Untold Forty-five: The Royal's Favor
Akala ko noon kapag makapangyarihan ka, magagawa mo na ang lahat nang gusto mo.
Ibang-iba kasi ang inaasahan kong mangyayari sa akin kapag magkaroon ako ng kapangyarihang matagal ko nang nais makuha. I thought I'll become one the Senior Squad Captains, well of course, kapag nagawa ko na nang matiwasay lahat ng misyong ibinigay sa amin. Akala ko noon magiging kagaya rin ako ni Elveena. I'll become an inspiration to everyone, hindi lang sa squad members ko, pati na rin sa ibang hunters and huntresses na naninirahan sa Deepwoods.
I always wanted to be powerful. I always wanted to use magic... to learn magic spell and use it to our missions. And if you have that kind of ability, to have magic and power, you can lead. You can fight against evil witches, be someone who can protect those who can't fight evil.
But no... Hindi nangyari iyon.
Kabaliktaran nito ang nangyari sa akin.
Yes, I gained power. Mas malakas pa sa inaasahan ko. But in return, I lost everything. I lost Deepwoods. I lost my friends. I lost my mentor... I lost my family.
Mukhang maling hiniling ko noon na maging isa sa makapangyarihang huntress ng academy. And if I can just turn back time, I would never ask for it. Like... never. Mas gugustuhin ko pang maging isang normal na huntress kaysa naman mawala sa akin ang lahat na mayroon ako. But I guess... it's too late for me to hope and wish for that.
Ilang dekada na ang lumipas simula noong atakehin at sunugin ng Coven ang buong Deepwoods Academy. Dekada na rin ang lumipas simula noong mapadpad ako rito sa Sanctuary. And I can't believe that I really stayed in this world for decades! I can't believe that I survived in this world, without a family or friends. I stay off the grid, always, just like what my brother told me before. At kahit na gustuhin ko mang maging normal na witch habang hinahanap ang ancient weapon na iyon sa mundong ito, trouble always come and find me.
They always do.
Tamad akong bumangon sa kinahihigaan at inayos ang magulong buhok. Mayamaya lang ay napangiwi ako noong marinig muli ang ingay ng doorbell ng apartment ko. Ipinilig ko ang ulo pakanan at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. Kumilos na ako at umalis na sa kama.
Maingat akong kumilos at iritang tiningnan ang pinto 'di kalayuan sa puwesto ko noong hindi pa rin tumitigil ang kung sino mang nilalang na nasa labas ng apartment ko. "Sandali!" iritableng sigaw ko at hinawakan na ang doorknob ng pinto.
Binuksan ko na ito at sisigawan ko na sana iyong kanina pa halos sirain ang doorbell ng apartment ko noong natagilan ako sa kinatatayuan at matamang pinagmasdan ang walang taong pasilyo. Umayos ako nang pagkakatayo at inihakbang ang mga paa. Lumabas ako sa apartment ko at tahimik na pinagmasdang muli ang tahimik na pasilyo. Mayamamaya lang ay napa-arko ang isang kilay ko noong makaramdam ako ng mahinang presensiya. Mukhang palayo na ito sa kinaroroonan ko ngayon.
What? Umalis na agad ito bago ko pa man mabuksan ang pinto?
Napailing na lamang ako at akmang babalik na sana ako sa loob ng apartment noong may nakita akong maliit na kahon sa gilid ng pintuan ko. Napakunot ang noo ko at maingat na dinampot iyon. Mataman kong tiningnan ang kahon at inilog pa ito. Nagkibit-balikat na lamang ako at pumasok ng muli sa loob ng apartment ko.
Dala-dala ang maliit na kahon, nagtungo ako sa kusina at inilapag muna iyon sa may mesa. Kumuha ako ng tubig at nagsalin sa baso. Tahimik akong uminom ng tubig habang nasa kahon ang paningin. At noong matapos na ako, muli kong inihakbang ang mga paa at lumapit sa mesa kung saan ko nilipag ang nakitang kahon sa labas kanina. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at dahan-dahang naupo sa bakanteng upuan sa harapan.
"Okay. Let's see kung ano itong iniwan niya sa labas kanina," mahinang turan ko sa sarili at dinampot muli ang kahon. Muli ko itong inalog at noong mapansing walang ingay akong narinig mula rito ay napakunot muli ang noo ko. Ipinilig ko na lamang ang ulo pakanan at tahimik na binuksan ang kahon.
Ang buong akala ko'y walang laman itong kahong iniwan sa akin. It was so light that I thought someone just randomly leave their stuff in front of my door. But I guess you can't tell something what's inside a box unless you open it.
"Zaila Amethyst," mahinang basa ko sa pangalang nakasulat sa isang papel. "What the hell is this? An invitation for me?" takang tanong ko sa piraso ng papel na nasa loob ng kahon. Kinuha ko iyon at noong lumapat ang kamay ko rito ay bigla akong natigilan. Kusang umawang ang mga labi ko at napapikit na lamang noong may nakita akong mga imahe sa isipan.
It's Utopia! It's freaking Utopia... the Royal Capital and its people!
"We can't wait any longer now. We need her help!"
"She doesn't want to deal anything about Utopia!"
"But she's a huntress!"
"No... she was not a huntress. Hindi na isang huntress ang babaeng iyon."
"The Royal Capital will fall, Your Highness. Kapag bumalik sila Merlin at Donovan, katapusan na rin ng buong Utopia!"
"We need the huntress. We need her!"
Mabilis akong napasinghap at ibinalik sa kahon ang pirasong papel. Galit ko itong tiningnan at mahinang hinampas ang mesang nasa harapan.
I know this magic! I saw it before... before our mission! It was Phoebe Asteria's magic!
What the hell? Hindi pa ba sapat na tinanggihan ko ang request sa akin ng kapatid niya noong nagkita kami? Damn it!
Napailing na lamang ako at biglang naalala ang naging pag-uusap namin ni Kristopher Asteria sa club ni Vanessa noong nakaraang araw. Hanggang ngayon ay hindi ko ito mawala sa isipan ko. Maging si Vanessa ay hindi mapakali noong tinanggihan ko ang pabor no'ng royal witch na iyon!
"We can give you all the silver weapons you want, Zaila! Just tell me, ipapadala ko iyon lahat dito sa Sanctuary!"
Napataas ang isang kilay ko noong magsalitang muli si Kristopher Asteria sa harapan ko. Umayos ako nang pagkakaupo at hiniyaan itong maglabas ng mga hinaing niya sa buhay.
"Witches can't use silver weapons. Kahit na isang royal pa na kagaya ko. Ang isang katulad mo lamang ang may kakayahang gamitin ang mga ito, Zaila!" Hindi ako umimik at pinagmasdan lamang itong nakatayo sa harapan ko. "Please, Utopia needs you. Hindi namin kakayanin ang laban na ito ng mag-isa. We need your help, Zaila Amethyst."
I sighed and intently looked at him. "Bakit ako?" I coldly asked him. Hindi ko na kayang pakinggan pa ang pag-dra-drama ng royal witch na ito sa harapan ko! It's been what? A hundred years since the last time I saw someone like him! Someone from the royal family of Utopia! At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makayanan ang presensiya nito! They're intimidating, yes, but I'm not the same Zaila he knew before. Hindi ako mapapasunod basta-basta na lamang ng royal witch na ito!
Napailing na lamang ako at nanatili ang matamang titig sa kanya. "Bakit sa akin ka nanghihingi ng tulong ngayon? Siguro naman ay hindi lang ako ang hunter at huntress sa panahong ito, Your Highness."
"Ikaw lamang ang witch huntress na nakita namin sa loob ng maraming dekada, Zaila. Ikaw lamang ang natatanging huntress ang may kakayahang lumaban sa Coven ngayon!" mariing wika nito sa akin.
Muli akong natahimik at umayos nang pagkakaupo. Pinaglaruan ko ang silver weapon na hawak-hawak at humugot ng isang malalim na hininga. "The Coven." I chuckled. "So, buhay pa pala ang mga evil witch na iyon."
"Yes, Zaila, at mas malakas na sila ngayon."
Napairap ako at muling pinaglaruan ang dagger ko. "Kung mas malakas na sila ngayon, hindi ba dapat ay nanatili kayo sa Utopia at hindi na nag-aksaya pa ng oras para magtungo rito sa Sanctuary?"
Namataan ko ang paghugot ng isang malalim na hininga ni Kristopher habang nakatingin pa rin sa akin. I can feel his frustration. Ramdam na ramdam ko iyon kahit sa mga titig pa lang niya sa akin. But I don't care about him or his feeling right now. I don't care about Utopia, especially about the Coven! And besides, this is not the right time to face them! Kahit sakupin pa nila ang buong Utopia ngayon, wala akong pakialam.
"Kung talagang nais n'yong matalo ang Coven, you need more hunters and huntresses. A single huntress can't hunt and fight against them, Your Highness," walang emosyong sambit ko sa prinsipe. Fine. I just say those words to stop this conversation. Naiirita na rin ako sa kanya!
Bakit nga ulit ito narito ngayon sa Sanctuary at wala sa palasyo nila?
"So, you will help us?" maingat na tanong ni Kristopher sa akin na siyang mahinang ikinatawa ko sa harapan niya. "You will help Utopia?" Puno nang pag-asa ang tinig nito.
Napailing ako at isinandal nang maayos ang likod sa backrest ng upuan. Binalingan ko ang kanina pang tahimik na si Vanessa at pinagtaasan ng isang kilay. Pinandilatan niya ako ng mga mata niya at tumikhim na lamang. Napailing akong muli at seryosong binalingan ang prinsipe. "Okay, fine. I'll humor you, Kristopher Asteria. You want my help, fine, I'll give it to you. But I need something before doing that," matamang wika ko na siyang ikinaayos nang tayo ng prinsipe. "I want the blood moon," seryosong saad ko na siyang ikinatigil nito sa puwesto niya. "I need it, Your Highness. So, you better give me what I want first before I decide to join and help you save your kingdom."
Namataan ko ang pagtataka sa mukha ng prinsipe. "The blood moon... saan mo nakuha ang impormasiyon tungkol sa ancient weapon na iyan?" tanong ni Kristopher na siyang ikinairap ko sa kanya.
"Mahalaga pa ba iyon?" tanong ko at pinagtaasan ito ng isang kilay. "I need to have it. No matter what happen, no matter what the prize is. Wala akong pakialam kung paano o saan mo ito mahahanap. But that's the only thing that can change my mind, Your Highness. Find and give me the blood moon. At kapag makuha ko na ang nais ko, ako na mismo ang babalik sa Utopia para tapusin ang gulong sinimulan nila Merlin at Donovan," matamang sambit ko at tumayo na mula sa pagkakaupo. "Blood moon, Kristopher Asteria. It's blood moon or nothing."
"But it's an ancient weapon, Zaila. Walang may alam kung nasaan ito ngayon!"
"You're a royal witch. Use it," walang ganang wika ko sa kanya at nagsimula nang ihakbang ang mga paa patungo sa pintuan ng private room ni Vanessa. At bago pa man ako tuluyang makalabas, binalingan kong muli ang prinsipe. "I hate seeing someone I knew before living here in Sanctuary. So, please, kung hindi mo mahahanap ang blood moon, huwag ka na ring magpakita sa akin. I don't want to do favors from someone like you." I paused and looked at him intently. "And by the way, I'm not a huntress anymore. Alam kong alam mo iyan, Asteria. Wala na ang mga hunter and huntress ng Deepwoods. The moment they burned and destroyed our home, that was the end of us. Wala na ang hunter at huntress ng Utopia. Next time, you can come to me as a fellow witch. I don't care about titles anyway. You want my help? Then better find the blood moon."
Alam kong imposible nilang mahanap ang blood moon. It's fucking difficult to find that ancient weapon! At every ten years lang ito nagpapakita! I did everything, okay. Lahat nang kaya kong gawin ay ginawa ko na para makita ang ancient weapon na iyon! Nakipagkasundo pa nga ako kay Kaiser, iyong Vampire Emperor na tumutulong sa grupo ng mga witch dito sa Sanctuary! Ngunit ano ang napala ko? Wala! Oo nga't natulungan ko ang mga witch na naninirahan dito sa Sanctuary at ako? Wala akong nakuhang ano mula sa kanila! They can't find it! Not even with Kaiser's influence here in Sanctuary! Sa loob ng isang daang taon, walang nakakita man lang sa blood moon na hinahanap ko!
"Damn it!" bulalas ko at isinara ang kahong nasa harapan. Ipinikit ko ang mga mata at marahang hinilot ang sintindo. "Damn that magic!" inis na saad ko pa noong nakaramdaman ako ng kirot sa ulo.
Alam kong makapangyarihang witch iyong si Phoebe Asteria ngunit hindi ko inaasahang kaya nitong mag-cast ng spell sa isang pirasong papel!
And what the hell was that? Bakit niya ipapakita sa akin ang kung anong nangyayari ngayon sa Royal Capital? What? Para maawa ako sa kanila? Para bumalik na ako sa Utopia at tulungan silang protektahan ito?
No. Hindi ko gagawin iyon.
"This is frustrating!" sambit ko at humugot ng isang malalim na hininga.
Mayamaya lang ay natigilan ako noong marinig muli ang pagtunog ng doorbell ng apartment ko. Inis akong tumayo sa kinauupuan ko at mabilis na inihakbang ang mga paa. Ikinumpas ko ang isang kamay at ilang segundo lang ay nasa akin na ang silver weapon ko. Dere-deretso akong naglakad patungo sa may pinto at noong binuksan ko na iyon, agad kong itinaas ang kamay at itinutok ang talim ng dagger sa leeg ng witch na naroon.
Masama ko itong tiningnan at mariing hinawakan ang handle ng silver weapon ko.
"You look pissed, Zaila Amethyst," anito at habang matamang nakatingin sa akin. "It was nice seeing you again."
"Asher Asteria," mahinang wika ko sa pangalan nito. "What the hell are you doing here? Ikaw ba ang nag-iwan ng kahon kanina?"
Kumunot ang noo nito habang nakatingin pa rin sa akin. "Kakarating ko lang, Zaila." He answered.
Napairap ako at inalis na ang talim ng dagger sa leeg nito. Umayos ako nang pagkakatayo at namewang sa harapan nito. "Whatever," sambit ko at inirapan itong muli. "Huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa. Tell me what you want. Bakit ka narito sa Sanctuary at ngayon ay nasa tapat ng apartment ko?"
"I have a favor to ask," anito na siyang ikina-ismid ko na lamang sa harapan nito.
What the hell is wrong with them? Anong problema ng magkakapatid na Asteria at talagang dumadayo pa sila sa mundong ito para sa pabor na nais nila? At talagang sa akin pa talaga? Ako pa talaga ang hinihingan nila ng pabor?
"Nakausap ko na ang kapatid mo, Asher. He came here and managed to have a conversation with me. You wanted me to help you, right? To help Utopia? Well, I'm sorry to disappoint you, Your Highness, but you're wasting your time here. I won't do it unless you give me what I want first."
"I'm not here for that favor, Zaila Amethyst," ani Asher at humugot ng isang malalim na hininga. "I'm here for my brother."
"Your brother? Kristopher Asteria?" takang tanong ko sa kanya.
"No," mabilis na sagot nito sa akin. "It's about Reagan, the Crown Prince of Utopia. And this favor, it's for him, Zaila Amethyst."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top