Untold One: The Huntress Named Zaila

Binitawan ko ang hawak na libro at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo. Inalala ko ang mga nabasa sa aklat na hawak-hawak kanina at pilit na itinuon ang buong atensiyon sa balak gawin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at humugot ng isang malalim na hininga.

"Slowly." I said, almost a whisper as I concentrate myself.

Maingat kong iginalaw ang kamay ko at napangisi noong makitang umangat ang espada ko mula sa lupa. Nice one, Zaila! Umayos ako nang pagkakatayo at mas pinag-igihan pa ang ginagawa.

"Okay... slowly, Zaila. Focus... you can do it," mahinang sambit ko sa sarili at noong mamataang ilang dangkal na ang inangat ng espada ko mula sa lupa, malawak na akong napangiti. Finally! After a week of training and mastering this skill, I finally managed to move and lift my sword! All the late-night trainings and secret lessons are worth it! Kahit pagalitan pa ako ng superiors ko, paniguradong hindi mawawala ang kagalakang nararamdaman ngayon! This is another achievement to me! Makakatulog na ako nang matiwasay mamayang gabi!

"Anong ginagawa mo?"

Napapitlag ako noong marinig ang boses Raven sa likuran ko. At dahil sa gulat ko, nawala ang focus ko sa ginagawa at ang resulta, muling lumapat sa lupa ang espada kong kani-kanina lang ay nakalutang na sa ere!

"Raven!" irita kong sambit sa pangalan nito at binalingan ito sa likuran ko. "Nakakainis ka!"

"Naiinis ka? Sa akin? Bakit naman?" inosenteng tanong niya at napatingin sa espada ko 'di kalayuan sa kinatatayuan namin ngayon. "What are you doing anyway? Bakit naroon ang espada mo?"

"Wala!" sigaw ko sa harapan niya at nagmartsa papalapit sa espada ko. Dinampot ko ito at masamang binalingang muli si Raven. "May kailangan ka ba sa akin?" inis ko pa ring tanong dito at bumalik sa puwesto ko kanina. Mabilis kong dinampot ang librong binabasa kanina at agad na itinago iyon sa bagong dating.

"Elveena is looking for you," simpleng wika nito na siyang ikinangiwi ko. Oh, boy. Mukhang nawili ako sa ginagawa kanina at hindi ko namalayan ang oras! Great, Zaila! Just great! "You skipped your training again, Zaila?" he asked without even blinking an eye. Napangiwi ako dahil sa naging tanong nito.

"I ace all my previous assessments, Raven. Nagpapahinga lang ako dito," kalmadong sagot ko sa kaibigan.

"Stop lying, Zaila. Hindi ka narito para magpahinga lang. Tell me, anong pinagkakaabalahan mo rito?" He asked again. "This is far from the main village. At mas lalong mas malayo ito sa academy. Answer me, anong ginagawa mo, Zaila? Alam mong delikadong pumunta dito mag-isa!"

"I can protect myself alone, Raven. Don't worry about me," matamang saad ko sa kanya at inayos na ang mga gamit ko. Mabilisan ang pagsilid ko sa libro sa bag at hindi binigyan pansin pa si Raven. Inilagay ko sa balikat ang bag ko at tahimik na binalingang muli si Raven. "Babalik na ako village. I'm done here."

"That's it? Babalik ka na sa main village ng hindi man lang sinasagot ang mga tanong ko sa'yo?" kunot-noong tanong ni Raven na siyang ikinairap ko sa kanya. "Hindi mo naman gugustuhing i-report kita sa Head Huntress, hindi ba, Zaila? This is against the rule. Alam mo noong una pa lang kung gaano kahalaga ang training na ito at talagang nagawa mo pang lumiban sa training mo. Stop wasting your time here, Zaila. You need to train hard if you want to be an excellent huntress."

"Whatever you say, Raven." Naiiling na turan ko at nagsimula nang maglakad pabalik sa village namin.

Yes, I want to be one of the best huntresses of our batch, but I won't just aim for a single goal here! Kung may kaya pa akong gawin maliban sa pakikipaglaban, gagawin ko ito at sisiguraduhin kong magagawa ko ito nang tama!

"You're using magic, right?" Hindi pa ako nakakalayo nang tuluyan kay Raven noong marinig ko na naman ito. Napatigil ako sa paghakbang at mariing kinagat ang pang-ibabang labi. Damn it! This guy... he really knows everything! "Zaila," tawag muli nito sa akin. Napapikit ako at napailing na lamang.

"I just want to learn new things here, Raven," maingat na sambit ko at binalingang muli ito. "I won't skip my trainings again, okay? So please, do me a favor. Keep this one a secret. Paniguradong magagalit sa akin si Elveena kung malalaman nito ang pinaggagagawa ko."

"Zai, you're a half-witch. Never forget about that," seryosong turan nito na siyang ikinakagat ko ng pang-ibabang labi. "Hindi natin kayang gawin ang kung anong kayang gawin nila."

"I know that Raven," wika ko namang muli at tinalikuran na ito. "But I still want to use magic. I'll train myself hard to achieve my goal. I'll be one of the best huntresses here. Huntress who can fight and use magic to defeat the evil one."

Yes, I'm a half-witch. We are just a half-witch. And here, in Deepwoods, is where all the half-witches of Utopia live, and they train us to fight and hunt all the evil witches. Half-witch hunting an evil witch. Sounds not a good combination, right? Pero ito ang katotohanan sa mundong kinabibilangan namin. And I trained myself almost half of my life just to hunt them and now, I'm one of the top students here in Deepwoods.

"Zaila!"

"Master Zaila!"

"Zai!"

Halos sabay-sabay na tawag sa akin ng mga kaibigan ko rito sa Deepwoods. Napangiwi ako noong tuluyang makalapit ang mga ito sa akin at inulan ako ng mga katanungan.

"Totoo ba?"

"May sariling squad ka ngayong taon? Totoo ba?"

"Talagang Master Zaila ka na, Zai!"

"Sa squad mo pa rin kami, ah! Hindi kami hihiwalay sa'yo!"

"Sandali nga!" sigaw ko na siyang ikinatigil ng tatlo. "Aradia, Medora, Enora, kumalma nga kayong tatlo."

"Pero Zaila!" sabay-sabay na wika nila na siyang ikinailing ko.

"Tigilan niyo ako ngayon. I'm tired from my own training. Magpapahinga na ako. Bukas niyo na ako kulitin tungkol sa bagay na iyan," turan ko sa mga kaibigan at nilagpasan na ang mga ito. Tinawag muli ako ni Aradia ngunit hindi ko na ito pinansin pa. Pagod ako ngayon. I'm drained! Ito marahil ang epekto nang paggamit ko ng kapangyarihan kanina. My body is still weak and now, alam ko na kung ano ang dapat kong pagtuunan ng pansin.

My stamina.

I need to strengthen my stamina for me to do better. I need to learn more magics. Malapit na ang final evaluation sa aming mga hunter at huntress dito sa Deepwoods. This year, I will surely claim the top spot! Kung nabigo ako sa nakaraang pagsubok na ibinigay sa amin, sisiguraduhin kong makakabawi ako ngayong taon! No one can stop me now.

No one.

Madilim na noong nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog ko. Maingat akong bumangon sa higaan at naglakad patungo sa bintana ng silid ko. Hinawi ko ang kurtinang naroon at tahimik na tiningnan ang madilim na paligid.

"Mukhang nagpapahinga na ang lahat," mahinang turan ko sa sarili noong wala na akong makitang mga hunter at huntress sa labas ng quarters namin. Napabuntonghininga na lamang ako at umayos nang pagkakatayo. Akmang hahawiin ko na sana pasara ang kurtina ng bintana noong mabilis akong natigilan sa pagkilos. Napakurap ako at tiningnang mabuti ang madilim na paligid. Ipinilig ko ang ulo pakanan at mas pinakiramdaman ang nangyayari sa paligid ko. Mayamaya lang ay nakarinig ako ng mabibilis na pagkilos na siyang ikina-alerto ng buong katawan ko.

Intruders!

I'm a hundred percent sure na ang mga naririnig ko ngayon ay mula sa ibang tao, hindi mga residente ng Deepwoods. Alam ng mga taga-Deepwoods na bawal nang lumabas sa kani-kanilang quarters kapag ganitong oras na. Walang maglalakas-loob na suwayin ang mga salita ng mga elder ng Deepwoods kaya naman ay natitiyak kong may nakapasok sa teritoryo namin!

"Evil witch," mahinang bulong ko at mabilis na isinara ang kurtina ng bintana ko. Humakbang ako paatras at mariing ikinuyom ang mga kamao.

They're here!

In our safe zone, an enemy managed to enter our territory! Damn it!

Mabilis akong lumapit sa kabinet 'di kalayuan sa puwesto ko at binuksan ang nakasarang pinto nito. Pinagmasdan kong maigi ang mga sandatang naroon at mabilis na dinampot ang isa sa espadang ginagamit ko tuwing may misyon ako sa labas ng Deepwoods. This is my weapon as a witch huntress. At kung evil witch nga ang narito sa Deepwoods ngayon, marapat lang isa sa mga sandatang ito ang gamitin ko. Hindi ako maaaring maging panatag dahil ibang mag-isip ang mga evil witch. Hindi sila magdadalawang-isip na saktan ang sino man. Mas mabuti nang handa kaysa naman may masaktan pa rito sa Deepwoods!

Bumalik ako sa kama ko at kinuha ang jacket ko na nakapatong doon. Mabilis ko itong sinuot at tinahak na ang daan palabas ng silid ko.

Hindi pa ako nakakalabas nang tuluyan sa building kung saan ako naninirahan, nakasalubong ko na si Aradia. Abala itong sa librong hawak niya at noong mamataan niya ako, dali-dali itong lumapit sa akin.

"Saan ka pupunta, Zaila?" tanong nito at binalingan ang hawak-hawak kong espada. "At bakit dala-dala mo iyang espada mo?"

"I felt something odd earlier. I'm going to check and see it for myself, Aradia," mabilis na turan ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Wait, Zai! Alam kong ginagawa mo lang ang trabaho mo bilang isa sa top huntress dito sa Deepwoods pero bakit isang silver weapon ang gagamitin mo? Hindi ba pinagbabawal iyan ng elder hunters?" tanong ni Aradia habang sinasabayan ako sa paglalakad.

"Evil witch, Aradia. I sensed an evil witch earlier."

"A what? Oh my God! Are you serious?" gulat na tanong nito sa akin at noong tuluyang nakalabas na kami sa building namin, tahimik kong pinagmasdan ang paligid. "This is freaking me out, Zai. Seryoso iyong tungkol sa evil witch? Dito mismo sa teritoryo natin? Dito sa Deepwoods?"

"Stop talking, Aradia. I'm trying to find the location of our enemy!" iritang suway ko sa kaibigan at man tinalasan ang pandinig ko. As a witch huntress, we were trained to use our five senses and enhanced it to track down our enemy. Hindi man sa nagyayabang ako but I already mastered this skill. Kaya nga gusto ko nang matutong gumamit ng mahika para naman may iba pa akong pinagkakaabalahan dito sa Deepwoods!

"Zaila... bumalik na lang tayo sa student quarter natin at-"

Hindi pa natatapos ni Aradia ang dapat na sasabihin nito sa akin noong makarinig ako nang panibagong mga yapak. Ipinilig ko ang ulo pakanan at pilit na pinatahimik si Aradia. Damn, ang ingay niya!

"That's a freaking light and silent footsteps," mahinang turan ko at bumaling sa gawing kanan ko.

"You found it?" tanong ni Aradia at tiningnan din ang madilim at mapunong parte ng Deepwoods.

"Yes, but it's a different footstep," turan ko at mabilis na tumakbo patungo sa mga naririnig na mahihiyang mga yapak.

"Zaila! Damn it!" bulalas naman ni Aradia at mabilis na sinundan ako. Hindi ko na binigyan pansin pa ang kaibigan ko at mas binilisan ang pagtakbo. Mas binilisan ko ang pagkilos dahil unti-unting nawawala ang mga yapak na naririnig. Mukhang paalis na ang mga ito!

Noong marating ko ang tamang posisyon ng taong narinig kanina, tumigil na ako sa pagkilos. Pinagmasdan ko nang mabuti ang madilim na paligid at noong wala akong makitang kakaiba, napakagat ako ng pang-ibabang labi.

"Zaila!" Mayamaya lang ay nasa likuran ko nang muli si Aradia. "Ang bilis mo talagang tumakbo! Ano? May nakita ka? Nasaan ang evil witch na sinasabi mo?"

"It's gone," seryosong sambit ko at binalingan ito. "Bakit ka nga sumunod dito, Aradia?" tanong ko sa kaibigan at namewang sa harapan nito.

"Uhm, well...tumakbo ka, so..." Nag-iwas ito nang tingin sa akin kaya naman ay napairap na lamang ako sa kawalan.

"Nevermind," turan ko sa kanya at nagsimula nang maglakad muli pabalik sa student quarters namin. "Bumalik na tayo sa kanya-kanyang silid natin. Ako na ang bahalang mag-report nito sa Head Huntress bukas ng umaga."

"Okay," mahinang sambit ni Aradia at noong akmang kikilos na ito, naging alerto muli lahat ng senses ko. Mabilis kong hinawakan ang kamay ng kaibigan at hinila ito paupo. Napaawang naman ang labi ko noong makaramdam ako ng tila manipis na hangin na dumaplis sa kanang pisngi ko. Damn it! They're still here! Fvck! Bakit hindi ko iyon agad napagtanto kanina? Just great, Zaila!

"Quick response, huntress."

Napahawak ako nang mahigpit sa espada ko at hinanap ang boses na narinig. It's a voice from a witch! No doubt about that!

Ipinilig ko ang ulo pakanan at pilit na hinanap kung nasaan ito ngayon. Pero mukhang may kung ano ngayon dito sa gubat. I can't find them! What is this? They cast a spell here? Seriously?

"Zai," tila natatakot na sambit ni Aradia sa pangalan ko at humawak sa braso ko. Ramdam ko ang takot nito kaya naman ay napakagat na lamang ako nang pang-ibabang labi ko.

"Quiet, Aradia," sambit ko sa kaibigan at maingat na tumayo. Tahimik kong hinanap ang pinanggagalingan ng boses ngunit bigo akong makita kung sino nito. These witches and their wicked tricks! Minsan talaga ay nakakainis ang ganitong paraan nila!

"We'll meet again soon, huntress," rinig kong sambit muli ng evil witch, kasabay nang pag-ihip ng isang nakakakilabot na hangin.

Mahigpit kong hinawakan ang espada ko at humugot ng isang malalim na hininga. Ngayon ay nakakasigurado na akong wala na ito ngayon sa Deepwoods. Ni hindi ko na maramdaman ang presensiya nito ngayon. Damn it!

"Let's go, Aradia. Ngayon na natin ito i-report sa Head Huntress," mabilis na turan ko at binalingan ang kaibigan. Tinulungan ko itong tumayo at muling pinasadahan nang tingin ang madilim na palagid. The enemy's gone now. Wala na ito ngayon sa teritoryo ng Deepwoods. I sighed and looked at my friend.

"Let's go," yaya kong muli kay Aradia at nagsimula nang maglakad pabalik sa main village ng Deepwoods.

Yes. We will meet again, Evil Witch. At sa susunod na makaharap kita, hindi na kita hahayaang makatakas pa sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top