Untold Eighteen: The Battle Between Huntress and Evil Witch
Naabutan kong tahimik na pinatumba nila Raven at Theo ang dalawang bantay sa isang trangkahan. Nagmamadali akong lumapit sa kanila at maingat ang tiningnan ang dalawang evil witch na ngayon ay mukhang wala na ring mga buhay.
"Low level evil witch," mahinang puna ko at umayos nang pagkakatayo. "Paniguradong nasa loob ang may mas mataas na lebel na evil witches. Get ready your weapons."
Hindi na nagsalita pa ang mga kaibigan ko at muli na kaming nagsikilos. Nasa unahan namin ni Raine ang dalawang lalaki at noong binuksan na nila ang nakasarang trangkahan, isang tahimik na paligid ang bumungad sa amin. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa dagger ko at mas pinatalas ang pandama.
"Maghiwa-hiwalay tayo," ani Theo na siyang tahimik na ikinatango ko. "Raine, ikaw na ang sumama kay Zaila," dagdag pa nito na siyang ikinakunot ng noo ko. Normally, silang dalawa ang magkasama kapag napagdesisyunan naming hatiin ang grupo namin. Hindi rin naman kasi kami nagkakasundo ni Raine kaya ay wala kaming natatapos na misyon kung kaming dalawa lang!
"You'll be fine with Zaila, Raine," wika pa ni Raven at tinanguhan kami. Hindi na ako nakaangal pa sa naging desisyon nila at segundo lang ay wala na sa paningin ko ang dalawang kaibigan.
"We'll be fine," ani Raine at nginisihan na lamang ako. Mahina akong natawa at tumango na lamang sa kaibigan. Muli kaming kumilos at hinanap ang daang maaaring magdala sa amin sa lugar kung saan naroon si Merlin.
Merlin... damn, mukhang mali iyong desisyong ginawa nila Theo kanina! Kailangang magkakasama kaming apat kung makakaharap na namin ang lalaking iyon! Napangiwi na lamang ako at sinabayan na ang bilis nang pagkilos ni Raine.
Tahimik talaga ang paligid. Ilang minuto na kami sa lugar na ito at wala pa kaming nakakasalubong na kahit isang evil witch man lang! Maliban sa dalawang bantay sa may trangkahan kanina, wala na kaming nakita pang muli! And that's freaking weird! Noong makarating kami kanina sa premises ng headquarters ng Coven, naramdaman namin ang mga presensiya nila! Imposibleng bigla silang nawala sa lugar na ito!
Mayamaya lang ay sabay kaming tumigil sa pagkilos ni Raine. Agad kaming nagkatinginan at mabilis na tumalikod sa isa't-isa. I immediately shifted my dagger and turned it to a sword. "Looks like they're done hiding their presence," mahinang sambit ko noong maramdamang muli ang mga presensiya ng mga miyembro ng Coven.
"Mukhang may isa sa kanila ang may kakayahang itago ang presensiya ng bawat miyembro ng Coven," ani Raine na siyang ikinangiwi ko na lamang.
"Merlin," halos sabay naming banggit sa pangalan nito at bago pa man kami makakilos sa puwesto namin, tatlong makakaibang presensiya ang naramdaman naming mabilis na sumugod sa kinatatayuan naming dalawa.
"Damn it," bulalas ko at agad na lumayo kay Raine. Ganoon din ang ginawa niya at noong naghiwalay na kami, isang atake ang agad kong naramdaman sa gawing kanan ko. Mabilis akong humarap dito at agad na sinangga ang espadang dapat na tatama sa akin. "Finally. Someone welcomed us tonight," mariing sambit ko at buong puwersang ikinumpas ang kamay na may hawak na espada. Napaatras naman ang evil witch na umatake sa akin at masamang tiningnan ako.
"Huntress," anito at itinutok sa akin ang espadang hawak nito. "Mukhang desperado na ang mga Asteria ngayon."
Umayos ako nang pagkakatayo at itinutok na rin sa kanya ang hawak na espada. "You think so?" I asked her and tried to concentrate. Tatlong magkakaibang presensiya ang naramdaman ko kanina. Dalawa pa lamang ang narito, isa ang kaharap ngayon ni Raine, at paniguradong nag-aabang lang ang isa sa kanila nang pagkakataon para umatake na rin sa amin. "Raine!" tawag ko sa kaibigan habang nasa kalaban ang paningin. "Wanna bet kung sino sa atin unang makakatalo sa kanila?"
"Dream on, Zaila. I'm always one step ahead of you!" rinig kong sambit ni Raine at nagsimula na sa pag-atake sa evil witch na kaharap niya. Napailing na lamang ako at kumilos na rin. Halos sabay naming ikinumpas ng evil witch ang mga sandata namin at noong tumama ang mga talim nito sa isa't-isa, agad kong inangat ang isang kamay. Nagsimula na akong bumuo ng kakaibang enerhiya roon ngunit mukhang napansin iyon ng kalaban ko. Mabilis itong lumayo sa akin at masamang tiningnan ako.
"A huntress using a charm... no, it's different. It's a real magic," aniya habang nakatingin sa kamay ko. "So, this is the one Merlin warned us about. Hunters and huntresses from Deepwoods who can use the same magic we have."
"Binalaan din ba niya kayo sa maaaring mangyari ngayon gabi?" tanong ko at kinuha ang isa pang dagger na nakatago sa likuran ko. Mabilis kong binago ang itsura nito at ginawang espada na rin. Now I'm using two different swords. Ipinilig ko ang ulo pakanan at agad inihakbang ang mga paa. Sinugod ko na ang evil witch sa harapan ko at mabilis na nakipagpalitan ng atake sa kanya.
She was fast. This evil witch is much stronger than those witches I've encountered before! Napailing na lamang ako at mas pinalakas pa ang bawat hampas ng mga espada ko sa kanya.
"Damn it!" bulalas ko noong napaatras ako dahil sa ginawa ng kalaban ko. Wala sa sarili akong napatingin sa braso ko at segundo lang ay namataan ko ang daplis na natamo galing sa mga naging atake niya sa akin. "This is frustrating!" inis na wika ko at ibinalik sa pagiging dagger ang isa sa silver weapon ko. Agad ko namang tinago iyon muli sa likuran ko at sa pagkumpas ng isang kamay ko, sunod-sunod na wind blades ang pinaulan ko sa kalaban ko.
Mukhang inaasahan na niya ang paggamit ko ng mahika kaya naman ay mabilis muli itong kumilos. Sinangga niya ang ilang wind blades ko at ang iba naman ay unti-unting humina at mayamaya lang ay na-dispel ito nang kusa!
Napakunot ang noo ko sa nasaksihan. Umayos ako nang pagkakatayo at matamang tiningnan ang nakangising evil witch sa harapan. "I'm a witch, huntress. Mas lamang ang kaalaman ko sa iba't-ibang klaseng mahika kumpara sa'yo. You can't beat me with that kind of magic level," anito at ikinumpas ang kamay patungo sa akin.
Mariin kong hinawakan ang espada ko at agad na isinangga ang wind blade na inatake nito sa akin. Wind... gumagamit ito ng kaparehong mahikang alam ko! Damn, this is not good. Segundo lang ay napamura na lamang akong muli sa isipan noong maramdaman ang malakas na impact nang pagtama ng wind blade nito sa espada ko. Napaatras akong muli at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga.
She's right. Mas mataas ang lebel ng mahika nito kumpara sa ginagamit ko laban sa kanya. Kung makikipagsabayan ako sa kanya gamit ang mga natutunan ko sa training room namin sa royal palace ng mga Asteria, paniguradong mauunang maubos ang lakas ko bago ko pa tuluyang matalo ang isang ito! Damn it! Kailangan kong mag-isip ng ibang paraan para matala ang isang ito!
Nagpatuloy sa pagpapaulan ng wind blades ang evil witch na kalaban ko habang panay pagsangga lamang ng mga atake niya ang ginagawa ko ngayon. At habang abala ako sa pagprotekta sa sarili, nagawa ko pang balingan si Raine sa puwesto niya. And just like me, she's having a hard time defeating her enemy. Looks like the table was already turned. Mukhang dehado na kami ngayon sa laban namin! Hindi maaaring mangyari ito! We're huntresses, a skilled one. We have all the abilities and skills to defeat and kill damn evil witches!
"Raine!" sigaw ko sa pangalan niya at mabilis na tinakbo ang distansiya sa pagitan naming dalawa. Patuloy ako sa pagdepensa dahil hindi pa rin ako tinitigilan ng kalaban ko sa mga wind blade nito. At noong tuluyan na akong nakalapit sa puwesto ng kaibigan, agad na naglapat ang mga likod namin sa isa't-isa. "You're having hard time, huh?" mariing sambit ko sa kanya.
"Same goes to you," anito at mabilis na nagkatinginan kaming dalawa. Nagtaas ito ng isang kilay at agad na ikinumpas ang isang kamay. Barrier! She's making a barrier around us! Hindi na rin ako nagsayang pa ng oras at ikinumpas na ang isang kamay. Gumawa na rin ako ng barrier at noong matapos ko na iyon, mabilis ako umayos nang pagkakatayo at hinarap nang maayos si Raine. "Ang mga kagaya nila ay talagang hindi natin basta-bastang matatalo at mapapatay," muling sambit niya at tiningnan ang barrier na gawa namin. "Hindi magtatagal ay masisira na rin nila ang ginawa nating barrier. We need to think fast and do something to win against them, Zaila."
"They can cancel spell and magic," wika ko na siyang lalong nagpa-arko sa kilay ni Raine. "Ginawa iyon no'ng nakalaban kong evil witch. She cancelled my wind blades."
"So, our barrier won't really last long," aniya at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. "We can't win against them if we keep on relying on our magic. We need to do something here, Zaila."
"We have our silver weapons, Raine," matamang sambit ko at inangat ang kamay na may hawak na espada. "This is their weakness, remember?"
"Evil witches can use silver weapons too, Zaila. Hindi-"
"Walang silver weapon ang mga kalaban natin ngayon, Raine. Hindi sila kabilang sa mga evil witch na kayang hawakan at gamitin ang isang silver weapon!" Natigilan si Raine sa sinabi ko. "Let's use this in our advantage. If we can't use magic against them, let's use our primary weapon and kill those witches."
"Hindi rin basta-basta ang gamit nilang sandata. Kayang makipagsabayan ng mga sandata nila sa ginagamit natin ngayon." Napabuntonghininga muli si Raine.
Napailing naman ako sa kanya. "No. Normal na sandata lamang ang gamit nila," muling sambit ko at mabilis na binago ang anyo ng espada ko. From a single bladed sword, I turned it to a double bladed one. "I will attack them using my silver weapon, Raine. And you... ikaw ang bahalang promotekta sa ating dalawa laban sa mahikang gagamitin nila."
"What?" kunot-noong tanong nito at halos sabay kaming natigilan noong nawala na ang water barrier na ginawa nito. Damn! Segundo lang ay tiyak kong mawawala na rin ang wind barrier na ginawa ko kanina!
"We don't have much time to argue about this, Raine. Ako ang aatake sa kanilang dalawa. You stay here and block their attacks using your own magic."
"I'm going to assist you?" Napangisi na lamang ako sa tanong ni Raine sa akin at noong tuluyan nang na-disolve ang wind barrier na ginawa ko kanina, mabilis na kaming kumilos. At kagaya nang napag-usapan namin, ako ang umatake sa dalawang evil witch na kalaban namin. Mabilis akong lumapit sa kanila at mukhang hindi nila inaasahan iyon. Namataan ko ang gulat sa kanilang dalawa kaya naman ay ginamit ko na ang pagkakataong iyon. Mabilis kong pinaikot sa kamay ang handle sa gitna ng double bladed sword ko at ikinumpas ito sa harapan ng dalawang evil witch.
Napaatras ang mga ito kaya naman ay pinagpatuloy ko ang ginagawa. Mayamaya lang ay namataan ko ang pag-angat ng isang kamay ng kalaban ko at nagsimula nang umatake sa akin gamit ang mahika nito. Napahigpit ang paghawak ko sa silver weapon ko at bago pa man ako matamaan ng mahika nito, agad na kinontra ito ni Raine. Mabilis akong napatingin sa kanya at tinanguhan na lamang ito. Muli kong ikinilos ang mga paa at mas nilapitan ang dalawa. Gamit ang dalawang kamay, hinawakan ko ang gitnang bahagi ng sandata ko at mabilis na pinaghiwalay ang mga ito. Now, I have two swords again!
"Damn you, Huntress!" sigaw no'ng isang evil witch at muling umatake sa akin gamit ng wind blades nito. Hindi ko na ito binigyan pansin pa at nagpatuloy sa pag-atake sa kanilang dalawa. Ganoon ang ginawa ni Raine. She kept on blocking their high level magics that makes them madder towards us. "Damn you-"
Hindi na nito natapos pa ang dapat na sasabihin noong nadaplisan na ito ng silver weapon ko. Finally, damn it! Mabilis itong napatras palayo sa akin ngunit agad ko namang sinundan ito. At sa pangalawang pagkakataon, muling nasugat ito ng sandata ko.
"Damn it!" rinig kong bulalas ng isa pa sa evil witch na kalaban namin kaya naman ay napabaling ako sa kinatatayuan nito. Segundo lang ay napangisi ako habang tinitingnan ang itsura nito. Tiningnan ko ang kamay niyang hawak-hawak ang patalim ng sandata ni Raine. Mukhang hinagis nito ang sandata niya kanina noong makitang mas nagtuon ako nang pansin sa nasugatan ko kanina. "Fuck," muling mura ng evil witch at namataan ang pagdurugo ng kamay niya. Wrong move, evil witch. You're holding a blade of the weapon that can kill you. Kahit na isang high level evil witch pa ang dalawang ito, kung wala silang kakayahang hawakan at gamitin ang kahit anong silver weapon, manghihina at tuluyang hindi na makakalaban ang mga ito laban sa amin.
"Finish them, Zaila!" rinig kong sigaw ni Raine na siyang nabilis na ikinatango ko na lamang. Mahigpit kong hinawakan ang handle ng dalawang espada ko at sa huling pagkumpas ko nito, halos sabay na bumagsak ang katawan ng dalawang evil witch sa harapan ko.
Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago ibaba ang dalawang kamay na may hawak na espada. Umayos na rin ako nang pagkakatayo at matamang tiningnan ang katawan ng dalawang evil witch sa harapan.
Silver weapon is their weakness. Kahit na maliit na sugat lang ang matamo nila galing sa patalim nito, magiging kritikal ang mga lagay nila. Yes, they can use magics better than us, but they forgot about the fact that our primary strength is not magic. Ni hindi nga kami tinuturuan sa Deepwoods Academy nang paggamit ng mahika! Maybe these two evil witches let their guards down. Knowing them, alam kong wala silang ibang inaasahan sa aming mga hunter at huntress ng Deepwoods. Magics? It's their thing, their natural talent, they owned it, not us.
"Let's go," rinig kong sambit ni Raine sa likuran ko. "We need to find Merlin and-"
Hindi na natapos ni Raine ang dapat na sasabihin noong bigla itong natigilan sa puwesto niya. Maging ako ay natigilan at hindi agad nakapag-react sa nangyari. Napaawang ang mga labi ko at mayamaya lang ay mabilis na binalingan ang kaibigan sa likuran. I stopped from breathing. Ni pagkurap ay hindi ko ginawa habang unti-unting bumabagsak ang katawan ni Raine sa lupang kinatatayuan.
Damn it!
"No," mahinang turan ko at mabilis na ikinumpas ang kamay noong makaramdam nang panibagong atake sa gawing kanan namin. Segundo lang din ang lumipas ay dinaluhan ko sa Raine at agad na inilapat ang kamay sa dibdib nitong kulay pula na dahil sa sariling dugo nito. "No," ulit ko at mahinang tinawag ang pangalan ng kaibigan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top