Untold Forty-six: The Plan B

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Asher.

I was caught off guard.

Napatanga lang ako sa harapan nito noong marinig ko ang pangalan ng kapatid niya.

Reagan Asteria.

He's... alive.

Reagan Asteria is alive!

I... I thought he didn't make it that night. He was injured by my silver weapon. My healing ability was useless and before Alyssa took and let me escape, I saw how bad his condition was and the overwhelming disadvantage fight against Donovan! Hindi maganda ang kondisiyon ng katawan niya kaya naman hindi na ako nag-abala pang alamin kung nakaligtas ba ito noong gabing iyon!

I was too focused with my own grief! I lost my family, my friends and just totally forgot all about other things, especially about him!

Napahugot ako ng isang malalim na hininga noong tuluyan akong naupo sa pang-isahang sofa ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tiningnan ang bakanteng upuan kung saan nakaupo kanina si Asher. I sighed again and tried to calm myself.

I can't believe that I let myself talk to him. Asher Asteria... alam kong ibang-iba ito sa kapatid niyang si Kristopher. The other Asteria only tried to convince me to join and help them. But this one... he knows the real deal. Alam nito ang kung anong dapat gawin at sabihin sa harapan ko. And I hate it! Lahat ng mga tinuran nito kanina ay tama! Damn that Royal Prince!

Ipinikit ko ang mga mata at mariing ikinuyom ang mga kamao. I tried to focus and just forget all the things he said to me but hell, parang sirang plaka itong paulit-ulit sa isipan ko!

"Reagan is alive?" wala sa sariling tanong ko kay Asher Asteria. Nakatayo pa rin kaming dalawa sa may pintuan ng apartment ko. I wanted to move but my body just freaking froze! Damn it!

"He is," sagot naman si Asher at humugot ng isang malalim na hininga. "My sister Amelia too."

Napalunok ako at kinagat ang pang-ibabang labi. They're alive... so it means, buhay din sila Theo at Raven? Kasama nilang dalawa ang mga kaibigan ko! Buhay din ba sila?

"Alam ko ang kung anong nais mong itanong sa akin, Zaila," anito at ipinilig ang ulo pakanan. "Let's go inside. Doon natin pag-usapan ang bagay na ito."

Wala na akong nagawa pa. Humakbang na ang mga paa ni Asher Asteria at pumasok na sa loob ng apartment ko. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at tahimik na pinagmasdan ang lalaki.

Dumeretso sa sala si Asher. Tahimik itong naupo at binalingan ako. "Mukhang naging maayos ang pamumuhay mo rito sa Sanctuary. Tell me, sino ang tumulong sa'yo para magkaroon ka ng ganitong mga bagay sa mundong ito?" He asked me without breaking an eye contact.

Hindi ako sumagot at isinara na ang pinto sa likuran ko. I sighed again and started walking towards my living room. Tahimik akong naupo sa katapat nitong upuan at matamang tiningnan ito. "I have my ways, Your Highness."

"Like helping the witches and one of the Vampire Emperors of Sanctuary?" He asked me again.

I froze for a moment.

Paano niya nalaman ang bagay na iyon? I gritted my teeth and looked at him intently.

"You did some research on me, huh?"

"Yes, and I'm disappointed," walang emosyong saad nito sa akin.

"And I don't care," balik ko sa kanya.

Namataan ko ang pag-iling ni Asher sa akin at umayos nang pagkakaupo sa may sofa. "Nagawa mong mamuhay sa mundong ito nang payapa samantalang iniwan mong magulo ang totoong mundo mo. That's cruel, Zaila Amethyst."

"I'm not that cruel, Your Highness. It's just... there's nothing left for me in that world. Bakit pa ako mananatili kung wala na ang pamilya ko roon?"

"You're just a coward," anito na siyang ikina-arko ng isang kilay ko. "Cruel and coward. What a dull combination." Napailing itong muli habang nakatingin sa akin. "You wanted to know if your friends are alive, right? Theo and Raven... kasama silang dalawa nila Reagan at Amelia noong gabing iyon. Maging kayong dalawa ni Alyssa ang naroon sa gubat kung saan naganap ang laban. But to my surprise, tanging ang mga kapatid ko na lamang at ang dalawa mong kaibigan ang nakita namin. You and Alyssa were nowhere to be found. And we thought that the Coven captured you before even escaping."

Nanatili akong tahimik at matamang nakatingin lamang kay Asher. So, they rescued them! Nailigtas nila ang dalawang Asteria at ang mga kaibigan ko!

"My friends... nasa Utopia pa ba sila?" walang emosyong tanong ko sa Prinsipe.

"Mahalaga pa ba iyon?"

"Just answer me!" mariing wika ko at masamang tiningnan si Asher Asteria. "Just answer my goddamn question! Nasa Utopia pa ba sila?" Marahang umiling si Asher sa akin kaya naman ay natigilan ako. "But... you told me that you found them. Paanong... paanong wala na sila sa Utopia?"

"Yes, we rescued them, Zaila, pero bumalik silang dalawa sa Deepwoods Academy." Biglang nanlamig ang buong katawan ko sa narinig. "Alam nilang pinatakas ka ni Alyssa ngunit noong hindi ka nila nakita sa Royal Capital, nagpumilit silang bumalik sa Deepwoods at umasang naroon ka."

No. Hindi sila maaaring bumalik doon! No.

"And the rest, mukhang alam mo na kung anong nangyari," anito na siyang ikinagalit ko sa kausap. "The Coven attacked the academy. Wala kaming nagawa para tulungan ang mga hunter and huntress na naroon. My siblings were badly injured and the king... he ordered us to stay inside the Royal Capital. We need to protect our house, Zaila. And we were sorry that we let them just burned and destroyed your house."

Napahugot ako ng isang malalim na hininga at pilit na nilalabanan ang emosyon ngayon.

I was right. Hindi tinulungan ng royal family ang mga hunter and huntress ng Deepwoods. My family fought the Coven alone, without anyone's help.

"You royals didn't even bother helping them," mariing wika ko habang masamang nakatingin pa rin kay Asher Asteria. "Sa palagay mo ba tutulungan ko kayo pagkatapos nang ginawa niyo sa pamilya ko?" Hindi sumagot sa akin si Asher. Nanatili lang itong tahimik at sinasalubong ang galit ko sa kanya. "They destroyed them. They burned every hunter and huntress inside Deepwoods! We're not evil witches! Ni hindi nga mga fully witch ang naroon sa academy but hell, they still burned them!"

"We're sorry, Zaila-"

"I don't care about your sorry ass, Asher! Hindi ko kailangan ng kahit ano sa'yo o sa pamilya mo! The Coven? Nah, I already forgot about them! I care if they want to rule Utopia! Wala na akong pakialam sa mundong iyon!"

"You're just saying that because you're scared, Zaila." Natigilan ako sa narinig mula kay Asher. "You're scared of losing again. And now that you're here, living a peaceful life, you're scared that the Coven will ruin it again."

"Peaceful life? Oh, don't make me laugh, Asteria! Pagkatapos nang nangyari sa akin, sa pamilya ko, I will never have a peaceful life again. Kahit ilang dekada pa ang lumipas, hindi na maibabalik ang buhay na nawala sa akin. So, hell I care about your world! I will not help you saving Utopia."

"How about Reagan? Hindi mo ba ito tutulungan man lang?" biglang tanong nito na siyang ikinatigil kong muli. "He was hurt because of you, Zaila. You stabbed him with your own silver weapon, remember?"

Napailing ako at humugot ng isang malalim na hininga. "It was an accident." I coldly uttered those words to him. "My hand... was out of control."

"Still, my brother was hurt."

"He's still alive. Masuwerte pa rin ito kahit papaano," walang emosyong saad ko sa kanya.

"Oh, believe me, mas gusto niyang namatay na lamang siya sa laban nila ni Donovan kaysa naman maging walang silbi sa pamilya namin ngayon."

What?

Taka kong tiningnan si Asher at hindi umimik sa puwesto ko.

"My brother, the supposed to be the next king of Utopia, can't use all his magic now. And that's because of what happened to him that night." He stated. I froze again for the nth times. What the hell? "Your blood magic and your deadly silver weapon really took everything from him. It's like you absorb every drop of his magic and own it."

"I don't have his magic, Asher!" bulalas ko at napatayo na lamang sa kinauupuan ko. "I'm sorry pero hindi ko alam na ganoon ang magiging epekto nito sa kapatid mo."

"Of course, hindi mo ito naisip noon. You thought he was dead, right?"

Damn it!

Napapikit na lamang ako at napahugot ng isang malalim na hininga. Muli kong binalingan si Asher at masamang kinatitigan ito. "Okay, look. Cut to the chase and just tell me what you want, Asher. Ano ang pabor na nais mong gawin ko para sa kapatid mo?" seryosong tanong ko sa kanya.

"You're looking for the blood moon," anito na siyang mas lalong ikinasama nang tingin ko sa prinsipe. "Ganoon din ako."

"What?" takang tanong ko sa kanya.

"Alam kong alam mo na ang kung anong kayang gawin ng ancient weapon na iyon. You've been here for a hundred years, and you know how to use it. You've been obsessing about it and now, I know that you can feel its presence." Napalunok ako at hindi inalis ang paningin sa kanya. "Your power... it became more overwhelming than before, and your energy... it's attracting the blood moon itself."

Napaawang ang labi ko sa tinuran nito. "What do you mean by that, Asher?"

"I've been making different weapons since I learned how to create one, Zaila. Alam ko rin na ang isang sandata na katulad ng blood moon, sa isang makapangyarihan na nilalang lamang ito nagpapakita."

Napasinghap ako sa narinig mula sa kanya. "Kagaya noong nagpakita ito kay Merlin noon," wala sa sariling sambit ko.

Tumango ito sa akin. "Yes. That's right. But someone in this world is now more powerful than him. Paniguradong hindi na ito muling magpapakita kay Merlin."

"At sa tingin mo, sa akin ito magpapakita? I doubt that bluff of yours, Asher. Ilang dekada ko na itong hinahanap. Ni minsan ay hind ko man lang nasilayan ang ancient weapon na iyon!" mariing wika ko rito. "Imposible iyang sinasabi mo."

Natawa si Asher sa tinuran ko kaya naman ay sinamaan ko itong muli nang tingin. Namewang ako sa kinatatayuan ko at pinagtaasan ito ng isang kilay.

"Sino ba kasi ang nagsabing dapat mong halughugin ang buong Sanctuary para makita lang ang ancient weapon na iyon?" He asked me and laughed again. "Zaila, it's an ancient weapon created by our ancestors. Powerful witches. Sa tingin mo ba hindi nila nilagyan iyon ng spell bilang proteksiyon sa mga nilalang na hindi naman karapat-dapat na gumamit ng sandatang iyon?"

"But Merlin-"

"He is a witch. Kahit isang evil witch pa ito, still, kikilalanin pa rin ito ng blood moon bilang parte ng lahi natin. Kaya naman nagpakita ito noong nasa panganib na ang buhay niya. And Donovan, he took the opportunity and used that weapon to bring him back. And now, it's our turn to use its power, Zaila. With your help, kusang magpapakita sa atin ang blood moon."

"At kapag nangyari iyon, ano ang gagawin mo?" I curiously asked him. I have my own reason why until now, I kept on looking for the blood moon. At mukhang ganoon din itong si Asher. Ngayon, kailangan ko lang malaman ang rason niya kung bakit kailangan niya rin ang ancient weapon na iyon.

Tumayo si Asher sa kinauupuan niya habang hindi inaalis sa akin ang paningin. Humakbang ito at nagsimulang maglakad papalapit sa akin. "To save my brother," aniya na siyang ikinakunot ng noo ko. "I told you. This favor is for him, Zaila. Let's find the blood moon and save him."

I scoffed and slowly shook my head. "Kapag ginawa mo iyon, kailangan kong maghintay muli ng sampung taon para magamit ang kapangyarihan ng blood moon," seryosong saad ko sa kanya. "So, no. Hindi ko gagawin ang nais mo. I already wasted a hundred years of my life looking for that weapon, Asher. At ngayong may pagkakataon na ako makuha iyon, hindi ko iyon sasayangin para lamang sa kapatid mo."

"You owe my brother big time, Zaila Amethyst!"

"I don't owe him anything, Asher. Kusa siyang sumama sa akin noong araw na iyon. I never asked him to help me!"

"But you're the reason why he can't fight against our enemy!" bulalas nito at muling inihakbang ang mga paa hanggang sa nasa harapan ko na mismo ito. "Gagamitin ko ang blood moon para maibalik kay Reagan ang kapangyarihang nawala sa kanya. At kapag nangyari na iyon, hindi na namin kailangan pa ang tulong mo. Hindi ka na namin kukulitin pang bumalik sa Utopia at lumaban para sa amin. You can stay in this world for as long as you want, Zaila. But please, just this once, help my brother. He can defeat and destroy both Merlin and Donovan. Kahit hindi mo na kami tulungan sa laban namin, tulungan mo lang akong ibalik ang kung anong nawala sa kapatid ko."

Pabagsak akong nahiga sa kama ko.

Kanina ko pang pinipiga ang utak ko ngunit hindi ako makapagdesisyon kung ano ba talaga ang tamang gawin ko ngayon.

Isa lang naman ang rason kung bakit nais kong mahanap ang blood moon.

I will use its magic to defeat and destroy the Coven. Same goes with Asher. Ang pinagkaibahan lamang ng mga rason namin ay kay Reagan mismo gagamitin ang blood moon. Pero... paano kung hindi gumana kay Reagan ang kapangyarihan nito? He's still alive. Hindi kagaya sa naging kondisyon ni Merlin noon. He died and the blood moon resurrected him! Reagan's case is different and I'm afraid that will be wasting our chance to use the blood moon's magic if I agree with Asher!

I can't wait and stay here in Sanctuary for another ten years! I need to have the blood moon now or else, everything I did for the last hundred years will be wasted and gone for nothing.

"I'm sorry, Reagan. I felt really bad because I know that the reason why you can't use your magic was me." I sighed and closed my eyes. "You knew how selfish I am, and you knew what I can do. I wanted to help you but, I need to finish what I've already started. It's now or never for me too. I will find and use the blood moon to end my suffering... our suffering."

Please, forgive me.

Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at ikinalma ang sarili. Mayamaya lang ay nakaramdaman ako ng kirot sa puso ko. Napaawang na lamang ang mga labi ko at mabilis na napabalikwas nang bangon sa higaan.

Damn it!

"Plan B. I need to proceed with my Plan B!" bulalas ko at mabilis na umalis sa kama. Dali-dali akong nagbihis at inihanda ang mga gamit na dadalhin sa pag-alis.

Yes. I have a Plan B in mind, actually, hindi lang dalawa o tatlong plano ang ginawa ko para lamang sa pagbabalik ko sa Utopia. Hindi ako nanatili rito sa Sanctuary para hanapin lamang ang blood moon. Sa paglipas kasi ng panahon, alam kong hindi magtatagal ay mawawalan na naman ako ng kontrol sa sarili ko. I trained myself while planning and searching for the blood moon.

Asher was right. My power right now is overwhelming. Ramdam iyon ng lahat, maging si Kaiser ay binalaan ako sa mas lalong lumalakas na kapangyarihan ko. He warned me and gave me some protection from his fellow Vampire Emperors here in Sanctuary.

"The Asteria siblings really ruined my plans! Damn it!" Napailing na lamang ako at mabilis na lumabas sa apartment ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top