Untold Seventeen: The Lord of Coven

Walang emosyon kong tiningnan ang walang buhay na katawan ni Oliver. Nakatayo lang ako sa gilid nito habang hindi nilulubayan ng mga mata ko ang katawan niya.

Mayamaya lang ay dinisolve ko na rin ang wind barrier na ginawa ko kanina. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at nagsimula nang kumilos. Maingat kong inihakbang ang mga paa patungo sa isa pang evil witch na napatay ko. Dahan-dahan akong yumukod dito at inalis sa dibdib nito ang pagkakatarak ng isa ko pang silver weapon. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at pinagmasdan silang dalawa.

Ngayon ay may napagtanto ako sa naging engkuwentro ko sa kanilang dalawa. Hindi lahat ng miyembro ng Coven ay masama. Hindi lahat ay natural na evil witch. Some are just unlucky... just like Oliver. At kung ganoon ang ginagawa nila sa mga noble family na inatake at sinunog ang mga tahanan, natitiyak kong hindi lang si Oliver ang naging biktima nila.

"Zaila!" Hindi pa rin ako kumibo sa kinatatayuan kahit na narinig ko na ang pagtawag sa akin ni Raven. "Are you okay, Zai?"

"Yeah," wala sa sariling tugon ko sa kaibigan at maingat na binalingan ito. "I think I'm okay."

"Zai," sambit muli nito sa pangalan ko at mabilis na hinila ako papalapit sa kanya. "What happened? Your eyes... umiyak ka ba?"

"I don't know," sambit ko at muling binalingan ang katawan ni Oliver. "I just feel bad killing him."

Naramdaman ko ang pagkilos ni Raven kaya naman ay natitiyak kong napatingin na rin ito sa tinutukoy ko. "Zai, he's an enemy. Huwag mo nang isipin pa ito. Come on, naghihintay na sila sa atin," ani Raven at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako ngunit ipinirmi ko ang katawan ko. Hindi ako kumilos at napatingala na lamang. "Zaila-"

"He was a good friend," turan ko na siyang ikinatigil ni Raven sa paghila sa akin. Muli ako bumaling sa kanya at namataan ang gulat na ekspresyon nito. "He was a noble, a half witch, from the village where I grew up." Hindi kumibo si Raven at matamang nakatingin lamang sa akin. Napabuntonghininga ako at maingat na inalis ang kamay nitong nakahawak sa akin. "Let's go. May kailangan akong sabihin sa mga kaibigan natin at sa dalawang Asteria," muling sambit ko at nauna nang maglakad sa kanya. Mayamaya lang ay naramdaman ko ang pagsunod nito at tahimik na kaming bumalik sa kung saan kami naghiwa-hiwalay kanina.

Tamang-tama lang na nakabalik na rin si Reagan Asteria at iyong witch na sumunod sa kanya noong dumating kami ni Raven. Maingat akong naglakad papalapit sa puwesto nila Theo at Raine at noong magtama ang mga paningin namin, namataan ko ang pagkunot ng mga noo nila. Hindi sila nagsalita ngunit alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isipan ng dalawa.

They knew me. Sa loob ng sampung taon, kilalang-kilala na namin ang bawat isa. Kahit na may hindi kami pagkakaunawaan, alam namin kung may mali o problema ang isa sa amin.

Napabuntonghininga na lamang ako at tahimik na tumabi sa kinatatayuan ni Raine.

Mayamaya lang ay bumaba na si Reagan Asteria sa sinasakyang kabayo. Seryoso itong naglakad papalapit sa amin. "It was an ambush. Inabangan nila tayo," saad niya at napailing na lamang. Lumapit na rin sa kanya ang kapatid at tahimik na tumayo sa tabi nito. "Mukhang pinaghandaan nila ang pagdating natin ngayon gabi. They were armed and ready to fight."

"Nakausap ko ang isa sa kanila," matamang sambit ko na siyang ikinabaling sa akin ng prinsipe. "The Coven... they're doing something... damn, more evil." Napabuntonghininga akong muli at mariing ikinuyom ang mga kamao. "The man I fought earlier... he was not an evil witch... they turned him to be one."

"What?" gulat na tanong ni Raine na siyang ikinabaling ko sa kanya. "Are you sure about that, Zaila? Baka naman ay gawa-gawa niya lang iyon para makatakas sa'yo."

"I killed him," sambit ko na siyang ikinatigil ni Raine. Napakurap ito at hinarap ako nang maayos. "It was the only way to save him from them."

"Kilala mo ang evil witch na nakalaban mo," turan naman ni Theo at hinarap na rin ako. "Kilala mo siya, Zaila," ulit nito.

Hindi agad ako nakapagsalita at tiningnan lamang ang mga kaibigan. Mayamaya lang ay napatingala ako at pilit na nilabanan ang sariling emosyon. Tapos na akong umiyak kanina para sa dating kaibigan. Hindi na dapat ako nagpapakita ng kahinaan sa harapan ng mga kasama ko. At isa pa, nangako ako sa kanya. I will get my revenge. Kung patuloy akong magpapakita ng emosiyon, paniguradong masasayang lang lahat nang pinaghirapan ko sa loob ng sampung taon. I need clear my mind. I need to focus. Kailangan ay hindi ako ma-distract hanggang sa makaharap ko na ang taong sumira sa buhay ng pamilya at kaibigan ko.

"Hindi na mahalaga iyon," mariing sambit ko at tiningnan muli ang mga kaibigan. "He's dead. I killed. He's an enemy anyway," dagdag ko pa at binalingan na ang dalawang Asteria. "And looks like alam niyo na ang tungkol dito. Sa mga reaksiyon niyo, mukhang alam niyo na ang kasamaang ginagawa ng Coven sa mga noble witch na naninirahan sa buong Utopia."

"Zaila-"

"Bakit hindi niyo sinabi ito sa amin?" seryosong tanong ko habang hindi inaalis ang paningin sa magkapatid. "Kasama kami sa misyong ito. Hindi kami kalaban kaya naman ay bakit kailangan niyong ilihim ang tungkol sa bagay na ito?"

"May ideya kami tungkol sa bagay na ito, Zaila, pero wala itong kumpirmasyon mula sa mga naunang witch na ginawa ang misyong ito," sagot ni Amelia at binalingan ang kapatid. "Hindi ba, Reagan?" Hindi nagsalita si Reagan Asteria kaya naman ay napangiwi na lamang si Amelia. "Reagan-"

"It was the king's order," ani Reagan habang matamang nakatingin sa akin. "Mas makakabuting hindi niyo alam ang tungkol sa bagay na ito."

"Makakabuti?" tanong ni Raine at umayos nang pagkakatayo sa puwesto niya. "Kung totoo mang ginagawa nilang evil witch ang mga half-witch ng Utopia, hindi ba malalagay kami sa alanganin? With all due respect, royal witches, we, hunters and huntresses of Deepwoods, are half-witches too. Hindi man kami nabibilang sa mga noble family na hinahawakan ng house of the royals, still, half-witch pa rin kami!"

"Hindi lang kayo half-witches, Raine," muling sambit ni Amelia at mabilis na binalingan muli ang kapatid. "Just tell them, Reagan. Para matapos na rin ang usapang ito."

"Tell us what?" Sa tono pa lang ng boses ni Theo ay alam kong hindi niya rin nagugustuhan ang usapan namin ngayon dito sa dalawang Asteria.

Ngayon ay natukoy ko na ang hindi magandang pakiramdam tungkol sa misyong ito. Ito ang hindi masabi-sabi sa amin ng mga miyembro ng royal family. This is the real mission that we need to accomplish. At kung hindi namin ito magagawa nang maayos, paniguradong matutulad kami kay Oliver. Damn!

A hunter and a huntress, half-witch... turned to evil witch. That's sucks. Big time.

"It was the king's decision to keep this thing secret to you, hunters and huntresses." Sa wakas ay nagsalitang muli si Reagan Asteria. "At sumang-ayon ako sa nais nitong mangyari. For you to do your job well." He paused for a second then sighed. "Without worrying about the fact that one of you can be turned to someone you hunt and kill. Iyon ang rason kung bakit hindi na namin ito ipinaalam sa inyo."

"Unbelievable! What about the new moon?" tanong naman ni Raven sa magkapatid. "Bakit ito ang araw na napili niyo?"

"Nasabi na ni Amelia ang rason kung bakit ito ang napiling araw namin sa pagsagawa nang misyong ito," simpleng sagot ni Reagan sa tanong ng kaibigan.

"I'm not buying it," seryosong turan muli ni Raven. "Just tell us everything now, royals. Hindi kami kikilos muli para sa misyong ito kung may mga bagay pa kayong hindi sinasabi sa amin."

Katahimikan. Wala ni isa sa amin ang nagsalita. Maging ang mga tauhan ng dalawang Asteria ay tahimik lang na nakikiramdam sa susunod na mangyayari sa pagitan namin at ng magkapatid. Mayamaya lang ay namataan ko ang paghugot ng isang malalim na hininga ni Reagan Asteria. Hindi ko inalis ang paningin sa kanya hanggang sa magsalita itong muli.

"Have you heard about Merlin?" tanong nito na siyang ikinakunot ng noo ko. Segundo lang ay napatingin ako sa mga kaibigan ko noong mapagtanto kung ano ang ibig sabihin ng naging tanong nito sa amin. "Our intel confirmed his presence inside the Coven's main headquarter. The lord of the Coven. Iyon ang tawag nila sa kanya ngayon. After the incident where the Head Huntress fought and killed that man, the Coven took his body and revived him. He was a warlock. Kahit na wala ng buhay ang katawan nito, nagawa pa rin nila nang paraan para panatilihin ang kapangyarihan nito. And after a year after the incident, he woke up and started working with them."

Damn it! Tila nabingi ako sa narinig. Merlin... the warlock who almost killed the Head Huntress of Deepwoods before is alive... at nasa Coven siya ngayon!

"No... Merlin... he's dead," mahinang sambit ni Raine at mabilis na napailing. "We were there when he was killed by our Head Huntress. He died that day! Nasaksihan namin kung paano ito namatay sa kamay ng Head Huntress ng Deepwoods!" Napakuyom na lamang ako ng mga kamao noong biglang bumalik sa akin ang mga alaala noong araw na iyon. It was one of the toughest days of my life. Isang junior huntress pa lang ako noon, at noong nagtungo si Merlin sa Deepwoods, ang buong akala ko'y isang bisita lamang ito. I even greeted and talked to him! Wala akong ideya sa totoong pagkatao nito at noong malaman ko ang totoong pakay niya sa Deepwoods, nagsimulang manginig ang buong katawan ko. It was like a déjà vu. Tila naulit ang nangyari sa akin noong araw na sinira ng mga evil witch ang tahanan at ang pamilya ko.

"Buhay ito, Raine," ani Amelia na siyang nagpakurap sa akin. Wala sa sarili akong napahugot ng isang malalim na hininga at pilit na inaalis sa isipan ang mga alaala noong araw na iyon. Itinuon ko na lamang kay Amelia ang buong atensiyon at napakunot na lamang ang noo ko noong dahan-dahang inangat nito ang mahabang manggas ng damit na suot. May ipinakita ito sa braso niya at noong mamataan ko kung ano ito, napatingin na lamang ako sa prinsesa. "Siya ang may gawa nito sa akin ngunit noong nakaharap ko ito, hindi ko pa alam ang totoong katauhan niya. He's different person now. Ibang-iba ang itsura nito kumpara noong huling kita ko sa kanya. Pati na rin si Reagan ay nakaharap ito at-"

"That's enough, Amelia."

"Pero kailangan nilang malaman ang lahat, Reagan!" asik nito sa kapatid. "We need to tell them what we know! Hindi maaaring hindi matuloy ang misyong ito, Reagan. Alam mo kung gaano kahalaga sa hari at sa buong Utopia ang misyong ito! We need them to join us and defeat our enemy!"

"Hindi nila iiwan ang misyong ito," saad ni Reagan at tiningnan kami isa-isa. "They're hunters and huntresses, Amelia. May isang salita sila. Tatapusin nila ang misyong ito kahit na anong mangyari."

Napailing na lamang ako at hindi na pinansin ang tinuran ni Reagan Asteria. Binalingan ko ang mga kaibigan at matamang tiningnan ang mga ito. "If Merlin's alive, mas malaking problema ang kinakaharap ng buong Utopia ngayon. Nasaksihan na natin noon kung gaano ito kalakas at kung totoong nasa Coven siya, kailangan nating makarating sa headquarter nila sa lalong madaling panahon," seryosong saad ko na siyang ikinabuntonghininga na lamang ni Raine.

"Hindi ba dapat ay ipaalam na muna natin ito kay Elveena? This is Merlin, the warlock, that we're talking about, Zaila. Kahit sila noon ay nahirapan na kalabanin ito. We... we can't defeat him by ourselves," ani Raine at napatingin sa puwesto ni Theo. "This is really a suicide mission."

"Nandito na tayo ngayon, Raine," ani Theo at napabuntonghininga na lang din. "Wala na rin tayong sapat na oras para bumalik sa Deepwoods. At isa pa, 'di hamak na mas malakas na tayo ngayon kumpara noong araw na umatake si Merlin sa Deepwoods. We're squad captains now. Mas malakas na tayo ngayon."

"Pero-"

"My brother," wikang muli ni Amelia Asteria na siyang kumuha sa atensiyon namin. "He can help you with Merlin."

"No," mabilis na saad ko na siyang ikinatigil ng babeng Asteria. "Kami na ang bahala kay Merlin. At kayo... kayo na ang bahala sa lider ng Coven at sa iba pang miyembro nito. We will end them, the Coven and Merlin, tonight."

"This is really a suicide mission," mahinang turan muli ni Raine sa tabi ko na siyang ikinakagat ko na lamang ng pang-ibabang labi. Right. This is really a suicide mission. Sa simula pa lang ay batid na namin ito. But again, we're still hunters and huntresses. Trabaho naming pigilan ang lahat ng evil witch sa masasamang plano nito sa buong Utopia.

"Kung tapos na kayo sa pag-uusap, kumilos na tayong muli. At kagaya nang nais niyong mangyari, ipapaubaya ko sa inyo ang pagharap at pagtalo kay Merlin. Kami na ang bahala sa mga miyembro ng Coven," sambit ni Reagan at mabilis na sumakay ng muli sa kabayo nito. Ganoon din ang ginawa namin at hindi na muling nagsalita pa. Pinatakbo naming muli ang mga kabayong sinaksayan at tahimik na inihanda na lamang ang mga sarili sa maaaring maabutan namin sa mismong kuta ng mga kalaban.

Sa pagkakataong ito, wala nang nakaabang sa amin na mga miyembro ng Coven. Naging mabilis ang paglalakbay namin hanggang sa muling tumigil sa pagpapatakbo ng kabayo si Reagan Asteria. Agad kong pinahinto ang kabayong sinasakyan at inalerto ang sarili.

What the hell?

"I can feel them," rinig kong sambit ni Raine na siyang ikinalunok ko na lamang. Yes, I can feel their presence too. Evil witches! They're fucking everywhere!

"Hanggang dito na lamang tayo. Iwan na natin ang mga kabayo sa gubat at maghiwa-hiwalay na," ani Reagan at bumaba na sa kabayong sinasakyan. Tahimik kaming sumunod sa kanya at hinayaan na ang mga kabayo tumakbo palayo sa kinatatayuan namin. "Listen to me, hunters and huntresses," tawag pansin niya at umayos nang pagkakatayo sa harapan namin. "Dahil wala ang buwan, mas mahina ang pandama at kapangyarihan ng iilang evil witch na narito ngayon. We can sneak inside their headquarter without having a bloody fight. Pero kapag isang high-level evil witch ang makaharap niyo, asahan niyong mas malakas ito kumpara sa ibang evil witch na nakalaban niyo na. Use the weapon that my brother gave you. Ito lang ang natatanging sandata na siyang makakatalo sa kanila."

"How about those evil witches who can use and handle silver weapons?" tanong ni Theo na siyang ikinatingin sa kanya ni Reagan. "Paniguradong nandito rin sila sa lugar na ito."

"Don't worry about them. We can handle those witches," sagot ni Reagan at tinalikuran na kami. "Remember our goal here. We're going to destroy the Coven. Hunt, kill and burn them all."

Hunt, kill and burn.

Sounds like fun but this is going to be hell! Hindi lang ito isang simpleng misyon na ibinibigay sa amin ni Elveena noong nasa Deepwoods pa kami. Ngayon ay nasa kuta na mismo kami ng kalaban. Kami na mismo ang lumapit sa kanila!

"Let's stay alive tonight and return to Deepwoods, shall we?" wala sa sariling sambit ko na siyang ikinabaling ng mga kaibigan ko sa akin. "Let's go home safe... all of us."

"We'll be fine, Zaila," ani Theo at nagsimula nang kumilos. Tumango sa akin si Raven at sinundan na rin si Theo. Naiwan kami ni Raine at nagkatinginan na lamang.

Tipid na ngumiti sa akin si Raine at marahang tinapik ang balikat. "Pagkatapos ng misyong ito, let's annoy each other more, Zaila," aniya at kumilos na rin. Napailing na lamang ako sa tinuran nito at sinundan na ang mga kaibigan.

Merlin... Lord of the Coven. If he's really alive, then we're doomed. Kailangan matalo ito bago pa man maisipan niyang muling salakayin ang Deepwoods. We will end him here. At sa pagkakataong ito, sisiguraduhin naming hindi na siya muling mabubuhay pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top