Untold Forty-nine: The Royal Capital of Utopia
Tahimik lang ako sa kinauupuan ko habang pinaglalaruan sa kamay ang silver weapon.
Seryoso namang nag-uusap si Asher at ang Vampire Emperor na si Kaiser sa harapan ko. Tahimik din sila Debora at Vanessa na kasama naminn sa silid at hinihintay na lamang na matapos ang pagpupulong namin ngayon sa private room ng mansyon.
"Isa lang ang nais naming mga Vampire Emperor at Executives ng Sanctuary. At iyon ang kasunduang hindi na tatapak sa teritoryo namin ang kahit sinong miyembro ng Coven," ani Kaiser at palihim na tiningnan ako. Napaarko naman ang isang kilay at hindi kumibo sa kinauupuan. Come on, Kaiser. Alam mong alam ko na hindi lang iyon ang nais mo sa kasunduang ito.
We already have a deal. Kaming dalawa. Hindi na magbabago iyon kahit na isama pa niya itong si Asher Asteria sa kasunduan ngayon.
"Naging tahanan na rin ng mga witch ang Sanctuary, Kaiser. Naging mas panatag sila sa mundong ito kaysa sa Utopia kaya naman ay makakaasa ka na kapag matapos na namin ang kaguluhan sa mundo namin ay wala na ni isang evil witch ang kakapasok sa mundong ito," marahang wika ni Asher na siyang ikinairap ko.
Hindi pa rin ako umimik at nanatiling tahimik sa puwesto ko. Nagpatuloy ang dalawa sa pag-uusap at noong matapos na ang mga ito, halos sabay silang tumayo sa kinauupuan nila. Sabay na naglahad din ang mga ito ng mga kamay nila at marahan na nakipag-kamay. Napanguso ako at umayos na lamang nang pagkakaupo. At noong bumaling ang dalawa sa puwesto ko, muli umarko ang isang kilay ko habang nakatingin pa rin sa kanila.
"Pagsapit ng gabi mamaya ay babalik na tayo sa Utopia," imporma ni Asher sa amin.
Naramdaman ko ang pagkilos ni Debora sa puwesto niya at mayamaya lang ay nagsalita na ito. "Ilang witch ang isasama niyo sa pagbabalik sa Utopia."
"The more witch... the better," matamang sagot nito at tiningnan ako. "Tama ba ako, Zaila?"
Umiling ako sa kanya at humugot na lamang ng isang malalim na hininga. "And mga nais lamang na bumalik sa Utopia ang isasama ko," seryosong turan ko na siyang ikinatigil ni Asher Asteria. Nanatili ang titig nito sa akin at hinintay ang susunod na sasabihin ko. "I will not force them to join us, Your Highness. Some will definitely stay here and protect this place. Paniguradong may iilang miyembro pa ng Coven ang nasa Sanctuary ngayon. Hindi kakayanin nila Kaiser ang labanan ang mga iyon."
"But we need more witches, Zaila," mariing wika ni Asher sa akin.
"Marami ang mga witch sa Royal Capital, Your Highness. Mas marami ang bilang n'yo kumpara sa aming narito sa Sanctuary ngayon. Use your own witches and make them fight, too. Dahil hindi kami babalik sa Utopia para protektahan sila," seryosong saad ko sa prinsipe. "Babalik kami para talunin ang Coven at hindi para iligtas ang mga kagaya nilang takot at nagtatago sa matatayog na pader na nakapalibot sa buong Royal Capital."
Pagkatapos nang papupulong namin nila Asher at Kaiser sa private room ng mansyon ni Debora, nagtungo naman ako sa bulwagan kung saan naroon ang mga kasamahan naming mga witch.
Ramdam ko na ang tensiyon ng lahat. Kitang-kita ko rin ang takot at pangamba sa mga mukha nila kaya naman ay napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga. Umayos ako nang pagkakatayo at kinuha ang mga atensiyon nila.
"I won't force anyone of you to join me. Kagaya nang ginawa ko noon, noong unang nagtagpo ang mga landas natin sa mundong ito, wala akong pipilitin sa inyong sumama sa akin pabalik sa Utopia," maingat na sambit ko at tipid na nginitian ang mga ito. "You already have a life here at hindi ko iyon kukunin sa inyo."
"Zaila-"
"I've been fighting against them since I can remember. I lost my family because of them. I lost my friends... my home... everything. Wala silang tinira sa akin kaya naman puno nang paghihiganti ang puso ko. But you... walang kinuha ang Coven sa inyo. Maliban na lamang sa Utopia... our real world. Kaya naman ay maiintindihan ko kung hindi kayo sasama sa akin. You can stay here and protect this world. Alam kong napamahal na rin kayo rito sa Sanctuary. This is your second home. Kung mas mapapanatag kayong manatili rito, then stay." I smiled again. "And as for me, I will still proceed with our plan. To finally defeat Merlin and Donovan... And to finally exterminate the Coven."
Walang nagsalita ni isa sa kanila. Namataan ko ang pagyuko ng iilan kaya naman ay tipid akong napangiti muli.
They're scared. Alam ko iyon. Ngayong halos abot-kamay na namin ang paghihiganting matagal na naming pinagplanuhan, ramdam na ramdam ko ang tensiyon mula sa kanila. At kagaya nang sinabi ko kanina, wala akong pipilitin sa kanila. They have to decide for themselves. Hindi ko didiktahan ang kung anong dapat gawin nila. I'm just here to help and lead them and not to force them to do things that are against their will.
"Eksaktong alasais mamayang gabi... nasa gubat na kami kung saan naroon portal dito sa Sanctuary. Babalik kaming dalawa ni Asher Asteria sa Utopia para harapin at tuluyan nang wakasan ang kasamaan ng Coven. And those witches who want to fight with us, meet us there." Humugot akong muli ako ng isang malalim na hininga at yumukod sa harapan nila. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at muling umayos nang pagkakatayo. Isa-isang kong tiningnan ang mga witch na kasama ngayon at nagpaalam na sa kanila. Tahimik akong naglakad at lumabas na sa bulwagan.
May ilang oras pa naman bago kami tuluyang bumalik ni Asher sa Utopia. Kaya naman ay bumalik muna ako sa apartment ko at hinayaan ang sariling magpahinga. Hindi ko nagawang makatulog kagabi dahil sa pagdating ni Asher Asteria sa mansyon ni Debora. I need to get some rest and good sleep too. I still need to adjust my body with this blood moon power inside me. At kagaya nang tinuran sa akin no'ng babae, iyong babae na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala kung saan ko ba ito nakita noon, may limitasyon ang lahat. Lalo na ang katawan ko. I need to be careful. Nagsisimula pa lang ako sa lahat ng planong binuo ko sa loob ng mahabang panahon.
Dahil sa pagod sa mga nangyari ay talagang nakatulog ko. Ni hindi ko namalayan ang oras at noong naalimpungatan ako, mabilis akong napabangon sa kamang kinahihigaan. Wala sa sarili akong napatingin sa may orasan at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga noong makitang alas-singko na pala ng hapon. May isang oras pa ako para maghanda sa pababalik namin sa Utopia!
Maingat akong kumilos sa kama ko. Umalis na ako roon at nagtungo sa banyo ng silid. Dahan-dahan kong inalis ang suot na damit at pumuwesto na sa ilalim ng shower. Mabilis kong ipinikit ang mga mata noong tumama sa katawan ko ang malamig na tubig. Humugot ako ng isang malalim na hininga at inilapat ang kamay sa pader na nasa harapan ko.
"Babalik na ako sa Utopia," mahinang bulalas ko at iminulat ang mga mata. "And I'm hoping that I'm not too late to do this." Humugot akong muli ng isang malalim na hininga at mabilis na tinapos ang paglilinis ng katawan.
One hour. I only have one hour to prepare. Hindi na dapat ako nagsasayang ng minuto sa shower ngayon!
Noong matapos na ako sa pagligo ay mabilis akong nagtungo sa walk-in closet ko. Ibinuksan ko ang isang kabinet at dinampot ang mga nakatuping mga damit na naroon. I sighed and started to get dress. Isinuot ko na ang damit na inihanda ko talaga para sa araw na pagbabalik ko sa Utopia. It was an all-black outfit. Mula sa jeans hanggang sa jacket na suot ko. Maingat akong naglakad patungo sa salamin at matamang tiningnan ang repleksiyon ko roon.
Humugot ako ng isang malalim na hininga at nagsimula nang suklayin ang buhok. Mayamaya lang ay itinali ko na ito at muling naglakad patungo sa isa pang kabinet na nasa closet ko.
Weapons.
I need some deadly weapons that can be use against Coven. At may sandata akong tiyak kong gagana sa kanila.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis kong inihanda ang mga sandata ko. May ilang dagger akong kinuha at inilagay iyon sa maliit na bag na dadalhin ko sa pagbabalik sa Utopia. Pumili rin ako ng mga baril at noong matapos na ako, lumabas na ako sa walk-in closet ko. Tahimik kong inilapag sa ibabaw ng kama ang dalang bag at dinampot ang natatanging silver weapon na mayroon ako ngayon.
I sighed. "Paniguradong may mga silver weapon sa Royal Capital," mahinang turan ko at itinago na sa likuran ang silver weapon. "Knowing Asher Asteria, I'm pretty sure he created something for me to use for this war," dagdag ko pa at tahimik na pinagmasdan ang kabuuan ng apartment ko.
For years, ang lugar na ito ang naging tahanan ko. Saksi ang apat na sulok ng apartment na ito ang lahat nang pinagdaanan ko sa mundong ito. My frustration, my anger... my fears. Lahat ng iyon ay inilabas ko sa lugar na ito. At ngayong lilisanin ko na ito, hindi ko alam kung muling makakatapak ang mga paa ko rito. Kung magiging maayos ang lahat sa Utopia, paniguradong hindi na ako makakabalik dito. At kung mabigo man ako sa gagawin ko... titiyakin kong hindi lang ako ang babagsak. I'll bring them down with me.
Limang minuto bago ang alasais ay dumating na ako sa may portal. Bahagya pa akong natigilan sa paglalakad noong mapansin ang mga witch na naroon at kasama ngayon ni Asher Asteria. Kusang umawang ang mga labi ko habang unti-unting inihahakbang ang mga paa papalapit sa kanila.
"Vanessa," mahinang wika ko sa pangalan nito noong magtagpo ang paningin naming dalawa. "What the hell are you doing here?" tanong ko at binalingan ang iba pa nitong kasama ngayon. Sampu silang lahat ang narito ngayon sa may portal. At ang sampung ito, natitiyak kong kayang makipaglaban sa ibang miyembro ng Coven. I was with them when they trained before. They're actually good in combat fighting. Idagdag mo pa na matataas ang lebel ng mga kapangyarihan nila kumpara sa ibang mga kasamahan namin sa mansyon ni Debora!
"We're coming with you, Zaila. You're our leader, remember?" Vanessa said to me and smiled.
"Pero... paano ang mga kasama mo? Iyong club?" wala sa sariling tanong ko pa sa kaibigan.
Umiling ito at nagsimulang ihakbang ang mga paa papalapit sa kinatatayuan. "Don't worry about that. Ibinilin ko na ito kay Debora. She'll manage my business. I trust her not to ruin my reputation." Tumawa ito at marahang inabot ang kamay ko. "Sasama kami sa'yo, Zaila. Matagal na naming naramdaman na ganito ang mangyayari kaya naman noon pa lang ay napagdesisyunan na namin ang tungkol sa bagay na ito. We'll join you. Kahit saang mundo ka pa mapadpad, sasamahan ka namin, Zaila Amethyst."
Napangiti na lamang ako sa narinig mula kay Vanessa at binalingan ang iba pang witch na sasama sa amin sa pagbabalik sa Utopia. Tinanguhan ko ang mga ito at tiningnan ang kanina pang tahimik na si Asher Asteria.
Humugot ako ng isang malalim na hininga at hinarap nang maayos ang prinsipe. Mayamaya lang ay inihakbang kong muli ang mga paa at nagsimula nang maglakad papalapit sa kanya. At noong nasa harapan na niya ako, mataman kong tiningnan ito.
"What's your initial plan, Your Highness? Kapag dumaan tayo sa portal na iyan, malayo pa ang boundary mula sa Royal Capital. I need to know your plan. Malayong paglalakbay ang gagawin natin kasama ng mga witch na ito."
"Nasa boundary na ngayon si Alyssa," anito na siyang ikinatigil ko.
Alyssa... she's alive too!
"She'll use her magic and bring us all to the Royal Capital," dagdag pa nito sa akin at tinalikuran na ako. Humarap na ito sa may portal at hindi na nagsalita pa.
Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi ko at tumingin na rin sa may portal. Kung nandoon nga si Alyssa ay walang magiging problema sa pagbabalik namin. Makakarating kami agad sa Royal Capital ng walang makakalabang evil witch!
Mayamaya lang ay unti-unting lumiwanag na ang portal sa harapan namin na siyang mabilis na ikinaangat ng kanang kamay ko. Itinapat ko ito sa may mata at noong maramdaman ko ang parehong enerhiyang bumalot sa akin noong araw na nadumaan ako sa portal na ito, napakuyom na lamang ako ng mga kamao. Ibinaba ko na ang isang kamay at hinayaang hilain ng enerhiya ang katawan ko sa loob ng portal.
And after a few minutes, I'm back.
I'm back to my real world. Nasa Utopia na muli ako ngayon.
After a hundred-year of finding the ancient weapon, naitapak kong muli ang mga paa sa lupain ng Utopia.
"Welcome back, Zaila Amethyst."
Mabilis kong iminulat ang mga mata noong marinig ang pamilyar na tinig ni Alyssa. Bumaling ako sa gawing kanan ko at namataan ang nakangiting mukha nito. Mabilis na kumilos ito at nilapitan ako sa kinatatayuan ko. "Welcome back," muling wika nito at niyakap ako. "I'm really glad that your safe, Zaila. Thank you... for staying alive."
"Alyssa-"
"Ang buong akala ko'y hindi ka nakaligtas noong gabing iyon! I... was scared that night! Sinubukan kong balikan ang magkapatid at ang mga kaibigan mo ngunit napalibutan na ng Coven ang buong gubat! I tried to find you again in the woods, but I failed to locate your exact location!" sunod-sunod na wika nito na siyang ikinakurap ko nang paulit-ulit. Humigpit ang pagkakayakap ni Alyssa sa akin kaya naman ay natawa na ako. Marahan kong tinapik ang likuran nito at humugot na lamang ng isang malalim na hininga.
"I'm happy to see you again, Alyssa. And thank you... for saving me that night."
Humiwalay nang pagkakayakap sa akin si Alyssa at matamang tiningnan ako. Nginitian ko ito at tinanguhan na lamang. Muli akong humugot ng isang malalim na hininga at umayos na nang pagkakatayo. "Let's catch up later, Alyssa. Sa ngayon, kailangan na nating makarating sa Royal Capital. We need to prepare for the war." I carefully said to her. "And... I need to see Reagan. I have something for him."
"His Royal Highness?" mahinang tanong ni Alyssa sa akin at binalingan si Asher na kanina pa tahimik na nakamasid sa amin. "Pero-"
"Just bring us home, Alyssa. Doon na tayo mag-usap-usap. Hindi ligtas ang lugar na ito," mariing wika ni Asher na siyang ikinatango na lamang ni Alyssa.
Mayamaya lang ay humugot ito ng isang malalim na hininga at inangat ang isang kamay. Segundo lang ay may isang malaking magic circle ang lumabas sa may paanan namin. Kusang umawang ang labi ko at wala sa sariling napatingin kay Alyssa. Her magic... Naging mas malakas na ito ngayon! She can use it properly and even created a magic circle!
Napangiti na lamang ako habang nakatingin kay Alyssa at sa pagkurap ng mga mata, mabilis na nagbago ang itsura ng paligid. Ngayon ay wala na kami sa boundary ng Utopia at Sanctuary. Wala na ang mga puno sa paligid. Tanging mga naglalakihang mga bahay at gusali ang bumungad sa mga mata ko!
The Royal Capital of Utopia. I'm here again... I'm freaking back to this place again!
Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at noong bumaling ako sa gawing kanan ko, natulos na lamang ako sa kinatatayuan noong makita ang royal palace ng Utopia. The house of royals. The house of the Asterias.
"Let's go. They're waiting for us," rinig kong sambit ni Asher Asteria at nagsimula nang maglakad patungo sa main gate ng palasyo. Tahimik na sumunod naman si Alyssa sa prinsipe samantalang nanatili kami nila Vanessa sa mga kinatatayuan namin.
"Damn it," rinig kong sambit ni Vanessa kaya naman ay napatingin ako sa kanya. "Ni minsan ay hindi ko inisip na makakarating ako sa lugar na ito, Zaila. It's the freaking Royal Capital... and the royal palace!"
Napailing na lamang ako sa tinuran nito at tiningnan na rin ang iba pa naming kasama. Lahat sila ay tila manghang-mangha sa itsura ng Royal Capital ng Utopia. Napangiti na lamang ako at nagsimula na ring ihakbang ang mga paa.
"Come on, guys. Let's see kung ano na ang mayroon ngayon sa lugar na ito," matamang sambit ko at nagsimula na rin sa paghakbang ng mga paa papasok sa palasyo ng Utopia.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top