Untold Eleven: The Secret Mission

Sa isang malaking bulwagan kami dinala ng mga taga-silbi ng palasyo.

Pagkatapos ng pagsasanay namin kanina, umalis na rin si Asher Asteria sa training room. Agad naman kaming sinabihan ng mga taga-silbi ng palasyo na maghanda na para sa pagtitipon na gaganapin sa bulwagan kung saan namin makakaharap at makakausap ang hari. At pagkatapos ng ilang minuto, nandito na kaming apat sa tinutukoy nilang bulwagan. Tahimik lang kaming nakatayo sa gilid habang hinihintay ang pagdating ng hari ng Utopia.

"Ito marahil ang unang beses na makikita at makakausap ko ang hari ng Utopia," mahinang turan ni Raven sa tabi ko. "Anong klaseng hari kaya ito?"

"My parents once told me that the current king of our kingdom is intimidating," ani naman ni Raine na siyang nagpatingin sa akin sa bakanteng upuan ng mga miyembro ng royal family na nasa isang entablado ng bulwagang kinaroonan namin ngayon. "He's intimidating but he's a good king. Sa lahat yata nang umupo sa tronong iyan, ang kasalukuyang hari ang talagang lumaban sa Coven. He's wise and knows how to deal against the evil witches of his kingdom."

"I've heard that too," saad naman ni Theo sa puwesto niya. "And he's also blessed with his children. Talagang makapangyarihan ang miyembro ng royal family ng henerasyong ito."

"Kung makapangyarihan sila, bakit kailangan pa nila ang tulong natin?" wala sa sariling tanong ko na siyang nagpatigil sa tatlo. "We're just half-witches. Anong laban natin sa kagaya nilang halos alam lahat ng mahika sa mundong ito?"

"Cause we're hunters and huntresses of Deepwoods, Zaila. That's our job. To hunt and destroy Utopia's enemy," sambit ni Theo na siyang ikinabaling ko sa kanya. "Alam mo ang kung anong trabaho natin simula pa lang noong pumasok ka sa Deepwoods Academy. This is our sole role here in Utopia. This is the reason why we, hunters and huntresses, exist."

Hindi na lamang ako nagkomento sa tinuran ni Theo. Alam ko naman iyon. Pero may kung anong bumabagabag sa akin ngayon. Yes, I wanted to learn from them, learn magic from the best house of Utopia, but... something's bothering me right now. Hindi ko nga lang matukoy kung ano ito. Damn it! Siguro ay masasagot ang lahat ng katanungang mayroon ako ngayon kung makakausap na namin ang hari ng Utopia.

Ilang minuto pa kaming naghintay sa pagdating ng mga miyembro ng royal family at noong mamataan kong dumating na ang mga ito, mabilis akong napaayos nang pagkakatayo. Ganoon din ang ginawa ng mga kaibigan ko at tahimik na yumukod bilang paggalang sa prensensiya nila.

Mayamaya lang ay pinaayos na kaming muli sa pagkakatayo. Tinawag kami ni Phoebe Asteria at pinapuwesto sa tapat ng entablado kung saan naroon sila. Tahimik kaming sumunod sa nais ng prinsesa at noong nasa tapat na kami ng royal family, mataman kong pinagmasdan ang mga ito.

The king is here with us. Sa tabi nito ay isang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay isa sa mga prinsipe rin ng Utopia. Sa gawing kanan naman ng hari ay si Phoebe at Asher Asteria. Nakatingin lang din ang mga ito sa amin at noong magsalita na ang hari ng Utopia, napakuyom ako ng mga kamao ko.

"Welcome to the house of the royals, hunters and huntresses of Deepwoods," anito na siyang tahimik na ikinuyod naming muli. "Kumusta ang unang araw nang pagsasanay niyo rito?" tanong nito na siyang ikinatigil namin. At kagaya nang inaasahan, si Theo na ang sumagot sa hari. He's really the speaker of our group. Mas maayos itong makipag-usap sa iba kumpara sa aming tatlo.

"Maayos naman, kamahalan. Prince Asher helped us a lot today," ani Theo at muling yumukod.

"That's good to hear. Kung may nais pa kayong matutunan tungkol sa mga silver weapon na ginawa ni Asher, don't hesitate to ask him. Siya ang bahala sa inyo," muling turan ng hari at napabaling sa kinatatayuan ko. Agad naman akong napaayos nang pagkakatayo at sinalubong ang titig nito. "You're a huntress too, young lady?" takang tanong niya na siyang ikinatigil ko. "She's a huntress, Phoebe? From Deepwoods Academy?" he asked again while looking at her daughter.

"Yes, Your Highness. She's a huntress from Deepwoods Academy," sagot ni Phoebe Asteria at bahagyang yumukod sa amang hari.

"Did we meet before, huntress?" tanong ng hari sa akin na siyang agad kong ikinailing. "I see. But... you looked familiar." Napailing ito at mayamaya lang ay napabuntonghininga na lamang. "Baka nagkamali lang ako, forgive me. Anyway, let's proceed with our discussion about your mission. Phoebe, show them what happened to one of our fortresses."

Tahimik na tumungo si Phoebe Asteria sa amang hari at maingat na inangat ang isang kamay. Tahimik kong pinagmasdan ang ginagawa ng prinsesa at noong ikumpas nito ang kanang kamay sa ere, biglang may kung anong liwanag ang bumungad sa amin. Napakunot ang noo ko at hindi inalis sa liwanag ang buong paningin. What is this? Is this her magic?

"This is one of my attributes," ani Phoebe Asteria at bahagyang iginalaw ang kamay. Ang liwanag na nabuo kanina ay unti-unting naging mga imahe. Napaawang na lamang ang mga labi ko sa mga nasasaksihan. This is a high-level magic! "Ang mga nakikita niyo ay mga nangyari noong nakaraang buwan sa isa sa nasasakupan ng royal family."

"They burned a city," mahinang turan ni Raine sa tabi ko habang nasa mga imahe na rin ang buong atensiyon. Napakuyom na lamang ang mga kamao ko at pinagpatuloy ang panunuod sa mga imaheng ipinapakita sa amin ng mahal na prinsesa.

"They're getting stronger now," muling sambit ni Phoebe Asteria at noong may panibagong imahe itong ipinakita sa amin, agad na nanlamig ang buong katawan ko.

This is city... I freaking know this city!

"This is a city where some of the nobles of Utopia lived. And now... it's gone. Some of them are now residing here in the royal capital. May ibang gustong bumalik na sa dating tahanan nila ngunit hindi namin ito binigyan nang permiso. Masiyadong delikado pa para sa kanila ang bumalik sa kani-kanilang mga tahanan. Paniguradong may mga miyembro pa ng Coven ang nananatili sa lugar na ito at naghihintay lamang sa pagbabalik nila."

"The Coven... they're now targeting noble families from our fortresses," sambit ng hari na siyang ikinabaling namin muli sa kanya. Ibinaba na rin ni Phoebe Asteria ang kamay nito at nawala na ang mga imaheng pinakita niya sa amin kanina. "Soon, they will come and target the royals too."

"Noble families," rinig kong bulong ni Raven sa tabi ko. "So, this is the reason why they went and join in our academy. The Coven ruined their home."

"Some of the members of the noble families are half-witches, kaya naman ay ipinadala na namin ang mga ito sa Deepwoods Academy. Alam kong napansin niyo rin na maraming nakapasok na noble heir sa academy. It was our request. Kinausap namin si Head Huntress Gerra para pahintulutang pumasok sa academy ang mga tagapagmana ng ibang noble families," muling wika Phoebe Asteria na siyang ikinatango ko na lamang.

"The night during their attack, we managed to capture some of the members of Coven," sambit muli ng hari at binalingan ang prinsipeng kanina pa tahimik sa puwesto niya. "Kristopher, show our guests what those witches can do."

"Yes, Your Highness," simpleng tugon ng prinsipe at maingat na tumayo sa kinauupuan niya. At sa hindi malamang dahilan, naging alerto ako sa presensiya nito. Napalunok ako at hindi inalis sa prinsipe ang paningin at noong inangat nito ang kanang kamay at inilagay sa may kanang bahagi ng ulo nito, natigilan ako. Napakurap ako at bago pa man ako makagalaw sa kinatatayuan, iba't-ibang imahe ang namataan ko sa isipan ko! What the hell? Saan nanggagaling ang mga imaheng ito?

"Totoo nga ang sinabi nila," rinig kong wika ni Theo. "These royals are extreme knowledgeable about different kind of magics and possess different and rare attributes."

"These images are part of their memories. We captured three members of Coven at lahat sila ay nabibilang sa high rank witch category," wika ni Kristopher Asteria habang ibinabahagi sa amin ang mga impormasiyong nakuha nila mula sa mga miyembro ng Coven. "At dahil sa mga impormasiyong ito, naka-isip nang paraan si Asher para malabanan natin ang Coven."

"Silver weapons filled with magic," mahinang turan ko habang patuloy na pinanunuod ang mga imahe sa isipan ko. This is insane! Kung mas lumakas na ang mga miyembro ng Coven ngayon, paniguradong madaling matatalo ang mga hunter at huntress na mas mababa pa ang ranggo sa aming mga squad captain! They can't fight against these evil witches!

"And this is the reason why you are here," rinig kong sambit muli ng hari. Nawala na rin sa isipan namin ang mga imaheng ipinakita ni Kristopher Asteria at muling bumalik sa puwesto niya kanina. "Matagal nang nais ng royal family na matigil na ang gulong ito laban sa Coven at ngayong kumikilos na sila at gumagamit na nang dahas laban sa mga sinasakupan namin, wala na akong ibang maisip na solusiyon pa. We can't win this fight alone. We need your help, hunters and huntresses of Deepwoods. Kayo lang ang kayang makipagsabayan sa Coven."

Sa tinuran ng hari sa amin, wala sa sarili akong napabaling sa mga kaibigan ko. Seryoso ang mga ito at hindi kumibo sa kinatatayuan nila. I took a deep breathe and moved my feet. Humakbang ako ng dalawang beses habang matamang nakatingin sa hari ng Utopia. "We're hunters and huntresses of Deepwoods. Of course, we will help you, Your Highness, but." I paused for a moment and quickly looked back to my friends. Tumango ako sa kanila at muling hinarap ang hari ng Utopia. "We need all the resources to fulfill this mission. Hindi kami sasabak sa gulong ito ng hindi handa. We need all the trainings you can give us. You need to teach us everything we need to learn. Magics, the silver weapons... everything."

"Si Phoebe at Asher na ang bahala sa mga kailangan niyo, huntress," saad ng hari at tinanguhan ako. Tumango na lang din ako bilang tugon sa kanya. Umatras ako at muling tumabi sa kinatatayuan ng ng mga kaibigan ko. Kinagat ko na lamang ang pang-ibabang labi at tahimik na inihanda ang sarili sa maaaring gawin nila sa akin mamaya. It was a bold move from me to ask those things to the king of Utopia. Alam kong dapat ay hindi ko na ginawa iyon ngunit hindi ko na napigilan pa ang sarili. Tama nga sila Raine kanina. The current king of Utopia is intimidating. He's presence is too much for me! Kaya naman bago pa tuluyang umurong ang dila ko kanina, napagpasyahan ko nang humakbang at magsalita sa harapan nito.

"This mission will start when the new moon comes," wikang muli ng hari na siyang ikinapilig ng ulo ko pakanan. New moon? So, may ilang araw na lamang kami para matutunan ang lahat ng nais naming matutunan sa lugar na ito! "In four days, we will start this mission and attack their base."

"The Coven's main base?" tanong ni Raine na siyang ikinatango ng hari.

"We already gathered enough information about them and now, we located the exact location of their main base. To end this war against the Coven, we need to finish them by destroying their main base." Asher finally spoke. Napabaling ako sa kanya at sinalubong ang matamang titig nito sa amin. "We we're going to destroy them inside until all of them give up and surrender."

"This is a secret mission, hunters and huntresses of Deepwords," turan naman ni Kristopher na siyang kumuha ng atensiyon ko. "Tayo lamang na nasa bulwagang ito ay may alam sa misyong ito."

"Kahit si Elveena ay hindi alam ang tungkol sa misyong ito?" Raven asked him. Tumango sa amin si Kristopher Asteria kaya naman ay napatingin ako sa kapatid nito. Phoebe Asteria is a close friend of Elveena. Imposibleng hindi nito nabanggit sa kanya ang tungkol sa misyong ito!

"Ang alam lang ni Elveena ay nandito kayo sa royal capital para matutong gumamit ng mahika at ng mga bagong silver weapon na ibibigay namin sa Deepwoods Academy. Iyon lang at wala nang iba pa," ani Phoebe na siyang ikinangiwi ko.

So, this is the unusual and odd feeling I was sensing earlier. Ramdam kong may mali at ito na nga iyon!

A secret mission, huh?

Bakit kailangang itago ang misyong ito sa iba? Na kahit sa Senior Squad Captain namin ay hindi na nila ipinaalam pa?

Something is really not right here. May kung anong hindi sila sinasabi sa amin. Malakas ang kutob ko na may ibang dahilan pa sila kung bakit kailangan itago sa iba ang misyong ito.

Four days. May apat na araw pa ako para malaman kung nagsasabi ba ng totoo ang hari at ang mga anak nito.

Four days. I need to train hard and learn every magic I need to learn.

Damn it! Ang buong akala ko pa naman ay magiging masaya ang mga araw ko sa lugar na ito! Maliban sa pag-eensayo ng iba't-ibang mahika, may ibang bagay pa pala akong dapat gawin at malaman dito sa Royal Capital ng Utopia! I need to know the real reason why we're going to attack the main base of the Coven. At kapag malaman ko na ang totoo, tsaka na ako gagawa nang paraan para mailigtas kaming apat sa nalalapit na gulong ito sa pagitan ng royal family at Coven.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top