Untold Fifty-seven: The End Of An Era

May ideya ako kung ano ang pinag-uusapan ngayon ni Reagan at Merlin ngunit paanong nangyari iyon?

Reagan... he's the Crown Prince of Utopia. Anak ito ng kasalukuyang hari ng mundong ito. He will be the next king of this world! Kaya naman... paanong nangyaring magkadugo ang dalawang ito?

"Reagan" malakas na sigaw ko sa pangalan nito noong muling umatake si Reagan kay Merlin.

Masyadong nadadaig ng sariling emosyon nito si Reagan. He's acting weird and now, halos lahat ng atakeng ginawa niya ay naiwasan nang sugatang kalaban nito! Merlin can still fight. Kahit na halos i-drain na ni Reagan ang kapangyarihang mayroon sa katawan nito, still, he's Merlin. Paniguradong may kayang gawin pa rin ito na siyang magpapabaliktad ng sitwasyong mayroon kami ngayon!

Napailing na lamang ako at wala sa sariling napamura sa isipan. Napatingin ako sa sugat ko at noong makitang hindi gumagawa ang healing magic ko sa sugat na natamo, napangiwi na lamang ko.

"I'm just wasting my healing magic here. Damn it," mahinang bulalas ko at tumayo na. Humugot ako ng isang malalim na hininga at marahang ikinumpas ang kamay na nakahawak sa sugat ko. Gamit ang sariling itim na kapangyarihan, sinubukan kong kontrahin ang epekto ng kapangyarihan ni Merlin sa katawan ko.

Ilang segundo ang lumipas noong unti-unting nawawala ang sakit sa sugat na dulot ng atakeng ginawa ni Merlin kanina. Napalunok na lamang at umayos nang pagkakatayo.

I'll just need to endure it. Alam ko ang magiging negatibong epekto ng ginagawa ko sa katawan ngayon ngunit hanggang sa buhay pa itong si Merlin, susugal ako. If we managed to defeat this monster, then, I don't care what will happen to me next. Mas mahalagang matapos namin ang labang ito ngayon. Sa kahit anong paraan pa... at sa kahit anong sakripisyo pa ang gawin namin ngayon.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mataman kong tiningnan si Merlin na pilit na iniiwasan ang mga agresibong atake ni Reagan Asteria. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at mabilis na ikinumpas ang magkabilang kamay. Agad akong gumawa ng panibagong barrier na siyang nagpatigil kay Merlin sa pagkilos. Napabaling ito sa akin kaya naman ay napataas ang kilay ko sa kanya. At sa muling pagkumpas ko ng mga kamay, tuluyan nang na-trap si Merlin. Ngayon ay kaunti na lamang ang espasyong gagalawan nito. He can't run away and escape anymore from Reagan.

Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at mas pinalakas ang barrier na nakapalibot sa dalawa. Umayos ako nang pagkakatayo at matamang tiningnan ang bawat kilos nila Reagan at Merlin sa loob ng barrier na ginawa ko.

Mayamaya lang ay napakunot ang noo ko noong mamataang ngumisi si Merlin. Ipinilig ko ang ulo pakanan at noong kumilos ito at itinaas ang isang kamay, napaawang ang labi ko. Kusang bumagsak naman ang katawan ko sa lupa noong makaramdaman ng matinding sakit sa may tiyan ko. Napapikit ako at mariing kinagat ang pang-ibabang labi.

What the hell?

Anong nangyayari sa akin?

"Zaila!" rinig kong sigaw ni Reagan kaya naman ay napabaling muli ako sa kanya. Mabilis namang nagtagpo ang paningin naming dalawa at noong mapansin tila nahihirapan din ito sa kinatatayuan niya ay mabilis akong napatingin sa kinatatayuan ni Merlin.

Segundo lang ay napaawang ang labi ko noong makita ang kalagayan nito.

He... He attacked himself! Gamit ang sariling itim na espada, itinarak nito ang sariling sandata sa may tiyan niya!

Napakurap ako at wala sa sariling napatingin sa tiyan ko kung saan ko nararamdaman ngayon ang matinding sakit. I'm a hundred percent sure na hindi nanggagaling sa naunang sugat na natamo ang nararamdamang matinding sakit ngayon! Damn it! Huwag mong sabihin naapektuhan ako sa kung anong ginagawa ngayon ni Merlin sa katawan niya?

"Hindi ko pa ito nasusubukan noon ngunit mukhang epektibo ito," saad ni Merlin at nginisihan akong muli. "This is the price of having my blood in your body, Zaila Amethyst. It was a gamble to even cast a spell in our experiments before but now, looking how you got hurt by just hurting my own body, mukhang tama lang na ginawa ko iyon noon."

"Damn you, Merlin!" galit na sigaw ni Reagan at muling inatake si Merlin. Mayamaya lang ay mabilis na natigilan si Reagan sa pagkilos noong inilapat ni Merlin ang dulo ng espadang hawak sa may leeg nito. He smirked again and started hurting himself again.

Napailing ako at napahawak sa leeg ko noong maramdaman ko ang unti-unting nabubuong sakit mula roon. Napalunok ako at muling itinuon sa dalawa ang buong atensiyon.

"If you're going to kill me, then, let me kill the woman you love first," saad ni Merlin na siyang ikinatigil ko. "Ako lamang ay may kakayahang tapusin ang buhay ang babaeng pinakamamahal mo, Reagan. Kaya naman kung talagang nais mong tuluyang mawala na ako sa mundong ito, isasama ko si Zaila Amethyst. Afterall, wala na siyang ibang babalikan pa sa Utopia. Her family, friends, and even Deepwoods, matagal nang wala sa mundong ito ang mga taong dapat na prinoprotektahan niya. So, go and attack me now, Reagan. Let's all finish this."

Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at buong lakas na tinawag si Reagan. "Attack me!" sigaw ko na siyang ikinagulat nito. Bumaling ito sa akin at madilim na tiningnan ako. Napalunok ako at sinalubong ang mapanganib na titig nito sa akin. "Use your magic and attack me, Reagan. That's the only choice we have! Use your magic and drain every drop of magic inside my body!"

"No," malamig na saad nito at mabilis na binalingan muli si Merlin. "I can kill Merlin before he harms himself again."

Napakagat ako ng pang-ibabang labi at napadaing na lamang noong mas lalong dumiin ang talim ng sandata ni Merlin sa leeg nito. Damn him! Napailing na lamang ako at mabilis na inangat ang kanang kamay. Gamit ang natitirang lakas na mayroon ako, agad kong ikinuha ang silver weapon ko.

Hindi ko hahayaang gawin ito ni Merlin sa akin at kay Reagan. He can't control us! He can't control him just because he can hurt me! Hindi dapat magdalawang-isip si Reagan sa pagtapos sa lalaking iyon. At kung magiging hadlang ako sa dapat na gagawin nito, mas mabuting unahan ko na sila. Mas makakabuting mauna na akong mawala sa labang na ito kaysa naman masayang lahat nang paghihirap na ginawa namin para lamang sa araw na paghaharap na ito.

Mariin kong hinawakan ang silver weapon ko at hindi na nagdalawang isip pa na itirak iyon sa sariling katawan, sa tiyan kung saan ko naramdaman ang matinding sakit kanina. Mas ibinaon ko pa iyon kaya naman ay wala sa sarili akong napadaing.

I'm not a huntress anymore. Matagal na simula noong nagbago ang lahat sa akin at sa katawan ko. Kaya naman ay paniguradong maaapektuhan ako ng kapangyarihan ng silver weapon ko. I can't use my healing magic now. Hindi ko na maproprotektahan ang sarili sa sandatang ginagamit laban sa mga evil witch.

Mayamaya lang ay napaawang ang mga labi ko noong makitang unti-unting nawawala ang itim na kapangyarihang nakabalot sa may banda ng tiyan ko. Napakurap ako at mabilis na inalis ang talim ng silver weapon sa katawan.

Wala sa sarili kong tiningnan ang hawak na sandata at noong mapagtanto ko kung anong silver weapon itong hawak ko, napalunok na lamang ako.

This was the silver weapon that Asher Asteria gave to me earlier!

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Inilapat ko naman ang talim ng silver weapon ko sa may leeg at noong lumapat ito sa balat ko, unti-unting nawawala ang sakit na dulot noong sandatang ginagamit ni Merlin ngayon!

This is incredible! This silver weapon is cancelling Merlin's spell! At dahil nga nasa katawan ko ang dugo ni Merlin, mukhang kayang i-dispel din nito ang kung anong inilagay niya sa loob ng katawan ko!

"This is risky, but I don't have any other choice here," mahinang saad ko at binalingan muli si Reagan. Pinilit kong itinayo ang sarili at mabilis na tinawag ang pansin nito. "Reagan!" I shouted his name again. "Kill him!" dagdag ko pa at mabilis na sinugatan ang sarili gamit ang silver weapon na hawak-hawak. Namataan ko ang gulat sa mukha ni Reagan dahil sa ginawa ko. Akmang kikilos na sana ito para lapitan ako noong mabilis akong umiling sa kanya. "Don't," mahinang saad ko. "I'll be fine. So please, finish him!"

Nag-aalangan tumango si Reagan sa akin at muling hinarap si Merlin. Itinuon ko na rin sa kanya ang atensiyon at noong makitang sinugatan na naman nito ang sarili gamit ang itim na sandata nito, mabilis ko itong kinontra gamit ang silver weapon ko.

Ilang beses niya itong ginawa ngunit agad din namang napapawalang bisa sa akin dahil sa kapangyarihan ng silver weapon ko. I can feel the sting feeling in my wounds but it's bearable. Mas malala ang sakit na maaaring maramdaman ko kapag hindi ko makokontra ang itim na kapangyarihan ni Merlin. It's just a wound. Hindi ko ikakamamatay ang mga sugat mula sa sariling silver weapon ko!

Mayamaya lang ay narinig ko ang pagsigaw ni Merlin. Tuluyan nang nakalapit sa kanya si Reagan at idinispel ang hawak nitong sandata. Sinubukan namang kumawala ni Merlin ngunit agad itong napigilan ni Reagan. He immediately punched him and didn't bother to stop until Merlin's body fall into the ground.

Napaawang na lamang ang mga labi ko noong unti-unting nanghina ang katawan ko. Hindi ako kumilos at nanatiling nakatayo habang nakatingin pa rin sa dalawa. Hindi maaaring malaman ni Reagan na naapektuhan pa rin ako sa nangyayari kay Merlin. I need to be strong. Kahit ngayon lang, kahit hanggang sa tuluyang matalo na ni Reagan si Merlin.

Mayamaya lang ay namataan ko ang pag-angat ng isang kamay ni Reagan. Segundo lang din ay napansin ko ang unti-unting pagbuo ng kakaiba enerhiya mula roon. Napalunok ako at wala sa sariling napatingin sa halos hindi na gumagalaw na si Merlin.

This is the end of this battle.

Reagan will definitely kill him with his final attack.

"Please," mahinang turan ko habang pilit na ibinabalanse ang sariling katawan. "Finish him."

Pakiramdam ko ay tila tumigil sa pagtibok ang puso ko. Ni paghinga ay hindi ko ginawa. Nakatitig lang ako sa dalawa at naghihintay na tuluyang matapos na ang laban nila. Ngunit bigla akong napahawak nang mahigpit sa handle ng silver weapon ko noong makitang gumalaw ang ilang daliri ni Merlin.

He can still move! Damn it!

Humugot ako ng isang malalim na paghinga at inihanda ang sarili. At noong kumilos muli si Reagan para sana muling atakehin si Merlin, mabilis itong nawala sa puwesto niya. Agad din namang kumilos si Reagan at bumaling sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari at sa muling pagkurap ng mga mata, agad na bumungad sa harapan ko si Merlin. Damn it! He teleported himself and now, he's in front of me, with a weapon and ready to attack.

At dahil sa panghihina ng katawan ko, hindi agad ako nakakilos. I froze. I can't move my own body!

Isang malakas na sigaw ang muling nagpakurap sa akin. It was Reagan's voice! Napaawang na lamang ang labi ko at noong tuluyang nakalapit na sa akin si Merlin, wala sa sarili kong iginalaw ang kamay na may hawak na silver weapon. Itinutok ko iyon sa papalapit na si Merlin at noong nasa tamang distansiya na ito, mabilis kong binago ang anyo ng dagger ko. I immediately switch it to a sword and defend myself from his attack.

Mabilis naman akong tumilapon dahil sa naging impact ng atake ni Merlin at bago pa man ito muling makalapit sa akin, kumilos muli si Reagan at agad na sinunod si Merlin.

Hindi na rin ako nagsayang pa ng lakas. Mabilis kong inilapat sa lupa ang magkabilang kamay at gamit ang natitirang lakas na mayroon ako, I created another magic circle. This time, I will definitely trap Merlin and will not give him a chance to escape from Reagan.

I chanted some spell inside my head and when Reagan finally reached Merlin, he moved swiftly and attacked him using his dark magic. Napaatras naman si Merlin at hindi na nakabawi pa noong tuluyang natamaan ito ng mga atake ni Reagan. Natumba ito at galit na bumaling sa kalaban.

Hindi na binigyan pa nang pagkakataon ni Reagan na muling makatayo. Agad nitong nilapitan ang lalaki at inilapat sa leeg nito ang kanang kamay. Segundo lang ay napasigaw si Merlin at noong mas lumakas ang enerhiyang pinapakawalan ni Reagan, kusang napaawang ang mga labi ko at pilit na hinahabol ang sariling paghinga.

"Stop running away from me, and stop trying to hurt Zaila," malamig na wika ni Reagan at inilapit kay Merlin ang kamay nitong nababalot ng matinding itim na enerhiya. "You were the one who gave me this horrible power. You... made me a monster," dagdag pa nito tuluyan nang inilapat sa mukha ni Merlin nito. Napalunok ako at wala sa sariling napahawak sa may kanang mukha ko.

I can feel it. The magic that's slowly killing Merlin.

"Ngayon... ang kapangyarihang ito ang tuluyang tatalo sa'yo, Merlin. I've waited a hundred year to finally use this magic against you. I waited so damn long, and now that I have this chance, there's no way that you can escape and hurt again the people I love," dagdag pa ni Reagan at unti-unting inaalis ang life force ni Merlin sa katawan nito.

Napalunok akong muli at hindi na napigilan pa ang pagdaing. Agad ko namang kinagat ang pang-ibabang labi ko at nanatiling tahimik hanggang sa makita kong tuluyan nang nawala ang kapangyarihan si Merlin. At noong alisin ni Reagan ang kamay nito sa mukha ng lalaki, mabilis na bumagsak ang katawan nito sa lupa at tiyak kong wala ng buhay ito.

The dark and evil era in Utopia finally ended today.

Merlin is finally gone. Donovan is also dead, and the rest of the Coven, natitiyak kong natalo na rin sila ng mga kasama namin.

"We won," mahinang turan ko at unti-unting ipinikit ang mga mata. Hinayaan ko namang bumagsak ang katawan sa lupa at segundo lang ang lumipas, naramdaman ko ang mga kamay ni Reagan sa katawan ko. Inalalayan niya akong maupong muli at pinasandal sa katawan niya.

"Yes, Zaila... We won," rinig kong sambit ni Reagan. Napangiti ako noong marinig ang boses nito. Nanatili naman akong nakapikit at dinama na lamang ang mainit na kamay nitong nakahawak sa nanlalamig kong mga kamay. "Z-Zaila." His voice cracked. "What's wrong?"

"I'm... just tired, Reagan."

"Alright. Will stay here until you recover your strength. Magpahinga ka na lang muna."

Umiling ako sa kanya. Marahan kong iginalaw ang katawan at napangiwi na lamang noong maramdaman ko ang matinding sakit sa buong kalamnan ko.

It's probably the result of all the things I did earlier to my body. Yes, I dispel all the attacks that Merlin did, but still, I used my silver weapon against my own body. Kagaya nang sinabi ko kanina, hindi na ako isang huntress ng Deepwoods. May epekto na ang silver weapon sa akin. At kung mamalasin, tiyak kong ikapapahamak ko nang tuluyan iyong paggamit ng silver weapon kanina.

"I'm tired," mahinang turan kong muli kay Reagan.

"Magpahinga ka muna-"

"I wanted to see my family now, Reagan," saad ko pa na siyang ikinatigil ni Reagan sa puwesto niya. "I... need to see my friends, too."

"No, Zaila. Please, no." Naramdaman ko ang marahang pagyakap ni Reagan sa akin. "Don't do this to me. Please, don't say that."

"I'm sorry, Reagan. Please forgive me." I slowly said to him then let myself to finally rest.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top