Untold Nine: The Unusual Weapon
Nasa labas lang ng karwahe ang buong atensiyon ko.
Tahimik lang ako sa puwesto ko habang panay ang pag-uusap ni Theo at Raven. Nakikisali naman paminsan-minsan si Raine sa usapan ng dalawa samantalang pagtango lamang ang kaya kong ibigay sa mga kaibigan.
"Paniguradong bibigyan nila tayo ng mga bagong silver weapon," rinig kong sambit ni Raven kaya naman ay wala sa sariling napahugot ako ng isang malalim na hininga. Mukhang napansin iyon ng mga kasama ko kaya naman ay segundo lang ay tinawag nito ang pangalan ko. "Ano ang sa tingin mo, Zaila?"
Napaayos ako nang pagkakaupo at binalingan ang mga kasama. "We're going to Royal Capital. Hindi lang silver weapon ang mayroon sa lugar na iyon, Raven."
"You mean... maaari nila tayong bigyan ng magical tools?" Namataan ko ang tuwa sa mukha ng kaibigan kaya naman ay mabilis akong napailing dito.
"We're on a mission, Raven. Kung bibigyan nga nila tayo ng silver weapon o kahit anong magic tools mula sa royal family, paniguradong may kapalit iyon," mahinang turan ko na siyang nagpabago sa ekspresiyon ng kaibigan. "Isang royal witch na mismo ang lumapit sa Deepwoods. Natitiyak kong hindi basta-basta ang misyong ibibigay nila sa atin."
"She's right," sang-ayon ni Raine sa tinuran ko na siyang ikinabaling ko sa kanya. "They're going to train us too. Mukhang may pinaghahandaan ang royal family."
Natahimik kaming apat sa loob ng karwahe namin. Kaming apat lang ang narito samantalang nasa unahang karwahe ang royal witch na nakausap naming kanina. Hindi ako nagkomento sa tinuran ni Raine at nanatiling tahimik na lamang. At pagkalipas ng ilang minuto, napangiwi na lamang ako noong magsalita si Theo sa kinauupuan niya.
"A war," he coldly said. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at muling itinuon sa labas ng karwahe ang buong atensiyon. "They're preparing for a war and we, the hunters and huntress of Deepwoods Academy, are part of it."
Hindi na ako muling nagkomento pa sa tinuran ng kaibigan. He's right. At dahil isang royal witch na mismo ang humiling sa presensiya namin sa Royal Capital, paniguradong hindi na maganda ang estado ng buong Utopia. A war is coming. A war against the greatest threat of our world, the Coven, evil witches.
Naging mas mabilis ang biyahe namin patungo sa Royal Capital ng Utopia. Mabilis akong napaayos nang pagkakaupo noong mamataang malapit na kami sa main gate nito. Wala sa sarili akong napatingin sa mga kaibigan at noong makita seryoso na rin ang mga ekspresiyon nila sa mukha, napatango na lamang ako. Muli kong itinuon ang paningin sa labas ng karwahe at tahimik na pinagmasdan ang mga gusaling aming dinaraanan.
"We're here," mahinang sambit ni Raven na siyang ikinatango ko. At noong tumigil na sa pag-andar ang karwaheng kinaroroonan namin, mabilis na kaming kumilos. Nagsibaba na kami at tahimik na tumayo at hinintay ang prinsesa ng Utopia na makababa na rin sa karwaheng sinasakyan nito.
"Let's go," mabilis na sambit ng prinsesa sa amin noong tuluyan na itong nakababa sa karwahe niya. Agad naman kaming tumango sa kanya at tahimik na sumunod dito.
Tahimik kong pinagmasdan ang bawat galaw ng prinsesa. The way she walks gracefully, mapapansin mo talaga ang kung anong estado nito. She's the eldest daughter of the current king of Utopia. Soon, she will lead this world. At mukhang siya rin ang namamahala sa misyong ibinigay sa amin ni Elveena.
Ipinilig ko na lamang ang ulo pakanan at pinagpatuloy ang pagmamasid kay Phoebe Asteria.
Bawat witch na nakakasalubong nito sa daan ay mabilis na nagbibigay galang sa presensiya ng prinsesa. Bumabati rin ito at paminsan-minsang tumitigil sa paglalakad at kinakausap ang nakakasalubong nito.
"Looks like the eldest princess knows how to communicate well," sambit ni Raven na siyang ikinabaling ko sa kanya. Mabilis naman itong sinuway ni Raine at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Sa isang malaking gusali 'di kalayuan sa palasyo ng Royal Capital kami nagtungo. Nasa unahan pa rin namin si Phoebe Asteria at noong binuksan ng dalawang kawal ang malaking pintong nasa harapan ng prinsesa, tumigil ito sa pagkilos at bumaling sa amin.
"Dito kayo maniniharan habang nasa Royal Capital kayo," aniya at may apat na babaeng lumabas sa may pinto. "Ihahatid nila kayo sa mga silid niyo. Magpahinga muna kayo at tiyak kong napagod kayo sa mahabang paglalakbay. Ipapatawag ko na lang kayo mamaya para pag-usapan ang misyon ninyo rito sa Royal Capital."
Hindi na kami nakapagsalita pa. Tumango na lamang kaming apat at noong nagpaalam na sa amin ang prinsesa, sabay-sabay kaming yumukod dito. Tahimik lang kami ng mga kaibigan ko at noong tuluyan nang mawala sa paningin namin ang prinsesa ng Utopia, umayos na kami nang pagkakatayo.
"Magpapahinga kayo?" tanong ni Theo na siyang mabilis naming ikinailing. Namataan ko ang pagngisi ni Theo at hinarap ang apat na taga-silbi ng palasyo na siyang tahimik na naghihintay sa amin. "Let's start our mission. Mukhang may training room naman ang gusaling ito. Doon tayo dumeretso."
"Roger that," ani naman ni Raven at mabilis na nilapitan ang mga taga-silbi ng palasyo. Kinausap niya ang mga ito at noong bumaling muli sa amin si Raven, tumango ito sa amin at nagsimula nang maglakad papasok sa gusaling nasa harapan namin. Nagkibit-balikat na lamang kami ni Raine at nagsimula na rin sa pagkilos. Tahimik naming sinundan ang taga-silbing iniwan sa amin ni Phoebe Asteria at noong tuluyan na kaming makapasok sa gusali, agad akong naging alerto. Nagkatinginan pa kami ni Raine at noong mamataan kong seryoso at alerto na rin ito, napatango na lamang ako. Muli kaming kumilos habang pinapakiramdaman ang paligid.
"Magic," mahinang sambit ko habang nasa daan pa rin ang buong atensiyon. Nasa unahan namin ang dalawang lalaking kaibigan at alam kong naramdaman na rin nila ang kung anong naramdaman namin kanina ni Raine. "This place is filled with magic."
"It's a once in a lifetime experience, Zaila. Walang ganito sa Deepwoods," ani Raine na siyang ikinailing ko.
"That's why I can't let my guards down. This place... it's dangerous for us."
"No," ani Raine habang nagpapatuloy pa rin kami sa paglalakad. "We will use this place, Zaila. We're huntress from Deepwoods, remember? Kung may mapanganib man ngayon sa Royal Capital, tayo iyon. We're more dangerous than this place."
Napailing na lamang ako sa tinuran ni Raine at hindi na nagsalita pa.
We're just hunters and huntresses of Deepwoods Academy, Raine. May mga bagay pa tayong hindi alam at kayang gawin sa mundong ito. And the Royal Capital, the royal family, for sure they can do more, too. They can do something we can't. That's why we need to be extra careful in this place. Hindi namin alam kung anong itong pinasok namin. We don't know what the house of the royals can do.
Sa isang malawak na silid kami dinala ng mga taga-silbi ng palasyo. Tahimik kong pinalibot ang paningin at noong mapansin kong may isang mahabang mesa 'di kalayuan sa puwesto namin, agad akong kumilos. Lumapit ako rito at noong mapansin may mga sandata sa ibabaw ng mesa, mabilis na nanlaki ang mga mata ko at napabaling muli sa mga kaibigan. "Silver weapons," I informed them.
"Sweet," nakangiting turan ni Raven at mabilis na lumapit na rin sa kinatatayuan ko.
"Maiwan na namin kayo sa silid na ito," wika ng isang taga-silbi at bahagyang yumukod sa amin.
"Babalik na lamang kami kapag pinatawag na kayo ng mahal na prinsesa," dagdag pa ng isa at tahimik na lumabas na ito sa silid na pinagdalhan nila sa amin. Nagkibit-balikat na lamang ako at muling itinuon ang atensiyon sa mga silver weapon na nasa ibabaw ng mesa.
Mayamaya lang ay lumapit na rin sila Raine at Theo sa may mesa. Mabilis namang dumampot ng isang silver weapon si Raven at noong lumapat ang kamay nito sa sandata, agad itong napamura at napaatras palayo sa mesa. Napakunot ang noo ko at mabilis na tiningnan ang kaibigan.
"What the hell?" bulalas nito at tiningnan ang kamay na lumapat sa silver weapon kanina. "That fvcking hurts!"
"Walang hahawak sa mga silver weapon na iyan," ani Raine at umatras ng isang beses palayo sa mesa. Ganoon din ang ginawa ni Theo samantalang nanatili ako sa kinatatayuan ko. "Zaila, lumayo ka muna sa mesang iyan."
"I can't do that. These are silver weapons. Our weapons, Raine. Dapat ay hindi tayo nasasaktan sa presensiya nito," mahinang wika ko at pinagmasdan ang mga sandatang nasa harapan. "Something's not right here."
"Obviously," iritadong wika ni Raven habang iniinda pa rin ang nangyari sa kamay nito. Napakagat ako ng pang-ibabang labi at mabilis na nilapitan ang kaibigan. Agad namang natigilan si Raven sa paggalaw noong hinawakan ko ang kamay nito. "What are you doing?" tanong niya habang pinagmamasdan ko pa rin ang kamay nito. Hindi ako sumagot at noong may napansin ako kakaiba sa kamay niya, napatingin akong muli sa mga sandata na nasa ibabaw ng mesa.
"Minsan nang nangyari ito sa akin," wika ko at binitawan na ang kamay ni Raven.
"What do you mean by that?" I heard Theo asked.
"My first day using magic... it almost burnt my skin," sagot ko at muling lumapit sa mesa. "Such an unusual weapon. They filled these silver weapon with magics," deklara ko at tiningnan muli ang mga kaibigan. "Raven can't use a single magic that's why it works on him."
"Silver weapons filled with magic... you gotta be kidding me!" bulalas naman ni Raine at humakbang muli papalapit sa mesa. Iritado nitong hinawakan ang isa sa silver weapon at kagaya sa nangyari kay Raven, mabilis nitong binitawan ang silver weapon at tiningnan ang kamay nitong tila napaso dahil sa paglapat ng balat niya sa sandata. "This is not happening to us!" muling saad ni Raine at napamura na lamang. "If we can't use these weapons, ano na lamang ang gagawin natin sa lugar na ito?"
"We can't use these silver weapons. Mapapahamak tayo kung ipagpupumilit nating gamitin ito," ani Theo at nilapitan si Raine. Tiningnan nito ang kalagayan ng kamay ng kaibigan at mayamaya lang ay binalingan ako. "Any good idea on how to handle this one, Zai? Alam kong may naisip ka na riyan. Come on. Tell us."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at mayamaya lang ay napabuntonghininga na lamang ako. Nag-iwas ako nang tingin sa kaibigan at muling tiningnan ang mga sandata sa ibabaw ng mesa. "Magic," mahinang turan ko at maingat na inangat ang kanang kamay. "Kung ginamitan nila ng mahika ang mga sandatang ito, paniguradong masasaktan ang sino mang hahawak dito na walang alam tungkol sa kahit anong mahika."
Katahimikan.
Wala ni isa sa mga kaibigan ko ang nagsalita. Nanatili ang kamay ko sa ibabaw ng mga sandata at noong napagdesisyunan ko nang ilapat ito sa isa sa silver weapon na naroon, mabilis kong ipinikit ang mga mata ko. Gamit ang mga natutunan noong palihim akong nag-aaral gumamit ng mahika, itinuon ko sa kanang kamay ko ang enerhiyang mayroon ako. At kagaya nang inaasahan, matiwasay kong nahawakan ang silver weapon na nasa harapan. Iminulat ko ang mga mata at dinampot na ang sandata. Napalunok ako at muling binalingan ang mga kaibigan.
"If we want to use these weapons, we need to learn how to use magic. And in my case, I managed to hold it but...damn," bulalas ko at mabilis na nabitawan ang silver weapon. "My ability to use magic is not enough to hold this kind of weapon," dagdag ko pa at tiningnan ang kamay na naapektuhan sa mahikang nakapalibot sa silver weapon na hinawakan kanina.
"This is insane," ani Theo at napailing na lamang.
"Impressive." Natigilan kaming apat noong may nagsalita sa may gawing pinto ng silid. Mabilis kaming napaayos nang pagkakatayo at matamang tiningnan ang bagong dating. "Kahit na segundo lang iyon, nagawa mo pa rin hawakan ang silver weapon na gawa ko."
Gawa niya?
"Ikaw marahil ang huntress na tinutukoy ni Elveena sa kapatid ko," dagdag pa nito at nagsimula nang maglakad papalapit sa amin. Napakurap ako at hindi inalis ang paningin sa bagong dating. Kapatid niya? Sinong kapatid nito ang nakausap ni Elveena? "I'm Asher, by the way. Asher Asteria," pagpapakilala nito na siyang mabilis na ikinayukod naming apat sa harapan nito. Damn it! Another royal witch! "And you must be Zaila Amethyst," dagdag pa nito na siyang mabilis na ikinatigil ko. Nanatili akong nakayukod at hindi nagsalita sa puwesto ko. Of course, he knows me! Ano pa kaya ang pinagsasasabi ni Elveena sa mga royal witch na ito? Damn it! "Hindi ba dapat ay nagpapahinga muna kayong apat? Anong ginagawa niyo sa training room na ito?"
"We wanted to do and finish our mission as soon as possible, Your Highness," sagot ni Theo at umayos na nang pagkakatayo. Ganoon din ang ginawa namin nila Raine at matamang tiningnan ang royal witch na nasa harapan namin. "We're here in the Royal Capital to train, Your Highness. We can't waste our time and do nothing."
"I see," ani Asher Asteria at bumaling sa akin. "Pero mukhang isa lang sa inyo ang kayang hawakan ang sandatang gawa ko. Wala rin kayong magagawa sa Royal Capital kung hindi niyo kayang hawakan ang mga iyan."
"You will teach us, right? You will teach us how to handle and use these silver weapon... right, Your Highness?" maingat na tanong ni Raine na siyang ikinabaling sa kanya ng royal witch. Mayamaya lang ay umiling ito at naglakad papalapit sa mesa kung saan naroon ang mga sandatang gawa niya.
"Don't expect much, Huntress. I'm only here to create silver weapons. That's my role in our family."
"Stop lying to our guests, Asher." Muli kaming natigilan noong may nagsalita sa gawing pinto ng silid. Namataan ko roon si Phoebe Asteria at dahan-dahan itong naglakad papalapit sa puwesto namin. "Mukhang alam niyo na ang kung anong mayroon sa mga silver weapon na ito," sambit pa ng prinsesa at dinampot ang silver weapon na nabitawan ko kanina. "Asher made these silver weapons. Sa lahat ng royal witch na narito sa Royal Capital ngayon, ang kapatid ko lamang ang hindi naaapektuhan sa taglay na kapangyarihan nito," dagdag pa nito at inilapag na sa mesa ang hawak na silver weapon. "He's a powerful royal witch in our generation. He knows a lot of defensive and offensive magic, and he will train you to use one."
Asher Asteria, a royal witch, one the sons of the current king of Utopia. So, siya ang magtuturo sa amin sa lahat ng gusto naming malaman tungkol sa mahikang mayroon ang mundong ito.
"Come on, let's start. Mukhang wala na talaga kayong balak na magpahinga. Simulan na natin ang training at pagkatapos nito, magtutungo tayo sa chamber ng hari para pag-usapan ang tungkol sa misyong mayroon kayo sa Royal Capital," ani Phoebe Asteria at tinanguhan na ang kapatid.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top