Untold Nineteen: The Missing Huntress


"It's okay. You'll be fine, Raine... I'm h-here," mariing sambit ko sa kaibigan habang hinahawakan ang dibdib nitong may sugat.

Damn it! Bakit ko ba nakalimutan na may isa pang kasama ang dalawang evil witch na iyon kanina? Na naghihintay lang nang tamang panahon para umatake sa aming dalawa ng kaibigan ko! Fuck!

"Don't mind m-me," ani Raine at napangiwi na lamang dahil marahil sa sakit mula sa sugat na natamo sa dibdib. "I'm fine, Zaila. Go and kill that evil witch. Nasa loob naman ako ng barrier kaya magiging ligtas ako rito."

"Pero-"

"Go, Zaila! M-may misyon tayong dapat na t-tapusin. Gawin mo na iyong s-sinabi ko."

Humugot ako ng isang malalim na hininga at maingat na hinawakan ang isang kamay ni Raine. Inangat ko ito at inilapat sa sugatan niyang dibdib. "Put some pressure here," mariing sambit ko at inalis na ang kamay sa sugat niya. "Kahit anong mangyari, dapat ay hindi mo alisin ang kamay mo sa dibdib mo, Raine. A-aalis ako kagaya nang tinuran mo. I will hunt that evil witch. Hindi ko ito titigilan hangga't hindi siya nagbabayad sa ginawa niya sa'yo. I'll b-be back... so stay here and rest, okay?"

"Go now," malamig na turan nito at nag-iwas na nang tingin sa akin. Muli akong napabuntonghininga at tumayo na mula sa pagkakaluhod sa tabi niya. Muli kong tiningnan si Raine at noong napagdesisyunan ko nang lumabas sa wind barrier na ginawa ko, agad kong inihanda ang sarili sa susunod na mangyayari.

Agad kong ikinumpas ang kamay at pinaulanan ng wind blades ang direksiyon kung saan nanggaling kanina ang atakeng tumama kay Raine. Mabilis akong kumilos at inihanda na rin ang silver weapon sa kamay ko. Malalaking hakbang ang ginawa ko hanggang sa tuluyan akong tumigil at mabilis na pinakiramdaman ang paligd.

Medyo malayo na ako kung saan naroon si Raine ngayon. Napapalibutan na rin ako ng mga naglalakihang mga puno at noong makaramdaman ako nang pagkilos sa gawing likuran ko, mabilis kong inangat ang kamay na may hawak na espada at bumaling roon.

No one. I saw no one.

Ipinilig ko ang ulo pa kanan at noong akmang hahakbang na sana akong muli, isang pag-atake ang hindi ko agad na naiwasan! Mabilis akong napahawak sa kaliwang braso ko at napangiwi na lamang noong maramdaman ko ang pagkirot nito.

"A huntress inside our territory. Such a bold move from the royals," sambit ng lalaking umatake sa akin. Napalunok ako at umayos na nang pagkakatayo. "I've heard that you are looking for me, huntress. Anong maipaglilingkod ko sa'yo?"

Natigilan ako sa narinig. Hindi ko inalis ang paningin sa lalaki at noong mapagtanto ko kung sino ito, inalis ko ang kamay sa sugat ko at mariing hinawakan ang silver weapon ko. "It's you... Merlin."

"Bingo," anito at nginisihan ako. "Akala ko pa nama'y nakalimutan mo na ang itsura ko, huntress."

"Paano ko makakalimutan ang taong halos sumira sa buong Deepwoods noon," seryosong saad ko at inangat ang kamay na may hawak na sandata. "You were dead. The Head Huntress and the rest of the Senior Squad Captains killed you."

"And now I'm back... alive." He smirked at me. "Sapat na ang ilang taong pananahimik ko. Now, I'm claiming what's rightfully mine."

"Rightfully yours?" kunot-noong tanong ko sa kanya. "Kailanman ay hindi naging sa'yo ang Deepwoods, Merlin!"

"I'm not after Deepwoods, huntress," ani Merlin na siyang muling ikinatigil ko. "Utopia... that's all I ever wanted, you little Amethyst." I froze. Mukhang napansin iyon ni Merlin kaya naman ay malakas itong tumawa sa harapan ko. "You're an Amethyst... daughter of the former general of the current king. A half-witch, a noble, and now, a huntress. I know everything about you, Amethyst. At ngayong nagtagpo muli ang mga landas natin, hindi ko na hahayaan pang makatakas ka," dagdag nitong muli at segundo lang ay may namataan akong limang evil witch sa likuran niya. Damn it. "Dapat ay hindi ka na nagtungo pa noon sa Deepwoods, Amethyst. Dapat hinayaan mo na lamang ang sarili mong mamatay kagaya sa nangyari sa buong pamilya mo."

Galit kong tiningnan lang si Merlin. Hindi ako nagsalita at masamang tiningnan lang ang lalaki.

"Kayo na ang bahala sa huntress na iyan. Make sure that she will die, or else, ako mismo ang papatay sa inyo kung makakatakas ang isang iyan," banta ni Merlin sa limang evil witch na kasamahan nito at tinalikuran na ako.

"I will kill you, Merlin," malamig na turan ko na siyang ikinatigil ni Merlin sa paglalakad. Hindi ito bumaling sa akin kaya naman ay mabilis kong kinuha ang dagger sa likuran ko at inihagis ito sa puwesto niya.

Mabilis na kumilos ang isa sa tauhan nito. Agad na iniharang ng isang evil witch ang katawan niya kay Merlin kaya naman ay sa kanya tumarak ang patalim ng dagger ko. Segundo lang ay bumagsak sa lupa ang natamaan kong evil witch kaya naman ay naging alerto ang apat pa na kasamahan nito.

"I will hunt you, Merlin. I will survive tonight and will definitely hunt you down. Kahit saang lupalop ka pa ng Utopia magtago, kahit ilang taon pang muli ang lumipas, hahanapin kita at ako mismo ang magtatarak ng silver weapon ko sa dibdib mo," mariing sambit ko at mabilis na ikinilos ang mga paa. Sa paghakbang ko ay siya namang pagkilos din ng mga miyembro ng Coven. They started to run towards me and immediately slashed their swords simultaneously. Buong puwersa kong sinangga ang bawat hampas ng espada nila hanggang sa napaatras ako.

Muli kong tiningnan ang puwesto kanina ni Merlin at nanlumo na lamang ako noong hindi ko na ito namataan doon! Damn that evil witch!

"Ito na ang katapusan mo, huntress," wika ng isa sa apat na evil witch na siyang kalaban ko ngayon.

"Pagsisisihan mo ang pagsugod ninyo sa mismong headquarters namin!" sigaw pa ng isa sabay hampas ng espada nito.

Napaatras akong muli at napaluhod na lamang noong nawalan ako ng balanse. Muling hinampas ng evil witch and espada nito kaya naman ay mas hinigpitan ko ang paghawak sa espada ko. Mayamaya lang ay napamura na lamang ako sa isipan noong tumama sa balikat ko ang talim ng sariling sandata. Masama kong tiningnan ang evil witch sa harapan at buong puwersang itinulak ito. Damn it! "Fuck!" malutong na mura ko noong umatake sa akin ang isa pa sa kanila. Nasugatan ako sa may likod ko kaya naman ay bumagsak na ang katawan ko sa lupa.

Napangiwi na lamang ako dahil sa sakit na dulot ng mga natamong sugat. Pinilit kong gumalaw ngunit agad namang itinutok sa akin no'ng isang evil witch ang dulo ng espada nito. "Huwag ka nang magsayang pa ng lakas," anito at inilapat sa leeg ko ang talim ng espada niya. "Your mission failed, huntress. Hindi niyo kami mapipigilan na sakupin ang buong Utopia."

"Hindi lang ako ang huntress na narito ngayon sa kuta niyo," mariing sambit ko at tiningala ito. "Patayin niyo man ako ngayon, may isa sa amin ang makakaligtas at tatalunin kayong lahat. We will never stop hunting you, evil witches of the Coven. One death can't stop us from hunting and killing you."

"Kill her now, Karl. Kailangan na rin nating bumalik kung saan naroon sila Merlin," rinig kong sambit ng isa sa kanila. "Just fucking kill her."

I held my breath and closed my eyes. No. This is not my end. I can still move my body. I can still fight! Kahit na mapuno ng sugat ang buong katawan ko, I will still fight. This is what we do, this is what a huntress from Deepwoods do. We fight until our last breath!

Akmang hahawakan ko na sana ang patalim na nakatutok sa leeg ko noong sumigaw ang isa sa kanila. Mabilis kong iminulat ang mga mata at napapitlag na lamang noong bumagsak sa tabi ko ang evil witch na kanina lang ay nakatutok sa leeg ko ang hawak na espada nito. Segundo lang din ang lumipas noong may isang silver weapon ang tumarak sa dibdib niya. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at napahugot ng isang malalim na hininga.

"Are you okay?" It was Reagan Asteria! Napailing na lamang ako sa kanya at pinilit na maupo mula sa pagkakasalampak sa lupa. "Hey, don't move. May mga sugat ka."

"I'm fine," mariing wika ko at napangiwi na lamang noong maramdaman muli ang sugat sa likuran. Humugot muli ako ng isang malalim na hininga at napatingin sa apat na evil witch na walang kahirap-hirap nilang napatumba at napatay. "Kasama nila kanina si Merlin," imporma ko sa prinsipe at binalingan ito. "We need to find him."

"Kailangang magamot muna ang mga sugat mo-"

"Ang buong Utopia ang nais nito!" bulalas ko sa harapan niya. "Mapapahamak ang lahat kung hindi siya agad mahahanap at mahuhuli. Nakasalalay ang kaligtasan ng buong Utopia kung hindi ito mapapatay muli!"

"Calm down, Zaila," ani Reagan at hinawakan ako sa magkabilang braso. "Calm down, please."

"No... we need to find him-"

"Amelia! Come here!" tawag ni Reagan sa kapatid at hindi pinansin ang mga sinambit ko sa kanya. "Help her. Heal her wounds."

"I said I'm fine!"

"You're not fine!" sigaw nito na siyang nagpatigil sa akin. "Kung hindi kami dumating, paniguradong katawan mo na ang walang buhay ngayon at hindi ang apat na miyembro ng Coven na iyan!"

"Reagan-"

"Heal her wounds, Amelia," mariing utos nito sa kapatid. Napailing na lamang ako sa harapan niya at wala nang nagawa pa noong lumapit na si Amelia sa akin. She started using her healing magic and seconds passed, the sting feeling from my wound disappear. I sighed and looked at Amelia.

"Hindi ka na sana nag-aksaya pa ng kapangyarihan sa akin. Dapat ay ginamit mo na lamang ito sa iba," mahinang sambit ko at noong may naalala ako, mabilis akong napatayo mula sa kinauupuan. "Raine!" sigaw ko sa pangalan ng kaibigan at mabilis na inihakbang ang mga paa.

"Zaila!" rinig kong tawag ni Reagan sa akin ngunit hindi ko na ito binigyan pansin pa. Magaling na ang mga sugat ko kaya naman ay hindi na ako nahihirapang kumilos ngayon. Mas naging mabilis ang pagkilos ko hanggang sa tuluyan na akong nakabalik sa lugar kung saan ko iniwan kanina si Raine.

Mayamaya lang ay napakunot ang noo ko noong makitang wala na roon ang wind barrier na ginawa ko kanina. Napakuyom na lamang ako ng mga kamao at hinanap sa paligid ang kaibigan.

"No," mahinang sambit ko at tinawag ang pangalan nito. "Raine!" Damn it! Where is she?

"Zai!" Mabilis akong napabaling sa gawing kanan ko noong marinig ang boses ni Raven. Kasama nito si Theo at mabilis na nilapitan ako. "Duguan ka, Zaila. Ayos ka lang ba?"

Napatango ako at tiningnan nang mabuti ang mga kaibigan. "Raine is gone," imporma ko na siyang ikinakunot ng mga noo nila.

"What do you mean by that?" seryosong tanong ni Theo sa akin.

"Merlin was here earlier. He attacked us and Raine got hurt. Hindi ito makakilos kanina nang maayos kaya ako ang humabol kay Merlin. I left her here... inside my wind barrier!"

"And where the hell is your barrier?" mariing tanong ni Theo na siyang ikinailing ko.

"I don't know! Kakabalik ko lang ngayon! I just left her here... nandito lang siya kanina!"

"Zaila, Theo, both of you please, calm down," ani Raven at pumagitna sa aming dalawa ni Theo. "Raine will be fine."

"She got hurt, Raven!" galit na turan ni Theo at tiningnan muli ako. "Zaila, tell us what happened."

"She was-"

"Stop asking her questions, hunters." Natigilan kaming tatlo noong magsalita si Reagan Asteria sa likuran ko. Wala sa sarili akong napabaling sa kanya at namataan ang maingat na paghakbang nito papalapit sa kinatatayuan namin ng mga kaibigan. "She almost died too."

"What?" tanong ni Raven at hinawakan ang kamay ko. "Totoo ba iyon?" Hindi ako nakakibo sa kinatatayuan ko. "Zaila, answer me!"

"We... fought some high-level evil witches. At noong natalo namin ni Raine ang dalawa sa kanila, tsaka naman kami inatake ni Merlin," pagkukuwento ko at humugot ng isang malalim na hininga. "They can cancel spells. Paniguradong iyon ang ginawa nila para makuha si Raine sa loob ng wind barrier ko." Napayuko ako at mariing kinagat ang pang-ibabang labi. "Dapat ay hindi ko ito iniwan."

"Zai-"

"I failed her."

"That's enough, Zaila." It was Amelia and started to walk towards us. "That woman is a huntress too. Kaya nito ang sarili niya. Wounded or not, you need to trust her. She's one of you. Alam niyo kung ano ang kakayahan nito."

"Amelia's right," sambit naman ni Reagan Asteria. "Kaya naman ay huwag na kayong mag-alala pa sa kaibigan niyo. I think she will be fine."

"Yes, we do trust her," ani Theo na siyang ikinabaling ko sa kanya. "But with her condition, alone and wounded, hindi kami maaaring magtiwala na lamang na magiging ligtas ito."

"And what do you suggest?" seryosong tanong ni Reagan sa kaibigan ko. "Find her?"

"Iyon naman talaga dapat ang gawin natin, hindi ba?" Theo asked him without breaking an eye contact.

Napalunok ako at matamang hinintay ang susunod na sasabihin ni Reagan. Mayamaya lang ay namataan ko ang pagbuntonghininga nito at ang marahang na pag-iling sa amin. "They already left their headquarters. Wala na kaming naabutan sa opisina ng lider ng Coven. Tanging mga evil witch na nakaharap natin ang narito ngayon sa kuta nila." Natigilan ako sa narinig. "We need to move and find their new hideout again."

"We need to find Raine first," mariing sambit ni Theo.

"You have a mission here, hunter," ani Amelia at napailing na lamang. "Mas uunahin natin ang misyong ito kaysa sa paghahanap sa nawawalang kasamahan ninyo."

Napapikit na lamang ako at hindi na nagsalita pa.

This is all my fault. Kung hindi ko ito iniwan kanina, kung sinamahan ko na lamang ito sa loob ng barrier, hindi sana ito mawawala ngayon. Damn it!

Raine... where the hell are you?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top