Untold Fifty-six: The End of Bloodline
Sa lahat ng mahikang hinasa ko sa taong pamamalagi noon sa Sanctuary, itong purgatory fire magic talaga ang siyang pinagtuonan ko nang pansin.
Alam kong magkakaharap kaming muli ni Donovan. Alam kong kayang tupukin ng apoy na ito ang lider ng Coven. Kaya naman ay mas pinalakas ko ang mahikang ito. I trained so damn hard to control this magic. And now... looking on how Donovan is suffering because of this magic, I felt so accomplished. All my efforts, my sleepless nights during my training days, all the fire burns and cuts I've got while using this magic, it was all worth it!
"You burned them, the hunters and huntresses of Deepwoods. You used fire and destroyed my home. And now, accept and taste your own medicine, Donovan. Let my fire burn you into ashes, leader of Coven," matamang sambit ko habang unti-unting natutupok ang katawan nito. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at nong tuluyan ng naging abo si Donovan sa harapan ko, mabilis akong napahugot ng isang malalim na hininga.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at ikinumpas ang kanang kamay. Slowly, I dispel my purgatory magic. At noong tuluyang nawala na ang mahika ko, muli kong tiningnan ang abo ni Donovan sa lupa. Mayamaya lang ay marahan akong kumilos at dinampot ang silver weapon ko. Mariin kong hinawakan ang handle ng sandata ko at napatingala na lamang.
Tipid akong napangiti at muling humugot ng isang malalim na hininga. "He's dead... The leader of Coven is... dead," mahinang usal ko. "I'm sorry that it took me a hundred years to finally do this. I... I'm sorry for being late... again." Napayuko akong muli at inilagay ang isang kamay sa may dibdib.
The pain that I felt the day I learned about what happened to them suddenly came back to me. The pain and grief that almost killed me before are now back and demanded to be felt again! But this time, I know that it's here again to remind me that I'm still me. That no matter how many years I ran away and hide from everything, I'm still me. The witch huntress from Deepwoods, the Zaila whom they trusted enough to become a squad captain of the young hunters and huntresses... The Zaila Amethyst that never gave up no matter how hard the battles and fucked up the circumstances are.
I'm.... still me.
And this pain is the proof of it!
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at ikinalma ang sarili. I can still the pain inside my chest, but it's not painful like before. Tila nakahinga pa nga ako nang maayos dahil sa pagbabalik nito!
"Now that Donovan's gone, isa na lamang ang kailangan naming matalo ngayon para tuluyan nang matapos ang gulong ito," mahinang usal ko at mabilis na napabaling sa parte ng gubat kung saan naglalaban ngayon si Reagan at Merlin. Humugot muli ako ng isang malalim na hininga at nagsimula nang kumilos. Mabilis kong tinakbo ang distansiya patungo sa kinaroroonan nila Reagan at Donovan at noong natanaw ko na ang dalawa, mabilis akong natigil sa pagtakbo at napaawang na lamang ang mga labi.
I froze where I'm standing. Ni hindi ko magawang maihakbang muli ang paa. Nakatuon lamang ang mga mata ko sa dalawang lalaking nagpapalitan ng kanya-kanyang mga atake sa isa't-isa.
"Reagan," mahinang usal ko sa pangalan nito noong nagpakawala ito ng isang malakas na enerhiya. "He... uses dark magic too?" wala sa sariling tanong ko pa noong mapagtanto ko kung anong klaseng mahika ang ginagawa nito!
Hindi ko alam tungkol sa bagay na ito!
I know that he owns a tremendous amount of power but not like this! His a royal... the crown prince of Utopia! Kaya naman ay normal sa kanya na magkaroon ng malakas na kapangyarihan! But having dark magic like ours, me and Merlin, hindi ko inaasahan iyon mula sa kanya!
"Reagan! Look out!" malakas na sigaw ko noong mamataang palihim na gumawa ng magic circle sa ere si Merlin. Ginawa niya ito sa likod ni Reagan at noong marinig nito ang sigaw ko, mabilis na bumaling roon si Reagan at agad sinangga ang atake ni Merlin sa kanya.
Talk about cheap and dirty trick! Kahit kailangan talaga ay maduming lumaban ang mga evil witch! Damn him!
Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at pilit na inihakbang muli ang mga paa. It's the right time to get stunned with their attacks! I need to do something to help Reagan! Merlin's an invincible opponent. Mas makakabuting dalawa kaming lalaban sa kanya!
Mabilis kong binago ang itsura ng silver weapon ko at ginawang pana iyon. Agad kong itinutok iyon sa gawin ni Merlin at noong akmang kikilos na ito, binitawan ko na ang palaso at tahimik na pinagmasdan ito hanggang sa tuluyang makarating sa puwesto ni Merlin.
Inaasahan ko nang maiiwasan ni Merlin ang tira ko kaya naman ay mabilis ko iyon sinundan ng ilan pang-tira. Sa bawat pagbitaw ko ng palaso ay siyang pagtakbo ko naman para tuluyang makalapit sa dalawa.
"Zaila! Sa likuran mo!" rinig kong sigaw ni Reagan sa puwesto niya kaya naman ay mabilis akong tumigil sa pagkilos. Dali-dali akong nag-summon ng wind sword at agad na hinarap ang evil witch na biglang umatake sa akin.
Without a second thought, I immediately slashed my sword towards the enemy. Mabilis itong natigil sa pagkilos at segundo lang din ang lumipas, bumagsak na ang katawan nito sa harapan ko. Napailing na lamang ako at muling binalingan ang puwesto ng dalawa.
This is not good. Reagan should focus on Merlin!
"Don't worry about me, Reagan!" sigaw ko at muling inihakbang ang mga paa. "Just focus on him!" dagdag ko pa at mabilis na tinignan ang paligid namin. This is our battle. Dapat ay wala ng ibang evil witch ang makalapit sa aming tatlo!
Marahan akong napakagat ng pang-ibabang labi ko at unti-unting lumuhod. "Barrier... We need a barrier," mahinang usal ko at inilapat ang kanang kamay sa lupa. Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Gumawa muli ako ng magic circle at noong makuha ko na ang tamang laki nito, agad akong nag-summon ng wind barrier. Inilapat ko naman ang isa pang kamay sa lupa at sa pagkakataong ito, panibagong elemento ang isinummon ko. Sa labas ng wind barrier ko ay gumawa naman ako ng fire barrier. Two different kinds of barrier. Two elements. Tingnan lang natin kung may maglalakas loob pang i-dispel ito at makisali sa laban namin dito sa loob ng barrier.
"You can't run away from us now, Merlin," saad ko at umayos na nang pagkakatayo. Kinuha kong muli ang silver weapon ko at binago ang anyo nito. Ginawa ko itong espada at noong maalala ko ang isa pang silver weapon na ibinigay ni Asher sa akin kanina, kinuha ko na rin ito at ginawang espada. "This is the end of your evilness. The end of Coven."
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Dali-dali akong tumakbong muli at noong ilang hakbang na lamang ang layo ko sa dalawa, agad kong pinalutang ang sarili at mahigpit na hinawakan ang mga handle ng espada. Segundo lang ay naramdaman ko ang magkaibang enerhiya sa magkabilang kamay ko. Both fire and wind magic envelopes my silver weapon! Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at noong tuluyan na akong makalapit sa dalawa, agad kong ikinumpas ang espadang may wind magic sa gawi ni Merlin.
Mabilis namang naramdaman ni Merlin ang naging atake ko kaya agad itong kumilos at lumayo kay Reagan. Seryoso itong bumaling sa gawi ko samantalang tahimik akong tumayo sa tabi ni Reagan Asteria.
"I will block and dispel his dark magic. No need to worry about it," anito na siyang ikinatango ko sa kanya.
"I will attack him using my fire and wind magic," seryosong saad ko naman. "I created a barrier. Wala nang iba pang makakapasok dito."
"That's good. Now, let's finish him," muling saad ni Reagan at mabilis na kumilos sa kinatatayuan niya. Agad nitong sinugod si Merlin at noong magtagpo na naman ang mga itim na kapangyarihan ng dalawa, napangiwi na lamang ako. Kumilos na rin ako at umatake na.
Kagaya nang napag-usapan naming dalawa, si Reagan ang bahala sa dark magic na ginagamit ni Merlin. The moment he dispels his dark magic, iyon naman ang pag-atake ko sa kanya. I slashed my swords simultaneously and didn't even bother to stop until I finally hit Merlin. Mabilis itong tumilapon sa gawing kaliwa namin at noong tumama ang katawan nito sa barrier na ginawa ko, agad itong napasigaw at mabilis na bumagsak ang katawan sa lupa.
Napaawang ang labi ko at hinabol ang sariling paghinga. Damn, that was tough!
"Stay here," rinig kong sambit ni Reagan at nagsimulang maglakad patungo sa kinaroroonan ni Merlin. Wala sa sarili akong napatango at umayos na nang pagkakatayo. Tahimik kong pinagmasdan ang papalayong bulto ni Reagan at noong may napansin akong kakaiba sa gawi ni Merlin, napahigpit ang pagkakahawak ko sa dalawang silver weapon.
"No," mahinang turan ko at hindi na nagdalawang-isip na takbuhin ang distansiya naming dalawa ni Reagan. "Reagan, stop!" sigaw ko at sinubukang mauna sa kanya.
Naabutan ko naman si Reagan, but... I was a second late, though.
Saktong nakarating na ako sa harapan ni Reagan ay siyang pagtama sa akin ng atake ni Merlin. Nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling napatingin sa tiyan ko kung saan tumama ang itim na sandatang gawa ng dark magic ni Merlin. Damn it!
"Zaila!" sigaw ni Reagan sa pangalan ko at mabilis na dinaluhan ako. "Damn it! I told you to stay there!" anito at mabilis na hinawakan ang itim na sandatang nakatarak sa tiyan ko. Agad niya itong dinispel at matamang tiningnan ako. "Use your healing magic," anito na siyang ikinatango ko.
"Go," mahinang saad ko sa kanya. "I'll be fine. Finish him now, Reagan," dagdag ko pa at tipid na nginitian ito. Tumango naman si Reagan sa akin at umayos nan ang pagkakatayo. Muli itong tumitig sa mga mata ko at sa muling pagkurap ko, mabilis itong nawala sa harapan ko.
Napaawang na lamang ang mga labi ko at tiningnan ang gawi kung saan naroon si Merlin. Nakatayo na ito ngayon at mabilis na sinangga ang atake ni Reagan sa kanya. Kagaya kanina, muling nagpalitan ng kanya-kanya atake ang dalawa. Ngunit mukhang mas lamang sa lakas ang mga atake ni Reagan ngayon. Ilang beses nitong natamaan si Merlin at noong tumilapon itong muli at tumama sa wind barrier ko, sumigaw ito at mabilis na bumagsak muli sa lupa.
Wait... Naaapektuhan ito ng barrier na gawa ko?
Napakunot ang noo ko at wala sa sariling napatingin sa lupa.
Right! Iyong magic circle na gawa ko! It was not an ordinary magic circle! Kagaya ng magic circle na ginawa ko para magamit ang purgatory fire magic, isang high-level magic din itong ginawa kong magic circle ngayon! Pero... paano? Paanong naaapektuhan nito si Merlin? He's in pain. I can see that. Paanong nasasaktan ito ng wind barrier ko?
Wala sa sarili akong napaubo at napangiwi na lamang noong malasahan ang sariling dugo sa labi. Napailing ako at muling sinubukang pagalingin ang sugat na natamo kanina. Damn it! Mukhang napuruhan ako no'ng itim na sandatang tumama sa akin!
Napailing na lamang ako at hindi na binigyan pansin pa ang sariling sugat. Muli akong napatitig kay Reagan at noong mamataang nasa tapat na ito ni Merlin, mabilis niya itong hinawakan at inatake ng isang malakas na suntok.
"You drained all the magic inside my body," rinig kong sambit ni Merlin na siyang ikinatigil ko sa kinatatayuan. Reagan did what? Drained his magic? Ito ba ang dahilan kung bakit naaapektuhan na siya ng wind barrier ko?
"I told you, tatapusin kita sa kahit anong paraan pa," saad naman ni Reagan at muling nagpakawala ng isang malakas na enerhiya. At noong muling tumama ang kamao nito sa katawan ni Merlin, isang malakas na sigaw ang yumanig sa paligid.
Wala sa sarili akong napaupo sa dahil sa biglaang panghihina. Nanatili naman ang paningin ko sa dalawa at noong unti-unting binitawan ni Reagan si Merlin, umatras ito at bahagyang lumayo sa lalaki.
"You should stop now, Merlin," matamang saad ni Reagan habang nakatuon pa rin ang buong atensiyon nito sa kalaban. "You've already done enough. You hurt the people around you, you... killed them and still, you want to fight and become the darkness of this world! Kaya naman tama na!"
Napakurap ako. "Reagan," mahinang usal ko sa pangalan nito. What the hell? Anong ginagawa nito? Bakit kailangan pa niyang sabihin ito sa lalaking iyon? Just finish him already, Reagan Asteria! Hindi na kailangan ni Merlin ang kahit anong salita mula sa'yo!
Mayamaya lang ay narinig ko ang mahinang pagtawa ni Merlin. Napabaling ako kanya at namataan ang unti-unting pag-upo nito. Napailing ito at tumitig kay Reagan na nakatayo pa rin sa harapan niya. "What is this? Naaawa ka na ba sa akin ngayon, huh, Crown Prince of Utopia?" tanong ni Merlin sa kanya.
"Enough!" Reagan shouted. Natigilan akong muli at napatitig sa likuran ni Reagan. What the hell is wrong with him? "And stop calling me that!" He added.
"Why? Because you think that you're not still fit to be one?"
"I said enough!" sigaw muli ni Reagan at malakas na sinipa si Merlin. Tumilapon ito at muling lumapat ang katawan sa wind barrier ko. This time, hindi na ito sumigaw. Pinagmasdan ko ito hanggang sa nagkasugat-sugat ang katawan niya dahil sa lakas ng wind barrier ko.
"Reagan-"
"Stop calling me my name," malamig na saad ni Reagan noong muling magsalita si Merlin. "Wala kang karapatan na banggitin man lang ito." He coldly added.
Merlin chuckled a little. Umiling ito at pilit na itinayo ang sarili. "Why not? I gave you that name, Reagan. I was the one who gave-"
"Damn it!" Reagan shouted again and raised his right hand. Napaawang ang mga labi ko at hindi makapaniwala sa lebel ng itim na kapangyarihang inilalabas nito ngayon. "This is the end, Merlin. Your bloodline ends here. Wala nang iba pang magkakaroon ng itim na kapangyarihan mula sa dugo mo!"
Merlin chuckled again. Mayamaya lang ay napaubo ito at muling napatitig sa kaharap niya. "Hindi lang dugo ko ang mayroon ka, Reagan. Hangga't nabubuhay ka sa mundong ito, mananatiling buhay at patuloy na dadaloy ang dugo ko sa mga susunod na henerasyon."
"Then let's end our lives here now, Merlin," saad ni Reagan na siyang mabilis na ikinailing ko. What the hell is he talking about? "Let's break this wicked bloodline of ours!" He shouted and attacked Merlin again.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top