Untold Seven: The House of the Witches
Hunters and huntress from Deepwoods were raised and trained to hunt evil witches using their skills and silver weapons. Madalang lang sa isang hunter at huntress ang marunong gumamit ng kahit anong mahika. Siguro kapag nasa lebel na kami nila Elveena at ng iba pang Senior Squad Captain, paniguradong wala nang kahirap-hirap para sa amin ang matuto sa paggamit ng iba't-ibang klase ng mahika na maroon dito sa Utopia.
Kaya naman noong sinabi sa amin ni Elveena ang tungkol sa misyon namin sa Royal Capital, hindi na ito mawala sa isipan ko. I always wanted to use magic. Kahit na may alam na ako ngayon tungkol dito at nagagawa ko nang gumamit kahit papaano, still, I want to know and learn more about it! Ito na lamang ang kulang sa akin ngayon. Magic.
"Hindi ka rin ba makatulog?" Natigilan ako sa pagmamasid sa madalim na kalangitan noong marinig ang boses Raven sa likuran. Kunot-noo ko itong binalingan at pinagmasdan itong naupo sa tabi ko. "Buti at walang nakapansin sa'yo na lumabas sa quarters niyo?"
"Ikaw din naman. At mukhang wala yatang nakabuntot sa'yo ngayon," walang ganang sambit ko at muling napatingala na lamang. "Gusto ko ang katahimikan ng paligid ngayon kaya naman ay huwag mo akong gambalain, Raven."
"Gusto ko lang din magtungo rito bago tayo umalis bukas, Zaila. I'm not here to piss you off," wika ni Raven na siyang ikinangisi ko na lamang. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at muling pinagmasdan ang kalangitan.
Minuto lang din ang lumipas na katahimikan sa pagitan namin ni Raven ay may narinig akong mga yapak na papalapit sa puwesto namin. Napailing na lamang ako at hindi makapaniwalang nandito kaming apat ngayon sa lugar na ito.
"Hindi rin ba kayo makatulog, Raine? Theo?" rinig kong tanong ni Raven sa mga bagong dating. Segundo lang din ay naramdaman kong naupo ang dalawa sa damuhan at tahimik na tumingala at tiningnan ang ma-bituing kalangitan. Seriously? Talagang kompleto kami ngayon sa lugar na ito? Napailing na lamang muli ako at hindi na nagsalita pa sa puwesto ko.
Noong mga miyembro pa kami ng squad ni Elveena, palagi kaming tumatakas sa kanya-kanyang chamber namin at nagtutungo rito, isa sa maganda at tagong parte ng Deepwoods. At simula noong maging squad captain na kaming apat, natigil na rin kaming pumunta rito. Naging abala na rin kasi kami sa kanya-kanyang trabaho at nakalimutan na ang tungkol sa lugar na ito.
"We're the best former members of Elveena's squad," rinig kong sambit ni Raine pagkalipas ng ilang minutong katahimikan na namayani sa aming apat. "Kaya naman ay gawin natin ang misyong ito nang matiwasay."
"That's the plan, Raine. We will not disappoint our former squad captain," wika naman ni Theo at marahang tumayo na mula sa pagkakaupo sa may damuhan. "Let's go. Magpahinga na tayong apat at maaga pa tayong aalis bukas."
Hindi na ako nagsalita pa at tumayo na rin mula sa pagkakaupo. Ganoon din ang ginawa nila Raven at Raine at tahimik na naglakad pabalik sa sentro ng Deepwoods Academy. Tahimik ko namang pinagmasdan ang tatlong kaibigang naglalakad papalayo sa puwesto ko.
Kahit na magkakaiba kami ng mga ugali, kapag binigyan kami ni Elveena ng isang misyon, agad kaming nagkakasundo. Kahit na palagi kaming nagbabangayan ni Raine, kapag pareho kaming na-assign sa isang misyon, isinasantabi muna namin ang hindi namin pagkakaunawaan at ginagawa nang maayos ang misyong mayroon kami.
Well, I guess ito ang resulta ng matagal naming pagsasama sa iisang squad. We argue almost every day, but when it comes to our job as a huntress, we work as a team.
Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi na rin ako nagdala ng maraming gamit at tanging ilang pares lang ng damit ang laman ng bag ko at isang silver weapon. Maingat akong naglakad palabas ng silid ko at tahimik na lumabas sa student's quarters namin.
"Zaila!"
"Captain!" Natigil ako sa paglalakad noong marinig ko ang pagtawag nila Aradia sa akin. Binalingan ko sila at tipid na nginitian. "Huwag ka nang mag-alala sa squad mo. Kami na ang bahala sa mga bagong miyembro natin," wika pa ni Aradia na siyang ikinatango ko na lamang sa kanila.
"Mag-iingat kayo sa misyon niyo, Zaila," ani Enora at humakbang ng isang beses papalapit sa akin. "Alam naming magaling ka sa pakikipaglaban ngunit iba pa rin ang Royal Capital. Don't trust anyone. Mas mabuti na ang nag-iingat, Zaila."
"Don't worry about me and the rest of the squad captains. Kami na ang bahala sa mga sarili namin," wika ko at marahang humugot ng isang malalim na hininga. "Aradia," sambit ko sa pangalan nito at hinarap ito nang maayos. "Lead the squad. Kung may ipapagawa naman sila Elveena habang wala kami, do it properly. Alam kong kahit na wala ako, magagawa niyo pa ring ipakita sa lahat ang kaya niyong gawin bilang mga miyembro ng Amethyst Squad."
"We will do our best, Zaila... I mean... Captain." Napangiti na lamang ako at maingat na tiningnan ang tatlo. Naituro ko na rin naman sa kanila ang dapat na malaman nila bilang junior squad huntress. Alam kong kaya na nilang gampanan ang mga tungkulin nila.
"I'm going. Paniguradong naghihintay na ang tatlong squad captain sa akin sa main gate ng Deepwoods Academy," paalam ko sa tatlo at dahan-dahang tinalikuran ang mga ito. Maingat akong naglakad at hanggang sa makarating na ako sa main gate kung saan kami magkikita-kita ng mga kasama ko. At kagaya nga nang inaasahan ko, nandoon na nga sila! Napangiwi na lamang ako at mabilis na nilapitan ang mga ito.
"Ba't ang tagal mo?" iritableng tanong ni Raine sa akin at hinawi ang buhok nito sa balikat.
Narinig ko namang tumawa si Raven at mabilis na inakbayan ako. "May dinaanan ka pa ba, Zai? Kanina pa kaya naiinis iyang si Raine," aniya at muling tumawa. Mabilis ko namang inalis ang braso nito sa balikat at umayos nang pagkakatayo.
"Nakasalubong ko lang ang ibang squad members ko," simpleng sambit ko at binalingan si Raine. "Ilang minuto lang akong nahuli sa oras na napag-usapan natin, Raine. So please, don't glare at me like that," dagdag ko pa at napairap na lamang sa kanya.
"Okay, that's enough," ani naman ni Theo at pumagitna na sa amin. "Elveena prepared a carriage for us. Let's go."
Hindi na ako nagsalita pa at nagsimulang kumilos muli. Naglakad na kaming apat palabas sa main gate ng Deepwoods Academy at noong mamataan ko ang karwaheng tinutukoy ni Theo, mabilis akong naglakad patungo roon at sumakay na.
Tahimik namang sumakay sila Raven at Raine samantalang kinausap pa ni Theo ang kasama naming kutsero. Mayamaya lang din ay sumakay na si Theo at tahimik na pinagmasdan kami. "We're on a mission right now. Stop wasting your time arguing with each other," aniya habang nakatingin sa amin ni Raine. "You're both a squad captain now. Act like one."
Napairap na lamang ako sa tinuran ni Theo at hindi na nagsalita. Itinuon ko na lamang sa labas ng karwahe ang atensiyon at hindi na pinansin pa ang mga kasama. Segundo lang din ang lumipas ay nagsimula nang umandar ang karwaheng sinasakyan namin.
Wala ni isa sa amin ang nagsalita sa loob ng karwahe. Tahimik ko lang na pinaglalaruan sa kamay ko ang silver weapon ko habang nakatingin sa labas.
Isang beses pa lamang akong nakapunta sa Royal Capital ng Utopia. Ilang taong gulang pa lamang ako noon at halos hindi ko na rin maalala ang itsura ng lugar na iyon. Full of luxury, I guess.
I silently sighed and closed my eyes. Mas mabuting matulog at magpahinga na lang muna ako. Hindi rin naman namin alam kung ano ang ipapagawa sa amin pagdating namin sa Royal Capital. Mas magandang ipahinga ko ang katawan bago pa kami sumabak sa kung anong misyong madadatnan namin sa Royal Capital ng Utopia.
Ilang oras din akong nakatulog. Ganoon din ang mga kasama ko sa loob ng karwahe. Mayamaya lang ay naalimpungatan ako at maingat na iminulat ang mga mata. Umayos ako nang pagkakaupo at muling tumingin sa labas ng karawahe.
"Malayo pa tayo sa Royal Capital," rinig kong wika ni Raine na mukhang nagising din dahil sa paghinto ng karwaheng sinasakyan namin. "What happened? Bakit huminto tayo rito?"
"Let me check," sambit ni Theo at mabilis na binuksan ang pinto sa tabi nito. Kumilos na rin si Raven at sumunod kay Theo. Nagkatinginan naman kami ni Raine at mabilis na kumilos sa kinauupuan namin. Sumundo kami sa dalawa at noong nakalabas na kami sa karwahe, agad akong natigil at napatingin sa unahan ng daan.
"What happened? Bakit may nakaharang sa daan?" mahinang tanong ni Raine at nagsimula nang maglakad. Ganoon din ang ginawa ko at lumapit sa puwesto ng mga kasama ko.
"They were ambushed," rinig kong sambit ni Theo kaya naman ay mas binilisan kong lumapit sa kanila. Agad naman akong natigilan noong may nakita akong mga dugo sa lupa. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tiningnan ang loob ng karwahe at natigilan na lamang muli noong makita ang dalawang katawang wala ng buhay. Witches. Mga witch ang biktimang nasa karwaheng ito!
"What the hell happened here?" mahinang tanong ni Raine na ngayon ay nakatayo na sa likuran ko. "They're witches, right? Sino naman ang gagawa ng krimen ito?"
Umayos ako nang pagkakatayo at matamang pinakiramdaman ang paligid. Mukhang ilang minuto pa lamang simula noong nangyari ang krimen sa lugar na ito. Paniguradong hindi pa nakakalayo ang may kagagawan nito sa kanila!
Come on. Use your ability to sense evil witches, Zaila!
"We got something here," rinig naming sambit ni Raven na siyang mabilis na ikinabaling ko sa puwesto niya. Nasa may gilid na ito ng daan, sa tabi ng isang malaking puno, at may kung anong tinitingnan. Dali-dali kong inihakbang ang mga paa at lumapit na sa kinatatayuan nito. "He must be the coachman of that carriage." He stated.
Napalunok ako at matamang tiningnan ito. "Sir, can you hear me?" Mabilis akong lumuhod at tinignan ang kalagayan ng kutsero. He's still breathing. Good. At kung magagamot agad ito, natitiyak kong makakaligtas ito. "Sir, can you-"
"R-run... umalis na k-kayo sa lugar n-na ito." Natigilan ako noong marahan itong nagsalita. Nakapikit pa rin ang mga mata niya at mas bumagal ang paghinga nito. "R-run."
"Be alert everyone," wika ni Raven at umayos nang pagkakatayo sa tabi ko. "We need to leave this place. Hindi natin alam kung ilan ang umatake sa kanila kanina."
Napatango na lamang ako at mabilis na tinulungan ang kutsero sa pagtayo. Agad naman akong dinaluhan ni Raven at tinulungan na rin sa pag-alalay sa halos walang buhay na kutsero. Inalalayan namin ito hanggang sa maipasok na namin siya sa loob ng karwaheng sinasakyan namin. Mayamaya lang ay namataan kong itinabi nila Theo ang karwaheng nakaharang sa daan at mabilis na bumalik sa puwesto namin.
"Sasamahan ko ang kutsero natin dito sa labas. Sa loob na kayong tatlo," ani Theo at naupo sa tabi ng kutsero namin. "Malapit na tayo sa Mountainbane. Doon tayo dederetso ngayon," imporma niya na siyang ikinatigil namin.
"Mountainbane?" tanong ni Raine at namewang sa kinatatayuan niya. "Wala sa plano natin ang dumaan sa lugar na iyon."
"We saw dead bodies of witches, Raine. We need to alert them. Mukhang may umaaligid na mga evil witches sa teritoryo nila," saad ni Theo at binalingan kami ni Raven. "Ito rin ang mas mabilis na paraan na naisip ko para matulungan iyong kutserong nakita niyo. May mga healer sa Mountainbane. They can help him."
Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at wala sa sariling napatingin sa kutserong sugatan.
"Hindi rin naman tayo magtatagal sa Mountainbane. Kapag masiguro na nating ligtas ang kutserong iyan, magpapatuloy tayo sa paglalakbay," wikang muli ni Theo na siyang ikina-buntonghininga ko na lamang.
"Paano ang mga witch na nasa loob ng karwaheng iyon? Hahayaan na lang ba natin silang ganoon ang kinahinatnan?" wala sa sariling tanong ko sa mga kasama.
"They're dead, Zaila," ani Raine na siyang ikinatingin ko sa kanya. "Wala na tayong magagawa para sa kanila."
"But their bodies-"
"We will report this to Elveena," saad naman ni Raven at ipinikita sa akin ang dala-dalang portable communication device na ibinigay sa amin ni Elveena. "Sila na ang bahala sa insidenteng ito. Kailangan nating magpatuloy sa paglalakbay, Zai. Dadaan lang tayo sa Mountainbane para sa kutserong nakita natin. After that, we will focus on our mission."
Hindi na ako nakipagtalo pa sa mga kaibigan ko. Mabilis na akong sumakay muli sa loob ng karwahe at tiningnan na lamang ang walang malay na kutserong tinulungan namin.
"He will live," rinig kong sambit ni Raine sa tabi ko. "Huwag mo na itong alalahanin pa, Zaila."
Nagpatuloy na kami sa paglalakbay. At kagaya nga nang sinabi kanina sa amin ni Theo, malapit na nga kami sa sentro ng Mountainbane. Wala pang isang oras na biyahe ay nasa tapat na kami ng isang malaking trangkahan. Mabilis na tumigil ang karwahe namin at nagsibaba na kami.
Tahimik kong pinagmasdan ang paligid. Mountainbane. House of the Witches. Good witches. Ngayon lang ako nakapunta sa lugar na ito kaya naman ay hindi ko alam kung paano kami patutunguhan ng mga naninirahan sa lugar na ito.
Nagpatuloy ako sa pagmamasid at natigilan na lamang noong nagsimulang maglakad sila Raven at Theo papalapit sa malaking trangkahan ng Mountainbane. Kinausap nila ang apat na taga-bantay na naroon at noong bumaling sila sa puwesto namin, mabilis na kumilos ang isa sa kanila at nagmartsa patungo sa kinatatayuan namin ni Raine. Hindi kami kumibo sa puwesto namin at noong binuksan ng kawal ang pinto ng karwahe namin, agad nitong tiningnan ang kalagayan ng walang malay na kutsero. Mayamaya lang ay maingat nitong binuhat palabas ng karwahe ang kutsero at inalalayang maglakad papalapit sa malaking trangkahan.
Tahimik pa rin kami ni Raine hanggang sa makabalik sa puwesto namin sila Raven at Theo.
"Mukhang hindi ito ang unang beses na may ganitong senaryo sa lugar na ito," ani Raven na siyang ikinakunot ng noo ko.
"What do you mean by that?" tanong ni Raine at tiningnan ang mga kawal na ngayon ay tumutulong na rin sa pag-alalay sa walang malay na kutsero.
"They were not surprised by our presence. Mukhang inaasahan na nilang may ganitong mangyayari," wikang muli ni Raven.
"Masyadong mahigpit ang seguridad sa lugar na ito. Alam ng mga namamahala ng Mountainbane ang dalang panganib ng Coven sa kanila. But the way the guards reacted earlier, looks like they were used to these unfortunate events," turan ni Theo at muling binalingan ang puwesto ng mga kawal. "What do you think? Should we investigate? Mukhang may kinalaman ang Coven sa mga nangyayari sa lugar na ito."
"Damn it! Ito na nga ba ang sinasabi ko," rinig naming wika ni Raine kaya naman ay napatingin kami sa kanya. Masama itong nakatingin sa amin kaya naman ay napailing na lamang ako. "Fine! Let's investigate. At pagkatapos nito, umalis na tayo sa lugar na ito at maglakbay muli patungo sa Royal Capital!" iritableng wika nito at nagsimula nang maglakad papalapit sa malaking trangkahan ng Mountainbane.
"Aminin man niya o hindi, alam nating gusto niya ring malaman ang nangyayari sa lugar na ito," natatawang komento ni Raven na siyang ikinairap ko na lamang sa kanya.
We're witch hunters and huntresses. Natural na sa amin ang makialam kung tungkol na sa evil witch ang pinag-uusap. No one is excused on that part. Kahit pa ang strict at by the book na si Raine.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top