Untold Thirty-four: The Blood-Stained Sword
Napayuko na lamang ako at hinintay ang pagtama ng mga atake ni Raine sa akin. I can't even move a finger now. Wala na akong lakas para kumilos pa sa kinatatayuan ko ngayon.
I just took a deep breath and waited for my end. Ngunit bago pa tumama sa akin ang mga fire ball na gawa ng kaibigan, isang bulto ng tao ang biglang lumitaw sa harapan ko. Napakurap ako ng ilang beses at kasabay ng malakas na pagsabog sa harapan ko, isang kamay ang mabilis na humila sa akin kaya naman ay mabilis akong napaupo.
"Looks like you're having a hard time here, Zai," matamang sambit no'ng humawak sa akin kaya naman ay mabilis akong napatingin sa kanya. Napakurap akong muli at malungkot na tiningnan ito. Mayamaya lang ay may sumabog na naman sa paligid namin kaya naman ay napabaling ako sa isa pang bagong dating.
Oh my God! It's Raven and Theo! They're here.
My friends are here!
"Tell me, Zaila, iyong prinoprotektahan ni Raine... siya ba ang lider ng Coven?" mahinang tanong ni Theo habang nakatingin sa gawi ni Raine at Donovan. Napalunok ako at pilit na itinayo ang sarili. Mabilis naman akong inalalayan ni Raven at noong makatayo na ako nang maayos, tahimik akong tumango sa kaibigan.
"I managed to seal him inside the purgatory fire magic earlier. Nagamit marahil nito ang halos lahat ng kapangyarihan niya kanina para hindi tuluyang matupok ng apoy kaya naman ay mahina at walang malay ito ngayon," matamang sambit ko. "You have your silver weapons, right?" tanong ko pa at tiningnan ang mga kaibigan. "Iyon ang kailangan natin ngayon para matapos na ang gulong ito."
Tumango lang ang dalawang kaibigan ko sa akin at mabilis na kumilos.
"Kami na ang bahala kay Raine. Go and get your silver weapon. Tulungan mo na rin ang prinsipe! He's dealing with four high-level evil witches. He needs you," mabilis na wika ni Raven habang tumatakbo papalayo sa akin.
Napalunok na lamang ako at wala sa sariling napatingin sa puwesto ni Reagan. Alam kong malakas ito. He's a royal witch ngunit malalakas din ang mga kalaban niya ngayon. Apat na high-level evil witches ang halos sabay-sabay na umaatake sa kanya ngayon! Damn! Masyadong dehado ito sa laban nila!
Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at muling sinubukang ihakbang ang mga paa. Ramdam ko pa ang panghihina ng buong katawan ko kaya naman ay bahagya akong napangiwi. Muli akong napatingin sa puwesto ni Reagan at noong mamataan ko itong napaatras dahil sa malakas na atake ng isa sa kalaban niya, hindi na ako nagdalawang-isip pa. Inihakbang ko ang mga paa at tinungo ang direksiyon kung saan naroon ang silver weapon ko.
Mabibigat ang bawat hakbang ko. Tila kinakapos pa rin ako ng hangin kaya naman ay kusang napaawang ang mga labi ko at hinabol ang sarili hininga. Mayamaya lang ay namataan ko na ang silver weapon kaya naman ay agad akong napaluhod at mabilis na dinampot ito. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilisan kong binago ang itsura ng silver weapon ko at ginawang pana iyon. Umayos ako nang pagkakatayo at itinutok ang pana sa mga kalaban ni Reagan. Dali-dali kong pinaulan ng mga magkasunod na atake ng apat na miyembro ng Coven at noong matamaan ko ang dalawa sa kanila, mabilis na lumayo ang mga ito kay Reagan.
Dahil hindi basta-bastang pana lang ang tumama sa dalawang evil witch, mabilis silang nanghina at napaluhod sa lupa. Mataman kong tiningnan ang ginagawa nila at noong sinubukang alisin ng isa sa kanila ang panang tumama sa braso nito, agad itong sumigaw na siyang ikinaalarma ng iba pa. Halos sabay-sabay na bumaling sa akin ang ibang miyembro ng Coven at masamang tiningnan ako.
"Go and get the huntress," rinig kong wika ng isa na siyang ikinatango naman no'ng evil witch na hindi ko natamaan kanina. Napamura na lamang ako sa isipan at muling inihanda ang pana sa kamay. Mabilis namang kumilos iyong evil witch at tumakbo patungo sa kinatatayuan ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at itinutok iyon sa kalaban ko. Akmang bibitawan ko na sana ang pana noong biglang nawala ito sa paningin ko.
Damn it!
Agad kong binago ang itsura ng silver weapon na hawak-hawak at bago pa ako tuluyang malapitan no'ng evil witch, ikinumpas ko na ang kamay at ginawang espada ang sandata. At sa muling pagkurap ng mga mata ko, nasa harapan ko na ang evil witch na kanina lang ay kalaban ni Reagan. Buong puwersa kong sinangga ang atake nito at dahil nanghihina pa nga ang katawan ko, mabilis akong napaatras. Sa muling paghampas ng espada ng kalaban ko ay wala na akong nagawa pa noong tumilapon na ako.
Napamura na lamang ako noong tumama ang katawan ko sa isang puno. Wala sa sarili akong napaubo at napangiwi na lamang noong malasahan ko ang sarili dugo sa bibig.
Mabilis ko namang itinukod sa lupa ang espadang hawak at seryosong tiningnan ang papalapit na evil witch sa akin. "Any last word, Huntress?" He asked then pointed his sword towards me. Hindi ako kumibo sa puwesto ko at nanatiling seryosong nakatingin sa kanya. Mayamaya lang ay biglang kumunot ang noo nito habang nakatingin pa rin sa akin. "Wait a minute," anito at inilapit sa leeg ko ang talim ng hawak na espada nito. "You're not a huntress." He stated. "You're a witch."
"I will never be a witch," mariing sambit ko sa kanya.
"That's impossible," anito at nginisihan ako. "I can clearly see it. Sa mga mata mo pa lang, alam kong hindi ka isang huntress. But... the way you handle that fucking silver weapon, I can say that you were a former huntress from Deepwoods. What are you? Isa ka ba sa half-witch na ginawang evil witch ni Merlin?"
Upon hearing Merlin's name, bigla akong nagkaroon ng lakas. Gamit ang natitirang lakas sa katawan ko, mabilis kong hinawakan ang talim ng espada nito na nasa leeg ko. Sinubukan nitong hilain ang sandata niya palayo sa akin ngunit hindi ko ito binigyan nang pagkakataon. Mas diniinan ko pa ang pagkakahawak sa espada niya hanggang sa maramdaman kong nasugatan na ang kamay ko. Ininda ko ito hanggang sa tuluyan ng nagkaroon ng dugo ko ang espada nito.
"Yes. Isa ako sa naging test subjects sa laboratory ni Merlin," mariing wika ko at unti-unting tumayo. Muli namang sinubukan ng evil witch na bawiin ang espada niya sa akin ngunit hindi ko pa rin ito binigyan nang pagkakataong makawala mula sa pagkakahawak ko. "And you know what... isa ako sa naging matagumpay na test subject niya," dagdag ko pa at segundo lang, nakaramdaman ako ng kakaibang enerhiya mula sa talim ng espada ng kalaban ko. Bahagya akong natigilan dahil doon at noong makita kong unti-unting kumakalat ang dugo ko sa talim ng espadang hawak, napaawang ang labi ko.
What the hell is happening?
"Blood magic," rinig kong sambit ng evil witch sa harapan ko at mabilis na binitawan ang sariling sandata. Namataan ko ang pag-atras nito palayo sa akin habang nakatingin sa kamay kong duguan dahil sa sugat na natamo kanina. "This is incredible. You... you possess something that Merlin wants. That magic... it's something that he really worked hard to achieve and have it!"
Napatanga ako sa harapan niya. Wala akong ideya sa mga sinasabi nito. Blood magic? May ganoon bang uri ng mahika sa mundong ito? At ano naman ang kayang gawin ng mahikang ito?
"We need to capture you," muling sambit ng miyembro ng Coven sa harapan ko at humakbang ng isang beses palapit sa akin. Napaatras naman ako at mabilis na binitawan ang espada nito. "We need you alive. Hindi ka na dapat makatakas sa amin. Ikaw... ikaw ng kailangan namin para matalo ang royal family ng Utopia!"
What?
"That's funny... because they need me too to defeat you and the rest of the Coven," mariing sambit ko at hinawakan muli ang silver weapon. Mayamaya lang ay nakaramdaman ako ng kakaiba sa sugatang kamay. Wala sa sarili akong napatingin doon at noong mapansin kong tila may kakaiba sa dugong naroon, napakurap ako.
Blood magic... I wonder kung ano ang kaya nitong gawin?
Hindi na ako nagsayang pa ng segundo. Mabilis kong ikinumpas ang ang hawak na espada at noong dumaloy ang sariling dugo sa talim ng silver weapon ko, mabilis na umilaw ito at may kung anong enerhiya kumawala mula rito.
"Damn it!" bulalas ng kalaban kong evil witch at mabilis na umiwas sa enerhiyang bumulusog sa kinatatayuan niya. Ipinilig ko ang ulo pakanan at muling ikinumpas ang hawak na espada. Sa pagkakataong ito, mas maraming dugo na ang nasa talim ng silver weapon ko. Mas lumiwanag rin ang kulay pulang ilaw na inilalabas nito at sa muling pagbulusog ng enerhiyang pinakawalan ko, hindi na nakailag pa ang evil witch na kalaban ko. Mabilis itong tumilapon at bumagsak ang katawan nito sa lupa.
Humakbang ako ng isang beses para sana lapitan ang tumilapon na kalaban ngunit agad din naman akong natulos sa kinatatayuan ko. Wala sa sarili akong napatingin sa kamay ko noong biglang lumakas ang enerhiyang dumadaloy dito.
"What the-" Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin noong kusang umangat ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa direksiyon kung saan nakatutok ngayon ang dulo ng espada ko.
Damn it! I can't control it! Hindi ko makontrol ang kamay ko!
"No," mahinang sambit ko at mariing hinawakan ng kaliwang kamay ang kanang kamay na may hawak na espada. "Damn it," bulalas ko pa at hinampas ang kamay para mabitawan ko sana ang hawak na silver weapon. But to my dismay, the energy that's controlling my right hand become stronger. Mayamaya lang ay napaawang ang labi ko noong kusang lumutang ang katawan sa ere at mabilis na tinahak ang daan patungo sa kinaroroonan ni Reagan at ng iba pang high-level evil witch.
"Reagan!" malakas na sigaw ko sa pangalan nito. Agad namang bumaling si Reagan sa akin at noong makita niya ang kalagayan ko, mabilis itong umalis sa kinatatayuan niya. Ganoon din ang ginawa ng dalawa pang evil witch at matamang tiningnan ako.
Damn it!
"What's wrong, Zaila?" rinig kong tanong ni Reagan noong maiapak kong muli ang mga paa sa lupa. Bumaling ako sa kanya at mabilis na pinigilan muli ang kanang kamay. Kusang umangat na naman kasi ito at mabilis na kumumpas. Napaikot tuloy ako at nawalan ng balanse! Fuck! "Zaila!" sigaw ni Reagan sa pangalan ko.
Akmang lalapit na sana ito sa akin noong mabilis akong sumigaw. "Huwag kang lumapit sa akin!" I screamed. "Hindi ko makontrol ang kanang kamay ko!"
Natigil naman sa pagkilos si Reagan at matamang tiningnan ako. "Is that your blood?" he asked while looking at my bloody sword.
Tumango naman ako sa kanya at mabilis na inayos ang pagkakatayo. Muling umangat ang kamay ko at sa pagkakataong ito, sa dalawang evil witch naman ito tumutok. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at humugot ng isang malalim na hininga. "I don't know what's happening to me, but I guess I'll just go with the flow. Hindi ko makontrol ang kamay ko kaya kung maaari, dumistansiya ka sa akin habang tinatalo natin sila," mariing saad ko sa kanya na siyang ikinatango na lamang nito.
"Be careful," rinig kong sambit ni Reagan at siya na mismo ang unang umatake sa dalawang kalaban nito kanina. Isang malakas na atake ang ginawa nito na siyang nagpahiwalay sa dalawa. Mabilis na rin akong kumilos at hinayaan kong mawalan ng kontrol ang kanang kamay.
Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang enerhiyang mayroon ang kamay ko ngayon. Ano ba talagang nangyayari sa akin? Sa kamay ko at sa katawan ko? I can still move my own feet, same goes with my left hand. Sadyang malakas lang itong enerhiyang nasa kanang kamay ko. And I don't know if it's really okay to let this freaking hand out of control!
Malalakas na atake at hampas ng espada ang ginagawa ko ngayon. Panay atras naman ang kalaban kong evil witch at noong tumama ang likod nito sa katawan ng isang puno, natigilan ito at buong lakas na sinangga ang atake ko. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko at noong unti-unting dinadaig ng lakas ko ang depensa ng kalaban, kusang gumalaw muli ang kanang kamay ko. Umangat muli ang katawan ko at sa muling paghampas ng espda ko, natamaan at nasugatan ko ang miyembro ng Coven na nasa harapan ko.
Napaawang ang labi ko noong tumalsik sa mukha ko ang dugo nito.
Wala sa sarili akong napatingin sa kamay ko na ngayon ay nanginginig na. Dali-dali kong inilapat ang kaliwang kamay para pigilan ito sa paggalaw. Mariin ko namang kinagat ang pang-ibabang labi at pinilit ang sariling bitawan na ang silver weapon na hawak-hawak. Ngunit bago ko pa man tuluyang maialis sa kamay ang hawak na sandata, mabilis itong nawalan muli ng kontrol na siyang nagpaikot sa akin.
Mabilis akong napasinghap at gulat na napatingin sa taong nasa harapan ko na ngayon.
"Zaila," mahinang sambit nito sa pangalan ko at unti-unting bumaba ang paningin sa silver weapon ko. Nanatiling nakaawang ang mga labi ko at wala sa sariling napatingin na rin sa hawak na espada.
"No," nanginginig na sambit ko at noong kusang gumalaw na naman ang kamay ko, napasigaw na ako. "Damn it! Stop!" I screamed and tried to take control of my own hand. Damn! "Reagan, I'm... damn it!" Muli akong napasigaw noong mas bumaon ang pagkakatarak ng espada ko sa may tiyan nito. "No!" Malakas pa ring sigaw ko at pilit na inaalis ang pagkakahawak ng kamay sa nakatarak na espada sa katawan nito.
"Hey, it's okay," ani Reagan at hinawakan na rin ang talim ng espada ko. Napatingin ako sa kanya at para akong dinudurog noong makita nasasaktan ito dahil sa ginawa ko. Ngayon ay sugatan na ng kamay niya at nasa talim ng espada ko na rin ang dugo nito! "It's okay, Zaila. It's not your fault. Your hand was... out of control," nahihirapang sambit nito at tipid na nginitian ako.
Segundo lang din ay napaluhod na si Reagan sa harapan ko. Napakurap ako at wala sa sariling napatingin sa kamay ko. Tumigil na ang panginginig nito at ngayon ay kusang bumitaw sa pagkakahawak sa silver weapon ko.
"The energy... it's gone," mahinang sambit ko at mabilis na tiningnan si Reagan. Agad din akong lumuhod sa harapan niya at tiningnan ang espadang nakatarak sa tiyan nito. "I'm really sorry," mahinang sambit ko sa kanya at hinawakan ang handle ng silver weapon. "I'll remove this sword and heal your wound. Just... hang in there, okay?"
Marahang tumango sa akin si Reagan at bago ko pa man maalis ang talim ng espada ko sa katawan niya, isang pagsabog ang nagpatigil sa akin. Wala sa sarili akong napabaling sa direksiyon ng mga kaibigan ko at noong makita ko ang kondisyon ng mga laban nila, napamura na lamang ako sa isipan.
My friends can wait. Mas mahalagang maalis ko na sa katawan ni Reagan ang silver weapon ko! He's still a witch! Kahit na isang royal witch ito, maaapektuhan pa rin siya ng kapangyarihan ng kahit anong klaseng silver weapon!
I need to remove this freaking blooded sword out of his body! Hindi ko alam kung anong mayroon sa dugo ko kanina pero kung magtatagal pa ito sa katawan ni Reagan, paniguradong mapapahamak na talaga ito!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top