Untold Fifty-three: The Clash of Magics
Halos liparin ko na ang daan palabas sa mahabang pasilyong kinaroroonan namin ngayon. Kung hindi ko lang kasama sila Vanessa, tiyak kong kanina pa ako nakalabas dito!
"Don't worry about us, Zaila! Mauna ka na!" rinig kong sambit ni Vanessa sa tabi ko. "Nasa main gate ngayon ng Royal Capital ang mga kakapatid na Asteria. Doon ka dumeretso. Tutungo naman kami sa west part ng royal palace. Nandoon ang ibang witch na kasama natin mula sa Sanctuary," imporma nito sa akin na siyang mabilis na ikinatango ko sa kanya.
"Mag-iingat kayo, Vanessa," seryosong saad ko sa kanya. "Just call me when you need my help."
"We'll be fine, Zai. Ituon mo na lamang ang buong atensiyon mo sa laban mo. For sure, Merlin and Donovan are already here. Focus on them and end this war."
"I will," wika ko at muling tinanguhan ito. Binalingan ko ang iba pa naming kasama at noong nagsitanguhan na rin ang mga ito sa akin, hindi na ako nagdalawang-isip pang gamitin ang wind magic ko. Pinalibutan ko ng wind energy ang buong katawan at mabilis na lumipad palayo sa mga kasama.
Malaki ang tiwala ko kay Vanessa at sa mga kasama naming witches mula Sanctuary. They trained with me during our years living in that world. Alam kong kaya nilang makipaglaban at protektahan ang mga sarili nila sa mga miyembro ng Coven.
Humugot ako ng isang malalim na hininga at mariing itinuon na lamang ang paningin sa unahan.
Focus, Zaila. Dapat ay sa kung anong maabutan ko sa main gate ng Royal Capital ang pagtutuonan ko ng atensiyon ngayon. I need to stay focus here. Dapat ay hindi na maulit sa amin ang nangyari noon. This time, we'll make sure to end this war against the Coven.
Mas binilisan ko ang paglipad. Noong tuluyan na akong nakalabas sa palasyo, agad akong lumipad paitaas. Mas binilisan ko pa ang pagkilos at noong nasa tamang taas na ako, tumigil na ako at mabilis na tiningnan ang nangyayari sa buong Royal Capital ng Utopia.
Sa apat na bahagi ng Royal Capital ay nagkakagulo na. Doon nanggagaling ang mga pagsabog na naririnig namin kanina sa silid. Wala sa sarili naman akong napatingin sa west past ng Royal Capital at namataan ang mga witch na kilala ko. They're fighting right now. May iilang miyembro ng Coven doon at kung hindi ako nagkakamali, mababa lamang ang mga lebel nito.
"Mukhang nasa main gate ang mga malalakas na miyembro nila," mahina usal ko at bumaling sa main gate ng Royal Capital. At kagaya nang inaasahan, nandoon ang tatlong magkakapatid na Asteria. Asher, Kristopher and Reagan. Nakikipagpalitan na sila ng mga atake sa ibang miyembro ng Coven at noong may napansin akong kakaiba enerhiya sa unahang bahagi ng main gate, ipinilig ko ang ulo pakanan. Kunot-noo ko itong tinignan at noong mapagtanto ko kung ano iyong kakaibang enerhiyang napansin kanina, hindi na ako nagdalawang-isip pa. Mabilis kong ikinumpas ang kamay at gumawa ng barrier sa pagitan ng mga Asteria at sa mga kalabang miyembro ng Coven.
Isang malakas na pagsabog ang yumanig muli sa buong Royal Capital. It was caused by the impact of the dark energy I saw earlier and my barrier I created to protect the Asteria brothers. Minuto lang tinagal nito at noong humupa na ang pagyanig, dali-dali akong lumipad patungo sa kinatatayuan ng magkakapatid.
Hindi pa nakakalapat ang mga paa ko sa lupa noong bumaling sa akin sila Reagan. Seryosong tumitig ang mga ito sa gawi ko at noong tuluyan na akong nakatapak sa lupa, bumaling ako sa barrier na gawa ko kanina.
"Once I dispel this barrier, paniguradong aatake na naman sila," matamang wika ko at tiningnan muli ang tatlo. "One of them uses dark magic. Kayo ang magdesisyon kung sino ang lalaban sa kanya."
"We'll take him," ani Asher at naglakad palapit sa akin. May inabot itong dalawang silver weapon sa akin kaya naman ay napangiti ako. "Use this. Ginawa ko talaga iyan para sa pagbabalik mo, Zaila."
Walang imik ko itong tinanggap at tiningnang mabuti ang itsura ng dalawang dagger. Kagaya ng dagger na ginagamit ko sa loob ng isang daang taon, magaan din ang isang ito. Mukhang gagana rin dito ang ability kong ibahin ang anyo ng isang silver weapon na hawak ko! "Thanks, Asher," mahinang usal ko at mabilis na itinago ang mga ito sa likuran ko. Humugot ako ng isang malalim na hininga at muling tiningnan ang magkakapatid. "I can already feel Merlin and Donovan's presence. Wala pa sila mismo sa loob ng Royal Capital. We still have time before they finally reach here. Sa ngayon, let's kill every member they sent here. At kapag dumating na ang dalawa, Reagan and I will deal with them. Asher, Kristopher, bumalik kayong dalawa sa palasyo at tiyaking walang ibang witch ang makakalabas at makakapasok sa main gate ng royal palace."
"Magiging maayos lang ba kayong dalawa?" seryosong tanong ni Kristopher sa amin.
Napatingin naman ako kay Reagan at sinalubong ang matamang titig nito. "We'll be fine. It's been a hundred year since the last time we fought against them. We can definitely handle those evil witches now."
Umayos na ako nang pagkakatayo at muling tiningnan ang barrier na gawa ko kanina. Bahagyang yumanig muli ang lupang kinatatayuan namin ngayon dahil sa sunod-sunod na malalakas na atake sa barrier. Napailing na lamang ako at itinaas ang kanang kamay ko. "Let's go and kill these evil witches," malamig na wika ko at sa pagkumpas ng kamay ko, mabilis na na-dispel ang barrier sa harapan ko. Agad ko namang kinuha ang isa sa silver weapon ko at agad na binago ang anyo nito.
Mabilis akong lumipad muli sa himpapawid at itinutok sa mga evil witch ang pana ko. I chanted a spell inside my head and when I release my arrows, it multiple its number. Ang kaninang tatlong pana lang ay naging sampu ang mga ito. Muli kong ginawa iyon at hindi tumigil hangga't may nakikita pa akong nakatayong evil witch sa main gate ng Royal Capital.
"Asher, Kristopher, go! Nasa bukana ng gubat ang dark magic user na miyembro nila!" sigaw ko noong mapansin kung nasaan ang miyembrong umatake kanina sa kanila. Agad na tumango ang magkapatid sa akin at mabilis na tinakbo ang direksiyon patungo sa bukana ng gubat na tinutukoy ko.
Nanatili naman si Reagan sa puwesto nito at mayamaya lang ay tiningala ako. "How about them? Wala pa ba sila?" He asked me.
Umiling ako sa kanya at lumipad muli paitaas. "I'll help our other allies first. Manatili ka rito sa main gate. Make sure na walang evil witch ang makakalusot sa trangkahang iyan," saad ko sa kanya at lumipad patungo sa kung saan naroon sila Vanessa.
Kagaya nang ginawa ko kanina sa main gate ng Royal Capital, nagpaulan muli ako ng mga pana sa mga kalaban namin. Mabilis namang napatingin sa gawi ko si Vanessa at napangiti na lamang noong magtagpo ang mga mata namin. Tumango ako sa kanya at muling lumipad patungo sa iba pang parte ng Royal Capital.
I was about to shoot my arrows again when I felt a sudden attack behind me. Agad kong binago ang anyo ng silver weapon ko at ginawang espada iyon. Mabilis akong humarap at sinalubong ang atakeng ilang pulgada na lamang ang layo sa puwesto ko. I immediately slashed my sword and dispel the fire magic that was about to burn me.
"Fire?" mahinang sambit ko na siyang biglang napakabog ng dibdib ko. Napahigpit ang hawak ko sa handle ng espada at seryosong tiningnan ang kung sino man evil witch na umatake sa akin.
Halos hindi na ako humihinga sa puwesto habang inaaninag kung sino ang umatake sa akin. Sa lakas ng kabog ng puso ko, tila mawawalan ako nang malay ngayon! Damn it!
Fire magic... I know someone who uses this kind of magic at naging miyembro din ito ng Coven!
Please, no. Hindi maaaring narito ito ngayon sa Royal Capital at kalaban na naman namin!
"You dispel my fire magic." Natigilan ako noong tuluyan ko nang makita ang kabuuan ng evil witch na umatake sa akin. Nakalutang din ito sa ere kagaya ko at may hawak rin na espada. "Your weapon... that's a silver weapon. A huntress, huh," dagdag pa nito at itinaas ang kamay na may hawak na espada. Itinutok nito sa akin at mabilis na lumipad para atakehin akong muli.
Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Lumipad na rin ako patungo sa kanya at mabilis na ikinumpas ang kamay na may hawak din na espada.
Segundo lang ay nagtama na ang talim ng mga sandata namin. Masama naming tiningnan ang isa't-isa at noong maramdaman kong iginalaw nito ang isang libreng kamay, mabilis kong kinontra iyon.
Our magic clashed in an instant. Halos sabay kaming napalayo sa isa't-isa at wala sa sariling napatingin sa mga kamay namin.
We both used fire magic to attack each other!
"You're incredible. Normally, a huntress like you can't use different kind of magic. Tanging ang silver weapon niyo lang ang kaya niyong gamitin laban sa aming mga witch," anito habang seryosong nakatingin sa akin.
Napangisi naman ako sa kanya. "Where have you been, evil witch? Mukhang wala kang ideya sa kung anong kayang gawin na ngayon ng isang kagaya ko," saad ko at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. Damn it! It was not her! Ang buong akala ko'y si Raine iyong umatake sa akin kanina! Ngayon ay hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman! Dapat ba akong magpasalamat dahil hindi ang kaibigan ko ang narito o dapat ba akong mangamba sa totoong nangyari sa kanya noong gabing nangyari ang laban namin sa gubat?
Is she still alive until now? Nasa Coven pa rin ba ito?
"Looks like something's bothering you right now, huntress." Napakurap ako ng mga mata ko noong biglang nasa harapan ko na ang babaeng evil witch. Mabilis akong kumilos at lumayo sa kanya. At bago pa man lumapat ang talim ng espada nito sa akin, naikumpas ko na ang kamay ko. Wind energy suddenly surrounds my body and let me escape from her attack.
Damn it! Focus, Zaila Amethyst!
Narinig ko ang pagtawa ng babaeng evil witch at mabilis na sinundan ako. Lumipad na rin ito at muling inatake ako. Napailing na lamang ako at dinispel ang wind energy sa katawan. Tumigil ako sa paglayo sa kanya at seryosong kinatitigan ko. I stay still and just wait for her to finally reach me. At noong ilang pulgada na lang muli ang layo ng talim ng espada niya sa akin, mabilis kong inangat ang kaliwang kamay at hinawakan ang dulo ng espada niya.
Namataan ko ang gulat sa mukha nito ngunit agad din namang napalitan nang tuwa noong iginalaw nito ang espadang hawak niya. Palihim akong napangiwi noong nasugatan na ang kamay ko. Ininda ko ang sakit at noong unti-unting kumapit na ang dugo ko sa talim ng espadang hawak, napangisi na lamang ako.
"Hey," tawag pansin ko sa babae. "Do you even know my name, evil witch?" tanong ko sa kanya at mas hinigpitan pa ang papakahawak sa dulo ng espada niya.
"Mahalaga pa ba iyon?" Taas-noong tanong niya sa akin. "You'll be good as dead anyway. Hindi na ako magsasayang ng oras para alamin pa ang pangalan mo, huntress."
Napailing ako sa kanya. "That's bad," mahinang usal ko at unti-unting niluluwagan ang pagkakahawak sa espada nito. "Kung alam mo sana kung sino at kung ano ang kaya kong gawin, maiiwasan mo sana itong gagawin ko sa'yo," matamang sambit ko pa at mabilis na ikinumpas ang sugatang kamay sa gawi niya.
Agad na tumalsik ang dugo ko sa gawi niya. Bahagyang natigilan ang babaeng evil witch at gulat na napatingin sa suot niyang damit na nagkaroon ng dugo ko. "What the hell are you doing?" inis na sigaw nito at lumayo sa akin. Pinagpag nito ang damit na namantsahan ng dugo ko at masamang tiningnan ako.
Ipinilig ko ang ulo pa kanan at inangat ang kamay kong may sugat. Ngumisi ako sa kanya habang unti-unting naghihilom ang sugat na natamo kanina. "Hindi lang wind at fire magic ang kaya kong gamitin, evil witch. I can use and cast different types of elements. I can even use healing magic."
"What?" mahinang bulalas nito habang matamang nakatingin pa rin sa akin.
"I'm not just a huntress, evil witch," saad ko at ibinaba ang kamay. Nginisihan ko itong muli at tiningnan ang dugo kong nasa damit pa rin niya. "Kaya ko ring gamitin ang sarili dugo para matalo ang kagaya mo." I said and immediately chanted the spell than can activate my blood magic. "Blood magic... body restriction," sambit ko at unti-unting umilaw ng parte ng damit niyang may mantsa ng dugo ko.
"What the hell are you doing?" galit na tanong nito sa akin at unti-unting lumipad palayo sa puwesto ko.
No. Hindi ka makakatakas sa akin.
Mabilis kong ikinumpas muli ang kaliwang kamay at gumawa ng magic circle na siyang nag-trap sa kanya sa ere. Natigil sa paglipad ang babaeng evil witch at muling binalingan ako. "Damn you, huntress! Now, I remember you!" galit na turan niya. "Zaila... You're Zaila Amethyst! T-that's your fucking name!" sigaw pa nito at mabilis na pinalibutan ang sariling katawan ng fire barrier. "You can't kill me, Amethyst!"
"Says who?" tanong ko sa kanya at binagong muli ang anyo ng silver weapon ko. "As a former witch huntress, isang kahihiyan sa akin ang hindi pagtapos ng buhay mo," dagdag ko pa at mas pinalakas ang magic circle na nakapalibot sa kanya. Mayamaya lang ay unti-unti itong sumigaw at kusang nawala ang fire barrier na ginawa nito kanina. Ngayon ay wala nang promoprotekta sa kanya. Napailing na lamang ako at pinagpatuloy ang ginagawa. "Blood magic... cry of the Demon King," mahinang usal ko at mas lumakas ang sigaw ng evil witch sa harapan. "I'll offer your blood and flesh to him, evil witch. See you in hell," malamig na wika ko at mabilis na inihagis sa gawi nito ang dagger ko.
Sa paglapat ng talim ng dagger ko sa magic circle na ginawa ko, isang malakas na pagsabog ang muling yumanig sa buong Royal Capital. Hindi ko inalis ang paningin sa evil witch na kalaban kanina at noong makita ang suot na damit na lamang nito ang natira sa kanya, napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga.
Muli kong ikinumpas ang kamay at sa isang iglap, muling bumalik ang silver weapon ko sa akin.
"Hindi talaga ako nagsising nagtungo noon sa Sanctuary. Sa dami ng ancient magic na nagkalat sa lugar na iyon, talagang marami akong natutunan sa loob ng isang daang taon," matamang saad ko at napalingon na lamang muli sa main gate ng Royal Capital. "Looks like the real enemies are here," sambit ko pa noong makitang may dalawang lalaking nakatayo ngayon sa gitna ng main gate. Sa harapan naman nila ay si Reagan Asteria na mukhang handa nang makipagpatayan muli sa mga kalaban namin.
Kinagat ko na lamang muli ang pang-ibabang labi at mabilis na nilipad ang direksyon kung saan naroon ang tatlo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top