Untold Ten: The Best Squad
Kanina ko pa naririnig ang reklamo ni Raven sa mga kamay niya.
Nagpapahinga kami ngayon sa loob ng training room samantalang lumabas muna ang magkapatid na royal witch. Mayamaya lang ay umayos ako nang pagkakaupo sa sahig at binalingan ang kaibigan na halos sumpain ang silver weapon na gamit nito kanina.
"You need to calm down, Raven," wika ko na siyang ikinabaling nito sa akin. "Alam kong mahirap ito pero kailangan mong matutunan ang basic sa paggamit ng mahika. Clear your mind, okay?"
"I can't clear my mind, Zaila. Kanina pa kumikirot ang mga kamay ko!" bulalas nito na siyang ikinangiwi ko na lamang. Napabaling ako kay Theo at namataan ang pag-iling nito habang nakatingin kay Raven. Tahimik naman si Raine sa puwesto niya habang nakatitig sa mga kamay nitong pareho lang ang kalagayan ng kay Raven. "This is torture! I hate magics!"
"Come on, Raven. This is fun!" ani Theo at tumayo mula sa pagkakaupo nito. "Walang ganito sa Deepwoods. This is all new to us! Hindi lang ikaw ang nahihirapan sa training na ito. Look at Zaila. Kahit na may alam na ito sa mahika, she still trying her best. Don't tell me you're giving up already, dude?" tanong ni Theo na siyang lalong ikinainis ni Raven. Mayamaya lang ay tumawa si Theo at naupo sa tabi ng kaibigan. "This is a piece of cake, Raven. You know that we don't give up on things like this, right? Alam mo kung anong mangyayari sa atin kapag bumalik tayo sa Deepwoods ng hindi nagagawa nang maayos ang misyong ito."
"Elveena will surely kill us," mahinang sambit ni Raine na siyang ikinangisi ko. "Mas malala pa ang matatamo natin kapag sumuko tayo at basta-bastang bumalik na lamang sa Deepwoods."
"Fine!" bulalas ni Raven at tumayo na sa kinauupuan nito. "Oo na't mas nakakatakot si Elveena kaysa sa magkapatid na royal witch na iyon!" dagdag pa niya na siyang ikinatawa ko na lamang. Tumayo na rin kami ni Raine at ipinagpatuloy na ang ginagawa kanina.
To use magic, you need to clear mind first. Concentrate. Feel the energy that surrounds you. Feel and own it.
Ipinikit ko ang mga mata at ipinagpatuloy ang ginagawa. Maingat kong iginalaw ang dalawang kamay at noong unti-unting namumuo ang enerhiya sa magkabilang kamay ko, iminulat kong muli ang mga mata. "Wind," mahinang turan ko habang nasa mga kamay ang buong atensiyon.
Elemental magic. The easiest magic that anyone can use. Ito rin ang sinabi sa amin kanina ni Asher. Halos lahat na nasa Royal Capital ay kayang gumamit ng kahit anong elemental magic. Kahit marahil mga batang witch ay kayang kontrolin ang mga ito. Basic magic. If we really want to hold and use the silver weapon created by Asher Asteria, we need to learn basic magics. At kapag makontrol na naman ang sariling mahika, hindi na kami mahihirapang gamitin ang mga sandatang nasa Royal Capital ngayon.
"This is... freaking hard!" rinig kong sambit ni Raine at mayamaya lang ay napabaling ako sa kanya. Nakaluhod na ito ngayon at masamang nakatingin sa mga kamay niya. "Can I use different element? Sunog na ang mga kamay ko!"
"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ni Phoebe Asteria kanina?" tanong ko at nilapitan na ang kaibigan. Tiningnan ko ang kamay niya at kagaya nang tinuran nito, halos masunog na ito dahil sa mahikang ginagamit niya. "We can't choose an element, Raine. They choose us, not the other way around."
"Fire magic is not my thing, Zaila!" inis na wika nito na siyang ikinangiwi ko.
"You're a hotheaded huntress, Raine. Hindi na kataka-taka na fire element ang unang magagamit mo sa training na ito," ani naman ni Raven na siyang lalong ikinainis ni Raine. At sa isang pagkurap ko lang, mabilis na ikinumpas ni Raine ang kanang kamay sa puwesto ni Raven at bago pa man makagalaw ito sa puwesto niya, mabilis itong tumilapon sa kabilang bahagi ng silid. What the hell?
"Oh my God! Shit! Raven!" sigaw ni Raine at mabilis na dinaluhan ang kaibigan namin. Nagkatinginan naman kami ni Theo at mabilis na kumilos na rin sa mga puwesto namin. Nilapitan naman ang dalawa at agad na tiningnan ang kalagayan ni Raven na ngayon ay nakasalampak sa konkretong sahig ng training room. "I'm really sorry, Raven!"
"This is the reason why I hate magic," mahinang turan ni Raven at dahan-dahang naupo. "Damn, that hurts!"
"I'm really sorry."
"Fire magic." Natigilan kaming apat noong marinig muli ang boses ni Asher. Napatingin ako sa gawi nito at namataang prente lang itong nakatayo sa tabi ng mesa kung saan naroon ang mga silver weapon na gawa nito. "Fire element is such an aggressive magic. You need to be careful while using it, Raine, lalo na't hindi ka pa sanay na gamitin ang mahikang ito."
Tumango na lamang si Raine at muling binalingan si Raven. Siya na mismo ang umalalay sa kaibigan namin at dahan-dahang naglakad papalapit sa puwesto ni Asher Asteria.
Umayos kami nang pagkakatayo sa harapan ng prinsipe. Rinig ko ang mahinang pagmumura ni Raven dahil marahil sa nangyari sa kanya. It was a solid hit. Paniguradong may nabaling buto ito sa katawan niya!
"Here," ani Asher Asteria at may ibinigay na maliit na bote kay Raven. "Drink that. Wala ngayon sa Royal Capital ang kapatid kong gumagamit ng healing magic. Drink that and it will heal your injuries."
"Thank you, Your Highness," maingat na sambit ni Raven at mabilis na ininom ang ibinigay ni Asher Asteria.
Tahimik kong pinagmasdan ang prinsipe sa harapan. Kung pagbabasehan ang itsura nito, mukhang mas matanda lang ito ng ilang taon sa amin. Kumpara kay Phoebe Asteria, natitiyak kong mas bata ito ng ilang taon sa kapatid niya. Nanatiling nakatingin si Asher sa mga kaibigan ko at noong bumaling ito sa akin, mabilis akong nag-iwas nang tingin sa kanya. Wala sa sarili akong napatikhim at umayos na rin nang pagkakatayo.
"What's your element, Zaila?" rinig kong tanong ng prinsipe kaya naman ay napatingin akong muli sa kanya. Seryoso lang itong nakatingin sa akin at noong hindi ako sumagot sa naging tanong niya, si Theo na mismo ang sumagot sa naging tanong nito.
"Wind element, Your Highness. Noon pa man ay kaya nang gamitin ito ni Zaila."
"I see. Mukhang pinag-aralana mo talaga ito kahit na ipinagbabawal sa Deepwoods Academy," ani ng prinsipe at nag-iwas na nang tingin sa akin. "How about you, Theo? Anong elemento na ang kaya mong gamitin ngayon?"
"Water element, Your Highness," simpleng sagot ni Theo sa royal witch. "Ganoon din si Raven."
"Water element needs a lot of concentration from its caster. I'm impressed that you two can use it. Keep it up. That kind of magic is really helpful. Water elements can both be use as a defensive and offensive magic."
"What about my fire magic?" tanong ni Raine na siyang ikinabaling sa kanya ni Asher Asteria. "Anong magagawa nito sa misyong gagawin namin dito sa Royal Capital?"
"Fire magic has many flaws, lots of weakness against other elements, Raine, but if you can use it properly, if you can control it perfectly, no one can beat you. Kahit ang isang water element caster pa. Own it, Raine. Own your magic."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang tahimik na nakatingin pa rin sa prinsipe ng Utopia. Mayamaya lang ay ipinilig ko ang ulo pakanan at pilit na inaalala kung saan ko ba ito nakita noon. This is really odd. Alam kong imposibleng nakasalamuha ko na ito noon, but I have this weird feeling that somehow... I already met and talked to this person. They way he talked... his voice, it's a familiar feeling. Hindi ko nga lang matukoy kung saan o kailan ko ito noon nakita.
"Zaila, are you okay?" Napakurap ako noong marinig ang boses ni Raven. Wala sa sarili akong napatingin sa kanya na ngayon ay nasa tabi na pala. "His Highness told us to choose a silver weapon," anito at tahimik na tiningnan ang mga sandatang nasa ibabaw ng mesa. "Nakapili na sila Theo at Raine. Come on. Let's pick one and continue our training."
Tumango na lamang ako sa kaibigan at pumili na rin ng sandatang gagamitin sa training na ito.
Isang dagger ang napili ko. Halos kasing laki ng ito ng silver weapon ko kaya naman natitiyak kong hindi na ako mahihirapang gamitin ito. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at noong tuluyan ko nang mahawakan ang silver weapon sa tapat ko, agad na umawang ang labi ko. Hindi muna ako kumilos sa kinatatayuan at tiningnan ang kamay na nanginginig ngayon. Mariin kong hinawakan ang handle ng silver weapon at noong hindi ko ito makontrol nang maayos, sumuko na ako. Akmang bibitawan ko na sana ito noong mabilis akong napako sa kinatatayuan ko. Isang kamay ang humawak sa kamay ko at ipinirmi ito. Wala sa sarili akong napatingin sa tabi ko at noong mamataan ko kung sino ito, napakurap na lamang ako.
"Don't let go," aniya na siyang ikinalamig ng buong katawan ko. "Control your energy, Zaila."
"I... can't-"
"Nagawa mo na ito kanina. You'll be fine," sambit pa nito at dahan-dahang binitawan ang kamay kong may hawak na silver weapon. "Focus and control your magic." Napatango na lamang ako sa tinuran ni Asher Asteria at mabilis na sinunod ang tinuran nito. Mariin kong hinawakan ang handle ng dagger at itinuon lahat ng enerhiya sa kamay ko. I swallowed hard and concentrate more, and when my hand stopped trembling, I took a deep breathe. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at umatras na palayo sa mesa. Dahan-dahan akong humarap sa gitna ng training room kung saan naroon na ang mga kaibigan ko at noong makita ang pagngisi nila sa akin, dali-dali kong inihakbang ang mga paa. Tinakbo ko ang distansiya namin at mabilis na tumayo sa tabi ni Raven.
"Ang buong akala ko'y mauunahan na kita sa training na ito, Zaila," ani Raven na siyang ikinakunot ng noo ko. "But witnessing how you control your magic and how you summon wind element to protect you earlier, I know that I'm standing too far behind you."
"You're talking nonsense, Raven. Pare-pareho lang tayong nahihirapan sa training na ito."
Hindi na nagsalita si Raven at inilingan na lamang ako. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at itinuon kay Asher Asteria ang buong atensiyon. "Listen, hunters and huntresses of Deepwoods. You're currently holding a special silver weapon filled with magics. It's a rare weapon created to use against our enemy. You see, some of the high rank witches can hold and use silver weapon, too."
What? Witches can hold a silver weapon now! No way!
"At kung nagawa na iyon ng mga high rank witch ng Royal Capital, paniguradong kaya na rin ito ng ilang miyembro ng Coven."
Unbelievable! So, this is the reason why they created this weapon!
"Bilang hunter and huntress, walang problema sa inyo ang gumamit ng kahit anong silver weapon ngunit ngayong kaya na itong gawin ng Coven, kailangan nating gumawa ng paraan, ng ibang estratehiya, para kalabanin ang Coven. Magic. That's what we need right now. A magic, combined with the power of the silver weapon, we can definitely win against our enemy."
"But all witches can use magic. Paano namin malalabanan ang mga miyembro ng Coven kung mas malakas pa ang mga mahikang taglay nila?" seryosong tanong ko habang hindi inaalis ang paningin sa prinsipe ng Utopia.
"That's why we're training you right now, Zaila. Mas malaki ang tsansa natin kung kayo ang haharap para labanan sila. Kung kaya niyo nang kontrolin ang mga kapangyarihan niyo, mas mapapadali sa inyong talunin ang kahit sinong miyembro ng Coven."
"Bakit kami? Bakit hindi kayo? Hindi ba kaya na ring humawak ng silver weapon ang ilang high rank witch ng Utopia?" dagdag ko pa na siyang hindi agad sinagot ni Asher Asteria. Napahigpit na lamang ang hawak ko sa handle ng dagger at umayos nang pagkakatayo. "Forget it. Let's start," malamig na turan ko at nag-iwas na nang tingin sa prinsipe.
"Full details of this mission will be given to you by the king himself. I'm sorry, but I can't disclose it to you right now, Zaila."
"I understand, Your Highness," malamig na turan ko at hindi inalis ang paningin sa kanya. "We're ready. Let's continue our training," dagdag ko pa at muling napahigpit ang pagkakahawak sa silver weapon na gagamitin ko. Tumango na lamang sa akin si Asher Asteria at noong itinaas nito ang isang kamay, agad na naging alerto kaming apat. Ipinilig ko ang ulo pakanan at inihanda ang sarili sa susunod na mangyayari.
What kind of magic is this? Iba ito sa kapangyarihang naramdaman namin kanina noong pumasok kami sa gusaling ito. Nagpalinga-linga ako at noong unti-unting nagbago ang itsura ng paligid namin, mas pinatalas ko ang pakiramdam ko. What the hell is this?
"Illusion magic," rinig kong sambit ni Raine na ngayon ay nasa tabi ko na. "Be careful. Mukhang may makakaharap tayo ngayon sa training na ito."
"I'm ready for them," saad naman ni Theo at noong makaramdaman kami ng isang malakas na presensiya sa may himpapawid, agad kaming tumingala. Segundo lang ay napaawang ang labi ko at napamura na lamang noong mapagtanto kung anong klaseng nilalang ang makakaharap namin ngayon.
"You gotta be kidding me," mahinang bulalas ko at mabilis na tumalon palayo sa kinatatayuan namin kanina. Ganoon din ang ginawa ng tatlong kaibigan ko at noong umatake na ang nilalang na siyang makakaharap namin sa pagsasanay ito, agad kong ginamit ang silver weapon na hawak ko. "Damn it! Hindi ko alam kong gagana itong mga silver weapon na napili natin kanina laban sa dragong iyan!" sigaw ko at mabilis na kumilos. Using my ability to shift weapon, binago ko ang itsura ng dagger ko. Mabilis akong umakyat sa isang puno 'di kalayuan sa puwesto ko at habang inaatake ng tatlo ang dragong biglang lumitaw sa himpapawid kanina, inihanda ko na ang sarili ko sa pagtira.
I shifted my silver weapon, from a dagger, I created a bow and arrow. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at inihanda na ang sarili sa pagtira. I positioned myself and aimed for my target. Mayamaya lang ay narinig ko ang pagsigaw ni Raine sa pangalan ko at noong binitawan ko na ang pana ko, agad kong binagong muli ang itsura ng silver weapon ko. Ginawa ko itong isang espada at gamit ang mahikang natutunan ko kanina, mabilis kong hinagis patungo sa puwesto ng dragon ang espada ko. Ginamit ko rin ang wind magic ko at mabilis na pinalibutan ng enerhiya ang espadang hinagis kanina. Mas pinabilis ko rin ang pagbulusog nito patungo sa dragon at noong tumama na iyong pana sa may ulo nito, kinumpas ko ang isang kamay ko. Mas binaon ko ang pagkakatarak ng pana sa balat nito at noong malakas na sumigaw ang dragon, hindi na ako nagsayang pa ng oras!
"Support my silver weapon! Use your magic and aimed the dragon's head!" sigaw ko sa mga kaibigan ko na siyang mabilis na ginawa nila.
Sa loob ng sampung taong pagiging parte ng Deepwoods Academy, alam na alam na naming apat ang kung anong dapat at susunod na gawin tuwing nasa ganito kaming sitwasyon. Sampung taon kaming magkakasama sa iisang squad lamang. We knew each other, especially when we're inside the battlefield. We belong to the best squad of Deepwoods Academy. No one can beat us when we fight together and work as one.
No one can beat our experience as hunters and huntresses.
Not even this illusion magic, this illusion monster, can hold us down.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top