Untold Thirteen: The Uncanny Wound
Mariin kong ikinuyom ang mga kamao habang nakatingin sa mga kaibigan kong nakikipaglaban ngayon sa dalawang evil witch na sumugod dito sa palasyo ng hari.
I want to help them, but hell, I really can't move my own body! What the hell is this? A charm? That evil witch casted a charm on me? Damn her!
Napamura na lamang ako sa isipan at hindi inalis ang paningin sa kanila. Si Raven ang kaharap ngayon no'ng isang evil witch samantalang sabay na umaatake si Raine at Theo sa isa pang evil witch na may mas mataas na lebel kumpara sa kasama nito.
Dumating na rin ang iba pang kawal ng palasyo at agad na tinulungan ang mga sugatang kasamahan nila. I frustratedly sighed and tried to move my body again. Ngunit kagaya nang nangyari kanina, kahit anong subok ang gawin ko, hindi ko talaga maigalaw ang katawan ko!
"What happened to you?" Napangiwi ako noong marinig ang boses ni Asher Asteria sa likuran ko. Mayamaya lang tuluyan na itong nakalapit sa akin at puwesto sa harapan ko. "Bakit hindi ka tumutulong sa mga kaibigan mo?" He asked me again.
"I... I can't move," mahinang tugon ko sa kanya at muling napangiwi. "One of the intruders casted a charm on me."
"A charm?" kunot-noong tanong muli nito sa akin at binalingan ang mga kaibigan ko at ang dalawang evil witch na nagpapalitan ng kanya-kanyang mga atake. Mayamaya lang muling bumaling ito sa akin at maingat na inangat ang isang kamay. Taka ko itong tiningnan at noong may nakita akong kakaibang enerhiya sa kamay niya, napakurap ako. "Let me check if I can dispel the charm that was casted on you."
Napalunok na lamang ako at hindi inalis ang paningin kay Asher Asteria. This man knows different kind of magic. Mas marami ang alam nito kaysa sa mga kapatid niya. At natitiyak kong magagawa nitong alisin ang charm na ginamit sa akin kanina no'ng evil witch na iyon!
Seconds passed, I felt a strange energy within my body, and when Asher finally removed his hand in front of me, I immediately tried to move my body and I finally succeeded! Mariin kong hinawakan ang hawak na espada at tiningnan ang mga kaibigan kong seryoso pa rin sa pakikipaglaban sa dalawang evil witch.
"I will formally say my thanks to you later, Your Highness," seryosong sambit ko at hindi na hinintay pa ang sasabihin nito. Mabilis akong tumakbo at agad na lumapit sa puwesto ni Raven. I shifted my silver weapon and turned it to a bow and arrow. I stopped from running and aim the evil witch who's about to attack Raven again. Mariin kong hinawakan ang pana ko at noong pinakawalan ko na ito, pinagmasdan kong tumama ito sa mismong dibdib ng evil witch. Segundo lang ay natigilan si Raven at mabilis na bumaling sa puwesto ko. Nginisihan ako ng kaibigan ako at muling kumilos. He immediately slashed his sword towards his opponent. Ginawa niya muli iyon hanggang sa hindi na nakaganti pa ang kalaban niya. Mayamaya lang ay napaluhod na ang evil witch na kaharap nito at ininda ang mga sugat na natamo mula sa mga atake ni Raven sa kanya. Muli akong kumilos at tuluyan nang nilapitan ang dalawa.
"What took you so long?" tanong ni Raven sa akin noong nasa tabi na niya ako.
"I don't have the ability to dispel a high-level charm, Raven," malamig na wika ko habang nasa nakaluhod na evil witch pa rin ang buong atensiyon. "But I have all the skills to kill an evil witch like her," dagdag ko pa at bahagyang yumukod sa harapan nito. Hinawakan ko ang panang nakatarak sa dibdib nito at mabilis na hinugot iyon sa katawan niya.
Malakas na sigaw ang pinakawalan ng evil witch sa harapan ko. Narinig ko pa ang pagmumura nito at noong tiningnan niya ako, napa-arko ang isang kilay ko. "You will pay for this, huntress," malamig na turan niya na siyang ikinapilig ng ulo ko pakanan. "The Coven will surely come after you and the rest of the hunters and huntresses of Deepwoods!"
"Don't worry, hindi na namin hihintayin pa ang araw na iyon," matamang sambit ko at inilagay sa ilalim ng baba niya ang matulis na dulo ng pana ko. "Cause we're going to destroy you and the rest of the Coven. Bago pa man nila maisipang atakehin ang Deepwoods, sisirain na namin kayo. We will end you and your evil plan against Utopia," dagdag ko pa at mabilis na itinarak muli sa dibdib nito ang panang hinugot ko kanina.
Sa pagkakataong ito, tuluyan nang bumagsak sa lupa ang katawan ng evil witch. Umayos ako nang pagkakatayo at matamang tiningnan ito. She's dead, that's for sure. Kung normal na sandata lang ang ginamit ko, paniguradong magagawan pa nang paraan ng evil witch na ito ang makaligtas sa ginawa ko. But when a silver weapon penetrates inside a witch body, it's like a poison to them. A poison that will immediately kill them. Kaya nga ingat na ingat sila sa sandatang ito. It's their weakness. A weakness that only the hunters and huntresses of Deepwoods can wield and use against them.
"Don't kill her." Natigilan ako at mabilis napabaling kay Asher Asteria noong magsalita ito. Maingat itong naglalakad papalapit sa amin at noong mapagtanto kung sino ang sinasabihan nito, agad akong napatingin sa puwesto nila Raine at Theo. Parehong nakalapat ang mga dulo ng silver weapon nila sa leeg ng evil witch na kalaban nila kanina. Nakaluhod na rin ito, sugatan, at masamang nakatingin sa dalawang kaibigan ko. "We still need her," dagdag pa ni Asher Asteria at nilagpasan kaming dalawa ni Raven. Dere-deretso itong naglakad patungo sa puwesto nila Raine.
Umayos ako nang pagkakatayo at muling ibinalik sa pagiging dagger ang silver weapon ko. Tahimik naming pinagmasdan ni Raven ang kung anong gagawin ng prinsipe sa evil witch na kalaban kanina ng mga kaibigan namin at noong ikinumpas nito ang kamay sa harapan ng evil witch, mabilis itong nawalan ng malay at agad na bumagsak sa lupa ang katawan nito.
"Kami na bahala sa kanila," wika ni Asher at tinawag ang ilang kawal ng palasyo. Inutasan niyang kunin na ang mga katawan ng evil witch at nagsimula nang maglakad palayo sa amin.
Tahimik kong itinago ang silver weapon ko at nagsimula na ring maglakad papalapit sa puwesto nila Theo at Raine. Hindi pa rin kumilos ang dalawa sa puwesto nila at nakatingin pa rin sa papalayong bulto ni Asher Asteria.
"Ayos lang kayo?" tanong ni Raven noong tuluyan na kaming nakalapit sa dalawa.
"Is it really okay to let her live?" tanong ni Raine na siyang ikinakunot ng noo ko. "That evil witch... is a trouble. Her skills... ibang-iba ito sa mga nakaharap natin noon," dagdag pa niya na siyang ikinatingin ko na rin sa daang tinahak ni Asher Asteria. Wala na ito ngayon doon, pati na rin ang mga kawal na kumuha sa mga katawan ng evil witches na nakarahap namin kanina.
"Let's put our trust on him," sambit ko na siyang ikinabaling ni Raine sa akin. "Mukhang alam naman ni Asher Asteria ang ginagawa niya."
"Pero-"
"That's enough," ani Theo na siyang nagpatigil sa amin ni Raine. "Bumalik na tayo sa loob. We need cure our wounds immediately. Hindi natin alam kung ano ang magiging epekto sa atin ng mga sandatang ginamit ng mga evil witch na iyon," dagdag pa niya at nagsimula nang maglakad pabalik sa gusali kung saan kami nanunuluyan ngayon dito sa palasyo.
Seryoso kong tiningnan ang papalayong bulto ni Theo. Mayamaya lang ay napansin kong napahawak ito sa kaliwang balikat niya at noong mapagtanto ko kung ano ang ibig sabihin nito kanina, muli kong binalingan si Raine. "Nasugatan si Theo kanina?" tanong ko sa kanya.
"Let's go and check his wound," mabilis namang sambit ni Raven at agad na sinundan si Theo. Naiwan kaming dalawa ni Raine sa field at tahimik na tiningnan ang mga kaibigan.
"Something's really bothering me right now, Zaila," ani Raine na siyang ikinahugot ko na lamang ng isang malalim na hininga. "Hindi basta-bastang nakakapasok sa premises ng Royal Capital ang isang evil witch. At kung makapasok man ito, hindi na sila aabot dito mismo sa palasyo."
"Ang miyembro na mismo ng royal family ang nagsabi sa ating lumakas na ang mga miyembro ng Coven. Paniguradong gumamit sila ng kakaibang mahika para tuluyang makapasok dito sa palasyo ng hari," sambit ko kahit na alam kong tama si Raine sa lahat nang tinuran nito. I sighed and closed my fist firmly. "But we can't let ourselves be fooled by them," dagdag ko pa na siyang ikinabaling ni Raine sa akin. "Unang tapak ko pa lang sa lugar na ito, ramdam ko ng may mali sa misyong mayroon tayo. But we don't have solid evidence right now, Raine. Kaya naman, I suggest that we should go along with their plan."
"Hindi ba natin ikapapahamak ito?" maingat na tanong ni Raine na siyang ikinangisi ko sa kanya.
"We love trouble, Raine. Simula noong pumasok tayo sa Deepwoods Academy, alam natin kung anong klaseng kapahamakan ang naghihintay sa atin bilang isang huntress ng academy. This is the fate we chose years ago, but if they mess with us, kahit na parte pa sila ng royal family, they will surely regret it. No one messes with our family and live peacefully the next day." I said and smiled at her. "Come on. We need to check Theo's wound. Mas mahalaga ang kalagayan nito ngayon kaysa sa evil witch na kinuha sa atin nang harap-harapan ni Asher Asteria."
Tumango na lamang sa akin si Raine at nagsimula na kaming maglakad patungo sa gusali kung saan pumasok ang dalawang kaibigan namin. Agad naming tinahak ang daan pabalik sa training room at noong tuluyan na kaming nakapasok sa silid, mabilis naming nilapitan si Theo at Raven na parehong abala sa paglilinis sa sugat nito.
"They used a different kind of weapon," ani Theo at inilapag ang puting tela na may dugo nito. "Hindi tumitigil ang pagdurugo ng sugat ko," dagdag pa niya na siyang ikinatigil ko.
"If this continues, mapapahamak si Theo," sambit naman ni Raven at siya na mismo ang naglagay ng panibagong puting tela sa sugat ni Theo. Mayamaya lang ay naglakad si Raine at tumabi kay Theo. Tinulungan nito si Raven sa pagtatali ng puting tela sa buong braso ni Theo. "Hindi pa ba nakakabalik dito sa palasyo iyong gumagamit ng healing magic na kapatid ni Asher at Phoebe Asteria?"
"Sa pagkakaalam ko ay hindi pa ito nakakabalik mula sa huling misyon niya," sambit ni Raine at binalingan ako. "We need healing magic. Hindi kakayanin ni Theo kung magpapatuloy sa pagdurugo ang sugat na ito."
"I'll be fine. Huwag niyo na ako alalahanin pa," malamig na turan ni Theo na siyang ikinabaling namin sa kanya. "I can still fight. Kaya ko pa ring makipagsabayan sa inyong tatlo."
"Pero Theo-"
"We don't have enough time right now," muling sambit nito at tumayo na. "We need to master everything before the new moon comes. Huwag niyo nang bigyan pansin pa ang sugat na natamo ko ngayong araw. I'll be fine." Nagkatinginan kami ni Raine sa tinuran ni Theo. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at napailing na lamang sa kaibigan.
Go with the flow.
Iyon ang nagpagkasunduan namin ni Raine kanina ngunit kung ikapapahamak ito ng isa sa amin, hindi ko yata kayang gawin iyon. Hindi pa nagsisimula ang tunay na misyon namin at may ganito nang nangyari sa isa sa amin. No. Hindi namin maaaring ipagsawalang bahala na lamang ang kondisyon ni Theo ngayon.
"Kakausapin ko si Asher Asteria," turan ko na siyang ikinatigil ni Theo. "Tatanungin ko ito kung may gamot itong maaaring ibigay sa'yo pansamantala. You can't train with that injury, Theo. Losing too much blood will harm you and your body, at hindi namin iyon hahayaang mangyari sa'yo," dagdag ko pa at mabilis na tinalikuran ang mga kaibigan ko. Mabilis akong lumabas sa training room namin at tinahak ang daang palabas ng gusaling kinaroonan.
Kung may sapat na oras pa kami ngayon, paniguradong pipilitin ko ang sarili kong matutunan ang kahit anong healing spell na siyang makakatulong kay Theo. But we only have limited time here. Malapit na ang araw kung kailan kami aatake sa kuta ng Coven. Wala na akong sapat na oras para pag-aralan pa ang komplikadong mahikang iyon!
Mabilis kong hinanap si Asher Asteria sa palasyo ng kanyang amang hari. Marami akong napagtanungang mga tauhan ng palasyo at halos maikot ko na rin ang malaki at malawak na lugar na ito ngunit ni anino ng prinsipe ay hindi ko man lang nakita! Damn it! Where the hell is he?
"You look like a lost kitten, young lady." Natigilan ako sa paglalakad noong may nagsalita sa likuran ko. Agad akong napabaling dito at kunot-noong pinagmasdan ang bagong dating. "Ngayon lang kita nakita rito sa palasyo. Who are you?" tanong niya at tiningnan ang kabuuan ko. "You don't look like some noble heiress to me. So, tell me, what's your business inside the royal palace?"
Hindi agad ako nakapagsalita at matamang tiningnan lamang ang lalaki sa harapan.
Sa tindig pa lang nito ay alam kong parte rin ito ng royal family. Hindi nga lang ito kasama ng hari noong kinausap niya kami kahapon sa bulwagan. At sa pustura pa lang nito, paniguradong mas nakakatanda ito kay Asher at Phoebe Asteria.
"I'm-"
"Reagan, ano pang ginagawa mo? Let's go. The king himself asked our presence." Muli akong natigilan noong may nagsalita sa likuran ng lalaking kaharap ngayon. Binalingan nito ang bagong dating kaya naman ay nasulyapan ko kung sino ito. Great. Another member of the royal family. Ilan ba ang anak na kasalukuyang hari ng Utopia?
"Susunod ako, Amelia. Mauna ka na," sambit ng lalaki na siyang ikinairap na lamang ng bagong dating. Hindi na nagsalita pang muli ang babae at tinalikuran na kami. Muling bumaling sa akin ang lalaki at muling sinuri ako. "Hindi mo pa sinasagot ang katanungan ko. Mind answering me now? Kailangan ko nang umalis para sa pagtitipon namin sa chamber ng mahal na hari."
"I'm just a nobody here," simpleng sambit ko na siyang ikinataas ng isang kilay ni Reagan Asteria. "No need to know my name, Your Highness," dagdag ko pa at maingat na yumuko sa harapan nito.
Hindi ikaw ang Asteria na kailangan ko ngayon. The woman who just left... paniguradong siya ang prinsesang tinutukoy ni Asher Asteria sa amin noon. Siya ang may alam sa kahit anong klaseng healing magic na mayroon sa mundong ito. Siya ang dapat na kausap ko at hindi ang prinsipeng ito.
I need her right now. I need her to heal Theo's uncanny wound caused by the evil witch we encountered earlier.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top