Untold Six: The Royal Capital
Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko at matamang nakatingin lamang sa walang buhay na katawan ng evil witch na nakalaban ko kanina.
They're willing to sacrifice their comrade's life. For what reason? Para hindi na ito maimbestigahan pa sa Deepwoods Academy? Para hindi namin malaman ang mga plano nila laban sa buong Utopia?
Humugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at noong makaramdaman akong muli ng kakaibang enerhiya 'di kalayuan sa kinatatayuan ko, hindi na ako nagdalawang-isip pa. Agad kong iniba ang anyo ng silver weapon ko, mula sa pagiging isang espada, naging isang pana na ito ngayon. A magical bow and arrow. Mas lalo kong pinatalas ang pakiramdaman ko at itinutok ito sa direksiyon kung saan ko nararamdaman ngayon ang presensiya ng isa pang evil witch.
Pumuwesto na ako at inihanda ang sarili sa pagtira. Ipinikit ko ang mga mata at noong makumpirma ko ang tamang distansiya at posisyon nito, binitawan ko na ang palaso na hawak.
"That was a long shot," rinig kong sambit ni Raven sa likuran ko. "Suwerte na lang ito kung makakatakas pa siya ng wala kahit isang galos mula sa tirang iyon."
Napabuntonghininga na lamang ako at ibinaba na ang sandata ko. Muli kong binago ang anyo ng silver weapon ko at ibinalik ito sa pagiging isang dagger na lamang. Mayamaya lang ay binalingan ko si Raven at pinagtaasan ng isang kilay. "Bakit nandito na kayo? Tapos na kayo sa misyon niyo?" Magkasunod na tanong ko sa kanya at tiningnan ang squad nitong tahimik na nagmamasid sa amin.
"Walang evil witch sa village na pinuntahan namin kanina," anito at nilapitan ako. "I felt it too. Dalawang magkaibang presensiya ng evil witch. Kaya naman ay minabuti na naming magtungo na rin dito sa Larton Village."
"Pero isang evil witch lang ang nakaharap ko," mahinang sambit ko at tiningnang muli ang walang buhay na evil witch sa harapan ko. "At kung minamalas ka nga naman, pinatay pa talaga nila ang isang ito."
"Hindi maganda ang pakiramdam ko sa bagay na ito, Zaila. They're using charms now. A high-level one," saad ni Raven na siyang ikinakuyom ko na lamang ng mga kamao ko. "Kapag lahat na ng evil witch ng Coven ay kayang gumamit ng isang charm kagaya ng isang ito, mahihirapan ang Deepwoods na labanan ang mga ito."
"Their charm doesn't work against our silver weapon," wika ko at binalingang muli si Raven. "At mukhang alam ko na kung ano ang makakatulong sa atin sa problemang mayroon tayo ngayon dito."
Pagkatapos naming mag-usap ni Raven, muli akong bumalik sa bahay ng head chief ng Larton Village. Hindi ko na pinasama pa si Raven sa akin at sinabihan na lamang itong bantayan ang mga squad member namin. Hindi naman ito nakipagtalo pa sa akin at tahimik na sinunod na lamang ang nais ko.
Noong nasa sala na muli ako ng pamamahay nila Sir Alberto, tahimik kong tiningnan ang mag-amang nakayuko sa harapan ko. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko at napabuntonghininga na lamang.
"Sa susunod na mangyari ang aksidenteng ito, siguraduhin ninyong may tutungo sa Deepwoods Academy para ipaalam sa amin ang buong sitwasiyon. Huwag niyo nang hintayin pang mangyari ulit ang nangyari kanina. Baka sa susunod na engkwentro ninyo sa isang evil witch, hindi lang ang anak mo ang mapapahamak, Sir Alberto," sunod-sunod na wika ko at muling napabuntonghininga na lamang. "I will report this incident to Elveena. Siya na ang bahala sa kung anong susunod na gagawin niya para sa village ninyo."
Hindi na nagsalita pa ang dalawa sa harapan. Tahimik lang nakinig sa lahat nang bilin ko sa kanila at noong natapos na kami, nagpaalam na ako sa kanila.
Naging matiwasay ang pagbabalik namin sa Deepwoods Academy. Agad na nagpaaalam sa akin sila Aradia at sila na raw ang bahala sa mga bagong miyembro ng squad namin. Naiwan naman kami ni Raven sa main entrance ng academy habang tahimik na pinagmamasdan ang iilang faculty staff na dahan-dahang naglalakad papalapit sa puwesto namin.
"Don't tell them what happened today," ani Raven na siyang tahimik na ikinatango ko na lamang. Mukhang pareho kami ng nasa isip ngayon. Humugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at tahimik na nakatayo na lamang sa tabi ng kaibigan.
Si Raven na ang kumausap sa mga staff na lumapit sa amin. May nagtanong tungkol sa naging misyon ng mga squad namin na siyang kaswal na sinagot lang ni Raven. Hindi na ako nakisali pa sa usapan nila. Marami-rami ang tumatakbo ngayon sa isipan ko at mukhang hindi rin naman nila ako makakausap nang maayos. Mayamaya lang ay nagpaalam na ang mga staff sa amin at umalis na rin sa harapan namin ni Raven. Nagkatinginan na lamang kaming dalawa at walang imik na nagsimula na ring ihakbang ang kanya-kanyang mga paa. Tahimik naming tinahak ang daan patungo sa opisina ni Elveena at noong nasa tapat na kami ng pinto, sabay kaming natigilan ni Raven noong bumukas iyon.
"Zaila! Raven!" bulalas ni Amber noong mabungaran niya kami sa labas ng opisina ni Elveena. Napakunot ang noo ko sa naging reaksiyon nito at noong peke itong tumawa sa harapan ko, napatingin ako kay Raven, pabalik sa kanya. Anong naman kaya ang ginagawa ng babaeng ito sa opisina ni Elveena? Bati na ba sila? Tapos na ba ang naging alitan nila noong nakaraang araw? "A-anong ginagawa niyo rito? Tapos na ba ang misyon ng mga squad niyo?" magkasunod na tanong ni Amber sa amin.
"We don't want to be rude, but we won't answer that, Amber." Natigilan si Amber noong magsalita si Raine sa may likuran namin. Napatingin ako sa gawi nito at namataan ko silang dalawa ni Theo. Looks like tapos na rin ang naging misyon nila ngayong araw.
"Oh, I'm sorry," mabilis na wika ni Amber at humakbang palabas sa opisina ni Elveena. Maingat nitong isinara ang pinto sa likuran at umayos nang pagkakatayo. "Wala rito ngayon si Elveena," anito na siyang ikinataas ng isang kilay.
"Kung wala siya rito, bakit nandito ka? Anong pakay mo sa opisina niya?" tanong ni Raven na siyang tipid na ikinangiti ni Amber.
"Napag-utusan lang ako ng Head Huntress. Magsisimula na ang pagtitipon ng Senior Squad Captains. Siya na lamang ang wala roon kaya naman ay ako na ang inatasan ng Head Huntress na sunduin ito. Too bad... she's not here."
"Alam ng lahat na kapag may pagtitipon kayo ay palaging nasa SSC main chamber si Elveena," ani Raine at nagsimula nang maglakad muli. Tumigil ito sa tabi ko at namewang sa harapan ni Amber. "Mas matagal na kayong magkakilala ni Elveena, Amber. Huwag mong sabihing nakalimutan mo na ang tungkol sa bagay na iyon?"
Hindi agad nakapagsalita si Amber at mahinang tumawa na lamang. Nanatili ang mapanuring titig ko sa kanya at hindi na nagkomento pa. Simula noong napunta ako rito sa Deepwoods Academy, hindi ako naging malapit sa babaeng ito. She's a Senior Squad Captain too, just like Elveena. Ang hindi ko lang maintindihan ngayon ay kung anong ginagawa niya rito sa opisina kahit na alam naman niyang wala talaga rito si Elveena.
"Yes, I forgot about that too, dear," ani Amber at napailing na lamang. "Siguro'y naging abala lang talaga ako nitong mga nagdaang araw. Masyadong makakalimutin na rin ako sa mga ganitong bagay," dagdag pa niya at napabuntonghininga na lamang. Mayamaya lang ay nagpaalam na ito sa amin at mabilis na tinalikuran kami. Maingat itong naglakad palayo sa kinatatayuan namin at noong lumiko na ito sa may pasilyo, narinig ko ang mahinang pagtawa ni Theo sa likuran namin.
"Kahit kailan talaga ay hindi maganda ang pakiramdam ko kay Amber," anito at naglakad na rin papalapit sa kinatatayuan namin. "Come on, tingnan natin kung may ginawa ba ito sa opisina ni Elveena," yaya pa niya at siya na ang nagbukas ng pinto ng opisina ni Elveena. Nauna itong pumasok sa amin samantalang nagkibit-balikat na lamang si Raine at Raven at sumunod na rin kay Theo.
Napanguso na lamang ako at muling tiningnan ang daang tinahak kanina ni Amber. What the hell is she up to now? Is she going to backstab Elveena again? Really? Hindi bai to nagpapagod sa mga pinaggagagawa nito? Napabuntonghininga na lamang ako at napagdesisyunan nang pumasok na rin sa loob ng opisina.
Tahimik kong pinagmasdan ang ginagawa ng tatlo.
Naupo na sa may mahabang sofa si Raine samantalang tahimik na tiningnan ng dalawang lalaki ang kabuuan ng opisina ni Elveen. Ganoon din ang ginawa ko. Simple lang ang silid na ito kaya naman kung may kakaiba rito, agad mo itong mapapansin. Ngunit lumipas na ang ilang minutong pagmamasid namin, wala kaming makitang kakaiba o nagbago man lang. Mali ba kami nang naisip tungkol sa maaaring ginawa ni Amber kanina sa silid na ito?
"Let's trust our instinct. Amber is up to something. We all know that, right?" ani Raine at napatingin kay Theo noong naupo ito sa tabi niya. "Kung ano man ang pakay niya sa opisina ni Elveena, malalaman din natin iyan sa mga susunod na araw. She loves the spotlight. Siya mismo ang maglalabas sa kung anong plano mayroon siya ngayon."
"You're right," ani Theo sa tabi niya. "Hintayin na lang siguro natin ang susunod na gagawin ni Amber," dagdag pa nito at binalingan ako sa puwesto ko. "Anyway, what's up with you, Zaila? Kanina ka pa tahimik, ah. May problema ba? May napansin ka bang kakaiba sa opisina ni Elveena?" takang tanong nito sa akin.
Hindi agad ako nakasagot sa naging tanong nito sa akin. Napabaling muna ako kay Raven at noong mamataan ko ang pagtango nito sa akin, napabuntonghininga na lamang ako. Dahan-dahan akong kumilos at naglakad patungo sa isa pang bakanteng upuan. Naupo ako roon at tiningnan ang mga kasamahan ko.
"It's about our mission earlier," wika ko na siyang ikinataas ng kilay ni Raine sa akin. Umayos naman nang pagkakaupo si Theo at hindi inalis ang matamang titig sa akin. "We've encountered an evil witch."
"Seriously?" Theo asked and looked at Raven. "What happened? Nasaan na ito?"
"Dead," mabilis na sagot ko na siyang ikinatigil ng dalawa.
"Pinatay niyo ito ng hindi man lang alam ng Senior Squad Captain natin?" tila iritang tanong ni Raine at mariing iniling ang ulo. "You're unbelievable, Zaila. And how about you, Raven? You let her kill that evil witch?"
"Hindi pinatay ni Zaila ang evil witch na nakaharap nito kanina," wika ni Raven at nagsimulang maglakad papalapit sa puwesto ko. Tumayo ito sa may likuran ko at nagpatuloy sa pagsasalita. "Dalawang evil witch ang nasa Larton Village kanina at isa sa kanila ang pumatay sa kasamahan nito."
"Damn it," rinig bulalas ni Theo at napabuntonghininga na lamang. "Masama ang kutob ko sa mga nangyayari ngayon. And today's the SSC meeting. Paniguradong pag-uusapan nila ang tungkol sa bagay na ito."
"Hindi pa alam ni Elveena ang tungkol dito," simpleng sambit ko at inilapat ang likuran sa backrest ng upuan.
"Kahit hindi natin ipaalam sa kanya ang tungkol sa bagay na ito, malalaman pa rin niya ito. She's Elveena. She got ears and eyes on us," ani Raine at napailing na lamang. "And you're a hunter, Theo," dagdag pa nito at binalingan ang kaibigan sa tabi niya. "Wala kang dapat na ikatakot sa mga evil witch na iyon."
"Hindi ako nangangamba sa ating mga hunter at huntress ng Deepwoods, Raine," saad muli ni Theo at bumaling sa puwesto namin ni Raven. "The Royal Capital," dagdag pa niya na siyang ikinatigil ko sa kinauupuan. "Kung mas lumalakas ang Coven ngayon, tiyak kong may gagawing hakbang ang royal family ng Utopia para pigilan sila."
"House of the royals," mahinang turan ni Raven sa likuran ko at narinig ang paghugot nito ng isang malalim na hininga. "Kung may gagawin man ang mga Asteria tungkol sa bagay na ito, paniguradong ang Deepwoods naman ang gagawa ng lahat nang trabaho."
Wala sa sarili akong napatango sa tinuran nito.
Asteria family, the most influential family, the royals, the one who rules all the houses here in Utopia. Well, expect the house of the evil witches, the Coven. Everyone respects the house of the royals. Sila rin kasi ang unang nakadiskubre sa Utopia. The members of Asteria family are witches too. But they're different from all the witches living inside Mountainbane, the House of the Witches. Kaya nga ay nasa ibang grupo sila ng mga witch ng Utopia. They're more powerful, good, and sometimes... they're just simply annoying. Lalo kapag tungkol sa Coven ang pinag-uusapan. They hate conflicts and war between houses. And now that the Coven is getting more powerful than they used to, Asteria will not stay still and just let Deepwoods do its thing. May gagawin at gagawin sila para mapigilan ang paglakas ng kapagyarihan ng Coven.
Napabuntonghininga na lamang ako at akmang magsasalita na sana akong noong biglang bumukas ang pinto ng opisina. Mabilis kaming napabaling sa gawi ng pinto at noong makitang naroon si Elveena, agad kaming tumayo mula sa pagkakaupo at binati ang bagong dating.
Tumango lang sa amin si Elveena at isinara na ang pinto sa likuran niya. Maingat itong naglakad papalapit sa amin at noong nasa harapan na ito, tiningnan niya kami isa-isa.
"Mukhang alam ko na kung bakit kayo narito ngayon sa opisina ko," anito at humugot ng isang malalim na hininga. Binalingan niya ako kaya naman ay napaayos ako nang pagkakatayo. "What happened to your mission? Paanong nakatakas mula sa'yo ang isang evil witch?"
"We didn't expect na dalawang evil witch ang nasa Larton Village," simpleng sagot ko at sinalubong ang mapanuring titig nito. "Ngunit bago pa patayin nong isang evil witch ang kasamahan niya, nakalaban ko pa ito. They're using charm, Elveena. Without my special ability, for sure, pati iyong isang evil witch na nakaharap ko ay makakatakas mula sa amin."
Hindi ito agad nagsalita at nanatili lamang ang titig sa akin. Mayamaya lang ay humugot itong muli ng isang malalim na hininga at nagsimula nang maglakad patungo sa upuan niya. Kumilos naman kaming apat at sumunod sa kanya. Natigil lang kami sa pagkilos noong nasa tapat na kami ng mesa niya samantalang naupo na si Elveena sa swivel chair niya.
"Charm," anito at muli kaming tiningnan ng Senior Squad Captain namin. "Matagal na itong nasa plano ng Head Huntress ng Deepwoods at dahil sa mga nangyayari ngayon sa Utopia, she gave me the permission."
"Permission? For what, Elveena?" tanong ni Raine sa kanya. Napabaling ito sa gawi ko kaya naman at napatingin na rin ako sa kanya. Nagkibit-balikat ako rito at muling itinuon kay Elveena ang buong atensiyon.
"Aalis kayong apat sa Deepwoods," anito na siyang ikinatigil namin.
What?
"Sa anong dahilan naman?" marahang tanong ni Raven sa tabi ko.
"Pupunta kayong apat sa Royal Capital," saad nito na siyang ikinaawang na labi ko. "The Coven is now using charms. It's time for us to learn something new, too. Hindi tayo maaaring magtiwala na lamang sa kakayahan natin bilang mga hunter at huntress ng Deepwoods. At dahil kayo nga ang mga nangungunang squad captains sa taong ito, kayo ang napili ni Head Huntress Gerra na pumunta sa Royal Captain para pag-aralan ang tungkol sa charm na ginagamit nila."
Napakurap ako at wala sa sariling tiningnan ang mga kasamahan ko. Kita ko ang gulat sa mga mukha nila at kagaya ko, alam kong gusto rin nila ang tungkol sa ideyang ito.
They will teach us how to use magic! Real magic!
Oh my God! This is surreal!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top