Untold Forty-seven: The Hundred Year Plan

Inis akong naupo sa upuang nakatalaga para sa akin at matamang tiningnan ang mga kasama ko sa silid. Humugot ako ng isang malalim na hininga at inilapag sa ibabaw ng mesa ang silver weapon ko.

"We need to move now," mariing wika ko na siyang ikinakunot ng noo ni Kaiser sa akin. "The Asteria siblings found me. Paniguradong hindi magtatagal, ang mga high-level evil witches na ang susunod na pupunta rito sa Sanctuary."

"We've been monitoring the portal between our worlds, Zaila. Relax. Tanging mga royal witches lamang ang pinahihintulutan naming pumasok dito sa Sanctuary," ani Kaiser at kinuha ang baso nitong nasa harapan niya. Maingat nitong ininom ang dugong laman nito habang nakatingin sa akin.

Napangiwi ako at napailing na lamang sa kanya. "Asher Asteria told me something about the blood moon. Mukhang makakatulong ito sa atin para tuluyang mapasakamay ko ang ancient weapon na iyon."

"The Asteria... really? Looks like mas advance ang research nito kaysa sa'yo at sa mga scholar ng Sanctuary," manghang wika niya at inilapag ang basong hawak. "Tell me. Anong sinabi ng royal witch na iyon?"

"I can summon it," wika na siyang ikinatigil nito. Napabaling naman ako sa mga witch na kasama namin ngayon sa silid. "It's just his theory, pero mukhang gagana iyon. Just like how it worked before on Merlin."

"How?" Debora asked me, one of the elder witches living here in Sanctuary.

"Me," sagot ko at napahugot ng isang malalim na hininga. "Blood moon is an ancient weapon created by our ancestors. It was created and filled with different magics and only magic, a powerful one, can summon it directly to us."

"So, you will use your own magic to summon the blood moon." Kaiser said while slightly nodding his head. Tumango na rin ako sa kanya. "Kapag ginawa mo iyan, tiyak kong maaalarma na naman ang ibang Vampire Emperors. You know that they don't want someone who's powerful than us."

"And that's the reason why you're part of this plan, Kaiser," mariing sambit ko sa kanya. "Come on. We've been planning this for years. Ngayong may pagkakataon na tayong makuha ang blood moon, hindi na dapat nating pakawalan ito."

"How about the deal we have? Magagawa pa rin ba natin iyon?" matamang tanong niya sa akin.

Marahan akong tumango. "A deal is a deal, Kaiser. You'll get whatever you want after I got the blood moon."

"Then, it's settled," anito at tumayo na sa kinauupuan niya. "Kakausapin ko ang ilang miyembro ng Executives ng bawat clan ng Sanctuary. We'll seal the portal until you summon the blood moon."

Napangisi ako habang nakatingin sa kanya at tumayo na rin sa kinauupuan. "Thank you, Kaiser."

"Don't thank me yet, Zaila Amethyst. We still got a lot of work to do," seryosong saad nito sa akin at nagsimula nang maglakad palabas ng silid. Mabilis namang sumunod sa kanya ang dalawang bampirang nasa tabi niya kanina at noong tuluyang nakalabas na ang mga ito, napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga.

Ipinilig ko ang ulo pakanan at natigilan na lamang noong marinig ang bases ni Debora. "Sa tingin mo ay mapapasa'yo na talaga ang blood moon?"

"I hope so, Debora." I sighed again. "Utopia is in a great disadvantage right now. Kaya nga dalawang Asteria na ang nagtungo rito sa Sanctuary para humingi nang tulong."

"It's been a hundred year, Zaila. Paniguradong mas lumakas pa ang Coven sa paglipas ng panahon."

"But not strong enough to summon the blood moon," turan ko na siyang ikinatango nito sa akin. "Come on. We need to prepare and gather all the witches we can. We'll do the summoning tonight," dagdag ko pa at nagsimula na ring maglakad palabas ng silid.

Blood moon.

Simula noong binanggit ito sa akin ng kapatid ko, hindi na ako tumigil kakahanap dito. A powerful weapon that can kill and revive someone's life. A powerful weapon that can seal and dispel any kind of magic created and casted by a witch like us. And now that I can finally summon it, I will definitely use it to defeat our enemy, our common enemy.

Yes. Common enemy. The Sanctuary and us, witches from Utopia. The Coven.

Sa loob ng isang daang taon, hindi ko na mabilang pa kung ilang miyembro ng Coven ang nagtungo rito sa Sanctuary para manggulo. And the Executives, along with the Vampire Emperors, wanted to get rid of them. All of them.

Kaya nga noong nalaman nilang former witch huntress ako, nakipagkasundo ang mga ito sa akin. They gave me shelter, money and weapons. At kapalit ng lahat ng iyon ay ang tugusin lahat ng miyembro ng Coven na nanggugulo sa buong Sanctuary.

But Kaiser, the first Vampire Emperor I've met in this world, has a different plan. And that plan, it's neither good nor evil. Kung pareho naman kaming makikinabang sa planong ito, then, I'll just go with the flow. After all, hindi naman ako habang-buhay mananatili sa mundong ito. Babalik at babalik pa rin ako sa Utopia. Iyon naman talaga ang plano ko sa simula pa lang.

"Sigurado ka na ba sa gagawin mo, Zaila?" Napabaling ako sa katabi ko noong magtanong nito sa akin. Tumango ako kay Vanessa at umayos nang pagkakatayo. "Paano kong matunugan ng mga evil witch ang planong ito? They will definitely attack this place."

"Kaya nga nandito kayo," wika ko at tiningnan ang mga kasamang witch na nagkalat ngayon sa malawak na bakuran ng mansyon ni Debora. "To protect this place while I'm doing my thing."

"Pero... mas malakas na sila ngayon, Zaila," kinakabahang sambit ni Vanessa akin.

Napailing ako sa kanya at hinawakan ang braso nito. "Mas malakas na rin naman kayo. You trained with me. You can fight against them now, Vanessa. You just need to trust your ability and your allies. Maraming elder witches sa lugar na ito. They can definitely go head-to-head against high-level evil witches."

Humugot ng isang malalim na hininga si Vanessa at tipid na tinanguhan ako. Marahan kong tinapik ang balikat nito at nagsimula nang maglakad patungo sa gitna ng bakuran.

I silently sighed as I looked at the witches around me. Ang ilan sa kanila ay aksidente ko lang na nakilala rito sa Sanctuary. I recruited and brought them here in Debora's mansion. Naging maayos naman ang naging samahan namin sa loob ng maraming taon kaya alam kong hindi nila ako bibiguin sa gagawin namin ngayon.

"We're ready, Zaila," ani Debora at tinanguhan ako.

Mariin kong ikinuyom ang kamao at muling tiningnan ang mga kasama ko ngayon. "Once I start using my magic and summon the blood moon, paniguradong matutunton ng Coven ang lugar na ito. They will attack this place no matter what." I sighed and looked at them intently. "Kaiser and the rest of his men are not here with us tonight. Nasa portal ang mga ito at sinisiguradong wala ng iba pang makakapasok na evil witch dito sa Sanctuary. It's up to us now. I need you to protect this place... and me while I'm summoning the blood moon. I can't move my body and fight with you while doing that. Kaya naman ay kayo na ang bahala sa akin."

"You can trust us, Zaila," sambit ng isa at sinundan naman ng iba pang witch na kasama namin ngayon.

"Just get the blood moon and finish what we've started."

"We've been waiting for this to happen. We've been waiting for someone to end all the evil witches... the Coven. Hindi ka namin bibiguin, Zaila. We'll protect you no matter what."

Tumango na lamang ako sa kanila at humugot muli ng isang malalim na hininga. Tinangnan kong muli si Debora at noong umalis na ito sa kinatatayuan niya at inawan na ako sa gitna ng malawak na bakuran nito, unti-unti kong itinaas ang kamay ko.

"You can create the barrier now," matamang sambit ko na sinunod naman agad nila Debora.

Hindi ko alam kung gaano katagal itong gagawin ko kaya naman ay umaasa akong kakayanin nila Debora ang panatilihin ang barrier sa buong lugar na ito hanggang sa tuluyan ko nang ma-summon ang blood moon!

I slowly closed my eyes and started chanting spells inside my head. I move my hands simultaneously and create a magic circle beneath my feet.

"Fire," mahinang sambit ko at unti-unting naramdaman ang mainit na enerhiya sa gawing unahan ko. "Wind... Water." I slowly uttered those words. "Earth," dagdag ko pa at napasinghap na lamang noong may malakas na enerhiyang bumalot sa buong katawan ko. "I summon you... weapon of the witches. Accept my offer... take my blood and give me your power!" mariing sambit ko at napaawang na lamang ang mga labi noong unti-unting nanghihina ang katawan ko.

Mayamaya lang ay napasigaw ako noong makaramdaman ng matinding sakit sa kanang braso ko. It feels like someone just stabbed me and it's making me weak!

"Blood moon... I summon thee...Take my blood and give me your power!" I screamed as another pain started to consume my whole body. Mas lumakas ang enerhiyang bumabalot ngayon sa buong paligid ko at tiyak kong pati ang mga witch na nasa bakuran ng mansyon ni Debora ay naapektuhan na nitong kapangyarihang ito! Damn it!

"Zaila!"

"The Coven is here! Ready your weapons!"

"The barrier! We must strengthen the barrier!"

"Protect the huntress!"

"Zaila! You need to summon the blood moon now!" rinig kong sigaw ni Vanessa.

I'm doing it now, Vanessa! Damn it!

"Blood moon! I summon you! Take my blood and give me-"

Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin noong biglang nawala ang ingay sa paligid ko. Maging ang enerhiyang bumabalot kanina sa buong katawan ko ang biglang nawala rin! What the hell?

Kusang kumunot ang noo ko at marahang ipinilig ang ulo pakanan. Mayamaya lang ay unti-unti akong umayos nang pagkakatayo at natigilan na lamang noong biglang may kung anong liwanag ang ngayon ay bumabalot sa buong paligid.

Slowly, I opened my eyes. Seconds passed; I froze where I'm standing. Taka kong tiningnan ang paligid at hinanap ang mga witch na kasama kanina.

They're gone. All gone! Maging sila Debora at Vanessa ay wala na!

What the hell happened? Nasaan ako? Cause hell, this place is not Debora's backyard!

"You summoned me." Mabilis akong natigilan at napabaling sa likuran ko noong may nagsalita. Gulat akong napatitig sa babaeng nakatayo 'di kalayuan sa puwesto ko at matamang nakatingin sa akin. "It's rare to see someone who can actually summon me."

"Who are you?" mahinang tanong ko sa babae habang tinitingnan ang kabuuan nito. It's a woman wearing an all-white dress. Mahaba ang buhok nito at may kung anong enerhiya akong nararamdaman mula sa kanya.

"Why are you asking me that? You're the one who summoned me."

"I did?" gulong tanong ko sa kanya. Segundo lang ay mabilis akong natigilan sa kinatatayuan. Kusang umawang ang mga labi ko noong mapagtanto kung ano ang ibig sabihin ng babaeng nasa harapan. "The blood moon..." I gasped while still looking at her. "You're the blood moon!"

Ngumiti ang babae sa akin. "I'm the energy... the source of the magic, inside the blood moon weapon." Napakurap ako sa narinig. What? "Now tell me, witch. What do you want from me?"

Hindi agad ako nakapagsalita at nanatiling nakatitig sa kanya. I don't know... it's just like I know this woman. Her face... pamilyar ito sa akin! Parang nakita ko na ito noon at hindi ko maalala kung saan o kailan ko ito nakita! Damn it!

"You want my power?"

"Yes," wala sa sariling sagot ko.

"Is someone you know is in danger or dead?" She carefully asked me.

"No," tipid na sagot ko. "I need your power to kill the one you revived before."

"The one I saved before," marahang sambit niya at nagsimula nang kumilos. Nanatili naman ako sa puwesto ko at matamang nakatitig pa rin sa mukha ng babae.

Come on, Zaila! Think! I need to remember where the hell I saw her face!

"The Coven... I need your power to defeat them," saad ko na siyang ikinakunot ng noo ko.

"But the blood moon is not a defensive weapon, witch. Hindi mo ito magagamit upang talunin ang kalaban mo."

Mariin kong ikinuyom ang mga kamay at humugot na lamang ng isang malalim na hininga. "But I can use it to kill Merlin!"

"Merlin? Are you talking about the witch hunter Merlin?" She curiously asked me. "Bakit kailangan mo siyang patayin?"

"First, that Merlin is not a hunter. He's an evil witch. Second, to avenge my family."

"Oh, I see. You want revenge," anito at huminto sa paglalakad noong nasa harapan na niya ako. "Sorry, but you can't use my magic for that purpose." Napaawang ang labi ko sa narinig mula sa kanya. What the hell is she talking about? "I was created to help the witches of Utopia. That's my sole purpose of existing. Hindi mo maaaring gamitin ang kapangyarihan ng blood moon para lamang ipaghiganti ang mga taong matagal nang patay at kinuha na sa'yo. I'm sorry but you can't have me."

"No!" mariing sambit ko sa kanya. "I need to have you! We need your power! The witches of Utopia needs you!"

"Reason, witch. I need your reason and I shall grant you my power," seryosong saad nito.

Damn it! Bakit kailangan pang may rason para lamang makuha ang kapangyarihan nito? Noong ginamit ba nila Donovan ang kapangyarihan nito noon kay Merlin, hiningan din ba niya ng rason ang mga evil witch na iyon? I bet she didn't!

Napailing na lamang ako at noong maalala ko ang sinabi nito kanina, napatanga na lamang ako sa harapan niya.

I was created to help the witches of Utopia. That's my sole purpose of existing.

The blood moon was created to help the witches of Utopia. At mukhang papayag lang ang babaeng ito kapag binigyan ko siya ng rason na pasok sa kung anong dapat na paggamitan ng kapangyarihan nito!

To help Utopia...

Damn it! It's Reagan Asteria! He should be my reason to have the blood moon's power!

"I will use your power to help and save the next king of Utopia. I will use it to dispel whatever magic inside Reagan Asteria's body," matamang wika ko na siyang ikinatigil ng babae sa harapan ko. "To help and save Utopia. That's the reason why I need your power."

I wanted to laugh right now.

Ano ba itong pinagsasabi ko ngayon sa babaeng ito? This is not part of the plan! Hindi ako nagplano sa loob ng isang daang taon para lamang sayangin ito at tulungan bumalik kay Reagan ang kapangyarihan nawala sa kanya!

But... what choice do I really have right now? Nasa harapan ko na ang blood moon. Abot-kamay ko na ito ngayon! I can't waste this opportunity and wait for the next fucking ten years again! Hindi na kakayanin ng mga kasama ko ang maghintay muli ng ganitong pagkakataon. We're running out of time too! We need this power now and finish what we've started!

"I'll take your blood and give you my power," mahinang sambit ng babae sa harapan ko. "The blood moon is yours now... Zaila Amethyst." Napaawang muli ang labi ko sa narinig mula sa kanya. Mayamaya lang ay nakaramdaman akong muli ng matinding sakit sa buong katawan ko. Damn it!

"What's... happening?" tanong ko at mariing napapikit noong mas lumakas ang sakit na nararamdaman. Napailing na lamang ako at noong marinig kong muli ang boses nila Vanessa sa palagid, agad kong iminulat muli ang mga mata.

Umayos na akong nang pagkakatayo at mabilis na ikinumpas ang kaliwang kamay.

Isang malakas na enerhiya ang pinakawalan ng katawan ko na siyang nagpawala sa akin ng balanse ko. Napapikit akong muli at ikinalma ang sarili.

"I'll take your blood and give you my power... The blood moon is yours now, Zaila Amethyst."

Muli kong iminulat ang mga mata at wala sa sariling napatingin sa mga kamay ko. My energy... it's overflowing! No way... don't tell me nasa loob ng katawan ko ang blood moon?

But... it's a weapon! Hindi dapat ito napunta sa loob ng katawan ko! We need a freaking weapon and not some magic that resides inside my body! Damn it!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top