Untold Four: The First Mission
Pinagtaasan ko ng kanang kilay si Raven noong makita ko itong nakangiting naglalakad papalapit sa akin. Hinawi ko ang buhok sa balikat at inayos ang suot na jacket.
"Good morning, Zaila!" Magiliw na bati nito sa akin at binalingan ang squad members ko. "Isinama mo ang mga junior hunters mo?" tanong niya noong mamataan sila Aradia at ang kambal na sina Medora at Enora na abala ngayon sa pakikipag-usap sa mga bagong miyembro ng squad ko.
"They also want to hunt," simpleng sambit ko at tiningnan ang tila kinakabahan na mga bagong miyembro ng squad namin. "Sa tingin mo, kakayanin nila ito? Isang araw lang ang lumipas simula noong pumasok sila sa Deepwoods, ito agad ang ipapagawa natin sa kanila."
"Of course, Zaila. Hindi sila makakapasok dito sa Deepwoods kung wala silang kakayahang maging isang hunter at huntress," anito at binalingan akong muli. "Lahat tayo ay dumaan sa ganitong training, Zai. Give them a chance. We're here to help them."
Tipid akong tumango kay Raven at napabaling sa isang miyembro ng squad ko. Deanne, the noble new huntress. Tahimik ko itong pinagmasdan at napakagat na lamang ng pang-ibabang labi noong mamataan ang determinasiyon sa mga mata nito. The way she looked at her sword, she reminds me of someone. The determination, the intense look in her eyes, no doubt, this noble girl experienced hell. And she's here to take revenge.
"It's not about revenge, Zaila." Napakurap ako noong magsalitang muli si Raven sa tabi. "Hindi lahat ng narito sa Deepwoods ay iyon ang dahilan na dala-dala nila. Ang iba'y nais lang nilang protektahan ang mga mahal nila sa buhay."
"I didn't say a word, Raven." I coldly said. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Raven na siyang ikinairap ko.
"Sampung taon na tayong magkasama, Zaila Amethyst. Kilala na kita. The way you looked at her, I can tell what's running inside your pretty head. And no, Zai, hindi iyon ang dahil kung bakit narito ang noble na iyan."
"Are you using some sort of magic right now? Please don't tell me you're reading my mind, Raven." Muling tumawa si Raven na siyang napa-irap muli sa akin. Mabilis naman nitong hinawakan ang ulo ko at ginulo ang buhok ko. Napapitlag ako dahil sa gulat at dumistansiya sa lalaki. Muling tumawa si Raven at binalingan na lamang ang mga squad members namin.
"You know what, let's play some game, Zai. Let's have some bet here," sambit niya na siyang ikinakunot ng noo ko. "Ang unang squad na makakahuli ng isang evil-witch sa misyong ito ang panalo."
"Wala akong panahon para sa laro mo, Raven."
"Come on, Zaila. This will be fun! Tingnan natin kung gaano kauhaw ang mga bagong estudyante ng Deepwoods!"
Napakagat ako ng pang-ibabang labi at binalingang muli si Raven. Pinagtaasan ko itong muli ng isang kilay at namewang sa harapan.
"What's the prize then?" I asked him. Raven smirked then slowly raised an eyebrow and touched his chin. Tumingala ito at umaktong nag-iisip.
"How about one of our silver weapons?" sagot niya na siyang mabilis na ikinailing ko.
"No," mariing sambit ko sa kaibigan. Imposible ang nais nito.
"Sandali at hindi pa ako tapos," natatawang sambit muli nito sa akin. "Ipapahiram lang natin sa kanila. For training purposes only. Mas gaganahan ang mga ito kung sa unang linggo nila rito sa Deepwoods, silver weapon agad ang magagamit sa trainings nila!"
"Raven, nakalimutan mo na ba ang hirap na pinagdaanan natin para lang magkaroon ng silver weapon na mayroon tayo ngayon?" I sighed then shook my head again. "No, hindi natin gagawin itong kalokohan mo. O hindi kaya, mag-isip ka ng ibang maaring gawing premyo sa laro mo."
"Oh, come on, Zaila," angal nito sa akin at napangiwi na lamang noong irapan kong muli ito. "Fine! Hindi na ang silver weapon natin. Ito na lang. How about-"
"Stop, Raven." Umiling na ako sa kanya at hinarap na ito. Umayos ako nang pagkakatayo habang matamang nakatingin sa kanya. Walang patutunguhan itong pag-uusap namin. Mabuti pa at mag-focus na lamang kami sa kung anong dapat naming gawin ngayon. "Wala tayong ibang gagawin dito kung hindi hanapin ang witch na nanggugulo ngayon sa northern villages ng Deepwoods. Nothing more, nothing less," seryosong saad ko at tinalikuran na ito. Tinawag ako ni Raven ngunit hindi ko na ito pinansin pa. Dere-deretso ang lakad ko hanggang sa tuluyang makalapit ako sa nagkukumpulang squad members ko.
"Zaila!" tawag sa akin ni Medora at kinawayan ako. Ganoon din ang ginawa ni Enora at nagsimulang maglakad papalapit sa akin. "Mukha kang galit. Nag-away na naman ba kayo ni Raven?"
"No," mabilis na sagot ko at tiningnan ang tahimik na miyembro ng squad ko. "Nakapagpahinga ba nang maayos ang lahat?"
"Yes, Captain!" halos sabay-sabay na sagot nila sa akin. Tiningnan ko sila isa-isa at humugot ng isang malalim na hininga.
"Kagaya nang sinabi ko kahapon, we'll going to hunt today. At dahil pareho ang naging plano ng apat na squad leaders, binigyan tayo ng Head Huntress ng isang misyon. Together with Raven's squad, the Black Knights, we're going to visit the northern village outside Deepwoods and investigate."
Narinig ko ang bulungan ng mga bagong squad members ko at noong magsalita si Aradia, umayos ang mga ito nang pagkakatayo. "We'll divide the squad into three groups. Ako at ang kambal ang magiging gagabay sa inyo sa misyong ito," seryosong saad ni Aradia at binalingan si Enora. Tumango ito sa kanya at si Enora naman ang nagsalita sa harapan ng mga bagong miyembro ng squad.
"While we're doing this mission, make sure na hindi mawawala sa inyo ang bracelet niyo. Secure it like you protect yourself and the rest of the squad members," simpleng saad nito sa kanila.
"Clues, we need to find clues," wika naman ni Medora na siyang ikinabaling ko sa kanya. "Mahirap ma-identify ang isang evil-witch dito sa Utopia pero kung makakakita ka ng isa, bilang isang hunter at huntress, malalaman mo agad ito."
Tipid akong ngumiti sa sinabi nito at napatango na lamang.
Those words were the exact words I said to them a year ago! Mabuti at naaalala niya pa rin ito!
Nanatili akong tahimik at nakinig na lamang sa mga sinasabi ng tatlo. At noong matapos na sila, naghanda na kami sa pag-alis. Wala sa sarili akong napabaling sa squad ni Raven at noong makitang handa na rin sila, napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga.
After almost a year, makakatrabaho ko na naman si Raven. Sana'y maging matiwasay ang misyong ito. Knowing Raven, well, I know he'll do more than what Elveena told us to do. He always acts beyond his limits. Sana nga lang ay simpleng misyon lang ito.
"Let's go," wika ko at nauna nang maglakad sa miyembro ng squad ko. Tahimik at seryoso ang bawat paghakbang ko hanggang sa maramdaman kong tumabi at sumabay sa akin sa paglalakad si Raven.
"You're too serious, Zaila. Relax. Mukhang pressured na rin ang mga squad members mo," anito na siyang ikinataas ng isang kilay ko. Binalingan ko ito at mabilis na inirapan. "Come on! Let's have some fun here."
"Yes, Raven. Hunting is fun but don't forget that this is also a mission. Hindi natin alam kung ano ang naghihintay sa atin sa villages na pupuntahan natin ngayon," seryosong saad ko sa kaibigan at itinuon na lamang sa dinaraanan ang buong atensiyon. "At isa pa, hindi lang ang paghuli ng evil witch ang trabaho natin dito. Kasama natin ang bagong estudyante ng Deepwoods. Maliban sa pagtuturo sa kanila, kailangang masiguro rin natin ang kaligtasan nila."
"Well, you have a point, but still, you need to relax a bit. Nakakatakot ang awra mo," naiiling na sambit muli ni Raven at marahang tinapik ang braso ko. "Just be yourself, Zaila Amethyst. Let the newbie witness a real witch huntress, okay?"
"Whatever you say, Raven," turan kong muli sa kanya at inilingan na lamang ito.
Noong tuluyan na kaming makalabas sa main gate ng Deepwoods, ilang staff ng academy namin ang namataan ko 'di kalayuan. Napakunot ang noo ko at napatango na lamang noong makita ang mga kabayong inihanda nila para sa pag-alis namin.
Looks like Elveena prepared these for us.
"Hindi na dapat kayo nag-abala pa," turan ko noong makalapit ako sa isa sa staff ng academy.
"Knowing you, alam kong mas gugustuhin mong maglakad para sa unang araw ng training ng squad mo, Zaila. Pero masyadong malayo ang pupuntahan niyo. Elveena asked us to prepare the horses. Mas mabuting gamitin niyo ito para naman hindi masayang ang lakas niyo sa paglalakbay patungo sa misyon niyo."
Napatingin ako sa mga kabayo at mabilis na nag-isip. Tama nga naman sila. Mas makakabuti sa amin ang gamitin ito sa paglalakbay. "Alright," ani ko at sumakay na sa kabayong nasa tabi nito. "Thank you for this. Babalik agad kami pagkatapos ng misyong ito."
"Mag-iingat kayo roon, Zaila. Hindi maganda ang mga naririnig ko sa village na pupuntahan ninyo. Mas mabuti na ang nag-iingat," bilin nito na siyang tahimik na ikinatango ko. Binalingan ko ang mga kasama ko at noong mamataang nasa kanya-kanyang mga kabayo na ang mga ito, mabilis kong pinatakbo ang kabayong sinasakyan. Itinuon ko ang atensiyon ang dinaraan hanggang sa tuluyang makalabas na kami sa lupaing sinasakupan ng Deepwoods.
Mahigit isang oras ang naging biyahe namin patungo sa misyon namin at noong marating na namin ang nayon na tinutukoy ni Elveena, mabilis kong itinigil ang pagpapatakbo sa kabayong sinasakyan. Tahimik kong pinagmasdan ang tila normal na paligid at noong marinig ko ang boses ni Raven sa tabi ko, napabaling ako sa gawi niya.
"Find something weird?" tanong nito na siyang ikinailing ko naman sa kanya. "May isang nayon pa na malapit dito. Doon na dedertso ang squad ko. Kaya niyo na ba rito?"
"We'll be fine here, Raven. If you find something, don't forget to notify us," sambit ko at inabot na sa kanya ang isang bilog na bagay na maari naming gamitin para makapag-usap kami kahit na nasa magkaibang lugar. "Elveena gave that to me. May ganyan din sila Raine at Theo. Call us if you find something strange there."
"Roger that," aniya at muling pinatakbo ang sinasakyang kabayo.
Muli kong binalingan ang tahimik na nayon sa harapan ko at binalingan na ang mga kasama.
"Listen, hunters and huntress," panimula ko at bumaba na sa sinasakyang kabayo. "Isa ang Larton Village sa tahimik at payapa na village malapit sa Deepwoods. Ilang taon na rin ang lumipas simula noong huling punta ng dating squad ko sa lugar na ito. Halos lahat nang naninirahan dito ay half-witches. Kung may mapansin kayong kakaiba, agad niyo itong sabihin sa amin. Trust your instinct. This will be your first mission in my squad. We're here to investigate. And if you manage to find an evil witch, try not to kill them. Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Yes, Captain!" halos sabay-sabay na sagot ng squad members ko.
"Now, let's move. Let's show them what the Amethyst Squad can do."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top