Prologue
Walang emosyon kong pinagmasdan ang babaeng nasa harapan ko.
Hindi ko matukoy kung ilang taon na ito ngunit sa lebel ng kapangyarihang nararamdaman ko mula sa kanya, masasabi kong mahigit isang daang taon na itong namumuhay sa mundong ito. Maingat ko itong pinagmasdan at noong mamataang iginalaw nito ang kanang kamay niya, naging alerto ako.
"Huwag ka nang magtangkang lumaban pa," malamig kong turan sa kanya at itinaas ang hawak-hawak na espada. Hindi ko inalis ang paningin sa babaeng nasa harapan at noong ikinurap ko ang mata, napahigpit ang hawak ko sa espada ko noong biglang nawala ito sa kinatatayuan niya kanina.
"Damn, witch!" bulalas ko at mabilis na inilibot ang paningin sa madilim na paligid. Pinakiramdaman ko nang mabuti ang paligid at noong makarinig ako ng kaluskos sa gawing kanan ko, hindi na ako nagdalawang-isip pang ihagis sa gawi nito ang espadang hawak-hawak. Umayos ako nang pagkakatayo at noong marinig ko ang malakas na sigaw nito 'di kalayuan sa puwesto ko, napangisi ako.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa direksiyon kung saan ko itinapon iyong espada ko at noong mamataan ang kalagayan nito, napabuntong-hininga na lamang ako.
"I can give you a less painful death, witch, pero mas pinili mong lumaban at takasan ako," malamig na turan ko sa kanya at hinawakan ang hawakan ng espada kong nakatarak sa katawan niya. Pinagmasdan ko kung gaano kalalim ang pagkakatarak ng patalim nito sa tiyan niya at noong makumpirmang ilang pulgada lang ang lalim nito, mabilis kong ibinaon pa ito sa katawan niya.
"Ah!" She screamed painfully. "Damn you, huntress!" She cried and cursed me all over again.
"This will be the last time I'll ask you, witch. Where's the blood moon?"
"You will never have the blood moon, huntress. Your kind will never have that weapon!" muling sigaw nito sa akin na siyang nagpa-irap ng mga mata ko.
"And your kind doesn't deserve to possess that one. So tell me where's the fvcking blood moon and I'll let you escape from me, evil witch."
"Don't make me laugh. Hindi mo ako hahayaang mabuhay, huntress. Just kill me. Wala kang makukuhang impormasyon mula sa akin. Hindi mo makikita ang blood moon na hinahanap mo," seryosong wika nito na siyang ikinabutonghininga ko na lamang. Pinagmasdan kong mabuti ang witch sa harapan ko at noong ipinikit nito ang mga mata niya, mabilis kong hinugot ang espada mula sa tiyan niya. Akmang kikilos pa sana ito sa puwesto niya noong mabilis kong itinarak muli ang espada ko at sa pagkakataong ito, sa may bandang dibdib kung nasaan ang puso niya tumama ang talim ng espada ko.
I heard the witch cried for the last time and when her body started to turn into ashes, I heavily sighed. I held my sword's handle firmly and stood straight. I looked at the dark sky above me and sighed for the nth times.
"This job is so tiring." I said, almost a whisper. "I thought this job is fun. Mukhang nagkamali akong bumalik sa ganitong trabaho."
Killing and hunting evil witches. Yes, it was fun... before. But now, after killing and hunting thousands of evil witches all over the world, I've got tired of it. And whenever I encounter an evil witch, I just asked them the same damn question.
Where's the blood moon?
Blood moon.
I've been looking for that blood moon for almost a hundred and twenty years now. At simula noong malaman kong nag-eexist ito sa mundong ito, wala na akong sinayang na oras pa at hinanap kung sino ang may hawak nito ngayon. But now, thinking all the sacrifice I've made, all the pain I've endured, I don't know if it's still worth it. Tila nagsasayang na lamang ako ng oras ko kakahanap sa bagay na hindi ko alam kung saan ko ba talaga ito makikita.
"This will be a long damn night, Zaila." Naiiling na sambit ko sa sarili at nagsimula nang maglakad patungo sa kung saan ko iniwan ang sasakyan ko kanina. Tahimik ang bawat hakbang ko at noong mamataan ko na ang sasakyan ko, mabilis akong lumapit dito. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto sa may driver seat noong may mahagip ang mata ko. Mabilis akong bumaling sa gawing kanan ko at napako na lamang sa kinatatayuan noong may mamataan akong bulto ng tao roon.
Ipinilig ko ang ulo pakanan at hindi inalis ang paningin sa kanya. No. That's not a normal human being. I'm a hundred percent sure about that. Tahimik ko lang itong pinagmasdan at hinintay ang suusnod na gagawin nito. Nakatingin lang din ito sa akin at noong humakbang ito paatras ng isang beses, napakunot ang noo ko.
"You're not going to fight me?" tanong ko at umayos nang pagkakatayo. Ipinakita ko sa kanya ang hawak na espada at tamad na pinagmasdan lang itong muli.
"I won't stand a chance," malamig na turan niya na siyang ikina-arko ng isang kilay ko.
A man. A male witch.
"And I'm not here to fight. I'm here to ask your help, huntress."
"A help?" Lalong umarko ang isang kilay ko at mabilis na umiling dito. "Sorry but I work alone. Wala kang mapapala sa akin, witch."
"You're the last half-witch from the House of the Hunters and Huntress. Ikaw lang ang makakatulong sa akin, witch huntress." Mariin kong ikinuyom ang mga kamao dahil sa mga narinig mula sa kanya at masamang tiningnan ito. "Please, we need your help,' ulit nito at matamang tiningnan ako.
"I'm not a half-witch. Not anymore," seryosong saad ko. "And no, I'm not gonna help you, so... leave me alone," mariing sambit kong muli at tinalikuran na ito. Mabilis kong binuksan ang pinto ng sasakyan ko at walang imik na sumakay na ako rito. Binuhay ko na ang makina ng sasakyan at noong mamataang nakatayo pa rin iyong lalaki sa puwesto nito, napailing na lamang ako.
No.
I'm not gonna help him.
Not a single chance.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top