Untold Thirty-five: The Overwhelming Disadvantage

"No."

Iyon na lamang ang nasambit ko noong tuluyan nang bumagsak sa lupa ang katawan ni Reagan. Mabilis ko siyang dinaluhan at hinawakan ang handle ng silver weapon ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at maingat na inalis ang pagkakatarak ng espada sa katawan niya.

Mariing dumaing si Reagan at napamura na lamang noong tuluyan ko nang naalis ang silver weapon sa katawan niya. Agad ko naman inilapat ang isang kamay sa sugat niya at mabilis na gumamit ng healing magic. "It's gonna be okay, Reagan. Hang in there, okay?" mahinang sambit ko at matamang tiningnan ang sugat nitong unti-unting naghihilom.

Hindi ko pa natatapos ang paggamot sa kanya noong makarinig na naman ako ng isang malakas na pagsabog. Wala sa sarili akong napatingin sa gawi ng mga kaibigan at noong mamataang tumilapon si Raven, napaawang ang mga labi ko. Ngayon ay si Theo at Raine na lamang ang nagpapalitan ng kani-kanilang mga atake. Damn it!

Napabaling naman ako sa puwesto ni Donovan at noong mapansin kong gumalaw ito, napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi.

He's awake! Nagkakamalay na ito! Damn! This is not good! Hindi kakayanin ni Theo na kalabanin si Raine at ang lider ng Coven nang sabay!

"That's enough, Zaila." Natigilan ako noong marinig ang boses ni Reagan. Mabilis akong napatingin muli sa kanya at sinalubong ang titig nito sa akin. "Go and help your friends. I'll be fine now."

"Pero-"

"I'm an Asteria, Zaila. Hindi mo na kailangan mag-alala sa akin. Go and help them now." Muling wika nito at tipid na tinanguhan ako. Napahugot muna ako ng isang malalim na hininga bago kumilos sa puwesto ko. Marahan kong inalis ang kamay sa sugat niya at tinanguhan na rin ang prinsipe. Wala sa sarili kong inangat naman ang isang kamay at inilapat iyon sa mukha niya. Namataan kong natigilan si Reagan sa ginawa ko ngunit hindi ko na iyon binigyan pansin pa. Hinaplos ko ang mukha nito at bago pa man ito makapagsalitang muli, mabilis akong tumayo at dali-daling tinakbo ang direksiyon kung saan naroon ang mga kaibigan ko.

Using my wind magic, mas pinabilis ko ang pagkilos at noong mamataan kong aatake na sanang muli si Raine kay Theo, agad kong ikinumpas ang kamay na siyang nagpahiwalay sa dalawa. Mabilis na napaatras si Raine at masamang tiningnan ako. Tumigil naman ako sa pagkilos noong tuluyan na akong nakalapit sa puwesto ng dalawa.

"Theo, tulungan mo si Raven," mahinang sambit ko at palihim na tiningnan ang puwestong kinaroroonan ni Donovan. Seconds passed; I saw him opening his damn eyes. Shit! "Move now, Theo!"

"Ikaw na ang tumulong sa kanya. I can handle Raine, Zaila. Ako na ang bahala sa kanya," ani Theo at nagsimulang umatakeng muli kay Raine. Napamura na lamang ako sa isipan at mabilis na binalingan ang puwesto ni Raven. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi at dali-daling nilapitan ito. Tinulungan ko itong makatayo at noong mapansing ang duguang katawan nito, agad kong inilapat ang kamay sa katawan niya. Damn it! I've been using my healing magic nonstop! Sana lang talaga ay kayanin din ng katawan ko ang sunod-sunod na paggamit ko ng kapangyarihang ito.

"Hey, can you still fight?" tanong ko kay Raven noong matapos ako sa paggamot ng mga natamong sugat nito. Tumango naman si Raven sa akin at inalis ang kamay kong umaalalay sa kanya.

"Looks like he's awake," anito habang nakatingin sa unahan namin. Napalunok ako at napabaling na rin doon. Yeah. He's freaking awake. Nakatayo na ngayon si Donovan at seryosong nakatingin sa direksiyon nila Theo at Raine. "Hey, can you still fight?" tanong ni Raven sa akin na siyang ikinangisi ko sa kanya.

Binalingan ko ito at umayos nang pagkakatayo. "That man is a monster, Raven. Yes, I can still fight. I can still fight him," seryosong saad ko sa kaibigan. "Hindi ito ang magiging katapusan natin. As long as I can fight, I'll make sure to win and survive."

"I'll leave that monster to you then, Zaila. Tutulungan ko na lang ang dalawang iyon. Kahit na kanina pa ako tumitilapon sa mga atake ni Raine, still, I will fight and bring her home. With us. Now go and finish your fight, too. Go and finish him," anito at tinanguhan ako. Humugot ako ng isang malalim na hininga at tumango na rin sa kaibigan. Sabay kaming kumilos sa kinatatayuan at agad na umatake sa kanya-kanyang mga target.

Halos sabay kong ikinumpas ang dalawang kamay at gumawa ng magkaibang uri ng sandata. A fire and wind sword. Mas binilisan ko ang pagkilos at noong ilang hakbang na lamang ang layo ko kay Donovan, mabilis na rin itong kumilos sa kinatatayuan niya at binalingan ako. Sinalubong ko ang seryosong titig nito at noong inihampas ko ang fire sword ko sa harapan niya ay mabilis niya itong sinangga. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi noong makita may hawak na itong espada! Damn! Saan niya nakuha ito?

Buong puwersa akong itinulak palayo ni Donovan at sinabayan din nang pagkumpas ng isang kamay. Nanlaki ang mga mata ko noong may mamataan akong kakaiba sa naging atake niya. Sunod-sunod na ikinumpas nito ang kamay kaya naman ay wala na akong nagawa pa kung hindi ang iwasan ang enerhiyang pinapakawalan nito ngayon.

Damn it! I'm a hundred percent sure that he's using dark magic now! Sa lakas at nakakakilabot na enerhiyang ginagamit niya ngayon, paniguradong ito ang tunay na kapangyarihan ng lider ng Coven! His gravity manipulation magic is really a pain in my ass! Kung pati itong dark magic niya ay gagamitin na niya, hindi ako makakasigurong makakaligtas sa laban naming ito!

Wala sa sarili akong napatingin sa direksiyon ng mga kaibigan ko habang panay ang iwas sa atake sa akin ni Donovan. Mukhang magiging maayos naman silang tatlo. Theo managed to stop Raine at ngayon ay sinusubukan na itong pakalmahan ni Raven. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at itinuon ang atensiyon kay Donovan.

Maingat kong inilapat ang paa sa lupa at sabay na dinispel ang dalawang sandata ko. Namataan ko naman ang pagkunot ng noo ni Donovan habang nakatingin sa akin. Huminto na rin ito sa paggamit ng dark magic niya at matamang nakatitig lang sa direksiyon.

Hindi ko alam kung gagana ito ngunit susubukan ko pa rin. I'm still a huntress and I've still have a connection with my silver weapon. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at mabilis na inangat ang kanang kamay. Bumaling ako sa direksiyon ni Reagan at tiningnan ang sandata kong nasa tabi niya. Wala sa sarili akong napalunok at iginalaw ang kamay. I tried to control my magic and summoned my own silver weapon. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi at noong namataan kong lumutang ang sandata ko, napaawang na lamang ang mga labi ko. Damn, it's working! Muli kong iginalaw ang kamay at sa pagkuyom ko ng kamao, mabilis na lumipad patungo sa akin ang silver weapon ko.

Hindi ko pa tuluyang nahahawakan ang silver weapon ko noong muling kumilos si Donovan. Napamura ako sa isipan at mabilis na umalis sa kinatatayuan ko noong umatake ito sa akin. Gamit ang wind magic ko, pinalutang kong muli ang sarili at lumayo sa kanya. Segundo lang ay lumutang na rin si Donovan sa ere at mabilis na lumapit sa posisyon ko!

Damn it!

Dali-dali akong lumipad palayo sa kanya at sinalubong na ang silver weapon ko. At sa paglapat ng kamay ko sa hawakan ng sariling sandata, siya naman ang pagtama nang atake ni Donovan sa akin. Napaawang ang labi ko at wala sa sariling napatingin sa may tagiliran ko.

Blood... I can see my own blood and it's now turning my clothes into a bloody one!

Shit!

Agad kong hinawakan ang tagiliran ko at masamang tiningnan si Donovan. Seryoso pa rin itong nakatingin sa akin habang nakalutang 'di kalayuan sa puwesto ko. Humugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at sa pangatlong pagkakataon, ginamit ko na naman ang healing magic ko.

I can feel it. Kahit na marami akong nakuhang mahika mula sa mga eksperimentong ginawa sa akin ng Coven, still, may limitasyon pa rin ako. And using my healing magic is slowly draining all the magic that's left inside my body. Hindi pa nga ako nakaka-recover mula sa paggamit ng purgatory fire magic kanina, heto na naman ako, gumagamit ng isang high-level magic para maisalba ang sarili.

"Your time is up, Little Amethyst. Kung ipagpapatuloy mo pa ang paggamit ng healing magic mo, mauubos na ang natitirang mahika ngayon sa katawan mo," rinig kong sambit ni Donovan na siyang mariing ikinailing ko.

"Then I'll stop using it," wala sa sariling wika ko at inalis ang kamay sa sugat. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi noong maramdaman ang matinding sakit sa may tagiliran. Damn it!

"It's dead end," muling sambit ni Donovan at unti-unting lumipad papalapit sa akin. "Wala ka nang magagawa pa, Zaila Amethyst."

Hindi ko inalis ang paningin kay Donovan. Yes. Totoo lahat nang sinabi nito. Wala na nga akong magagawa pa sa kondisyon ko ngayon. Kung ipagpapatuloy ko ang paggamit ng healing magic ko, mauubos nga ang natitirang mahika sa katawan ko ngayon. At kung ititigil ko naman ito, tiyak kong mauubusan ako ng dugo sa katawan na siyang tunay na ikapapahamak ko rin. Kahit anong gawin at piliin ko, kapahamakan pa rin ang dulot nito sa akin. Dead end. Yes. It's definitely a dead end for me.

Napahugot ako ng isang malalim na hininga at unti-unting ibinaba ang sarili mula sa paglutang. Hindi ako kumibo at noong lumapat na ang mga paa ko sa lupa, bigla na lamang akong nanghina at napaluhod.

Damn!

Ganoon din ang ginawa ni Donovan. Bumaba na rin ito at tumayo 'di kalayuan sa puwesto ko. "You and your friends will die here. The royal prince, the crown prince of Utopia, will surely suffer and eventually, we will kill him. Ito na ang katapusan ng labang ito. Wala na kayong magagawa pa."

Napangisi ako sa narinig at wala sa sariling napaubo. Mas lalong lumakas ang pag-agos ng sariling dugo sa tagiliran ko na siyang nagpahilo na sa akin. Unti-unti na ring lumalabo ang paningin ko kaya naman ay pilit ibinalanse ang katawan para hindi tuluyang matumba. "Huwag kang magpatawa, Donovan. My friends will surely survive and the crown prince." I smirked at him. "He can still fight," mariing wika ko at mabilis na naupo sa lupa.

Segundo lang ay naramdaman ko ang isang malakas na enerhiyang dumaan sa may ulohan ko. It was Reagan's magic. Alam kong naka-recover na ito mula kanina kaya naman ay mas binabuti kong bumaba na. Sigurado kasi akong susunod itong si Donovan sa akin at noong bumaba rin ito, iyon na ang tamang panahon para umatake naman si Reagan sa kanya.

Napangisi na lamang ako noong natamaan si Donovan at mabilis na tumilapon ito. Agad din naman itong nakabawi sa naging atake ni Reagan at mabilis na tumakbo palapit sa puwesto ko kanina. Ngunit bago pa man ito tuluyang makalapit muli sa akin, sinalubong na ito ni Reagan. Halos sabay nilang ikinumpas ang mga kamay na siyang naging sanhi upang yumanig ang lupang kinauupuan ko ngayon. Napaawang ang labi ko at hindi inalis ang paningin sa dalawa. At noong lumutang ang mga ito sa ere, mas lalong lumakas ang kapangyarihang pinapakawalan nila.

Wala sa sarili naman akong napabaling sa puwesto ng tatlo kong kaibigan. I was expecting na napakalma na nila si Raine ngunit noong mamataan ko ang kung anong nangyayari sa kanila, mabilis na kumalabog ang puso ko sa dibdib.

"No... Raine," mahinang wika ko at inangat ang isang kamay. "Let him go, Raine!" malakas na sigaw ko habang nakatingin sa kanila. Theo's down. Nakahandusay na ito sa lupa at mukhang nawalan na nang malay. Nakasakal naman ang isang kamay ni Raine sa leeg ni Raven. Nakaluhod ang kaibigan ko sa harapan ni Raine habang mariing nakasakal ito sa kanya. "Raine!" sigaw kong muli sa pangalan niya at noong akmang kikilos na sana akong muli, isang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong paligid. Wala sa sarili akong napatingala at napaawang na lamang ang mga labi noong mamataan ang kung anong nangyayari sa laban ni Reagan at Donovan.

Black magic...

Both of them are releasing extreme black magic!

"Finally!" Natigilan ako sa puwesto ko noong makarinig ng boses sa likuran ko.

Mabilis akong napabaling doon at noong makita kong si Amelia at Alyssa iyon, napahugot ako ng isang malalim na hininga. Agad namang lumapit si Alyssa sa akin. "Zaila, are you okay? My God! You're bleeding!" bulalas nito at binalingan si Amelia. "Your Highness, please, save her!"

"No," mariing sambit ko at umiling dito. "I'm fine." Humugot muli ako ng isang malalim na hininga at itinuro ang direksiyon ng mga kaibigan. "Help them. They're both badly injured."

"Ikaw rin naman," malamig na wika ni Amelia at nilapitan na rin ako. Inangat nito ang isang kamay at inilapat iyon sa sugat ko sa tagiliran. "This is not an ordinary wound, Zaila," anito pagkalipas ng ilang segundo. Hindi pa rin kasi tumitigil ang pagdurugo ng sugat ko kahit na gumamit na si Amelia ng isang high-level healing magic. "Hindi ito basta-bastang magagamot lang."

"She's bleeding out, Your Highness. Soon, ikapapahamak na niya ito," sambit ni Alyssa at hinawakan ang kamay ko. "Please, Your Highness," pakiusap muli nito sa kasama.

Umiling si Amelia at maingat na inilayo ang kamay sa sugat ko. "Magsasayang lang ako ng kapangyarihan kung ipagpipilitan nating gamutin ang sugat mo, Zaila," seryosong sambit ni Amelia habang matamang nakatingin sa akin. "You want me to help your friends, right?" Wala sa sarili akong tumango sa prinsesa. "Then... you need to leave this place."

What?

"Your Highness, I can't-"

Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin noong muling nagsalita ito. "You can't fight now, Zaila. Sa kondisyon mo ngayon, kahit ang pagtayo mag-isa ay mahirap na. Leave this place. Sumama ka kay Alyssa. Ako na ang bahala sa mga kaibigan at sa kapatid ko."

Isang malakas na pagsabog na naman ang nagpatigil sa aming tatlo. Halos sabay-sabay kaming bumaling sa puwesto ni Reagan at noong mamataan kong tumilapon ito, napaawang na lamang ang mga labi ko. Mabilis namang kumilos si Donovan at lumipad patungo sa direksiyon kung saan tumilapon si Reagan.

"This is such a nightmare," rinig kong sambit ni Alyssa sa tabi ko. "Masyadong dehado ang prinsipe sa laban nila ni Donovan."

"He's wounded," saad ko na siyang ikinabaling ni Amelia sa akin. "May sugat ito kaya naman ay ganoon na lamang kumilos ang kapatid mo. Hindi... hindi ko nagawang gamutin ito nang maayos kanina. I'm sorry."

"Mas lalong kailangan mong umalis na sa lugar na ito, Zaila," muling saad ni Amelia na siyang ikinatitig ko sa kanya. "With this kind of overwhelming disadvantage, someone needs to leave and survive from this hellish place."

Para akong binuhusan ng isang malamig na tubig habang nakikinig sa mga salitang binibitawan ni Amelia sa akin. It was like a déjà vu. Na sa gitna nang kaguluhang mayroon kami ngayon, isa sa kanila ang nais akong umalis... nais akong tumakas at isalba ang sarili ko.

I've heard it before and I can't believe that someone will say those words again to me.

"I can't do that," malamig na wika ko sa kanya. Umiling ako at pilit na ikinilos ang katawan. "I can still fight, Your Highness. Kaya ko pang tulungan ang mga kaibigan ko at si Reagan!"

Umiling sa akin si Amelia at binalingan si Alyssa. Tumango naman ito sa kasama namin at noong magsalita itong muli, mabilis na nanlaki ang mga mata ko. "Do it, Alyssa. Ilayo mo sa lugar na ito si Zaila."

No!

"You need to survive, Zaila. Whatever happens, you need to survive," muling wika ni Amelia at noong hinawakan na ni Alyssa ang kamay ko, alam kong wala na akong kawala sa binabalak nilang dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top