Untold Fifty-four: The Magic Within
Kahit malayo pa ako sa puwesto nila Reagan ay ramdam na ramdam ko na ang tensiyon na bumabalot sa kanila. Mariin kong hinawakan ang handle ng silver weapon ko at mas binilisan ang paglipad.
Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga noong tuluyan na akong nakalapit sa kanila. Maingat kong itinapak ang mga paa sa lupa at tumayo sa tabi ni Reagan Asteria. Tahimik kong pinakiramdaman ang paligid at napakagat na lamang ng pang-ibabang labi ko noong nararamdaman ko pa rin ang presensiya nila Asher at Kristopher sa paligid! Damn! Hindi pa sila nakakapasok sa royal palace! Hindi pa ba sila tapos sa laban nila? Isang dark magic user witch lang naman ang namataan ko kanina sa bukana ng gubat, ah!
"Zaila Amethyst," ani Merlin sa pangalan ko at ngumisi sa harapan namin ni Reagan. "What took you so long? Talagang hinintay mo pa ang isang daang taon bago bumalik dito sa Utopia."
Mas hinigpitan ko ang hawak sa silver weapon ko. "I was looking for the blood moon, that's why," sambit ko na siyang ikinataas ng isang kilay nito. Umayos naman nang pagkakatayo si Donovan sa tabi nito at masamang tiningnan ako.
"So, nalaman mo rin pala ang tungkol sa ancient weapon na iyon." I heard him chuckled. "Tell me, Zaila Amethyst, nakita mo ba ang hinahanap mo?"
Umiling ako at nginitian ito. "No but... I've gained something else." Makahulugang sambit ko na siyang tuluyang ikinatawa na ni Merlin.
"You've wasted your time looking for that weapon, Zaila. Mukhang walang nagbago sa'yo. Mahina ka pa rin. Hindi mo nagamit ang kapangyarihang nakuha mo sa akin para mahanap ang ancient weapon na iyon!" He laughed again.
Napailing muli ako at sinabayan ang pagtawa ni Merlin. Mayamaya lang ay mabilis kong kinuha ang baril na dala-dala ko mula sa Sanctuary at agad na pinuntirya ang dalawang evil witch sa harapan ko. Mukhang hindi nila inaasahan ang dala kong sandata kaya naman ay huli na noong nakakilos sila sa kinatatayuan nila. Nakalabit ko na ang gatilyo at pinatamaan ang braso ng dalawa.
"Oh, sorry I forgot to inform you," matamang sambit ko at ipinilig ang ulo pakanan. "I use guns now. Hindi na ako umaasa na lamang sa silver weapon ko. After all, hindi na ako isang huntress."
"Who gave you that weapon?" mariing tanong ni Donovan sa akin habang nakahawak sa braso nitong duguan na ngayon. Umayos ito nang pagkakatayo at masamang tiningnan ako.
Nagkibit-balikat ako sa kanya. "Who knows? Maybe one of the Vampire Emperors?" I smirked then aimed my gun again towards them.
Sa pagkakataong ito, mabilis na kumilos ang dalawa. Nawala sila sa paningin ko kaya naman ay naging alerto ako sa paligid namin.
"What the hell happened to you, huh, Zaila?" rinig kong tanong ni Reagan sa akin. "Sa loob ng isang daang taon, anong nangyari sa'yo sa Sanctuary?" pahabol na tanong pa nito.
Umiling ako sa kanya habang hinahanap ang presensiya ng dalawang evil witch sa paligid. I activated all my senses and tried my best to locate their location. "I just lived and tried to survive, Reagan. That's what happened to me," mariing wika ko at mabilis na ikinalabit ang gatilyo ng baril noong mahanap ko na ang tamang lokasyon kung nasaan si Merlin. "I'll deal with Merlin. Ikaw na ang bahala kay Donovan," sambit ko pa sa kanya at mabilis na tumakbo patungo kung saan naroon si Merlin.
Hindi ko na muling binalingan pa si Reagan. Alam kong maayos na ang lagay nito kaya naman ay panatag akong magiging maayos din ang laban niya kay Donovan. Itinuon ko na lamang ang atensiyon kay Merlin at noong muling namataan ko ito, agad kong itinutok sa kanya ang hawak na baril. Sa muling pagkalabit ko ng gatilyo, panibagong enerhiya ang pinakawalan ko. Napailing na lamang ako at pinagpatuloy ang pagtakbo.
This gun is not just an ordinary gun that kills different creatures. Binalaan na ako noon ni Kaiser sa paggamit nito at alam ko rin ang magiging epekto nito sa katawan ko. This gun... it absorbs magic. Sa bawat balang pinapakawalan nito, isang malakas na enerhiya ang nawawala sa akin. At kapag tumama iyon sa target ko, dalawa lamang ang magiging resulta. It's either the target's dead or... the energy that the gun consumed from the user was not enough to end someone's life.
At mukhang iyon ang nangyayari ngayon.
I'm pretty sure na natatamaan ko si Merlin ng mga balang pinapakawalan ko. He was fast but my bullets are faster! Natitiyak kong vital points din ang pinatatamaan kong parte ng katawan nito! Hindi ko naman talaga inaasahang mapapatumba ko nang basta-basta si Merlin gamit ang baril na ito, but still, this weapon is one of the deadliest weapons that ever exist in Sanctuary!
Monster... Merlin is really a monster! Damn it!
Agad akong tumigil sa pagbaril noong biglang nawala ang presensiya ni Merlin. I can still feel Donovan's presence but him... bigla na lang nawala ito!
Naging alerto ako sa paligid. Maingat kong itinago ang baril na hawak ko at umayos nang pagkakatayo. This is Merlin that I'm dealing right now. Hindi ako maaaring magpadalos-dalos sa bawat atakeng ginagawa ko. I need to remain calm and compose. I can't risk losing this fight again!
Humugot ako ng isang malalim na hininga at mas pinatalas ang pandama. Ipinikit ko ang mga mata at pinagpatuloy ang ginagawang paghahanap sa nagtatagong si Merlin. Ipinilig ko ang ulo pakanan at noong makaramdaman ako ng kakaibang enerhiya sa likuran ko, agad akong bumaling doon at sa pagmulat ng mga mata ko, nakangising Merlin ang bumungad sa akin.
"Too slow," anito habang nasa leeg ko ang kamay nito. Humigpit ang pagkakahawak nito sa akin at bahagyang inangat ako sa lupa. "Ito lang ba ang kaya mong gawin ngayon, Zaila? Mukhang wala ka talagang napala sa pagpunta mo sa Sanctuary."
Ngumisi na rin ako sa kanya at iginalaw ang kamay kong kanina pa nakatarak sa tiyan niya. Mukhang hindi na nito naramdaman ang ginawa ko sa kanya. He was too overwhelmed because he got me. Ni hindi niya naramdamang may nakatarak na pala sa katawan niya. "Don't underestimate me, Merlin," matamang wika ko at mas ibinaon ang kamay sa tiyan niya. "Sa haba ng panahong mapapalagi ko sa Sanctuary, hindi lang mga witch na kagaya natin ang nakasalamuha at nakalaban ko. May mga nilalang pang mas superior sa atin, sa'yo... and I managed to beat the hell out of them," dagdag kong wika sa kanya sabay summon ng fire magic ko.
Mabilis na humiwalay sa akin si Merlin. Agad din naman niyang na-dispel ang fire magic ko sa loob ng katawan niya at segundo lang din ang lumipas, kusang naghilom ang sugat na ginawa ko kanina sa kanya.
Damn! We're both using healing magic! Paniguradong hindi magiging madali ang labang ito para sa aming dalawa!
"Your stupid trick will not work on me, Zaila. Alam mo iyan. Come on, give me a good fight. Ipakita mo sa aking hindi ako nag-aksaya ng taon kakahintay sa pagbabalik mo rito sa Utopia. Show me everything you've got," anito at umayos nang pagkakatayo.
Ganoon din ang ginawa ko. Mataman ko itong tinitigan at sabay na ikinumpas ang mga kamay. Sabay kong isinumon ang fire at wind magic ko habang natitig pa rin sa kanya.
"How about we use our own magic instead of using any weapon?" tanong nito at pinagtaasan ako ng isang kilay.
Ngumisi ako at mabilis na iginalaw ang mga paa. "Fine with me, evil witch!" sigaw ko at mas pinagaan ang sarili. Naging mas doble ang bilis ko at noong nasa harapan na ako ni Merlin, agad kong sinuntok ito. Sinundan ko pa iyon ng panibagong suntok kaya naman ay mabilis na tumilapon si Merlin sa gawing kanan ko.
Napamura na lamang ako sa isipan noong mapansing hindi man lang ito nag-abalang sanggain ang naging atake ko sa kanya. Galit ko itong binalingan at mariing ikinuyom ang mga kamao. "Kung hindi mo ako lalabanan at tatanggapin na lamang ang bawat atakeng ginagawa ko, hindi mo makikita kung anong klaseng halimaw ang ginawa mo noon, Merlin!" seryoso saad ko at mabilis na dinisolve ang dalawang elemental magic na ginamit ko kanina. "This is what you want, right? To finally witness the true strength of one of the test subjects you have before."
"You're really smart, Zaila," anito at tumayo mula sa pagkakasalampak sa lupa. Ngumisi itong muli sa akin habang pinapagaling ang mga sugat na natamo nito sa naging pag-atake ko kanina. "I don't care about this place. I don't care about the Royal Capital. Kahit na hindi na lumabas sa lugar na ito ang mga royal witch, wala akong pakealam. But since you're here, wala akong ibang nagawa pa kung hindi pumunta na rin dito. You're mine, Zaila. One of my creations. And your power? It's also mine. Kaya naman kung may manginginabang sa kakayahan mong iyan, ako dapat iyon at hindi ang mga walang kuwentang royal witch sa lugar na ito."
Napailing ako sa kanya at umayos nang pagkakatayo. "Hindi mo pagmamay-ari ang kapangyarihang mayroon ako. The moment your blood entered my body, it was already mine."
Tumawa muli si Merlin sa akin na tila ba aliw na aliw sa pag-uusap naming dalawa ngayon. "You're definitely one of my test subjects, Zaila Amethyst!" ulit na naman nito na siyang ikinairap ko na sa kanya.
"Fine," simpleng wika ko at naglabas ng itim na enerhiya sa magkabilang kamay. "If you badly want this, alright, I'll give it back to you!" bulalas ko at mabilis na kumilos muli. Tinakbo ang distansiya naming dalawa at noong ilang hakbang na lamang ang layo ko sa kanya, agad itong nawala sa paningin ko. Damn it!
Mabilis akong tumigil sa pagtakbo at muling hinanap ito sa paligid. "Stop hiding like a damn coward, Merlin!" sigaw ko at hinanap ang presensiya nito. Mayamaya lang ay natigilan ako sa kinatatayuan noong makaramdam ng kakaiba sa lupang inaapakan ko. Wala sa sarili akong napayuko at kunot-noong napatitig doon.
Magic circle?
Wait... ginawa niya ba ito kanina noong tumilapon siya at napasalampak sa lupa?
Napailing na lamang ako at hindi na nagdalawang-isip pang lumuhod. Inangat ko ang kanang kamay at malakas na sinuntok ang lupa kung saan naroon ang magic circle na gawa ni Merlin. Seconds passed; the magic circle was gone. Umayos na ako nang pagkakatayo at masamang tiningnan si Merlin sa gawing kaliwa ko. "Kung wala kang planong labanan ako nang seryeso, dapat ay hindi ka na nagtungo sa lugar na ito, Merlin. You should just stay in your headquarters and wait for me until I make your own graveyard."
"You sure talk a lot now, Zaila Amethyst," ani Merlin at isinandal ang likod sa isang puno malapit sa kanya. "Yes, wala akong balak na labanan ka ngayon sa lugar na ito. Cause you know... I have a different plan for you."
"And that would be?" matamang tanong ko.
Tumawa itong muli sa akin. "No. I won't tell you." He laughed again.
Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at wala sa sariling ikinumpas ang isang kamay. Mabilis na bumulusok sa kanya ang itim na enerhiyang kanina pa nakapalibot sa mga kamay ko. Agad namang kumilos si Merlin at iniwasan ang naging atake ko. Muli kong iginalaw ang mga kamay at sunod-sunod na pinaulanan ng atake si Merlin. Damn it! We're just wasting our time and magic here! Wala talagang planong lumaban ngayon sa akin itong si Merlin!
Sa muling pagkawala ni Merlin sa paningin ko ay hindi ko na napigilan pa ang sariling sumigaw. Galit kong ikinumpas nang sabay ang mga kamay at halos sabay-sabay na nagsitumbahan ang mga punong nakapalibot sa akin ngayon. Humugot ako ng isang malalim na hininga at pilit na ikinalma ang sarili.
No, Zaila. He's just messing with you! Stay focus and don't let him get into your head!
Humugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at umayos nang pagkakatayo. Mayamaya lang ay muli akong natigilan sa kinatatayuan ko at wala sa sariling napahawak sa may dibdib ko. Kusang umawang ang mga labi ko noong makaramdaman ng kakaibang pressure sa may bandang dibdib ko. Napalunok ako at pilit na ikinakalma ang tibok ng sariling puso.
"My blood and the blood moon's energy really fit inside your body." Nanlaki ang mga mata ko noong marinig ang boses ni Merlin sa likuran ko. Segundo lang ay naramdaman kong muli ang kamay nito sa leeg ko. "Heard about the ancient cursed blood, huh, Zaila?" tanong pa niya at mas inilapit ang katawan nito sa akin. "You have it now."
Gusto kong gumalaw ngunit hindi sumusunod ang katawan ko. What the hell happened? Imposible namang natamaan niya ako kanina! Wala itong ginawa kung hindi ang umiwas sa bawat atake ko kaya naman paanong hindi na ako nakakagalaw ngayon?
"You use dark magic now, Zaila. And that's my primary magic. Iyon ang nakuha mo sa akin," usal nito na siyang nagpakunot ng noo ko.
What? Sa dinami-raming kapangyarihang nakuha ko mula sa eksperimento nila, iyong dark magic lang ba ang talagang sa kanya?
"You were born different, Zaila Amethyst. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng mga magulang mo noon para itago sa lahat ang kakayahang mayroon ka," muling saad ni Merlin na siyang ikinaawang ng mga labi. "Kung sabagay, dating parte ng royal family ang pamilya mo. Hindi na nakapagtataka na ang isang kagaya mo ay tunay na makapangyarihan."
"W-what do you mean by that?" nahihirapang tanong ko sa kanya.
He chuckled. "Hindi mo pa rin ba nakukuha ang nais kong iparating sa'yo, huh?" Mas lumapit ito sa akin at natigilan na lamang ako noong nasa bandang tenga ko na ang bibig nito. "My experiment before did not give you your current magic. Let's just say... it was just piece that finally completes the puzzle within your body."
What?
"And you... owning the blood moon, mas pinalakas lang nito ang kapangyarihang taglay ng katawan mo."
"Wala na sa akin ang kapangyarihan ng blood moon, Merlin," mariing saad ko sa kanya.
He laughed again. "The power of the blood moon will forever remain inside our body, Zaila Amethyst. Mawawala lamang ang kapangyarihan nito kapag tuluyan nang mawalan ng buhay ang katawang pagmamay-ari natin."
I froze. No way.
"That's how powerful we are now, Zaila. At kapag tuluyan ko nang makuha ang kung anong nais ko sa'yo, I will rule this world... No, hindi lang ang Utopia ang paghaharian ko. I will rule everything... Pati na rin ang Sanctuary." Merlin said and laughed again.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top