig kay Morgana. "He's a royal witch."
Napakurap ako. "An Asteria," matamang sambit ko na siyang ikinailing nito sa akin.
"Hindi siya parte ng kasalukuyang royal family, Zaila," wika muli ni Morgana na siyang ikinakunot naman ng noo ko. "Kilala ko ang miyembro ng pamilyang Asteria. Ilang beses na akong napadpad sa Royal Capital kaya naman ay alam ko ang mga itsura ng royal family. Ang lalaking nagtungo rito ay hindi parte ng pamilyang Asteria. Sigurado ako."
That's impossible! Ang mga Asteria na lamang ang natitirang royal family ngayon sa buong Utopia. Imposibleng may iba ang royal family na nag-e-exist sa mundong ito!
"Natatandaan mo ba kung ano ang itsura ng markang nakita mo sa kasuotan ng lalaking tinutukoy mo?" maingat na tanong ko kay Morgana.
Kailangan kong malaman kung sino ang lalaking tinutukoy ni Morgana ngayon. At dahil magkaibang mahika itong nasa village na ito, possibleng ang lalaking iyon ang naglagay ng force field sa buong lugar na ito. Paniguradong naramdaman niya noon ang kakaibang mahika rito kaya naman ay gumawa na siya ng force field para hindi na ito tuluyang kumalat at manatili na lamang sa village na ito!
Mabilis na nagpaalam sa amin ng kapatid niya si Morgana. Tahimik kong pinagmasdan ito hanggang sa pumasok na siya sa isang silid. Minuto lang din ang lumipas ay lumabas itong muli at nagsimulang maglakad palapit sa akin. Kunot-noo ko itong pinagmasdan at noong may napansin ako sa kamay niya, ipinilig ko ang ulo at hindi inalis doon ang paningin.
"Mahilig ako gumuhit kaya naman ay ginawa ko ito noon," ani Morgana at inabot sa akin ang hawak-hawak na piraso ng papel. "It was an unfamiliar and unique emblem. Ang mga royal family lamang ay may ganitong kakaiba at detalyadong marka kaya naman nakakasigurado akong parte ng isang royal family ang lalaking iyon," dagdag pa niya habang nasa harapan ko ang papel na hawak-hawak niya.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tahimik na tinanggap kay Morgana ang papel. Tinitigan ko muna ito at mayamaya'y maingat na binuklat ang nakatuping papel. At noong makita ko ang tinutukoy na emblem nito, mabilis akong natulos sa kinatatayuan ko.
This can't be real.
"Pamilyar ka ba sa markang iyan, Zaila? You're a traveler. Paniguradong may alam ka sa mga ganitong bagay," wikang muli ni Morgana na siyang ikinatingin ko sa kanya.
Mariin kong hinawakan ang papel at naglakas-loob na nagtanong sa kanya. "Sigurado ka ba talaga sa markang ito?" mahinang tanong ko. "I... I know this emblem... pero... matagal nang wala ang pamilyang ito sa Utopia."
"That's impossible. Last year lang ito napadpad sa village namin, Zaila," ani Morgana at binalingan si Luna. "Hindi ito nakita ng kapatid ko pero alam niyang may dayong nagtungo rito sa amin."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at napapikit na lamang.
Imposibleng mangyari ito. This emblem... this was my family's emblem! The Amethyst! Matagal ko nang hindi nakikita ito pero alam na alam ko ang bawat detalyeng nasa emblem ng pamilya namin!
"Kilala mo kung kaninong pamilya nabibilang ang emblem na iyan, tama ba ako, Zaila?" Luna suddenly asked. Napamulat ako ng mata at binalingan ito. "Tell us... kilala mo ba ang lalaking tinutukoy ni Morgana?"
"No," mabilis na sagot ko at umiling dito. "It's been ten years since the last time I saw this emblem. Wala na rin akong balita sa pamilyang ito." I took a deep breath and looked closely to the paper I'm holding. "Matagal nang wala sa Utopia ang nagmamay-ari ng emblem na ito. They were murdered... burned. The Coven killed them."
"Oh my God," bulalas ni Morgana at mabilis na bumalik sa tabi ng kapatid. "Hindi kaya naghihiganti sa atin ang lalaking iyon? Malamang ay nakita niyang may ilang miyembro ng Coven na naninirahan sa village na ito, Luna! Siya nga talaga ang nag-cast ng spell sa buong village natin!"
Napailing ako at muling humugot ng isang malalim na hininga. "It's the other way around, Morgana," sambit ko na siyang nagpatigil sa babae. "This unknown magic... sigurado akong forbidden magic ito at tanging miyembro lang ng Coven ang kayang gumawa nito. A forbidden magic in one of the magics used by a high-level evil witch. At ang lalaking nagtungo rito, he casted a spell... a force field, to stop that forbidden magic to spread out the whole forest. Dahil kung hindi niya gagawin iyon, tiyak na pati ang mga kalapit na village ay maaapektuhan na rin ng forbidden magic na ito. It's a life steal magic. All living creatures within this forbidden magic will slowly die until the last drop of their magic."
"So, the force field... it's also stopping the magic to totally suck the lives of the residents of this village," mahinang wika ni Luna na siyang ikinatango ko.
"Yes. Ganoon na nga ang ginagawa ng force field at kapag inalis natin ito, mawawala na rin ang bisa ng forbidden magic sa buong village niyo," seryosong saad ko.
"Iyon naman pala. Kung sabay na gagawin iyon, walang mapapahamak na residente!" bulalas ni Morgana.
Napailing ako. "Hindi madaling gawin iyon, Morgana." I sighed. "Kahit anong gawin natin, may mapapahamak pa rin. Kahit na unahin kong i-dispel ang forbidden magic na ginamit ng Coven dito, may mga residenteng nasa bingit na ng kamatayan. It's been a year since all of you were exposed with this magic. Hindi natin alam kung gaaano na kalala ang kondisyon ng ibang mga residente dito."
Napayuko na lamang si Morgana at mariing ikinuyom ang mga kamao. Hindi ko inalis ang paningin sa magkapatid.
We can't do anything here. Kung sana'y naramdaman lang nila noon ang kapangyarihang ginamit ng Coven sa kanila, kung nagawa lang sana nilang kontrahin ito kagaya nang ginawa ni Luna sa kanila ng kapatid niya, tiyak kong hindi sila mapapahamak kahit na alisin ko man ang force field na bumabalot ngayon sa buong village nila.
I sighed.
Ano pa nga ba ang maitutulong ko sa mga half-witch na ito?
Kung ang hunters at huntresses nga ng Deepwoods ay hindi ko nailigtas o natulungan man lang, itong mga half-witch pa kayang kakakilala ko pa lang?
I may have the ability to dispel different types of magic, but still, I can't save them all.
I can help them, but I can't guarantee the safety of the half-witches residing this village.
"I need your decision now, Luna... Morgana. Hindi na ako maaaring magtagal sa lugar na ito. May kailangan pa akong gawin kaya naman ay magdesisyon na kayo. You want me to dispel the forbidden magic and the force field, fine, I'll do it. Pero ang mga buhay na mawawala kapag ginawa ko ang nais niyo, hindi ko na kargo iyon."
I've already lost my friends, my family. Wala na akong balak dagdagan pa ang mga taong mawawala sa buhay ko. It's up to them now. Pamilya nila ang lahat nang naninirahan sa lugar na ito. Sila ang magdedesisyon nito at hindi ako.
Hindi kumibo ang magkapatid. Nanatili ang mga mata ko sa kanilang dalawa at noong kumilos si Luna, natuon sa kanya ang paningin. Tumayo ito mula sa pagkakaupo niya at sinalubong ang matamang titig ko sa kanya. "Magpahinga ka na, Zaila. Iyon naman talaga ang rason kung bakit ka narito ngayon. Gamitin mo ang isa sa bakanteng silid dito sa bahay namin. Please rest and leave our village tomorrow," aniya at mabilis na umalis sa puwesto niya. Gulat namang napatingin sa kanya si Morgana at tinawag ang pangalan nito.
Sinundan ni Morgana si Luna sa silid nito at segundo lang ay nawala sa paningin ko ang magkapatid.
Napabuntonghininga na lamang ako at dahan-dahan nagtungo sa mahabang sofa nila. Maingat akong naupo roon at inilapat ang likod sa backrest nito. I sighed again.
So, that was their decision. Hindi ko sila tutulungang alisin ang forbidden magic at ang force field na nakapalibot sa buong village nila. Hahayaan na lamang nila ito at hindi isusugal ang buhay ng mga residente sa lugar na ito.
Napatango na lamang ako at ipinikit ang mga mata.
That was a wise decision. Iyon naman talaga ang dapat na gawin nila. We can't identify those villagers who already reached their limits. Malalaman na lang kasi namin iyon kapag tuluyang ma-dispel ang force field at kapag nangyari iyon, wala na kaming magagawa pa para mailigtas sila.
Hindi na ako nakapunta pa sa silid na tinutukoy ni Luna kanina. Dahil sa pagod sa ilang araw na paglalakbay, mabilis akong nakatulog sa may sofa nila. Hinayaan kong makapagpahinga ang katawan at hindi na nag-abala pang lumipat.
Naging tahimik at payapa ang buong magdamag. Hindi na rin lumabas sa silid nila ang magkapatid at hinayaan ko na lamang iyon. Akmang ikikilos ko na sana ang katawan ko noong bigla akong natigilan sa puwesto. Mabilis akong naging alerto at iminulat ang mga mata. Naupo ako nang maayos at pinakiramdaman ang paligid.
Segundo lang ang lumipas ay nakaramdaman ako nang pagkilos sa labas ng bahay ng magkapatid. Wala sa sarili akong napatingin sa nakasarang pinto at maingat na itinayo ang sarili mula sa pagkakaupo.
It was the same energy I felt earlier, noong pumasok kami kanina sa bahay nila at biglang nawala rin naman! Now, it's back! At mukhang nasa labas muli ito ng bahay ng magkapatid!
Slowly, I moved my body. Sa sobrang ingat nang pagkilos ko, tiyak kong hindi man lang ito mararamdaman ng kahit sino. At noong nasa tapat na ako ng pinto, dahan-dahan kong itinaas ang kanang kamay. Inilagay ko ito sa may pinto at pinakiramdaman muli ang enerhiyang nararamdaman ngayon.
Mariin kong ipinikit ang mga mata at pagkalipas lang ng ilang segundo, nakumpira ko kung anong klaseng enerhiya itong nararamdaman. Mabilis kong binuksan ang nakasarang pinto sa harapan at agad na inihakbang ang mga paa.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Dali-dali kong sinundan ang enerhiya mabilis na lumayo sa akin at natitiyak kong pabalik na ito ngayon sa kung sino mang may-ari nito! I activated my wind magic and let my body move faster. Halos hindi na tumatama sa lupa ang mga paa ko. Mas binilisan ko ang pagkilos at noong lumiko ang enerhiyang sinundan, mabilis akong napailing.
Mukhang alam nito ang kung anong binabalak ko!
Damn!
Agad kong itinigil ang pagsunod sa enerhiya at lumipad na lamang paitaas. At noong nasa tamang posisyon ko, mabilis kong ikinumpas ang magkabilang mga kamay. I activated all my senses and traced the origin of that energy. And when I finally found it, I moved my body again and fly towards the direction of that witch.
Yes. It's a witch. Sa lakas pa lang nito, alam ko ng hindi ito basta-bastang witch na lamang. It's not an evil witch, though. I can't sense a single amount of dark magic on him kaya naman ay kampante akong harapin ito. Mas binilisan ko ang paglipad hanggang sa makalabas na ako sa village nila Luna at Morgana. Hindi naman kumilos sa posisyon nito ang target ko at noong makarating na ako sa kung saan ito nagtatago, mabilis na napakunot ang noo ko.
Tahimik kong pinagmasdan ang paligid at noong magpatanto ko kung nasaan ako ngayon, napangiwi na lamang ako.
Dito ako nagpahinga kanina bago pa man dumating sila Morgana!
Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at tiningnan ang puno kung saan ako nagpahinga at noong mamataan kong may lalaking prenteng nakaupo sa puwesto ko kanina, hindi na ako nagdalawang-isip pang ikumpas ang kanang kamay ko. Agad akong nagpakawala ng wind blades at pinuntirya iyong witch 'di kalayuan sa puwesto ko.
Agad naman itong umiwas at kagaya ko, lumutang na rin ito sa ere.
Wind magic. Mukhang pareho pa kami ng kapangyarihang ginagamit! Napailing ako at hindi inalis ang paningin sa kanya. It was a man wearing all-black clothes. May suot rin itong maskara na siyang nagtatago sa halos kalahati ng mukha nito. Mataman kong pinagmasdan ang lalaki at noong may napansin ako sa kapang suot-suot nito ngayon, natigilan ako. Mayamaya lang ay kusang umawang ang labi ko at napako ang paningin sa emblem na nakaukit sa suot ng lalaki. No hell way! Paanong nasa suot na kapa nito ang emblem na iyon?
Napailing akong muli at masamang tiningnan ang witch na tahimik lang na nakatingin sa akin.
"The Amethyst emblem... You were the one who casted the force field around that village," matamang sambit ko pa habang hindi inaalis ang paningin dito. Madilim pa rin ang paligid kaya naman ay hindi ko masyadong naaaninag ang mukha ng witch na ito. Damn it! "Who the hell are you?" dagdag ko pa at inilabas na ang silver weapon ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top