Untold Forty-two: The World Outside Utopia
Five years.
I need to wait and find that blood moon weapon after five years! Five freaking long years! Hindi ko alam kung saan nakuha ni Yuri ang impormasiyong ito ngunit wala akong ibang alam na paraan paano matatalo ang Coven at si Merlin! Blood moon. Kung anong klaseng sandata man ito, kailangan ko itong mahanap sa susunod na limang taon! Damn it!
Pagkatapos nang laban namin ni Yuri sa limang miyembro ng Coven sa gubat kung saan kami nagkita, mabilis naming nilisan ang lugar. Ni hindi ko na nagawa pang bumalik sa village ng magkapatid na Luna at Morgana! Maging ang mga gamit na dala ko mula sa Amethyst village ay naiwan sa bahay nila! Tanging ang silver weapon ko na lamang ang mayroon ako ngayon! Mabuti na lamang ay may pera itong kapatid ko. Kahit papaano'y may nagamit kami sa naging paglalakbay naming dalawa!
"Sigurado ka bang nais mong makita ang itsura ng academy?" tanong ni Yuri habang nagpapahinga kaming dalawa mula sa mahabang paglalakbay.
Napabuntonghininga at binalingan ito sa puwesto niya. Tumango ako kay Yuri at tiningnan ang daan patungo sa Deepwoods Academy. "Malapit na tayo roon, Yuri. Kung nais mong magpahinga muna sa gubat na ito, then, you stay here. Ako na lamang ang tutungo roon."
Mabilis namang umiling ang kapatid sa akin. Tumayo na ito at dinampot ang bag niyang inilapag kanina sa lupa. "Let's go at baka gabihin pa tayong dalawa," anito at nagsimula nang maglakad palayo sa puwesto namin kanina.
Napangiti na lamang ako at tumayo na rin. Mabilis kong sinundan si Yuri at tahimik na tinahak ang daan patungo sa Deepwoods Academy.
Ilang minuto lang na paglalakbay ay namataan ko na ang matayog na trangkahan ng academy. Naging mabagal na rin ang paghakbang ko ng mga paa habang nasa unahan namin ang buong atensiyon. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at pinagmasdan ang sirang trangkahan ng naging tahanan ko sa loob ng sampung taon. May parte pa nito ang nasira at nasunog. Nanatili ang titig ko sa trangkahan at noong hindi ko na nakayanan pa ay mabilis akong huminto sa paglalakad. Kusang umawang ang mga labi ko habang pilit kong hinahabol ang sariling paghinga. Damn it! Dahil sa halo-halong emosiyong nararamdaman ngayon, kanina ko pa pala pinipigilan ang sariling huminga!
Mabilis akong napailing at humugot ng isang malalim na hininga. Mukhang naramdaman ng kapatid ko ang paghinto ko sa paglalakad kaya naman ay tumigil na rin ito. Mabilis akong binalingan ni Yuri at malungkot na tumitig sa akin. "Kung hindi mo kaya, huwag na tayo tumuloy. Let's stay here. Sasamahan kita rito hanggang sa kaya mo nang ihakbang muli ang mga paa mo, Zaila."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at segundo lang ay kusang nawalan nang lakas ang mga paa ko. Napaupo ako sa lupa habang nasa malaking trangkahan ng academy pa rin ang atensiyon. Maingat kong inilagay sa dibdib ang isang kamay at marahang hinampas ito ng isang beses.
"Damn it," bulalas ko at ipinikit ang mga mata. A tear escape from my eyes. Napailing akong muli at hindi na napigilan pa ang pagpatak ng mga luha. "Damn it!" I cursed again.
"Zaila-"
"Dapat ay hindi na ako umalis noong araw na iyon," mariing wika ko at muling iminulat ang mga mata. "Dapat ay hindi ko na hinanap pa ang evil witch na umatake sa mga kaibigan ko. Dapat ay nanatili na lamang ako rito at tinulungan silang protektahan ang academy!"
Hindi nagsalita si Yuri at nanatili lamang nakatingin sa akin. Nagpatuloy ako sa pag-iyak hanggang sa mapagod ako at maubos ang mga luhang lumalandas sa mga mata ko. "I should've stayed that day," mahinang wika ko at inalis ang luha sa pisngi. "Dapat kasama nila ako noong araw na bumalik dito ang Coven-"
"Zaila, you better stop-"
"It's so damn hard, Yuri," wika ko kanya na siyang ikinatigil nito sa pagsasalita. "Bakit kailangang palagi ako ang naiiwan? Bakit kailangan palagi ako ang nabubuhay? Paano naman sila? Paano ang mga kapwa ko hunters at huntresses na nais lamang gawin ang trabaho nila at protektahan ang buong Utopia? They don't deserve this, Yuri. Hindi dapat ganito!"
Umiling si Yuri sa harapan ko. Mayamaya lang ay humugot ito ng isang malalim na hininga at binalingan ang trangkahan ng academy. "Everything happens for a reason, Zaila. Alam mo iyan."
"At ano naman ang rason kung bakit nabubuhay pa rin ako hanggang ngayon?" wala sa sariling tanong ko sa kanya.
"To meet me again? To defeat the Coven... and to protect Utopia."
Mapait akong natawa sa mga tinuran ni Yuri. Napailing ako at muling humugot ng isang malalim na hininga. "To meet you again, yes. Maaaring tama ka riyan ngunit iyong protektahan ang Utopia? How can I do that, Yuri? Ni hindi ko nga naprotektahan ang mga hunter at huntress na dapat kong protektahan, ang buong Utopia pa kaya?"
Napahugot ng isang malalim na hininga si Yuri at inihakbang ang mga paa. Lumapit ito sa akin at naupo sa tabi ko. "Alam ko ang nararamdaman mo ngayon, Zaila. I was a victim, too. Noong nakaligtas ako, noong pinatay nila ang mga magulang natin at sinunog ang buong village kung saan tayo nanirahan, I felt the same anger, frustration and regret of being alive too. Noong inakala kong wala ka na rin, I was lost. I wandered around Utopia and hoping to find my own end, my own death. But looked at me now. After ten years, I'm still here and... I'm here with you, Zaila." Bumaling sa akin si Yuri at tipid na nginitian ako. "Reasons, Zaila. Alam kong mayroon kung bakit hanggang ngayon ay nandito ka pa rin sa mundong ito. Hindi ko man masabi sa'yo kung ano ito, still... there must be a reason why you're still alive."
Napalunok ako at wala sa sariling napatingin sa matayog na trangkahan ng Deepwoods Academy. "Do I need to find it? The reason why I'm still here?" tanong ko sa kapatid.
"Mapaglaro ang tadhana, Zaila. Minsan, kahit na hindi mo na hanapin ang rason na tinutukoy ko, kusang lalapit ito sa'yo. All you need to do is live and wait for that day to come."
Live.
Iyon ang salitang sinambit ni Yuri na tumatak sa isipan ko. I need to live. I need to stay alive and wait for it.
At iyon nga ang ginawa ko.
Noong umalis kami ni Yuri sa Deepwoods, ilang araw pa kaming nagkasama sa paglalakbay. We stayed for a couple days in one of the remote villages of Utopia. Mga half-witch ang naroon at ni isa sa kanila ay walang ideya kung sino kami. To them, we're just normal travelers. They welcomed us and let us stay with them. At noong gabing dapat aalis na sana kami ni Yuri para ipagpatuloy ang paglalakbay namin, natagpuan ko na lamang ang sarili kong mag-isa sa silid at binabasa ang sulat na iniwan ng kapatid ko para sa akin.
Reason and purpose. You need to live to find them, Zaila. I trust you and I know that you can do it. And don't forget about the blood moon. It's the only weapon you need to finally avenge those who dear to you. Now go and take this map. It's a gift from me, little sis. Sana'y makatulong ito sa'yo.
I will always be with you, Zaila. Sa kahit saang mundo ka man makarating, sa kahit anong panahon.
Live, Zaila.
See you again soon.
"You're unbelievable, Yuri." Napailing na lamang ako at humugot ng isang malalim na hininga. Wala sa sarili akong napatingin sa isa pang papel na nasa tabi ng sulat nito at maingat na dinampot iyon. Nakatupi ang papel kaya naman ay marahan kong binuklat ito. Kunot-noo kong pinagmasdan ang nakalagay sa papel at muling binasa ang sulat na iniwan ng kapatid. "It's a map," wala sa sariling wika ko at muling napatitig sa mapang nakaguhit sa papel na hawak-hawak. "Saang lugar naman ito, Yuri?"
Ilang minuto kong tinitigan ang mapang iniwan sa akin ni Yuri. Wala akong ideya kung saang parte ng Utopia ito kaya naman noong napagod na ako sa ginagawa, marahas akong napabuntonghininga at itinuping muli ang papel. Itinupi ko rin ang sulat na iniwan nito at mabilis na itinago sa bulsa ng suot kong pantalon. Maingat akong kumilos sa loob ng silid at iniligpit na ang mga gamit. Iniwan kasi ni Yuri sa akin ang maliit na bag niya at ang iba pa nitong gamit. Isinukbit ko sa balikat ang bag ng kapatid at lumabas na sa silid na kinaroroonan.
"Zaila!" Natigilan ako sa paglalakad sa sentro ng village noong may tumawag sa akin. Mabilis akong bumaling sa gawing kaliwa ko at namataan si Franklynn, iyong may-ari ng bahay kung saan kami tumuloy ng kapatid ko. "Aalis ka na ba?" tanong nito at tiningnan ang bag na nasa balikat ko.
Tumango ako kay Franklynn at umayos nang pagkakatayo. "Umalis na rin kasi ang kapatid ko, Franklynn, kaya naman ay wala na akong rason para manatili sa village na ito. I need to continue my journey alone."
Namataan ko ang tipid na tango nito sa akin at nagsimula nang maglakad papalapit sa puwesto ko. "Ayos lang ba sa'yo ang maglakbay mag-isa? Mapanganib ang mga gubat na nakapalibot sa village na ito, Zaila," anito na siyang ikinakunot ng noo ko. "Malapit na kasi ang village na ito sa boundary. Hindi lang mga witch at half-witch ang nilalang na maaaring makasalamuha mo sa paglalakbay mo."
"What do you mean by that, Franklynn?" I curiously asked her.
I saw her sighed. "Tunay ngang ngayon ka lang napadpad sa lugar na ito," anito at nagpatuloy ang paglalakad hanggang na nasa harapan ko na ito. "This is the farthest village from the Royal Capital of Utopia, Zaila. Ibig sabihin noon, ito rin ang village na pinakamalapit sa boundary kung saan naroon ang daan patungo sa ibang mundo. Ibang mundo na hindi lang witch at half-witch ang naninirahan."
What?
I will always be with you, Zaila. Sa kahit saang mundo ka man makarating, sa kahit anong panahon.
Muli kong naalala ang mga salitang isinulat ni Yuri sa liham niya. Napakurap ako at mabilis na kinuha sa bulsa ang mga papel na itinago kanina. Binuklat ko ang papel kung saan naroon ang iniwang mapa ng kapatid at ipinakita iyon kay Franklynn. "This map... ito ba ang daan patungo sa mundong tinutukoy mo?"
Takang pinagmasdan ni Franklynn ang mapang nasa papel at noong tumango ito sa akin, napasinghap ako.
Is this for real? Paanong nalaman ni Yuri ang tungkol sa bagay na ito?
"Hindi ko pa nasusubukang pumunta roon pero mukhang alam ng kung sino mang nagguhit ng mapang iyan ang tamang daan para makarating ka roon, Zaila. If you wish to visit that world, just follow that map. Malay mo, sa mundong iyan mo makikita ang hinahanap mo," makahulugang wika niya na siyang ikinatigil ko. Seryoso lang akong napatitig kay Franklynn at hindi na nakapagsalita noong nagpaalam na ito sa akin. Tahimik ko lang itong pinagmasdan hanggang sa tumalikod na ito at nagsimula nang maglakad papalayo sa kinatatayuan ko.
Wala sa sarili akong napatingin sa mapang hawak-hawak. Nanatili muna ako ng ilang minuto sa puwesto ko at noong nakapagdesisyon na ako sa gagawin, muli kong itinago sa bulsa ang mga papel na hawak. Mabibigat ang bawat hakbang ko hanggang sa marating ko na ang main gate ng village na kinaroroonan. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at pinagpatuloy na ang paglalakbay ko.
I followed Yuri's map. Tahimik kong tinahak ang masukal na daan habang pilit na iniisip kung paano nalaman ni Yuri ang tungkol sa mundong tinutukoy kanina sa akin ni Franklynn. What? Napadpad na ba ang kapatid ko sa mundong ito? Sa loob ng sampung taong paglalakbay niya sa buong Utopia, posibleng natagpuan nga niya ang boundary na ito!
Did he stayed and lived there? May nakasalamuha rin ba itong ibang nilalang maliban sa aming mga witch at half-witch ng Utopia?
Sa dami ng mga tanong ko sa sarili ay napatampal na lamang ako sa noo ko.
Inis akong napairap at napanguso na lamang habang patuloy na tinatahak ang daan patungo sa boundary na sinasabi nila. "Just great, Yuri! Iniwan mo na nga ako, ngayon ay papahirapan mo naman akong isipin ang kung anong mayroon sa mundong nasa kabilang bahagi ng boundary na ito! Dapat ay sinabi mo na lamang ito sa akin! Bakit kailangang mag-iwan pa ng sulat at mapa? You're... damn it, you're annoying!" inis na bulalas ko at mas binilisan ang paglalakad.
I already memorized the map. Kahit na hindi ko na ito tingnan pang muli, alam ko na kung saan ako liliko para makarating ako sa boundary ng Utopia. Mayamaya lang ay bumagal ang paghakbang ko noong makaramdam ako ng kakaiba at hindi pamilyar na enerhiya sa paligid. I alerted myself and continued walking.
Maingat ang bawat galaw ko at noong makakita ako ng dalawang matatayog na puno 'di kalayuan sa kinatatayuan ko, kusang napaawang ang mga labi ko. "The boundary... between Utopia and the world Franklynn told me about," mahinang wika ko sa sarili at muling inihakbang ang mga paa.
Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko noong biglang nanginig ang mga kamay ko. Napakagat ako ng pang-ibabang labi at ikinalma ang sarili.
The energy that surrounds this place is overwhelming! Ramdam iyon ng buong katawan ko at hindi ko alam kung kakayanin ko bang kontrolin ang sariling kapangyarihan nang matagal bago tuluyang kumawala sa katawan ko!
"I need to leave this place. I... I shouldn't be here. Dapat ay hindi ako nagtungo sa lugar na ito," wala sa sariling saad ko at sinubukang ihakbang paatras ang mga paa. Kikilos pa lang sana ako noong bigla akong naging alertong muli sa paligid. Ipinilig ko ang ulo pa kanan at mas pinatalas ang pandama. Ipinikit ko ang mga mata at noong mas lumakas ang enerhiyang nararamdaman, kusang napaawang ang labi ko at napamulat muli ng mga mata. Napakurap ako at napatitig sa dalawang malalaking puno sa harapan. "Anong klaseng mundo ang nasa dulo ng daang ito?" tanong ko at muling inihakbang ang mga paa.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at kinuha ang silver weapon na nakatago sa likuran ko. Napalunok ako at noong tuluyang lumapat muli ang kanang paa ko sa lupa, isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa akin. Agad akong napapikit at noong biglang may enerhiyang humila sa akin sa unahan ko, napasigaw na ako. What the hell is happening?
Mahigpit kong hinawakan ang silver weapon ko at pilit na kumakawala sa enerhiyang humihila sa akin sa unahan. Mayamaya lang ay napamura na lamang ako sa isipan noong walang epekto ang kapangyarihan ko sa kung anong enerhiyang bumabalot ngayon sa katawan ko.
I can't control my own body!
Napangiwi na lamang ako at hindi na muling nagpumiglas pa. I'm just waiting my energy... my magic! Kailangan kong ikalma ang sarili at ihanda sa susunod na mangyayari pagkatapos nito! Nanatili akong nakapikit dahil sa matinding liwanag na nasa harapan ko at noong nawala na ito, agad kong iminulat muli ang mga mata.
Muling umawang ang mga labi ko.
Dark...
It was so damn dark that I can't even see a thing!
What the hell? Nasaan ako?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top