Untold Forty-eight: The Return of the Last Witch Huntress

Nagkakagulong paligid ang bumungad sa mga mata ko.

The Coven... they already broke the barrier of Debora's mansion! Damn it!

"Zaila!" Mabilis akong napatingin sa gawing kanan ko noong marinig ang boses ni Vanessa. Namataan ko itong patakbong lumapit sa akin at noong nasa harapan ko na ito, humugot muna ito ng isang malalim na hininga bago magsalitang muli. "Did you get it?" Vanessa frantically asked me.

Marahang akong tumango kay Vanessa na siyang ikinangiti nito. "We'll talk about it later. Sa ngayon, kailangan nating pagtuunan nang pansin muna ang mga miyembro ng Coven na nasa lugar na ito. This is our territory. They're not welcome here," matamang sambit ko at tiningnang muli ang nagkakagulong paligid. "Go. We need to finish this mess first."

Hindi na nagsalita si Vanessa at mabilis na umalis sa harapan ko. Tahimik ko itong pinagmasdan at noong lumapit ito sa isa pang witch at tinulungan sa kalaban nitong evil witch, napangiti na lamang ako.

Witches like Vanessa doesn't want to fight against them, the evil witches of Coven. Mas gugustuhin nito ang mamuhay nang payapa at hindi na makialam pa sa kung anong gulong mayroon ang royal family ng Utopia at ang Coven. But I guess everyone changed after what happened to Deepwoods and the hunters and huntresses living inside the academy. Noong nawala ito, wala na ring promoprotekta sa mga kagaya nilang witch na ayaw gumamit ng kahit anong dahas.

Kaya naman ang iba sa kanila ay mas piniling mamuhay dito sa Sanctuary. Mas ligtas ito para sa kanila kaysa naman sa Utopia na nagkalat ang miyembro ng Coven sa bawat sulok ng mundo namin. But they can't stay and hide here forever. Ngayong pati ang mundong ito ay unti-unting sinasakop na rin ng mga evil witch, they need to do something now. Kaya naman ay nakumbinse ko sila noon na magsanay at maghanda sa tamang panahon kung kailan kami babalik sa Utopia.

We're witches. Sa Utopia kami nababagay at hindi rito sa Sanctuary.

We're witches, a powerful clan who uses both magic and different abilities, and we all deserve to live peacefully. Without fearing for our own safety and lives. We deserve that at magagawa lamang namin iyon kapag tuluyan na naming matalo ang Coven... si Merlin at si Donovan.

"You must be the huntress that they're talking about." Natigilan ako sa kinatatayuan noong may nagsalita sa likuran ko. Maingat akong bumaling sa puwesto nito at walang emosyong tiningnan ang dalawang evil witch na nakatayo 'di kalayuan sa puwesto ko.

"It must be our lucky day, Emil. Talagang tayo pa ang nakakita sa huntress na ito," sambit pa ng isa sa dalawang evil witch habang matamang nakatingin sa akin. "We need her alive, right? Wala naman sinabing hindi natin puwedeng paglaruan ang huntress na ito bago ibalik sa headquarters, tama ba?"

Tumawa lang ang isa sa kanila at marahang tumango.

"Let's get her," wikang pahabol no'ng evil witch at mabilis na kumilos.

Nanatili naman ako sa kinatatayuan ko at pinagmasdan lang ang dalawang evil witch.

I know that I gained something after summoning the blood moon, but heck, my body is extremely powerful right now! Kahit na wala pa akong ginagawa, alam kong nararamdaman ng mga witch na nasa paligid ko ang kapangyarihang inilalabas ng katawan ko ngayon! At nakumpirma ko iyon noong biglang nagbago ang ekspresiyon ng dalawang miyembro ng Coven na ngayon ay sumusugod sa kinatatayuan ko.

Bago pa man nila mapigilan ang mga sarili sa paglapit sa kinatatayuan ko, maingat kong inangat ang magkabilang kamay. At sa isang pagkumpas ko nito, bigla itong naglabas ng kakaibang enerhiya na siyang ikinagulat ko. It was a red energy... An energy that the same color as the blood! What the hell?

Muli kong ikinilos ang mga kamay at nagulat na lamang noong malakas na sumigaw ang dalawang evil witch. At sa muling paggalaw ng mga kamay ko, mabilis na lumutang ang mga ito at ngayon ay nasa harapan ko na at hawak-hawak ang mga leeg nito!

"What are you doing?" Mabilis akong natigilan noong marinig ko iyong boses ng babae, iyong nakausap ko kanina! The blood moon itself! "Hindi ito ang nakapagkasunduan natin, witch."

"I'm sorry but... I don't know what's happening to me!" bulalas ko habang nakatingin sa magkabilang kamay kong hawak-hawak ang leeg ng dalawang evil witch.

"You can't use the power of the blood moon to kill witches!"

"I'm not using your power to kill these evil witches!" mariing wika ko at segundo lang din noong matigilan ako sa puwesto ko.

Napakurap ako ng ilang beses at napamura na lamang sa isipan noong may napagtanto ako.

No hell way!

"Stop it already, witch."

No. I can't stop right now! I... I need to do this or else, our plans, our wishes, will all go into nothing. Hindi ako maaaring tumigil ngayon... ngayong unti-unting inaangkin na ng katawan ko ang kapangyarihan ng blood moon!

Yes. Mukhang iyon ang nangyayari sa akin ngayon. Kagaya no'ng nangyari sa laboratoryo ni Merlin sa headquarters ng Coven. Lahat ng naging eksperimento nito sa katawan ko, inangkin ko iyon at hindi nagpakontrol sa kanila!

I can feel it. Slowly, my body is owning the magic given to me by her! Kahit na hindi ko man gustuhin iyon, unti-unting nagiging isa na ito sa kapangyarihang mayroon ako ngayon!

"You better stop, Zaila Amethyst. Your power, it's not yours to begin with. It was from Merlin's blood. Kapag ipagpapatuloy mong gamitin ang kapangyarihan ng blood moon, tiyak na hindi magiging maganda ang epekto nito sa katawan mo." Napaawang ang labi ko sa narinig mula sa babae. "If you want to return to Utopia in one piece, you better stop killing the witches you loathe using my power!"

"But-"

"Your body is a powerful one. I acknowledged that now, witch. It can absorb and own any kind of magic but... always remember that there's always a limit. Your limit."

Damn it!

"Stop and release them."

Mariin kong ipinikit ang mga mata at wala sa sariling iginalaw ang dalawang mga kamay. Niluwagan ko ang pagkakasakal sa dalawang evil witch at mabilis na inihagis ang mga ito palayo sa akin. Agad naman kumilos ang ibang witch na kasama ko sa mansiyon ni Debora at sila na mismo ang tumapos sa dalawang witch na halos patayin ko na kanina.

"Happy now?" iritableng wika ko at mariing ikinuyom ang mga kamao.

"Help the future king of Utopia. Gamitin mo ang kapangyarihan ko sa kanya at wala nang iba pa. And after that, you can use your own magic and kill all those evil witches who ruined your life. Ito lamang ang maitutulong ko sa'yo, Zaila Amethyst. Para sa kapakanan mo rin itong pagpigil ko sa'yo. You already waited for a hundred-year, witch. Huwag mong sayangin ang pagkakataong ito para tuluyang maisakatuparan ang lahat ng mga minimithi mo. Use my magic to save the future king of Utopia. Siya lang ang paggagamitan mo ng kapangyarihan ko at wala nang iba pa."

Napairap na lamang ako at wala nang nagawa pa.

Hindi ko alam kung ano ang magiging epekto ng dalawang kapangyarihan sa katawan ko ngayon kaya naman ay kailangan akong mag-ingat. Hindi ako maaaring maging pabigat sa mga kasamahan ko! Malapit na kaming bumalik sa Utopia at kapag magkaproblema ako sa sariling katawan, hindi sila maglalakas-loob na bumalik doon na sila-sila lang! They need me to lead them! Damn it!

Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at mabilis na itinaas muli ang magkabilang mga kamay. Yes, I can't kill them, but it doesn't mean that I can't do anything to help my fellow witches with their fight. I can still use my own magic and capture those evil witches. Sila Vanessa at Debora na ang bahalang tumapos sa mga buhay ng mga miyembro ng Coven na nasa mansyon ngayon!

Gamit ang sariling kapangyarihan, kinontrol ko ang mga katawan ng evil witch na namamataan. Hindi ko na sila binigyan pa nang pagkakataong makakilos hanggang sa tuluyan na itong tapusin ng mga kasama ko. At noong nasiguro naming wala ng mga buhay ang mga evil witch na umatake sa amin ngayon, inutusan ko silang ilagay sa sentro ng bakuran ang mga katawan nito.

We still need to dispose their bodies. And using my silver weapon, I'll make sure that there will be no trace of them. Iyon din kasi ang nais nila Kaiser at ng mga Executives ng Sanctuary. Dapat ay walang matitirang bakas ng kahit ano mula sa mga evil witch na makakalaban namin sa mundong ito!

It was a long and tiring night for all of us.

Noong matapos na kami sa mga katawan ng evil witches, bumalik na kami sa loob ng mansyon ni Debora. Gusto ko pa sanang kausapin ang mga kasamahan ko ngunit ramdam ko ang pagod nila sa naganap na laban. Kaya naman ay hinayaan ko na ang mga ito na magpahinga at ipagpabukas na lamang ang pag-uusap namin.

Naging kampante na rin kasi sila noong sinabi kong nakuha ko na ang blood moon. Hindi ko nga lang nabanggit sa kanila na tuluyang magbabago ang lahat na naging plano namin sa loob ng mahabang panahon. I need to tell them everything. Bago kami bumalik sa Utopia, kailangan maging handa sila sa madadatnan namin sa mundong matagal na naming nilisan.

Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga noong tuluyan na akong napag-isa sa private room kung saan kami palaging nag-uusap nila Debora at Kaiser. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi at isinandal ang likuran sa backrest ng upuan.

"Saan ko ba nakita ang mukha ng babaeng iyon?" mahinang tanong ko sa sarili at ipinikit ang mga mata.

Kanina ko pa nais maalala kung saan ko nakita iyong babaeng nagbigay sa akin sa kapangyarihan ng blood moon. I know for sure that I already saw that face! Sa tagal ng panahong pamamalagi ko sa mundong ito ay hindi ko na maalala ang lahat ng witch na nakasalamuha ko!

Napabuntonghininga na lamang ako at mabilis na napamulat ng mga mata noong makaramdam ng pamilyar na presensiya sa labas ng mansyon ni Debora. Napaayos ako nang pagkakaupo at wala sa sariling tumayo. Nagsimula na akong kumilos at naglakad patungo sa bintana ng private room ni Debora. Marahan kong hinawi ang kurtinang nasa bintana at tiningnan ang madilim na paligid sa labas ng mansyon.

Mayamaya lang ay mas lumakas ang presensiya nito at noong mapagtanto ko kung sino ang may-ari ng presensiyang nararamdaman, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis kong binuksan ang bintana at tumalon na mula sa pangalawang palapag ng mansiyon ni Debora.

"What the hell are you doing here?" mariing tanong ko sa kanya noong magtagpo ang mga mata naming dalawa. Nagkibit-balikat lamang itong sa akin at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng suot na pantalon. "Answer me, Asteria. Anong ginagawa mo sa lugar na ito?"

"Relax, Zaila. Hindi ako nagpunta rito para manggulo," anito at binalingan ang mansyon na nasa likuran ko. "You managed to gather these witches and fight for you, Zaila. You did a great job."

"I'm fighting with them, Asher Asteria," mariing saad ko at inihakbang ang mga paa. "Umalis ka na sa lugar na ito."

"Mukhang may mga nasaktan sa mga kasamahan mo kanina," muling wika nito na siyang ikinakunot ng noo ko. "Bakit hindi ikaw mismo ang nakipaglaban sa mga evil witch na sumugod sa lugar na ito? Mas makapangyarihan ka kumpara sa kanila. You can kill those witches with a single attack, Zaila."

Huminto ako sa pagkilos at pinagtaasan ito ng isang kilay. "So, you've witnessed everything," matamang sambit ko at ipinilig ang ulo pakanan. "You were here earlier, Your Highness, kaya naman bakit hindi ka tumulong sa kanila? You're a royal. Dapat ay ginawa mo ang kung anong dapat gawin ng isang kagaya mo."

"That was your fight. Bakit naman ako makikigulo sa laban ninyo?"

Mahina akong natawa sa sinabi nito sa akin. Umayos ako nang pagkatayo at pinagtaasan muli ito ng isang kilay. "Stop being so damn selfish, Your Highness. Nakita mo nang nahirapan sila kanina, ni hindi ka man lang gumawa ng kahit ano para matulungan ang mga witch sa laban nila!"

"That was their fight-"

"At ang gulong mayroon kayo ngayon sa Utopi ay laban niyo lang din!" Halos isigaw ko na sa pagmumukha niya ang bawat salitang binitawan ko. "Bakit ba ang hirap para sa inyong tumulong? At kapag kayo ang nangangailangan, wala na kaming ibang pagpipilian pa dahil ano? Royal family kayo? Stop with your nonsense. Hindi na ako natutuwa sa inyo."

"We have rules-"

"Oh, fuck your rules, Asher Asteria! Wala akong pakialam sa kung anong rules na mayroon kaya sa palasyo niyo!" mariing sambit ko at muling inihakbang ang mga paa papalapit sa kanya. "Pasalamat ka at walang napahamak at namatay sa mga witch na narito kanina. Dahil kung may namatay na kahit isa sa mga kasamahan ko at nalaman kong nandito ka kanina at nanunuod lamang sa kanila, pasensiyahan na lang tayo. Hindi niyo makukuha sa akin ang kung anong pinunta niyo sa mundong ito." Mariin kong ikinuyom ang mga kamao habang nakatingin pa rin nang masama kay Asher Asteria. "We don't need you and your cowardness, Your Highness. You... and all the royals of Utopia fucking need us. Tandaan mo iyan."

Hindi nagsalita si Asher at seryosong nakatitig lang din sa akin. Mayamaya lang ay humugot ito ng isang malalim na hininga at umayos nang pagkakatayo sa harapan ko. "So, you have it. You already summoned the blood moon," kaswal na pagkakasabi nito sa akin. Mas dumiin ang pagkakakuyom ko sa mga kamao at mas lalong sinamaan nang tingin ang prinsipe sa harapan. "Yes, we need you, all of you, to fight with us. Utopia is your home, Zaila. Lahat ng witch na narito sa Sanctuary, ang Utopia ang totoong mundo niyo," anito at may kung anong tiningnan sa likuran ko.

Napamura na lamang ako sa isipan noong maramdaman ang presensiya nila Vanessa sa likuran ko. Damn it! Mukhang naramdaman nila ang tensiyon sa pagitan namin ni Asher kaya naman ay nagising ang mga ito at lumabas na sa mansyon!

"And I'm sorry about earlier. I came late too," dagdag pa nito at muling tiningnan ako. "I don't care about what you think of me, Zaila Amethyst. Call me coward, selfish... I don't care. Mas mahalaga sa akin ngayon ang maibalik ka sa Utopia. You already have the weapon that you seek for a hundred-year. Now it's time for you to return to our world. "Utopia is waiting for you, Zaila Amethyst."

Napalunok ako at hindi nag-abala pang magsalita sa harapan ni Asher Asteria.

"We're all waiting for the return of the last witch huntress of Utopia."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top