Untold Fourteen: The Magic Circle
Nanatili ako sa labas ng bulwagan kung saan nagaganap ngayon ang pagtitipon ng hari at ng mga anak nito. Hindi muna ako bumalik sa training room namin at matiyagang hinintay na matapos ang pag-uusap ng mga miyembro ng royal family.
I sighed and tried to calm myself down. Kailangan na ni Theo ang tulong ni Amelia Asteria. We need her healing magic. Siya lang ang makakatulong sa amin ngayon. Damn it!
Halos magdadalawang oras na ako sa labas ng silid. Muli akong tumayo sa kinauupuan at napatingala na lamang. I'm being impatient now. Ano ba ang pinag-uusapan nila sa loob at talagang umabot sila ng dalawang oras? Napairap na lamang ako sa kawalan at muling napabuntonghinga.
Akmang babalik na ako sa kinauupuan ko kanina noong maingat na bumukas ang magkabilang pinto ng bulwagan kung saan naroon ngayon ang mga miyembro ng royal family. Napako ako sa kinatatayuan ko at matamang tiningnan ang mga itong isa-isang lumabas sa bulwagan.
Unang nakita kong lumabas si Kristopher Asteria. Seryoso at tila iritado itong umalis, at mukhang hindi na napansin ang presensiya ko. Dere-deretso lang ang lakad nito at tinahak ang isang mahabang pasilyo. May iilang tauhan naman ng palasyo ang agad na sumunod sa kanya. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at namataan ang sunod na lumabas sa may pintuan ng bulwagan.
"Damn it," mahinang bulalas ko noong makitang si Reagan Asteria iyon. At kung minamalas ka nga naman, biglang bumaling sa puwesto ko ang prinsipe. Napangiwi na lamang ako noong magtagpo ang paningin naming dalawa. Umayos ako na lamang ako nang pagkakatayo at tahimik na tiningnan ang prinsipe. Segundo lang ay may isa pang lumabas sa bulwagan at noong makitang si Asher Asteria iyon, napabuntonghininga na lamang.
"Zaila? Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Asher sa akin na siyang ikinatigil naman ng kapatid niya. Tipid akong yumukod at mayamaya lang ay namataan kong nagsimula nang maglakad si Asher papalapit sa puwesto ko. "May problema ba? Bakit nandito ka at wala sa training room?"
"Training room?" Natigilan ako noong marinig ang tanong ni Reagan Asteria. Nagsimula na rin itong maglakad at sinundan ang kapatid nito. Tumigil sa harapan ko si Asher at mayamaya lang din ay nasa tabi na rin niya ang isa pang Asteria. "Don't tell me isa siya sa huntress mula sa Deepwoods."
"Yes, Reagan. She's a huntress from Deepwoods Academy," ani Asher habang nasa akin ang buong atensiyon. "What happened? Bakit nandito ka?" muling tanong niya sa akin.
Napalunok ako at umayos nang pagkakatayo sa dalawang prinsipe. "We need your help, Your Highness," matamang sambit ko na siyang ikinakunot ng noo nito. Pasimple kong tiningnan si Reagan Asteria at noong mamataang nakatitig ito sa akin, mabilis akong nag-iwas nang tingin sa kanya. "Nasugatan si Theo kanina. It was from the evil witch's weapon. Hindi ito tumitigil sa pagdurugo kaya naman ay kailangan namin ng tulong ng isa sa inyo."
"What kind of help?" tanong ni Reagan na siyang hindi ko binigyan pansin. Itinuon ko na lamang kay Asher Asteria ang atensiyon at sinalubong ang mapanuring titig nito sa akin.
"Your Highness... you told us that one of the princesses can use healing magic. We need it right now. My friend needs it now," seryosong sambit ko at bago ko pa masundan ang mga salitang dapat na sasabihin, namataan kong sabay na lumabas sa bulwagan si Amelia at Phoebe Asteria. Sabay ding natigil sa paglalakad ang mga ito at napatingin sa puwesto namin. "Please. Help us."
"Zaila, you're here," ani Phoebe at nagsimula na ring maglakad papalapit sa puwesto namin ng mga kapatid niya. Ganoon din ang ginawa ni Amelia Asteria habang nasa akin ang buong atensiyon nito. "Tapos na ba ang pagsasanay niyo ngayong araw?" tanong niya at tiningnan ang kapatid nitong nasa harapan ko. "Nasabi mo na ba sa kanya ang tungkol sa napag-usapan natin ng hari, Asher?"
Natigilan ako sa narinig. Napabaling muli ako kay Asher at namataan ang pag-iling nito sa naging tanong ng kapatid niya. Muli akong napalunok at biglang nakaramdaman ng kakaibang tensiyon sa paligid namin ngayon.
"Hindi ko pa nababanggit sa kanya ang tungkol sa napag-usapan natin kanina," ani Asher at binalingan ang kapatid. "She's here for a different reason, Phoebe," dagdag pa nito at muling hinarap ako. "Bumalik ka na lang muna sa training room niyo, Zaila. Kakausapin ko muna ang mga kapatid ko."
"But-"
"We will help your friend, Zaila. Trust my words," seryosong saad nito na siyang ikinatigil ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa tinuran nito ngunit wala na akong ibang pagpipilian pa. We need help... their help. I need to trust him. Afterall, he's a royal. Royals are true to their words. Sana nga talaga ay matulungan niya ang kaibigan ko.
Kagaya nang nais ni Asher Asteria, bumalik ako sa training room kung saan naroon ang mga kaibigan. Agad naman akong naalarma noong makita ang kalagayan ni Theo. Sa may pintuan pa lang ay narinig ko na ang sigaw nito. Agad akong tumakbo sa puwesto nito at tiningnan ang braso niyang may sugat.
"What happened?" tanong ko sa dalawa habang pilit na pinapakalma si Theo.
"He's in pain," ani Raine at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. "Mas lumala rin ang pagdurugo ng sugat niya kanina. Ilang beses na rin naming pinalitan ang telang nakabalot sa sugat niya."
"Nakausap mo na ba si Asher Asteria, Zai? Anong sabi niya?" tanong ni Raven sa akin na siyang ikinabaling ko sa kanya. Tumango ako sa kaibigan at muling tiningnan ang kalagayan ni Theo. Napaupo ito ngayon sa sahig ng training room, nanghihina at halos hindi na makagalaw nang maayos.
"Kakausapin daw niya muna ang mga kapatid niya," turan ko na siyang ikinabaling ni Raine sa akin. "She's here. Nakabalik na sa palasyo ang kapatid nitong kaya gumamit ng kahit anong klaseng healing magic. I saw her, and I hope she'll help us with Theo's wound."
"Paano kung hindi ito pumayag? Ano na ang gagawin natin? Hindi natin maaaring hayaan na lamang ang kondisyong ito ni Theo," tila inis na wika ni Raine at napailing na lamang. "Damn that evil witch! Kapag makita kong muli ang babaeng iyon, I will definitely kill her."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at muling tiningnan ang kalagayan ni Theo. Mayamaya lang ay lumuhod ako sa tapat ng kaibigan at tiningnan ang braso nitong may sugat. "Naaalala mo ba kung anong klaseng espada ang ginamit no'ng evil witch kanina, Raine?" tanong ko at inilapat ang kaliwang kamay sa sugat ni Theo. Segundo lang din ay napakunot ang noo ko noong makaramdaman ng pamilyar na enerhiya mula roon.
"What kind of weapon? I don't know. Hindi ko na ito binigyan pansin pa kanina," sagot ni Raine at mayamaya lang ay naramdaman kong natigilan ito sa puwesto niya. Napatingin ako sa kanya at namataan ang tila gulat na ekspresiyon nito. "No way," mahinang sambit nito at tiningnan ang kamay kong nasa sugat ni Theo. "Don't tell me they're now using a weapon that can harm us... that can harm a hunter and huntress from Deepwoods."
"Damn it!" rinig kong bulalas ni Raven sa likuran ko. "Zai, this can't be happening. Mahihirapan tayo kung totoo nga iyong hinuha mo."
I don't know. Wala na rin akong ibang maisip ngayon.
Kanina habang naghihintay ako na matapos ang pag-uusap ng royal family, marami akong napagtanto sa mga nangyari ngayong araw. Iyong biglaang paglitaw ng mga evil witch sa harapan mismo ng palasyo. Iyon laban na nangyari sa pagitan namin. Iyong nangyari kay Theo. Isa lang ang naging konklusiyon ko.
This is all about our mission. This might be a part of our training before our war against the Coven. The royal family, the king... they're testing us. Alam na nila na may ganitong sandata na ang Coven, sandatang maaaring ikapahamak ng mga kagaya namin, kaya naman ay hinayaan nilang makapasok sa premises ng palasyo ang dalawang iyon. They intentionally let them in and see how we fight against them.
"Zaila-"
"Let's remove his bandage," mabilis na turan ko na siyang ikinatigil muli ng dalawa. "Isang kakaibang sandata ang ginamit nila laban sa atin kanina. Paniguradong ginamitan nila ito ng mahika, kagaya sa ginawa ni Asher Asteria sa mga silver weapon natin," dagdag ko pa at inilabas ang dagger ko. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at inalis ko na ang telang nakabalot sa sugat ni Theo. Mayamaya'y tumulong na rin si Raine sa ginagawa ko at noong biglang kumilos si Theo, mabilis kong binalingan si Raven. "Hold him. Keep him still," utos ko sa kanya at muling tiningnan ang sugat ni Theo.
Napalunok ako at inangat ang kamay kong hawak-hawak ang dagger ko. "Hope it works," bulong ko at inilapat na sa braso ni Theo ang talim ng silver weapon ko. Segundo lang din ang lumipas ay biglang nanlaki ang mga mata ko. Narinig ko ang pagmumura ng dalawa at noong unti-unting lumitaw ang isang maliit na magic circle sa ibabaw ng sugat ni Theo, isang malakas na enerhiya ang siyang nagpalayo sa amin sa puwesto ni Theo. Nagkatinginan kaming tatlo at muling binalingan ang walang malay na kaibigan namin.
"This is getting worse," rinig kong sambit ni Raine na siyang wala sa sariling ikinatango ko na lamang bilang pagsang-ayon sa tinuran nito.
"Raine, go and tell the royals about this. We need their knowledge and expertise about magic. Hindi natin kakayanin ito," utos ni Raven na siyang agad na sinunod ni Raine. Mabilis itong lumabas sa silid at noong naiwan na kaming dalawa ni Raven, mabilis ko itong binalingan. "You felt it too, right?"
"Yes," sagot ko at inihanda ang sarili sa maaaring mangyari. "That magic circle... I once saw and read about it. This is an advance magic used by witches. At kung tama ang pagkakaalala ko, hindi ito basta-bastang ma-di-dispel ng kahit sino. Damn it!" Napailing ako at tiningnan nang maagi si Theo. "And I think... he's slowly losing it. At kapag mangyari iyon, makokontrol na nila ang katawan ni Theo."
"Mabuti na't wala si Raine sa silid na ito. Tiyak kong hindi nito kayang labanan ang isang ito." Napatango na lamang ako sa tinuran ni Raven at noong kumilos na si Theo sa puwesto niya, agad kong binago ang itsura ng silver weapon ko. I shifted it to a sword and pointed it towards my dear friend. "Be careful, Zaila."
"Oh, I can handle Theo, Raven. I know his skills and-"
Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin noong biglang lumutang si Theo. Mariin kong hinawakan ang handle ng silver weapon ko at inihanda sa magiging pag-atake ni Theo sa amin ni Raven. "Don't forget that he's still our friend, Zaila. We will just defend ourselves from his attacks until the royals arrive," ani Raven sa tabi ko at inihanda na rin ang sarili.
Hindi na ako nagsalitang muli. Inalerto ko na lamang ang sarili at noong nag-angat nang tingin sa amin si Theo, napaawang na lamang ang mga labi. Hindi ko inalis ang paningin sa kaibigan at noong inangat nito ang isang kamay, napabaling kami sa mesa kung saan naroon ang ibang silver weapon na ginagamit namin sa training room na ito. Segundo lang din ay lumutang ang isa sa espadang naroon at mabilis na napunta sa kamay ni Theo. Narinig ko ang pagmumura ni Raven sa tabi ko at noong unti-unting lumapat ang paa ni Theo sa sahig, isang kakaiba at itim na enerhiya ang lumabas mula sa sugat niya.
Napakunot ang noo ko sa nasaksihan at noong nagsimula nang kumilos si Theo, unang inatake nito si Raven. Agad na nagpalitan nang atake ang dalawa at napangiwi na lamang noong buong puwersang ikinumpas ni Raven ang hawak na espada sa gawi ni Theo. Mabilis namang napaatras si Theo at walang emosyong tiningnan si Raven.
"I thought you said earlier that we're just going to defend ourselves against him," sambit ko at inangat ang kaliwang kamay. Maingat ko itong iginalaw at gumawa ng maliliit na wind blades at pinalutang ere.
"He's not holding back, Zai. He totally lost it!" sigaw ni Raven na siyang ikinailing ko na lamang. Pinakawalan ko na ang mga wind blade na gawa ko at inatake na rin si Theo. We're just buying some time here. Hangga't kaya naming kalabanin si Theo, gagawin namin ang lahat para mapigilan ito. We can't let him leave this room. Paniguradong may mga mapapahamak kung tuluyan itong makatakas sa amin ni Raven.
Mabilis kong pinaulanan si Theo ng mga wind blade ko at habang abala ito sa pagdepensa sa sarili, mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya. Just one opening... iyon lang ang kailangan ko. Please, Theo, let me come closer to you.
Mukhang agad na napansin ni Theo ang binabalak ko kaya naman ay mabilis itong lumayo sa akin. Umatras ito at dahil napunta na sa akin ang buong atensiyon nito, nagkaroon nang pagkakataon si Raven na mahawakan ito. Ipinirmi niya si Theo at mabilis na binalingan ako.
"Hindi ko alam kung ano ang binabalak mong gawin pero, damn, do it now, Zai!" sigaw ni Raven na siyang mabilis na ikinatango ko. Nilapitan ko ang dalawa at agad na hinawakan ang braso ni Theo. "I have a bad feeling about this, Zaila. Be careful."
Damn it! Kahit ako ay hindi sigurado sa gagawin ko ngayon. Bahala na nga!
Agad kong ibinalik sa pagiging dagger ang silver weapon ko at muli itong itinutok sa sugat ni Theo. Segundo lang ay nagpumiglas ito mula sa pagkakahawak ni Raven sa kanya.
"Do it now, Zaila!" sigaw muli ni Raven at mas ipinirmi si Theo sa kinatatayuan nito.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis kong itinarak sa braso nito ang dagger ko at kagaya nang inaasahan, agad na nag-react ang magic circle na gawa ng Coven. Mayamaya lang ay napasigaw muli si Theo at pilit na kumakawala sa hawak ni Raven. Hinawakan ko na rin ito at mas diniin pa ang pagkakalapat ng silver weapon ko sa braso niya. Segundo lang din ang lumipas ay muling may lumabas sa sugat ni Theo... iyong kakaiba at itim na enerhiya. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko hanggang sa mapansin ko ang nangyayari sa silver weapon ko. Shit! My weapon is breaking! Damn it!
"Raven! Zaila!" It was Raine's voice. She's here. They're here... The royals are here! "What the hell? Anong-"
"Move huntress," rinig kong sambit ni Reagan Asteria at sa isang iglap ay nasa tabi ko na ito. Agad niyang hinawakan ang kamay kong may hawak sa silver weapon ko. "That's enough. Let him go, Zaila."
"I can't," mahinang sambit ko at mas idiniin sa braso ni Theo ang pagkakatarak ng dagger. ko This time, hindi lang ang silver weapon ko ang nagkaroon ng lamat. Pati na rin ang magic circle sa braso ng kaibigan ay unti-unting nagkakaroon ng maliit na crack. Damn, it's working! "I need to destroy this magic circle first."
"But your silver weapon-"
"I don't care about my silver weapon!" bulalas ko at buong puwersang itinarak muli ang dagger ko sa magic circle na ngayon ay kumokontrol kay Theo. I don't care about it anymore. Mas mahalagang maibalik sa amin nang ligtas si Theo at mapawalang bisa ko ang magic circle na ito. Mas mahalaga ang buhay ng kaibigan ko kaysa sa kahit anong sandatang pagmamay-ari ko bilang huntress!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top