Untold Forty-four: The One Who Eliminates Evil

Maingat kong inihinto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking trangkahan. Tahimik kong pinagmasdan ang paligid at noong unti-unting bumukas ang gate na nasa harapan ko, napa-arko ang isang kilay.

They're definitely waiting for me.

Nagkibit-balikat na lamang ako at muling pinaandar ang sasakyan. I smoothly maneuvered my car's steering wheel and when I saw few witches standing in front of the big mansion, I silently sighed. Maingat kong ipinarada ang sasakyan sa tatlong witch na nakatayo sa tapat ng mansyon at noong pinatay ko na ang makina ng sasakyan ko, walang ingay akong lumabas dito.

Inihakbang ko ang mga paa at hinarap sila nang maayos. "You own this place?" kaswal na tanong ko at simpleng tiningnan ang malaking mansyon sa harapan. So elegant. Mukhang mataas sa inaasahan ko ang mga estado nila dito sa Sanctuary. "Nice," komento ko pa at muling binalingan ang tatlo. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam kong alam ninyo ang pakay ko sa inyo." I calmly said.

"Pumasok ka muna, huntress," wika ng isang babae habang matamang nakatingin sa akin.

Napangisi ako sa kanya at ipinasok sa magkabilang bulsa ang mga kama. "Please, don't call me that. I'm not a huntress. I don't hunt evil witches anymore. I'm... just a witch looking an ancient weapon."

"If you want to have that weapon, then, come with us and let's talk properly," saad ng lalaking witch na nakatayo sa gitna ng dalawang kasama nito.

Is he the leader? Sa itsura at tindig pa lang nito ay mukhang mas nakatataas ang lebel nito kumpara sa dalawa.

Nagkibit-balikat na lamang ako sa kanya at inihakbang ng isang beses ang paa. "Fine. I'll talk to you. Pero kapag wala akong mapala sa pag-uusap na nais niyo, I'll leave this place. And who knows what I'll do before doing that." I smirked at him.

Hindi agad nakapagsalita ang lalaki sa harapan ko. Ilang segundo muna ang lumipas bago ito tumango sa akin at walang imik na tinalikuran ako. Napa-arko ang isang kilay ko at hindi inalis ang paningin sa kanya. So, I guess... I need to follow him.

"Let's go, huntress," wika naman isa at tinalikuran na rin ako. Tahimik na sumunod ang isa pa sa kanila at naiwan akong nakatayo sa harapan ng mansyon nila.

Hindi muna ako kumibo sa kinatatayuan ko. Tahimik kong pinakiramdaman ang paligid. I activated all my senses and tried to locate all the witches that are inside and outside the mansion. Napanguso na lamang ako noong makumpirmang may halos benteng witches na narito ngayon. Pito lang ang nasa loob, kasama na ang tatlong sumalubong sa akin, at ang iba naman ay nasa labas ng mansyon, nagmamasid at nakabantay.

Napailing na lamang ako at nagsimula nang kumilos.

They're not evil witches. I don't sense any black magic in this place. They're just... witches.

Maingat akong kumilos at tinahak ang daang tinungo ng tatlo. Pagkapasok ko sa mansyon ay agad na bumungad sa akin ang isang malawak na sala. Tahimik kong pinagmasdan ang kabuuan ng sala at noong maramdaman ko 'di kalayuan sa sala ang presensiya ng tatlo, nagpatuloy ako sa paglalakad.

Sa isang mahabang pasilyo ako dinala ng mga paa. Napa-irap na lamang ako at sinundan ang presensiya ng tatlo. At noong nasa tamang lugar na ako, agad akong natigilan sa pagkilos at matamang tiningnan ang mga witch na nasa malaking bulwagan sa loob ng mansyon.

What the hell is this place?

"Welcome, Zaila Amethyst. We've been waiting for." It was an old woman. An old witch. Prente itong nakaupo sa gitna at nasa tabi niya ang iba pang witch na naramdaman ko kanina, kasama na iyong tatlong sumalubong sa akin sa labas ng mansyon. "I'm glad you accept our invitation."

"You used the blood moon, of course, tatanggapin ko iyon," wala emosyong wika ko at muling inihakbang ang mga paa. Palihim kong tiningnan ang kabuuan ng bulwagan. Maliban sa pitong witch na kasama ko ngayon, may ibang presensiya pa akong nararamdaman sa paligid. Mayamaya lang ay napakunot ang noo ko at muling tiningnan ang mga witch na tahimik na nakamasid din pala sa akin. "You casted a powerful defensive spell here," kaswal na wika ko at napanguso na lamang. "Tell me, ilang taon mo nang ginagawa ito?"

"Hindi mo na kailangang malaman pa iyon, Zaila," saad ng matandang witch sa akin.

Napailing ako sa narinig mula sa kanya. "You looked old and vulnerable. Sooner, your body will collapse. You better stop casting that spell. It will kill you."

"Alam ko kung ano ang ginagawa ko," mariing wika nito sa akin na siyang ikinatango ko na lamang.

Nagkibit-balikat ako at umayos nang pagkakatayo. "Fine. Whatever." I sighed and looked at her intently. "Now, let's start talking about important things here. First, paano niyo ako nakilala?" matamang tanong ko at pasimpleng tiningnan ang mga kasama nito. Hindi sila kumikibo sa mga puwesto nila. They're just standing there and looking at me like a hawk.

"Mahalaga pa ba iyon?" The old witch asked. Natawa ako sa narinig mula sa kanya. Mayamaya lang ay kinuha nito ang atensiyon no'ng lalaking inaakala kong lider ng mga witch na narito. Namataan kong tumango ito sa matandang witch at muling bumaling sa akin.

Hindi ako kumibo sa kinatatayuan ko at matamang tiningnan ang lalaki. Mayamaya lang ay kumilos na ito at nagsimulang maglakad papalapit sa akin. Tahimik ko siyang pinagmasdan at noong may namataan akong piraso ng papel sa kamay nito, napakunot ang noo ko. Segundo lang din ang nasa harapan ko na ang lalaking witch at inilahad sa akin ang papel na hawak niya.

"And what the hell is this?" takang tanong ko sa lalaki. Hindi ito sumagot sa akin at muling bumalik sa puwesto niya kanina. Napailing na lamang ako at mabilis na binuklat ang nakatuping papel.

Agad akong natigilan noong makita kung ano ang nasa papel. Wala sa sarili akong napatingin sa mga witch na nasa unahan ko at seryosong tinitigan sila. "It's map," mahinang wika ko. "Parehong mapa na ibinigay ng kapatid ko sa akin."

"Yuri Amethyst. That's your brother's name, right?" tanong ng matandang witch. "Siya rin ang nagturo sa akin sa defensive spell na ginagamit ko ngayon." Napaawang ang labi ko sa narinig. Right! Naramdaman ko na iyon kanina ngunit pinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Naisip ko lang na kapareho ito ng spell, iyong force field, na bumabalot sa village nila Luna at Morgana sa Utopia! "We've met him before, Zaila. Kami rin ang nagbigay sa kanya ng mapang ginamit niya para makabalik noon sa Utopia. We were hoping na babalik pa siya rito sa Sanctuary, but it turns out, iyong kapatid pala niya ang gagamit ng mapa at mapapadpad sa mundong ito."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at hindi inalis ang matamang titig sa kanina. "Siya rin ba ang nagsabi ng pangalan ko sa inyo?"

Umiling ang matandang witch sa akin. "No. He didn't mention having a sister. We just did our own investigation and accidentally find out about your name."

I scoffed and looked at them with disbelief. "Sa tingin mo ba maniniwala ako sa mga pinagsasabi mo? You accidentally found out my name? Really? Walang nakakakilala sa akin sa mundong ito. I don't even used my real name here." I chuckled and composed myself. "Now stop playing me with your words, old witch. Tell me... sino ang nagbigay ng impormasyon ko sa inyo?"

"It was me." Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras noong makarinig ako ng tinig sa likuran ko. Agad kong kinuha ang baril na nasa likuran ko at itinutok iyon sa bagong dating. Naramdaman ko namang naging alerto ang lahat na kasama ko ngayon sa bulwagan. Nanatili naman sa kinatatayuan nito ang bagong dating at nagawa pang ngumisi habang nakatingin sa akin. "I'm glad that you're still alive."

"Who the hell are you?" mariing tanong ko at hinawakan nang mabuti ang baril na nakatutok sa kanya.

He's not a witch. Sigurado ako roon.

"You don't remember me?" He curiously asked me. "Come on. Ako ang unang nakakita sa'yo sa mundong ito."

Napakunot ang noo ko sa narinig sa kanya.

Say what?

"Oh, I'm sorry. My bad. Wala ka pa lang nakita noong gabing iyon. Matagal na bumalik ang paningin mo kaya naman ay inakala kong isang normal at mahinang witch ka lang," sambit muli nito na siyang ikinataas ng kilay ko.

Right. I remembered him now! He was the man who talked to me before, iyong lalaki sa portal. It was him! "Pinasundan mo ako noong gabing iyon?" mariing tanong ko sa kanya.

Tumawa naman ang lalaki at mabilis na umiling sa akin. "I'm one of the Vampire Emperors of Sanctuary. Bakit naman ako mag-aaksaya sa isang kagaya mo?" tanong nito na siyang ikinatawa ko rin sa harapan niya.

"That's funny. You already knew my name. Hindi pa ba pag-aaksaya ang tawag mo dito?" Ipinilig ko ang ulo at maingat na ibinaba ang kamay na may hawak na baril. He's a Vampire Emperor. Walang magiging epekto sa kanya ang bala ng baril na dala ko. "So, you witches are working with another creature now, huh?" tanong ko at binalingang muli ang mga witch sa bulwagan. "That's sad. Mahihina na ba ang mga kapangyarihan ninyo?"

"Zaila-"

"If you want my help... I'm sorry, but I don't work for anyone," matamang saad ko. "Hindi ko kayo matutulungan."

"You need the blood moon, right?" rinig kong tanong no'ng Vampire Emperor kaya naman ay napatingin akong muli sa kanya. "Kaya ka pumunta sa mundong ito ay dahil doon, tama ba?" Hindi ako nagsalita at matamang tiningnan lamang ito sa puwesto. "Blood moon is a useless weapon to us. Walang epekto ito sa kagaya ko ngunit... iba ang epekto nito sa inyong mga witch. It's one of the most powerful weapons ever created in your world."

"And your point is?" I asked him.

Humakbang ng isang beses ang Vampire Emperor palapit sa akin. "If you help us, we'll help you search that ancient weapon."

Natawa ako sa narinig. Napailing ako at walang emosyong tumitig dito. "Kung wala sa inyo ang blood moon, wala kayong mapapala sa akin." Napailing muli ako at binalingan ang mga witch na kasama sa bulwagan. "I'll search that weapon on my own. Hindi ko kailangan nang tulong ninyo. So, please, leave me alone."

"Zaila Amethyst, hindi lamang tungkol sa blood moon ang pakay namin sa'yo," mariing wika no'ng lalaking witch na siyang ikinaarko ng isang kilay. "It's the Coven... the evil witches of Utopia." Naitigilan ako na sa narinig. "They're here. Nasa Sanctuary na ang mga ito."

"Hindi namin alam ang dahilan kung bakit nandito ang ilang miyembro nila-"

"Then asked them," putol ko sa sinasabi ng matandang witch. "Tanungin niyo sila para matigil na rin ang pangamba ninyo."

"We can't... They're the Coven, Zaila Amethyst," mariing sambit ng isa sa kanila.

Napairap ako. "So, what? They're just the members. As if naman pupunta sa mundong ito si Merlin o si Donovan," walang ganang wika ko na siyang ikinatigil nila. Gulat silang napatitig sa akin kaya naman ay napangiwi ako. Damn! Bakit ko ba binanggit ang mga pangalang iyon?

"You know them?" mahinang tanong ng matanda witch sa akin. "Kilala mo si Merlin at ang lider ng Coven?"

Hindi ako nagsalita at nagkibit-balikat na lamang sa kanya. Mayamaya lang ay humugot ako ng isang malalim na hininga at umayos na lamang nang pagkakatayo. "I came here for a sole purpose, and that's to find the blood moon. Iyon lang. Wala sa plano ko ang makipag-deal sa kahit sinong nilalang dito sa Sanctuary, lalong-lalo na sa mga witch na naninirahan dito at sa isang Vampire Emperor," saad ko at binalingan ang kanina pang tahimik na bampira sa likuran ko. "You're one of the emperors of Sanctuary. You rule and protect this place. You do your job and leave me out if this nonsense. Ikaw na rin ang nagsabi nito sa akin noon. Wala kang mapapala sa akin."

Hindi na ako nagpaalam sa mga kasama ko sa bulwagan. Mabilis kong inihakbang ang mga paa at tinahak na ang mahabang pasilyong dinaanan kanina.

Akmang hahawakan ko na sana ang doorknob ng malaking pinto sa harapan ko noong mabilis akong natigilan sa pagkilos. Ipinilig ko ang ulo pakanan at mariing ipinikit ang mga mata. Inalerto ko ang sarili at pinakiramdaman ang paligid sa labas ng mansyon.

"Great," mahinang saad ko at iminulat ang mga mata. "Someone's trying to break the defensive barrier," dagdag ko pa at mabilis na bumaling sa likuran noong maramdaman ko ang presensiya ng Vampire Emperor. "Can a vampire dispel a witch's spell?" tanong ko sa lalaki kahit na alam ko namang walang kakayahan ang kagaya nila na i-dispel ang isang spell na gawa ng kahit sinong witch.

Masama akong tiningnan ng Vampire Emperor kaya naman ay wala sa sarili akong natawa. Mas dumoble ang sama nang tingin nito sa akin kaya naman ay mabilis akong tumigil sa ginagawa at umayos na lamang nang pagkakatayo. "Fine. I'll go and check them. It's been twenty years since the last time I fought against these evil witches. My hands are itching to stab someone's heart right now," mahinang sambit ko at inilabas ang silver weapon na nakatago sa likuran ko.

"Silver weapon," rinig kong sambit ng Vampire Emperor noong makita ang sandata ko. "You're a witch huntress."

"Surprise," nakangiting saad ko at mabilis na binuksan ang pinto sa harapan.

Agad kong inihakbang ang mga paa at matamang tiningnan ang mga witch na nakapuwesto na at mukhang handa nang makipaglaban. Itiningala ko ang ulo at tahimik na pinagmasdan ang defensive barrier na promoprotekta sa buong lugar na ito.

Wala sa sarili akong napatingin sa mansyon na pinanggalingan kanina.

Kung tuluyang masisira ng mga kalaban ang barrier na ito, tiyak kong hindi kakayanin ng matandang witch na iyon ang impact nito. It's her power, her life force. Once they finally dispel it, paniguradong ikapapahamak iyon ng matanda.

Napabuntonghininga na lamang ako at mabilis na itinaas ang kaliwang kamay. Ikinumpas ko iyon ng isang beses at naglabas ng kakaibang enerhiya. Halos sabay-sabay namang bumaling sa akin ang mga witch na nakapuwesto 'di kalayuan sa akin at noong makarinig kami ng isang malakas na pagsabog, muli nilang itinuon ang atensiyon sa unahan.

Muli kong ikinumpas ang kamay at sa pagkakataong ito, pinalutang ko na ang sarili. Mabilis akong lumipad paitaas at noong nasa tamang posisyon na ako, mataman kong tiningnan ang madilim na gubat na nakapalibot sa buong mansyon. "I'll dispel this barrier and absorb your life force. Ito lang ang tanging paraan para mabuhay ka pa nang matagal at maprotektahan ang mga witch dito sa Sanctuary," mahinang turan ko at tumingin sa ibaba. I saw the old witch and her underlings watching me. Sa tabi nito ay ang seryoso pa ring Vampire Emperor na nakatingala na rin at tinitingnan ako. "Once I dispel the barrier, you can start whatever you want to do to protect yourselves. I'll take care the members of the Coven. They're mine. All mine," dagdag ko pa at mabilis na pinawalang-bisa ang barrier na matagal nang promoprotekta sa lugar na ito. At kagaya nga nang plano ko, I absorb the life force used to create the barrier and when I was finally done, I immediately move my body and start attacking the members of Coven.

For the past twenty years, I stayed silent. I stay out from all the troubles, but now... I don't think if I can do it again after tonight.

I'm exposed. Kung hindi ko uubusin ang mga miyembro ng Coven na nandito ngayon sa Sanctuary, tiyak kong makakarating ang balitang ito kay Merlin at kay Donovan.

I need to kill them all.

Wala dapat akong itira sa kanila.

To protect my peace in this world, I need to eliminate all the evil witches that I'll encounter here in Sanctuary... all of them.

It's not the right time for us to meet again, Merlin.

Hindi pa ito ang tamang panahon para bumalik sa Utopia at maningil sa lahat ng kasalanan nila sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top