Untold Forty-three: The Sanctuary
Tanging ang Deepwoods lamang ang naging tahanan ko sa loob ng sampung taon.
Noong nagsisimula pa lamang ako bilang isang huntress, iginugol ko ang oras at panahon sa pagsasanay. I trained so hard. Wala akong pinalampas na araw noon. Kung wala akong pinagkakaabalahan sa silid-aralan namin, nasa training room naman ako at hinahasa ang sarili sa paggamit ng iba't-ibang klase ng sandata. Ilang taon din muna kasi ang lumipas bago ako sumama sa pinaka-unang misyon ko bilang isang huntress. And it was because of Elveena's order. Alam nito ang nangyari sa akin, sa pamilya ko, kaya naman natitiyak kong sinigurado muna nitong maayos na ako bago isabak sa unang misyon ko.
Wala ako masyadong alam sa ibang lugar ng Utopia. Maliban sa apat na main houses na mayroon ito, wala na. Ni hindi ko nga alam ang ibang pangalan ng villages na nakapalibot sa lupaing sinasakupan ng Deepwoods. Maging ang pagpunta sa Royal Capital ay talagang pahirapan pa sa aming mga hunter at huntress. Kung walang misyon para sa squad namin, hindi rin kami aalis sa academy.
Humugot ako ng isang malalim na hininga at pilit na ikinalma ang sarili. I need to do something! Kailangan bumalik na ang paningin ko! Damn it! Anong klaseng liwanag ba iyong nakita ko kanina at bakit ganito ang naging epekto nito sa mga mata ko?
Napailing na lamang ako at umayos nang pagkakatayo.
"You're new here." Natigilan ako noong makarinig ng tinig mula sa kung saan. It was a man's voice. Damn it! Sino naman kaya ito? Kalaban ba? Miyembro ba ito ng Coven?
I silently sighed and composed myself. Nagpalinga-linga akong muli ngunit wala talaga akong maaninag na kahit ano! What's happening to me? Bakit ganito? Bakit wala akong makita?
"Don't worry. It will just last for a minute or two. Depende na rin sa lakas ng kapangyarihang mayroon ka. That's the side effect of that spell. Mayamaya lang ay babalik na rin ang paningin mo." Rinig kong muling wika nito sa akin.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at ikinalma ang sarili. Alright. I need to be calm now. Yes, wala akong nakikita ngayon ngunit kaya ko pa ring igalaw ang katawan ko. Kaya ko pa ring makipaglaban. Kung may masamang gawin man ang lalaking ito sa akin, I can still protect myself. I can use my magic to defend and fight.
Mayamaya lang ay nakarinig ako ng isang kakaibang ingay sa paligid. Napakunot ang noo ko at mas humigpit ang pagkakahawak sa handle ng silver weapon. Ipinilig ko ang ulo pakanan at noong marinig kong muli ang ingay na narinig kanina, naalarma na ako.
What was that? A horn? Wait a minute... I think it's a car. Yes. Mukhang sasakyan nga iyong naririnig ko ngayon!
"My ride is here. Hindi pa rin ba bumabalik ang paningin mo?" tanong ng lalaki na siyang ikinailing ko. "That's bad. I thought... you're different. I thought you're stronger than those witches who entered that portal before. Mukhang wala rin pala akong mapapala sa'yo." Napakuyom ako ng mga kamao sa narinig mula sa kanya. "Good luck living in this world, witch. This is not Utopia anymore. Kapag mahina ka at hindi kayang ipagtanggol man lang ang sarili, paniguradong mas nanaisin mo na lamang bumalik sa mundong pinanggalingan mo."
Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi at hindi na sinubukang magsalita pa. Hinayaan ko na lamang ito at noong maramdamang unti-unting nawawala na ang presensiya ng lalaki, napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga. Umayos ako nang pagkakatayo at matiyagang hinintay ang pagbabalik ng paningin ko. At noong unti-unting bumabalik na ito, marahang kong ikinurap ang mga mata at tiningnan ang paligid.
"Who the hell was that?" mariing tanong ko sa sarili at tiningnan ang daang tinahak ng sasakyan ng lalaki. "At ano raw? Wala siyang mapapala sa akin? Come on. As if naman magpapagamit ako sa kanya." Napailing na lamang ako at itinago ang silver weapon sa likuran ko. Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ni Yuri sa balikat at napatingin sa likuran ko.
May dalawang matatayog na puno pa rin dito. Magkasing-taas lang din ito sa punong nakita ko kanina sa boundary ng Utopia. "So, this is the portal between our worlds," wala sa sariling wika ko at tahimik na pinakiramdaman ang paligid. "I can't sense witches here. Ibang enerhiya ang nararamdaman ko sa mundong ito." Kinagat ko ang pang-ibabang labi at humugot na lamang ng isang malalim na hininga.
Mukhang mananatili muna ako sa mundong ito habang hinihintay ang paglabas muli ng blood moon. Five years. I need to stay off the grid here for five years at kapag nasa kamay ko na ang blood moon weapon, tsaka na ako babalik sa Utopia para tapusin ang labang sinimulan ng Coven.
Umayos ako nang pagkakatayo at tiningnan muli ang lagusan kung saan ako dumaan kanina.
"You better be alive until that day, Merlin... Donovan. Just wait in there and let me kill you with my own hands," mariing wika ko at nagsimula nang kumilos sa kinatatayuan. Nagsimula na akong maglakad at tinahak ang parehong daang tinahak ng lalaki kanina.
Sana'y hindi na magkrus pa ang mga landas namin ng lalaking iyon. Kahit na hindi ko ito nakita man lang, alam kong hindi maganda ang mangyayari kapag magkrus muli ang mga landas namin. I need to stay off the grid. Iyon ang mahigpit na bilin sa akin ni Yuri. Kailangan kong umaktong normal muna hanggang sa mahanap ko na ang hinahanap ko.
The Sanctuary. Iyon ang tawag sa mundong napuntahan ko. It's a place where mortals and immortals both lived. Humans, the mortals who lived here in Sanctuary, witches, half-witches, vampires and even werewolves, I saw and met them in this world! Ibang-iba nga ito sa Utopia! It's a different world... more dangerous and the creatures living here, they're powerful too. Mabuti na lamang ay sanay na ako sa ganitong sitwasyon. I already encountered Merlin and Donovan before. Hindi man sila kasing lakas ng dalawang iyon, still, I need to be careful around them.
Tahimik kong binabasa ang isang pahina ng libro na nasa harapan ko. I read carefully every line and make sure that I didn't miss a single information about the weapon that I'm looking. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at inilagay ang isang kamay sa may baba ko.
It's been what? Twenty years? Yes, twenty years na ako rito sa Sanctuary! At tama nga si Yuri noong sinabi niya sa akin mabilis lang ang panahon! Ni hindi ko namalayang ganoon na pala katagal akong naninirahan sa mundong ito!
I silently sighed and flip the next page. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa at noong makita ko na ang hinahanap kong impormasyon, agad kong kinuha ang cellphone na nasa ibabaw ng mesa at kinunan ng litrato ang imaheng nasa pahina ng aklat. Noong matapos na ako ay tahimik kong isinara ang libro at tumayo na. Dala-dala ang librong binabasa kanina, maingat akong naglakad at bumalik sa bookshelf kung saan ko nakuha kanina ang libro. I silently put it back on the shelf and when I felt something strange on the aisle between the shelves, I immediately looked at the another end of the aisle and saw someone.
It's a man.
Umayos ako nang pagkakatayo at hinarap ito.
For twenty years, I stay silent and live peacefully while trying to find that weapon. Ni hindi ko ginagamit ang kapangyarihan ko para lamang mas umangat ang estado ko rito sa Santuary. I lived as if I'm just one of the mortals here. Ni minsan ay hindi ko ipinakita sa lahat kung ano ang kaya kong gawin. I'm just an ordinary witch, nothing special, kaya naman ay nakapagtataka na may isang mas mataas na estado sa akin ang ngayon ay pinagmamasdan ako sa lugar kung saan dapat ay walang gulong maganap. It's one of the rules here in Sanctuary. Public places should be a safe place for everyone, lalong-lalo na para sa mga mortals na naninirahan dito.
And the way that man is looking at me right now, I can sense trouble. He's after me and I don't freaking know why!
"You want something from me?" mahinang sambit ko habang nakatingin pa rin sa lalaki. He's not human. Kaya naman kahit ibulong ko lang iyong mga salitang sinambit ko ay tiyak na maririnig niya ito. "This is a public place, idiot. If you have a death wish and make a scene here, you better leave me alone. Hindi kita papatulan," seryosong saad ko at tinalikuran ito.
Segundo lang ay naramdaman kong kumilos ito sa puwesto niya. Napairap na lamang ako at mabilis na kinuha ang silver weapon na nakatago sa likuran ko. I immediately changed my dagger and turned it into a sword, and before he can even touch the tip of my hair, I already pointed the edge of my sword and placed it on his neck.
"Who sent you?" mariing tanong ko at tiningnang maagi ang lalaki. Damn, he's a witch! Palihim akong napangiwi at inilapat na ang talim ng espada sa balat nito. "This is a silver weapon. One wrong move, you're dead," malamig na wika ko sa kanya. "Now talk. Who sent you here?"
"You're a witch huntress," mahinang wika niya habang nakatingin sa akin. "You survived from the annihilation of the Coven."
Biglang nanlamig ang buong katawan ko sa narinig.
Coven... damn it!
It's been twenty years since the last time I heard that name!
"They sent you here, huh? The Coven?" mariing tanong ko at idiniin sa leeg niya ang espadang hawak.
Namataan ko ang paglunok ng lalaki at maingat na iginalaw ang ulo. Hindi ito makailing nang maayos dahil sa silver weapon kong nasa leeg niya. "I'm here because I've heard that someone is looking for the blood moon. Ikaw ba iyon?" He carefully asked. "I saw you reading the book about that weapon. Ikaw ba iyong witch na naghahanap sa blood moon?"
"At kung ako nga? Ano naman ang pake mo roon?" mataray na tanong ko sa kanya.
"I... I know a place where you can find it," saad nito na siyang ikinataas ng isang kilay ko. "I'm a researcher. That's what I do in this world. Narinig ko lang ang impormasiyong ito tungkol sa lugar na iyon at may nakapagsabi na nakita nga raw niya ang sandantang iyon sa lugar na tinutukoy ko. It's an ancient weapon. E-everyone want to possess that one."
"Everyone... including you?" walang emosyong tanong ko habang nakatitig sa kanya. "I know you know that I'm desperate here. I will definitely go and check that place. At kapag hindi ko makita roon ang hinahanap ko, you better run and hide, witch. Magtago ka sa lugar kung saan hindi ka makikita ng isang witch huntress na kagaya ko," dagdag ko pa at inalis na ang espada sa leeg niya. Ibinalik ko ang anyo ng silver weapon ko sa pagiging isang dagger at umayos nang pagkakatayo sa harapan nito. "Tell me, saang lugar iyang tinutukoy mo?"
Pagkatapos nang pag-uusap namin ng lalaki ay bumalik muna ako sa apartment ko. Tahimik akong naupo sa gilid ng kamay at kinuha ang cellphone ko. Binuksan ko iyon at tiningnan ang kinuha kong litrato kanina.
"Blood moon," mahinang wika ko. "Ito ba talaga ang tunay na anyo ng weapon na ito?" tanong ko pa habang pinag-aaralang mabuti ang itsura nito. It looks like my silver weapon. Isang dagger lang din ang itsura nito at sa handle naman ay may nakaukit na isang maliit crescent moon. I zoomed the photo and carefully watched the details of its handle. May ilang pamilyar na nakaukit dito ngunit hindi ko alam kung ano ang kahulugan nito. "Mukhang kulang pa lahat ng impormasiyong nakalap ko tungkol sa ancient weapon na ito. Damn it." Napailing ako at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at maingat na naglakad patungo sa salamin na nasa kabilang parte ng silid. Tahimik kong pinagmasdan ang repleksiyon ko sa salamin at inayos ang pagkakatali ng buhok.
"You're thirty-eight years old now but still, you looked exactly the same twenty years ago, Zaila Amethyst. Parang walang taong lumipas sa'yo," mahinang sambit ko sa sarili at hinaplos ang mukha. That's right. Hindi man lang nagbago ang anyo ko sa paglipas ng taon. Noong una'y nabahala pa ako sa sitwasyong mayroon ako ngunit noong nalaman ko ang tungkol sa mga imortal na naninirahan sa mundong ito, lalo na ang mga bampira, posible ngang hindi magbago ang anyo ng isang kagaya ko kahit na ilang taon pa ang lumipas.
Hindi na ako isang simpleng witch at huntress na lamang ng Utopia. Iba na ako sa dating ako at natitiyak kong isa sa naging epekto ng mga naging eksperimento nila Merlin sa akin ay ang kakayahan kong hindi tumanda, ang kakayahang manatili ang anyo ko bilang Zaila, ang Zaila na nakilala nila noon sa Utopia.
Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at umalis na sa harapan ng salamin. Maingat kong inihakbang ang mga paa at nagtungo na sa walk in closet ko. Binuksan ko ang pinto nito at pumasok na roon. Tahimik akong nagpalit ng damit at noong natapos na akong ayusin ang sarili, lumapit ako sa isang kabinet at mabilis na binuksan ang pinto nito.
I smiled when I saw my weapons. Guns and different weapons like swords, knives and daggers. Iyon ang laman ng kabinet ko rito sa apartment.
Ipinilig ko ang ulo pakanan at pumili ng armas na dadalhin sa lakad ko. Napanguso ko at kinuha ang isa sa paborito kong baril. Kumuha na rin ako ng ilang bala na siyang magagamit ko kapag maka-engkuwentro ako ng ibang nilalang maliban sa mga witch na naroon. I sighed and carefully handled my gun.
I know. Alam kong isang patibong iyong mga sinabi sa akin kanina ng lalaking nakausap ko sa library. I know that place. Kahit na hindi pa ako napapadpad sa lugar na iyon, alam ko kung anong mayroon doon.
"Hindi ko alam kung anong kailangan nila sa akin, but... I guess I need to pay a visit to their secret haven," mariing wika ko at ikinasa ang hawak na baril. Mabilis ko iyong itinago sa likuran ko at kumuha pa ako ng ilang bala. Dumampot na rin ako ng iilang dagger at itinago iyon sa gilid ng suot na boots.
My hands are shaking right now. I don't know if I'm just excited to finally do something rather than reading and searching for the blood moon or... I'm just being annoyed with the fact that I encountered someone from Utopia. Ilang taon na ako rito sa Sanctuary at ngayon lang may witch na lumapit at kinausap ako. They need something from me, that's for sure. Dahil kung wala, paniguradong mananatili silang tahimik at hindi na maglalakas-loob na lokohin ako tungkol sa blood moon weapon na hinahanap ko.
"Let's hunt some witch... no, evil witches, Zaila Amethyst." I said then smirked. Isinara ko na ang kabinet at lumabas na sa walk in closet ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top