Untold Fifty-eight: The Eternal Life
Being a witch huntress was initially not my dream.
I was born and grew up in a wealthy noble witch family. Ni minsan ay hindi ako nahirapan sa buhay na mayroon ako noon. We were happy and contented. Not until the Coven came and destroy everything we have.
"Palakas nang palakas na ngayon ang kahit mababang lebel na miyembro ng Coven." Natigilan ako sa pagbabasa noong marinig ang boses ni Raven. Napaayos ako nang pagkakaupo at marahang isinara ang librong hawak-hawak.
"Mabagal ka lang talaga kanina kaya naman ay natamaan ka nang atake nila," saad naman ni Raine at naupo sa tabi nito. "Dapat kasi umalis ka na roon kanina. Hinintay mo pa talagang dumating sila Elveena."
Napabuntonghininga si Raven. "Alam mong hindi ko gagawin iyon, Raine," anito at napasimangot na lamang.
"Why? Because you're a witch hunter?" malamig na tanong naman ni Theo sa kanya.
Marahang tumango si Raven at humugot muli ng isang malalim na hininga. "Exactly." He paused and started playing his own silver weapon. "Ang mga kagaya natin ay hindi dapat tumatakbo sa laban kung saan naroon ang mga evil witch."
Napairap ako sa narinig mula kay Raven. Inilapag ko na sa mesa ang hawak na libro at binalingan ito. "Hindi sa lahat ng laban ay kailangan nating maipanalo, Raven," wika ko na siyang ikinabaling ng tatlo sa puwesto ko. "Mas mahalaga pa rin ang kaligtasan natin. At kung alam mong ikapapahamak mo ang manatili sa lugar kung saan naroon ang mga kalaban, mas makabubuting umalis na lamang at bumalik kung kailan kaya mo nang makipagsabayan sa kanila."
"Wow. Really, Zaila? Talagang nanggaling pa sa'yo ang mga salitang iyon?" tanong ni Raine at pinagtaasan ako ng kilay. "Ikaw nga, sumusugod agad kapag nakakaramdam ng presensiya ng evil witch."
"Ginagawa ko iyon dahil alam kong kaya kong makipagsabayan sa kalaban," matamang saad ko na siyang ikinairap ni Raine sa akin. "I may act impulsive and sometimes impatient, but I know what I'm doing. Hindi ko ipapahamak ang sarili ko." Humugot ako ng isang malalim na hininga at maingat na tumayo mula sa kinauupuan. "Kung ayaw niyong maulit ang nangyari kanina, lalo na sa'yo Raven, kailangan nating maging mas malakas pa. We need to train hard and master all the skills that can defeat evil witches. Yes, wala dapat sa bokabularyo nating mga hunter at huntress ng Deepwoods ang umatras sa laban kung saan naroon ang mga evil witch, but still, isa lang ang buhay natin. We're not like them. We don't use magic and definitely don't use anything that can prevent our own death."
Death.
Simula noong naging huntress ako ng Deepwoods ay hindi ko na binigyan halaga pa ang tungkol sa bagay na iyan. Sa hirap at delikado ng trabaho namin, alam kong hawak ni kamatayan ang isang paa namin tuwing may nakakaharap kaming mas mataas na lebel na evil witch.
They say that I don't fear death.
But the truth is... I just don't want to acknowledge the fact that one day, I'll go and leave my family and friends from Deepwoods behind. Na dahil sa pagnanais kong makahiganti sa Coven, maiiwan ko sila at lalabang wala ako sa tabi nila.
Deepwoods has fallen.
They burned and killed all hunters and huntresses of Deepwoods.
I can't image how they suffered because of them. I can't imagine how Elveena, and the rest of my family fought just to save everyone.
It was my biggest nightmare. Learning about what happened to them almost killed me. I gave up. I don't even have the courage to live and fight again. I lost everything and now, I think I lost myself too.
This is worse than death itself.
"Zaila." Napabaling ako kay Yuri noong tawagin niya ako. Nasa sentro kami ngayon ng isang liblib na nayon ng Utopia. Napagdesisyunan naming manatili muna sa lugar na ito habang hindi pa naaayos nang mabuti ang mga plano namin laban sa Coven. "Kapag ba makaharap mo ulit sila Donovan at Merlin, sa tingin mo ba'y kaya mo nang makipagsabayan sa lakas nila?"
Natigilan ako sa paglalakad at wala sa sariling napatitig sa seryosong mukha ng kapatid.
"Can you... do it? Can you finally defeat them?" He asked.
Napailing ako at humugot ng isang malalim na hininga. "Sa kapangyarihang mayroon ako ngayon, alam kong hindi pa sapat iyon para tuluyang matalo ang dalawa. But... I will not give up, Yuri. Darating din ang panahon na matatalo natin sila. Kung hindi man ngayon... baka sa mga susunod na taon. Who knows, right? Sa paglipas nang panahon, tiyak kong mas mapapalakas ko pa ang kapangyarihang taglay ko. At kapag mangyari man iyon, sisiguraduhin kong makukuha natin ang hustisyang matagal na nating nais makamit."
Ngumiti si Yuri sa akin at hinawakan ang kamay ko. Tipid din akong ngumiti sa kapatid at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
I thought I was done before. Noong nawala sa akin ang lahat, sinabi ko sa sarili ko na tapos na rin ako. Na wala nang pag-asa pang lumaban at manalo ako sa labang ito. But when I saw my brother again, bigla akong nagkaroon ng kaunting pag-asa sa puso ko.
He's still here. I'm not totally alone in this world.
Mabilis akong napabaling sa nakasarang pinto ng silid noong bumukas iyon. Mayamaya lang ay pumasok si Kaiser, nakakunot ang noo at tila handang manakit sa kung sino man magtatangkang lumapit sa kanya.
Napasandal ako sa backrest ng upuan ko at tahimik na tiningnan ang bagong dating na Vampire Emperor ng Sanctuary. Mabibigat ang bawat hakbang nito hanggang sa tuluyan na itong nakarating sa upuan niya. Mabilis siyang naupo at matamang tiningnan kaming nasa loob ng silid.
"They caught another member of Coven," imporma nito na siyang ikinaarko ng isang kilay ko. "Sanctuary should be a safe place for every creature living in it. Dapat ay matigil na ang panggugulo ng mga evil witch sa mundong ito."
"You can't stop them," saad ko na siyang ikinatuon ng paningin ni Kaiser sa akin. "They're evil witches. It's their nature to mess everything kahit saang mundo pa sila mapadpad."
"Wala ka bang planong gawin para matigil na sila at bumalik na sa Utopia?" He coldly asked me.
"I can't hunt them. I'm not a witch huntress," walang emosiyong sambit kong muli.
"What if we made a deal here, Zaila Amethyst," anito na siyang ikinatigil ko sa kinauupuan. "You're looking for the blood moon, right?" Pagpapatutuloy nito. "Fine, we'll give you all the resources to find that ancient weapon. We have intel in different parts of Sanctuary. Tiyak kong makakatulong iyon sa'yo para mas mapadali ang paghahanap mo sa blood moon na iyon. And in return, you will help us about our concern with the members of Coven. Mas alam mo kung ano ang kaya nilang gawin. Kumpara sa amin, mas makakabuti sa Sanctuary kung taga-Utopia rin ang kikilos para tuluyang mawala sa mundong ito ang mga evil witch na iyon."
Napangisi ako at tumayo na sa kinauupuan ko. Muli kong tiningnan si Kaiser at tipid na tinanguhan ito. "Consider it done," saad ko at mabilis na nagpaalam sa kanila.
Sa loob ng isang daang taon, itinuon ko ang buong atensiyon sa paghahanap ng blood moon. I've been dealing with evil witches too. At tuwing may nakakaharap akong miyembro ng Coven, hindi ako nagdadalawang-isip na tapusin ang buhay nila. They killed my family. Natural lang sa akin ang gawin din ang ginawa nila sa pamilya ko.
I also trained myself, too. Mas pinalakas ko ang kapangyarihang taglay. Sa tagal ng panahong pananatili ko sa Sanctuary, may mga bagay pa akong natuklasan tungkol sa eksperimentong ginawa nila Merlin sa akin. Kung noon ay kaya ko pang kontrolin ang kapangyarihan ko, ngayon ay pakiramdam ko'y unti-unting kumakawala sa akin ang kapangyarihang ibinigay nila sa akin. And Kaiser felt that too. He even told me that sooner or later, I need to leave Sanctuary. Dahil kung hindi ako aalis sa mundo nila, tiyak kong ako na mismo ang susunod na magiging kalaban nila.
I'm not just a simple witch huntress now. I'm neither an ally nor their enemy. At kapag mangyari ang matagal ko nang kinatatakutan, wala na akong ibang lugar na mapupuntahan pa. I need to return to my real world. Afterall, Utopia is still my home.
"Zaila?"
Natigilan ako sa pagmamasid sa magandang tanawin sa harapan ko noong marinig ang isang pamilyar na tinig. Biglang nanlamig ang buong katawan ko at kusang napaawang ang mga labi.
That voice... I know that voice!
"Zaila... Is that you?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi at mabilis na binalingan ang nagsalita. "Zaila-"
"Mommy." Halos walang tinig na saad ko at pinagmasdan ang dalawang taong nasa harapan ko ngayon. "Dad," sambit ko pa at matamang tiningnan ang ama. "Paanong-"
"What are you doing here, Zaila?" marahang tanong ng aking ama at nagsimulang maglakad papalapit sa kinatatayuan ko. Ganoon din ang ginawa ni mommy at noong tuluyan na silang nakalapit sa akin, inabot nila ang kamay ko at marahang hinawakan iyon. "What happened? Bakit ka narito sa lugar na ito?"
Natigilan ako sa naging tanong ni daddy sa akin.
What happened? I... I don't know exactly what happened. Wala akong matandaan sa kung anong nangyari sa akin at kung paano ako napunta sa lugar na ito!
"Hindi ka dapat narito sa mundong ito, Zaila," wika ni mommy na siyang ikinatingin ko sa kanya. "It's not yet your time to be here, Zaila. You should go back, sweetheart."
"Pero-"
Naputol ang dapat na sasabihin ko sa mga magulang ko noong maramdaman ako ng ibang presensiya sa paligid. Agad akong napabaling sa gawing kanan ko at mabilis na natigilan noong makita ang iba pang mahalagang tao sa buhay ko. "Mom... Dad... it's them," halos walang tinig na saad ko habang nakatingin sa mga kaibigan ko.
I saw Raine, Raven, and Theo. Nakangiti sila habang nakatingin sa akin. Namataan ko rin si Elveena at iba pang Senior Squad Captains ng Deepwoods Academy. Mataman lang silang nakatingin sa akin at marahang tinanguhan ako. May ilan pa akong kakilalang nakita at noong dumako ang paningin ko sa mga miyembro ng sariling squad ko, hindi ko na napigilan pa ang mga luha.
They're all here! Lahat ng mga mahal ko sa buhay ay nandito sa lugar na ito!
"Why am I seeing you all here? Anong klaseng lugar ito? Don't tell me... patay na rin ako?" Hindi ko na napigilan pa ang pag-iyak habang nagtatanong sa mga magulang ko. "Mom, dad, tell me. What happened to me? Bakit ko kayo kasama ngayon? Tapos na ba ang laban? Si Merlin? Is he dead? Tapos na ba ang matagal na paghihiganti ko sa kanya at sa Coven?"
Marahang inangat ni mommy ang kamay nito at hinaplos ang pisngi ko. Maingat nitong inalis ang mga luha ko at tumango sa akin. "You win, Zaila," anito na siyang ikinatigil ko. "Nakuha mo na ang hustiyang matagal na inaasam mo. You did it, sweetheart, and we're really proud and thankful for all the things you did just to achieve your goal."
"But..." saad naman ni daddy at malungkot na tiningnan ako. "Hindi ka dapat narito, Zaila. You don't belong here."
"But, dad, you're all here! Narito kayo ni mommy at narito rin ang mga kaibigan ko sa Deepwoods!" Napabaling muli ako sa puwesto ng mga kaibigan ko. "Kung may lugar man ako na dapat puntahan, ito na iyon! I should be here!"
"Zaila-"
"Merlin's dead. Wala na rin ang Coven! Utopia will be fine now, daddy. Hindi na nila kailangan pa ang tulong ko!" Hindi nagsalita ang mga magulang ko at matamang tiningnan lang ako. Humugot ako ng isang malalim na hininga at matamang tiningnan ang mga kasama ko ngayon. "I was left alone. For a hundred year living outside Utopia, I'm always thinking of how I can meet you again. I tried everything... and I can give up whatever I have right now just to be with you again. At ngayong narito na kayo sa harapan ko, wala na akong ibang nanaisin pa. I... I'll stay where you are. Iyon lang ang nais ko ngayon."
"You don't have to stay here, Zaila." Natigilan ako noong marinig ang boses ni Raine. Napabaling ako sa gawi nito at malungkot na kinatitigan ang mga kaibigan ko. "Yes, we also want to be with you, but... it's not the right time for us to be together again. You still have some unfinished business to do, Zaila. You should go back there and take your time."
"Raine's right, Zai." Nakangiting saad naman ni Raven. "At isa pa, Utopia still needs their last witch huntress. At ikaw iyon, Zaila Amethyst."
"Raven, I'm not a witch huntress anymore!"
"Who told you that? Merlin?" seryosong tanong naman ni Theo. "Come on, Zaila. Don't tell me naniwala ka sa lalaking iyon?"
Natigilan ako at matamang tiningnan lang ang tatlo. "You will always be a huntress, Zaila Amethyst," wikang muli ni Raine at nginitian ako. "Sa kahit anong mangyari at sa kahit ilang taong pa ang lumipas, hindi mawawala iyon sa'yo. That's who you are, Zaila. A witch huntress from Deepwoods, the one who will eliminate all the evil witches of Utopia."
"But the Coven is gone. Hindi na nila ako kailangan pa."
"Ang pagkawala ng Coven ay hindi ibig sabihin ay mawawala rin ang kasamaan sa buong Utopia." It was Elveena. Naglakad ito papalapit sa kinatatayuan ng tatlo. "Evil and darkness are everywhere, Zaila. Na kapag nawala ang isa, paniguradong may bagong maglalakas-loob na magpakalat ng kasamahaan sa mundong iniingatan natin." She smiled at me. "You understand what I'm trying to say to you, right... Zaila?"
Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko at nakatitig lamang sa kanila.
"Utopia still needs you. You should go back now and live your life to the fullest. Ngayong wala na si Merlin, kailangan mo nang simulang isipin ang sarili mo. You should stop seeking revenge now, Zaila. Masaya kami sa kung anong nagawa mo para sa amin. Kaya naman ay huwag mo na kaming alalahanin pa. We're happy now, Zaila, so you better do everything to make yourself happy too," muling sambit ni Elveena na siyang ikinatulong muli ng mga luha ko.
Ngumiti muli sila Raine sa akin at marahang umatras palayo sa kinatatayuan ko, ganoon din sila Raven at Theo. Natigilan ako sa ginawa nila. No. Please, don't leave me again.
"You have all the time now to enjoy the eternal life of yours, Zaila Amethyst. Make some good memories, and when we meet here again, you need to tell us all the stories, all the adventures you did in Utopia and Sanctuary. No regrets, just contentment. So, you better hurry now, Zaila. They're all waiting for you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top