Untold Eight: The Royal Request
Tahimik lang ako sa likuran ng tatlo kong kasama.
Si Theo ang kumakausap ngayon sa iilang headmaster ng Mountainbane. Tahimik lang din si Raven samantalang ramdam na ramdam ko ang iritasyon ni Raine habang pinapakinggan ang mga salitang binibitawan ng mga nasa harapan nila.
"Huwag niyo na kaming alalahanin pa rito sa Mountainbane, hunters... huntresses," muling turan ng isa sa kanila at tiningnan kami isa-isa. "Pasensiya na sa abala. Magpatuloy na kayo sa paglalakbay ninyo."
"We can't do that," ani Raine na siyang ikinatigil ng mga nasa harapan nila. "This place... something is off. I'm a huntress, alam niyo ang kakayahan ng kagaya ko sa bagay na ito."
Napatango na lamang ako sa tinuran ni Raine. She's right. Something is not right here. Agad naming naramdaman iyon noong tuluyan kaming nakapasok sa main gate ng Mountainbane. And as hunters and huntresses from Deepwoods, hindi sa amin makakaligtas ang bagay na ito.
Evil witches. We can feel it, we can feel them. May ilang evil witch ang pumarito sa lugar na ito.
Napabuntonghininga na lamang ako at humakbang ng isang beses paatras. Tahimik kong pinagmasdan ang paligid. May iilang witch ang nakamasid din sa amin ngayon. Tahimik lang din sila at ang iba naman ay tila hindi na kami binigyan pansin pa. Nagpatuloy lang sila sa kanya-kanyang gawain at hinayaan na lamang ang mga headmaster nila ang kumausap sa amin.
"Want to check something?" Natigilan ako noong marinig ang boses ni Raven sa likuran ko. "Hayaan na natin sila Theo at Raine sa mga headmaster ng Mountainbane. Mukhang wala rin naman tayong makukuhang impormasyon mula sa kanila."
Ipinilig ko ang ulo at segundo lang ay binalingan si Raven. "Wala na sila sa lugar na ito."
"Sigurado ka?" maingat na tanong ni Raven at matamang tiningnan ang paligid. "I can still feel their presence."
"Yes, we can still their presence, but they left this place a couple days ago. Ilang araw na ang lumipas simula noong huling punta nila rito sa Mountainbane," matamang wika ko at humugot na lamang ng isang malalim na hininga. "At kung hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin natin ang mga presensya nila, isa lamang ang ibig sabihin nito."
"Please don't say that. Zaila, don't jump to that idea," ani Raven at inilingan ako. "Imposibleng may magtungo rito na-"
"High rank evil witch," malamig na turan ko na siyang ikinatigil naman ni Raven at hindi na natapos ang dapat na sasabihin nito. "Sila lang ang naiisip kong nagtungo rito sa Mountainbane."
Napailing na lamang muli si Raven at bumaling muli sa puwesto nila Theo at Raine. Patuloy pa rin sila sa pakikipag-usap sa mga headmaster ng Mountainbane at noong umalma pa rin sila sa presensiya namin ngayon sa tahanan nila, napabuntonghininga na lamang muli ako. Mayamaya lang ay kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at ikinilos na ang mga paa. Nagsimula na akong lumapit sa puwesto ng dalawa samantalang mabilis namang sumunod si Raven sa akin.
"Kung hindi niyo nais ang tulong namin, siguro naman ay sasagutin ninyo ang mga katanungang mayroon ako," singit ko sa usapan nila na siyang ikinabaling ni Raine sa akin. Namataan ko ang pagtaas ng kilay nito habang nakatingin sa akin. Nagkibit-balikat ako sa kaibigan at hinarap nang maayos ang iilang headmaster ng Mountainbane. "Anong ginawa ng Coven sa lugar na ito?"
"C-Coven," nauutal na wika ng isang headmaster habang matamang nakatingin sa akin. "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, huntress. Walang-"
"You can fool your fellow witches, but not us, not the hunters and huntresses from Deepwoods. Kaya naman ay sagutin mo ang naging tanong ko," malamig na wika ko at umayos nang pagkakatayo sa harapan niya. "Ano ang naging pakay ng Coven sa Mountainbane?"
Walang nagsalita ni isa sa headmaster ng Mountainbane. Nanatili naman kaming tahimik at naghihintay sa magiging sagot nila at noong wala pa ring nagsalita sa kanila, napabuntonghininga ako. Akmang magtatanong na sana akong muli noong mabilis akong natigilan. Nakaramdam ako nang presensya sa likuran ko kaya naman ay mabilis akong bumaling dito.
Isang witch ang namataan ko at kung pagbabasehan sa itsura nito, mukhang mas bata ito sa amin. Seryoso ang mukha nito habang matamang nakatingin din sa amin.
"Liezel, anong ginagawa mo rito? Bumalik ka na sa chamber ninyo. Hindi pa magaling ang mga sugat mo," rinig kong sambit nang isa sa headmaster kaya naman ay wala sa sarili akong napatingin sa kabuuan ng witch na nasa harapan ko. "Liezel-"
"Hunters at huntresses kayo mula sa Deepwoods, 'di ba?" tanong nito sa amin. Ipinilig ko ang ulo pakanan at hindi inalis ang paningin sa kanya. "Please, we need your help," anito na siyang ikinakunot ng noo ko.
"Liezel! That's enough!" bulalas muli nang isang headmaster at mabilis na nagmartsa patungo sa kinatatayuan nito. "Tama na iyan. Bumalik ka na sa chamber mo at magpahinga!"
"I can't rest right now!" sigaw ng witch at muling hinarap kami. "Tulungan ninyo kami! Nakikiusap ako sa inyo!"
"Liezel!"
"Let her speak," mariing sambit ni Raine at naglakad na papalapit sa kinatatayuan ko. Mayamaya lang ay naramdaman kong puwesto ito sa tabi ko at nagpatuloy sa pagsasalita. "What happened? Paano mo nakuha ang sugat mo sa braso?"
"It happened three days ago," wika ni Liezel na siyang ikinatingin ko sa headmaster na nasa tabi niya. Namataan ko ang pag-iling nito at muling sinubukang pigilan si Liezel sa pagsasalita. "They attacked us, just like what they did to those witches you saw earlier. Luckily, I survived. Ito lang ang natamo ko mula sa kanila."
"They didn't kill you," mahinang turan ni Raine na siyang ikinailing naman ni Liezel.
"My brother... he saved me."
"What happened to your brother?" tanong naman ni Theo na siyang ikinatingin ni Liezel sa kanya. "Pinatay ba nila ang kapatid mo?"
Mabilis na umiling si Liezel kaya naman ay napakunot muli ang noo ko rito. Mukhang alam ko na ang susunod na sasambitin nito.
"They took him," ani Liezel na siyang ikinamura ko na lamang sa isipan. Damn it! "Wala na akong nagawa pa. They were powerful! Walang kalaban-laban ang isang kagaya kong low-level witch lamang! At... maliban sa kapatid ko, may iba pa silang kinuhang witch mula sa lugar na ito. They took witches from Mountainbane!"
"Liezel! That's enough!" Nagsilapitan na ang mga headmaster sa kinatatayuan nito. "Please, tama na!"
"At ano? Hahayaan na lang natin ang Coven sa pinaggagagawa nila?" sigaw na tanong ni Liezel sa kanila at nagsimula nang umiyak. "Ang kapatid ko... siya na lamang ang mayroon ako! Hindi ako maaaring manahimik na lamang at hayaan ito sa puder ng masasamang witch na iyon!"
Wala sa sarili akong napabaling sa mga kaibigan ko. Namataan kong seryoso ang mga itong nakatingin sa puwesto ni Liezel at noong bumaling na rin sa akin si Raine, halos sabay kaming tumango sa isa't-isa.
"Theo, call Elveena. Report her everything and ask for someone who can help them," ani Raine at umayos nang pagkakatayo. "And we will stay here until they arrive. Hindi natin maaaring iwan ang lugar na ito hangga't walang ibang hunters and huntresses na magbabantay sa lugar na ito."
Hindi na ako nakapagsalita pa. Sang-ayon ako sa tinuran ni Raine at mukhang pareho kami ng nasa isip ngayon.
Hindi na rin umalma pa ang mga headmaster sa naging desisyon namin. Alam nilang may kakayahan ang kahit sinong miyembro ng Deepwoods academy na magdesisyon sa ganitong bagay. We have the authority to deal with this matter. One of the powers we have, the hunters and huntresses from Deepwoods, that the other houses of Utopia don't.
"Ano na ang gagawin natin?" tanong ni Raven noong tuluyan na kaming iniwan ng mga headmaster ng Mountainbane. "Ilang oras pa bago dumating ang ibang hunters at huntresses na ipinadala ni Elveena rito. What's the plan now?"
"Kumikilos na ang Coven. We need to make a move, too," ani Raine na siyang ikinabuntonghininga na lamang ni Raven.
"Looks like they're gathering witches all over Utopia," wika ni Theo at napailing na lamang. "We need more forces here in Mountainbane."
"Mountainbane witches can fight," wika ko na siyang ikinatingin nila sa akin. "Kaya nilang makipagsabayan sa Coven kung nanaisin lang nila."
"They don't want war, Zaila," ani Theo at palihim na tiningnan ang paligid. "Ang mga naninirahan sa lugar na ito ay hindi kagaya ng mga miyembro ng Coven. They are using magics to live peacefully and not to hurt anyone."
"I know that Theo, but they need to do something too. They're witches... they have and can use magic! Dapat ay ginagamit nila ito para protektahan ang mga sarili nila at ang ibang witch na naninirahan sa lugar na ito." I sighed. "Hindi sa lahat ng oras ay dapat miyembro ng Deepwoods Academy ang humaharap at kumakalaban sa Coven. If they want to survive, they need to fight."
"Zai, they're not-"
"Witches from Mountainbane are not powerful enough to fight against Coven." Natigilan kami sa pagtatalo noong may nagsalita. Halos sabay-sabay kaming napatingin sa gawi nito at noong makita kung sino ang bagong dating, agad kaming yumukod at nagbigay galang.
"Your Highness," ani Raine at nanatili kaming nakayukod sa harapan nito.
Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi at matamang ikinuyom ang mga kamao. Anong ginagawa niya sa lugar na ito?
"That's enough. Umayos na kayo," anito na siyang mabilis naming ginawa. Umayos kami nang pagkakatayo at matamang tiningnan ang Royal Witch na sa harapan namin. "Mabuti at naabutan ko pa kayo sa lugar na ito," dagdag pa niya na siyang takang ikinatingin ko sa kanya.
"What do you mean, Your Highness?" takang tanong ko at tiningnan ang mga kaibigan.
"Patungo ako sa Deepwoods ngayon at noong maraanan ko ang karwaheng may ilang bangkay ng mga witch, napagdesisyunan kong magtungo muna rito sa sentro ng Mountainbane." Umayos na rin ito nang pagkakatayo at matamang tiningnan ako. "Nasabi niyo na ba sa Head Huntress ang nangyari sa lugar na ito?"
"Yes, Your Highness," sagot naman ni Theo na siyang ikinatango naman ng Royal Witch sa harapan namin.
Her highness, Phoebe Asteria, one of the princesses living inside the house of the royals. The oldest daughter of the current king of Utopia, King Arthur Asteria.
"Kagaya nga nang tinuran ko kanina, hindi kayang makipaglaban ang mga taga-Mountainbane. Hindi sila katulad ng mga miyembro ng Coven. They're not the evil witches in our world."
"We know that Your Highness, but-"
"Raven, that's enough," ani Raine na siyang ikinabaling ko sa kanya. "Your Highness, you told us earlier that you were going to Deepwoods. May kailangan ba kayo sa Head Huntress ng academy?"
"Well, not really. Hindi siya ang pakay ko roon," simpleng sagot nito at tiningnan kami isa-isa. "At dahil nandito na rin naman tayo sa iisang lugar, kayo na lamang ang isasama ko pabalik sa royal capital."
What?
"Your Highness, hindi mo na kailangang gawin iyon," turan naman ni Raven na siyang takang ikinabaling sa kanya ng prinsesa. "We have a mission from our Senior Squad Captain. Sa katanuyan ay patungo na rin kami kanina sa royal capital. Kung hindi lang namin nakita iyang karwaheng inatake ng Coven, paniguradong malapit na kami sa sentro ng tahanan niyo."
"Si Elveena ba ang nagpadala sa inyo?" Napaayos kami nang pagkakatayo noong banggitin nito ang pangalan ng Senior Squas Captain namin. Nagkatinginan kaming apat at halos sabay-sabay na tumango sa kaharap. "Good. So, hindi ko na kailangan pang magtungo pa sa Deepwoods."
Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at mayamaya lang ay humugot ng isang malalim na hininga. Mataman kong tiningnan ang prinsesa ng Utopia bago magsalitang muli. "Ikaw ba mismo ang kausap ni Elveena sa royal capital?" maingat na tanong ko.
"Kaibigan ko si Elveena," anito na siyang ikinatigil ko. "We're old friends. Bago pa ito maging isang huntress ng Deepwoods, nakasama ko ito noon sa royal capital." Wala sa sarili akong napatingin sa mga kaibigan ko. Napabaling na rin sa akin si Raine at namataan ang bahagyang pagtaas ng kilay sa akin. Napangiwi na lamang ako sa kanya at muling binalingan ang prinsesa. "Ako rin ang nagsabi sa kanyang magpadala ng ilang hunters at huntress sa royal capital. Mahigit isang buwan na rin ang lumipas simula noong huling pag-uusap naming dalawa. Mukhang nahirapan itong makakuha nang pahintulot mula sa Head Huntress ng Deepwoods kaya naman ay minabuti kong magtungo na sa tahanan niyo."
"And... we got the permission now," mahinang turan ko na siyang ikinatango naman nito sa akin.
"Mabuti na lang at pinahintulutan kayo. I don't want to use my title as a royal witch against your leader."
Hindi na ako nakapagsalita pa.
It was her who requested us. A royal witch requested our presence. Mukhang hindi na talaga maganda ang estado ng buong Utopia. Hindi naman kasi kikilos ang isang katulad ni Phoebe Asteria kung hindi nasa delikadong posisyon ang buong royal family.
"Sasama kayo sa akin pabalik sa royal capital. Mananatili kayong apat sa tahanan namin hanggang sa matutunan ninyo ang lahat ng kailangang gawin para mapigilan ang Coven sa mga binabalak nila laban sa atin. Utopia needs you... Utopia needs you to protect the future. This... this is your mission. A royal request from a royal witch. Please... accept it, hunters and huntresses of Deepwoods."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top