Untold Fifty-nine: The Last Chapter

*****

This is the last chapter, LOVIES!

Maraming salamat sa pagsama sa kuwento ni Zaila Amethyst!

Mahal ko kayo!

*****

Maingat kong inangat ang kanang kamay at inilapat iyon sa pisngi ko. Mayamaya lang ay humugot ako ng isang malalim na hininga at marahang inalis ang luhang naroon. Malungkot akong ngumiti at dahan-dahang bumangon mula sa pagkakahiga.

"Same dream," mahinang usal ko at wala sa sariling napatingin sa may bintana ng silid na kinaroroonan ngayon. Napabuntonghininga ako habang inaalala ang mga tagpo sa panaginip ko.

I saw and talked to them. My parents and my friends from Deepwoods. I saw Raine, Raven and Theo again! Nakasama ko sila kahit sa panaginip lamang!

Malungkot akong ngumiti. "Alam kong panaginip lang ang mga iyon ngunit... bakit tila totoong nangyari iyon sa akin?" I sighed and slowly placed my right hand on my chest. "Bakit tuwing binabalikan ko ang panaginip na iyon, bakit sobrang sakit ng tibok ng puso ko? Why am I hurting all over again whenever I dream about them?" Napapikit na lamang ako at hindi na napigilan pang muli ang mga luha.

Nanatili akong ganoon hanggang sa kumalma na ako.

It's been a week since I woke up and started to rest and wait to fully heal all my wounds. Ilang araw din akong walang malay dahil sa nangyari sa akin. My body was badly hurt by my own silver weapon at talagang milagrong nagising at buhay pa ako ngayon. Mabuti na lamang ay maraming skilled witches na gumagamit ng healing magic dito sa Royal Capital at nagawang isalba pa ako mula sa sariling kamatayan.

I'm thankful... but at the same time, pakiramdam ko'y may isang bagay akong pinanghihinayangan. Hindi ko nga lang mapagtanto kung ano iyon. Pakiramdam ko lang na kahit hindi na ako nagising, magiging masaya pa rin ako sa kung saan man ako dadalhin ng tadhana.

Mayamaya lang ay napatingin ako sa may pinto ng silid noong may kumatok doon. Segundo lang din ang lumipas ay bumukas ang nakasarang pinto at pumasok si Vanessa at Amelia. Nakangiti nila akong binati at lumapit sa kamang kinaroroonan.

"Who's your sleep?" Vanessa asked me. Ngumiti ako sa kanya at noong napansin nito marahil ang itsura ko, mabilis itong naupo sa gilid ng kama ko. "Umiyak ka na naman."

Napakagat ako ng pang-ibabang labi at mabilis na nag-iwas nang tingin sa kaibigan. "I dreamt about them again," marahang saad ko. "At tuwing nangyayari iyon, hindi ko maiwasang hindi maiyak. I... missed them."

"Zaila-"

"I know... it's just a dream, pero parang totoong kasama ko sila, Vanessa." Hindi nagsalita ang dalawa kaya naman ay nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Masaya ako dahil kahit sa panaginip ay nakikita at nakakausap sila pero bakit paulit-ulit iyong tagpong nakikita ko? It's like... a memory and not just a stupid dream." Napabaling akong muli sa dalawa at matamang tiningnan ang mga ito. "Posible kaya iyon? Na makausap sila noong wala akong malay? I was almost a dead person before. Posibleng nakita at nakausap ko sila at ngayon... naging parte na ng memorya ko ang tagpong iyon."

Nagkatinginan ang dalawa at mayamaya lang ay bumaling muli sa akin.

"Zaila, I don't know what to say to you but, it's possible," ani Amelia na siyang ikinatigil ko. "Walang imposible sa mundo natin kaya naman... posibleng nakita at nakausap mo sila."

"Your Highness," mabilis na saad ni Vanessa at pinigilan ito sa pagsasalita. "Kailangan pang magpahinga ni Zaila. Huwag na nating dagdagan pa ang alalahanin niya." Humugot ito ng isang malalim na hininga at hinawakan ang kamay ko. "Zai, kung hindi mo pa kaya, huwag mong pilitin ang sarili mo. You need to fully recover first. That's our priority here. Huwag mo munang isipin pa ang ibang bagay."

Umiling ako kay Vanessa. "Maayos na ang pakiramdam ko ngayon. I can handle myself now. No need to worry about me," sambit ko at tiningnan si Amelia. "Kung totoo iyong tinuran mo kanina, kailangan kong malaman kung ano iyong unfinished business na tinutukoy nila sa akin. Ngayong wala na si Merlin at ang Coven, ano pa ang kailangan kong gawin sa mundong ito?"

"Evil and darkness are everywhere, Zaila," ani Amelia na siyang ikinatigil ko. "Kahit wala na ang Coven, natitiyak kong may magnanais pa ring guluhin ang kapayapaang natatamasa ngayon ng Utopia. And that unfinished business of yours, I have an idea," dagdag pa nito na siyang ikinaayos ko nang pagkakaupo sa kama.

"Tell me, Your Highness. Ano ang nalalaman mo?"

Ngumiti si Amelia sa akin at hindi sinagot ang naging tanong ko. Napabaling naman ako kay Vanessa at noong makita ang ngiti rin nito sa labi, napakunot ang noo ko.

"Kung kaya mo na nga ang sarili mo, then you need to get up and dress yourself, Zaila. May pagtitipon mamayang gabi sa royal palace. Isa ka sa inaasahan ng hari na dadalo roon," ani Vanessa na siyang ikinatigil ko. Napatingin akong muli kay Amelia at marahang tinanguhan ako.

"Mauna na ako sa inyo," paalam nito at muling ngumiti sa akin. "And Zaila, thank you." She carefully uttered those words. "Thank you for everything and thank you... for staying here with us. We still need you, Zaila Amethyst. Utopia still needs the last witch huntress of Deepwoods."

Nanatili ako sa silid ko hanggang sa sumapit ang gabi.

Nakapagbihis na ako at handa nang umalis para sa pagtitipon na sinasabi nila sa akin kanina ngunit tila naugat ang mga paa ko. Nasa harapan lang ako ng bintana ng silid, hindi gumagalaw, at tinatanaw lang ang madilim na paligid.

For the nth times, I sighed. Pinaglaruan ko ang silver weapon sa kamay ko at mayamaya lang ay mabilis na natigilan noong may naramdaman akong kakaiba sa paligid. Napalunok ako at mas pinatalas ang pandama.

Ipinilig ko ang ulo pakanan at maingat na binuksan ang bintana sa harapan. Segundo lang ay naramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin sa mukha ko at noong makaramdaman ako ng kakaibang presensiya 'di kalayuan sa kinatatayuan ko, agad kong inihanda ang sarili.

I enhanced my eyesight and immediately changed my silver weapon. From a simple dagger, I shifted it to a bow and arrow. Seconds passed; I saw a movement from where I felt the unknown presence earlier. It was a man. Sa tindig pa lang nito, alam kong lalaki iyon at noong muling kumilos ito, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Binitawan ko na ang palaso at siniguradong matatamaan ko ito.

Napangisi na lamang ako noong mataman ko ang target ko. Umayos ako nang pagkakatayo at ibinalik sa pagiging dagger ang silver weapon ko. Dali-dali akong kumilos at napagdesisyunang umalis na at tingnan iyong lalaking natamaan ko. Hindi ko na ginamit ang pinto ng silid. Inangat ko ang sarili at sa may bintana na dumaan.

Ikinumpas ko ang kanang kamay at pinalutang na ang sarili. Mayamaya lang ay mas pinalakas ko ang wind magic na ginamit ngayon hanggang sa tuluyan na akong nakalipad. Dali-dali akong nagtungo sa direksiyon kung saan ko naramdaman iyong kakaibang presensiya at noong tuluyan na akong nakarating doon, agad na napakunot ang noo ko.

Nasa may ere pa rin ako at tiningnan ang paligid. I tried to find the mysterious man I saw earlier and when I felt his presence behind me, I didn't waste any of my time. I shifted my dagger to a sword and immediately defended myself from the sudden attack.

Napamura na lamang ako sa isipan noong mabilis na tumilapon ako at nawalan ng balanse. Agad kong ikinumpas ang kamay at kinontrol ang katawan. Umayos ako nang pagkakalutang at masamang tiningnan ang umatake sa akin.

Segundo lang ay biglang nagbago ang ekspresyon ko sa mukha. Mula sa pagkakairita ay agad itong napalitan nang pagkabigla. At noong makita ko ang sugatan nitong braso, agad na napaawang ang labi ko.

"I was peacefully having a night here when someone suddenly attack me with her silver weapon," anito at unti-unting bumaba mula sa pagkakalutang niya sa ere. Napakurap ako at bumaba na rin. Hindi ako nakapagsalita at matamang nakatitig lamang sa kanya. "Walang ibang witch na nasa Royal Capital ngayon ang gumagamit ng silver weapon kaya naman ay nakakasiguro akong ikaw ang umatake sa akin kanina."

Napangiwi ako at mabilis na nag-iwas nang tingin sa kanya.

What the hell?

Presensiya niya iyong naramdaman ko kanina?

"Do you mind telling me why you attacked me, huh, Zaila?" tanong ni Reagan sa akin sa seryosong tining. Muli akong napangiwi at binalingan ito. Namataan ko ang paghugot nito ng palaso sa braso niya. Napangiwi muli ako. Mayamaya lang ay ngumisi ito sa akin at napailing na lamang. "Nevermind," dagdag pa nito at mabilis na tinalikuran ako.

"I'm sorry," mabilis na saad ko na siyang ikinatigil nito sa pagkilos. Napalunok ako at umayos na lamang nang pagkakatayo. "I felt a strange presence earlier kaya naman ay hinanap ko iyon. And then... I saw you, well, hindi kita nakilala." Napatikhim ako at napahigpit ang pagkakahawak sa handle ng silver weapon. "I'm sorry. Hindi ko sinasadyang-"

"You felt my dark energy," saad ni Reagan na siyang ikinatigil ko sa pagsasalita. "It's normal for you to react like this," dagdag pa niya at muling binalingan ako. "And looks like you can fight again now, huh?" Ngumisi itong muli sa akin.

Napakunot naman ang noo ko sa tinuran nito. "I can always fight, Your Highness."

Sa pagkakataong ito ay mahinang natawa si Reagan. "You're still calling me that kahit na alam mo naman kung sino talaga ako." Natigilan ako sa tinuran nito. "I don't deserve to be called like that. Just... call me by my name, Zaila." Hindi ako nagsalita at matamang tumitig lamang sa kanya. "Sooner, everyone will know about my real identity. I will dethrone myself as the Crown Prince of Utopia and-"

"Mas mahalaga pa ba iyon kumpara sa sakripisyong ginawa mo para sa buong Utopia?" Mabilis na tanong ko kay Reagan na siyang ikinatigil nito. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at nagsimulang maglakad patungo sa kinatatayuan nito. Tahimik naman itong nakatitig sa akin hanggang sa tuluyan na akong nakalapit sa kanya. "No one will dare to dethrone you, Your Highness," saad ko at inangat ang kamay sa sugatang braso nito. I started to chant a spell inside my head that will immediately heal his wounds. "You're the Crown Prince of this world. You have a royal blood in your veins. Hindi na mawawala iyon sa'yo."

"My father is not the king of Utopia."

"He was still a part of the royal family," sambit ko at ibinaba na ang kamay noong makitang magaling na iyong sugat nito. Humugot ako ng isang malalim na hininga at tiningnan ito. "You're a royal prince too, Reagan. The first born of your generation. Huwag mong ipagkait iyon sa sarili mo."

Hindi nagsalita si Reagan at matamang tiningnan lang ako. Muli akong humugot ng isang malalim na hininga at noong akmang aatras na sana ako palayo sa kanya, mabilis niya akong pinigilan. Natulos naman ako sa kinatatayuan ko at napalunok noong dumapo ang kamay nito sa may braso ko.

"Are you comforting me now, huh, Zaila Amethyst?" He slowly uttered those words to me.

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Mabilis akong lumayo kay Reagan at sinamaan ito nang tingin. "Just accept my apology, Your Highness, para naman ay makabalik na ako sa silid ko." Natawa si Reagan at napailing na lamang habang nakatingin pa rin sa akin. Napailing na rin ako sa kanya. "And please, don't dethrone yourself. No one is better than you in your family. Asteria will surely fall if you do that."

"So, you're telling me to lie to them? To my family?" He carefully asked me.

Napairap ako sa harapan nito. "Kung mas ikapapanatag ng loob mo ang sabihin sa kanila ang totoo, then go, do it. But you can't just dethrone someone just because of their past. Hindi mo kasalanan maging anak ng naging kalaban ng buong Utopia. At isa pa, ikaw ang nakatalo kay Merlin. Nanalo tayo sa labang ito dahil sa'yo."

"But you were the one who saved me," anito na siyang ikinatigil kong muli. "Nanalo tayo sa labang ito dahil sa'yo." Ulit niya sa sinabi ko sa kanya.

Napailing na lamang ako. "Pag-isipan mong mabuti ang tinuran ko sa'yo, Your Highness," matamang saad ko at naging seryoso na sa harapan nito. Mayamaya lang ay nawala na rin ang ngiti nito at naging seryoso habang nakatingin din sa akin. "You deserve to be called as the Crown Prince of Utopia. You, Reagan Asteria, will be the next king of this world, and no one can take it away from you."

Hindi nagsalita si Reagan at nanatiling nakatingin lamang sa akin. Mayamaya lang ay tumango ito kaya naman ay napangiti na lamang ako sa kanya. Humakbang ako ng isang beses palayo sa kanya at unti-unting tumalikod na. Bago ko pa maihakbang muli ang mga paa, natigilan ako noong magsalita ulit ito.

"Will you help me to become a better Crown Prince of Utopia?"

Napangiti ako at muling binalingan si Reagan. "Of course." Umayos ako nang pagkakatayo at matamang tinitigan ito. "I, Zaila Amethyst, the last witch huntress of Utopia, will surely help you, Your Highness."

"So, you're calling yourself again as a witch huntress."

Tumango ako sa kanya. "I will help you with everything, but I need you to help me, too." Taka akong tiningnan ni Reagan at hindi nagsalita. "I'm planning to rebuild Deepwoods and the academy."

"What?" Gulat na tanong nito sa akin.

"When I saw them in my dreams, they told me that I still have an unfinished business here," saad ko habang sinasalubong ang seryosong titig ni Reagan. "And I think rebuilding Deepwoods is the one I should do before joining and seeing them again."

Mas lalong naging seryoso si Reagan dahil sa tinuran ko sa kanya. "Joining and seeing them again to where exactly, Zaila Amethyst?"

Nagkibit-balikat ako sa kanya. "I don't know. Maybe to the afterlife," wala sa sariling sagot ko sa kanya. "Hindi ko talaga maipaliwanag ito, Reagan. I swear, parang totoo talaga ang lahat! Hindi lang basta panaginip iyong pag-uusap namin! It feels so damn real! Kaya naman-" Natigil ako sa pagsasalita noong makitang dumilim ang ekspresyon sa mukha ni Reagan. Napalunok ako at noong akmang magsasalita na sana akong muli, mabilis itong tumalikod at nagsimulang maglakad palayo sa akin.

Napatanga ako sa kinatatayuan at hindi na nagawa pang tawagin ito.

Mayamaya lang ay napatingala na lamang ako at tiningnan ang ma-bituing kalangitan.

"Whatever, Your Highness," wala sa sariling saad ko habang nakatingala pa rin. Mayamaya lang ay naramdaman ko muli ang presensiya ni Reagan at noong hawakan niya ang kamay ko at marahang hinala, wala na akong nagawa pa kung hindi ang sumunod sa kanya pabalik sa Royal Palace.

Whatever, Reagan Asteria.

Kahit na ayaw mo sa ideyang sinabi ko, still, I will rebuild Deepwoods and Deepwoods Academy. Maraming witch and half-witch ang may potensiyal na maging bagong hunters and huntresses ng Utopia, lalo na iyong mga nasa Sanctuary.

I will definitely rebuild our home.

I will definitely finish this unfinished business of mine, and just wait for my time until I meet them again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top