EPILOGUE
If someone asked you your story, ano ang i-ku-kuwento mo sa kanila?
Will you tell them the happiest moment you have in your life? Will you tell them how strong and magnificent you are? Or will you tell them the darkest part of your life?
"So, Head Huntress Zaila, you stayed for a hundred year in Sanctuary? Totoo pala talagang nag-e-exist ang mundong iyon!"
Napangiti ako sa iilang hunters and huntresses na ngayon ay nasa harapan ko. Umayos ako nang pagkakaupo at matamang tiningnan ang mga ito.
"Paano ka na naman napunta sa Sanctuary, Head Huntress Zaila?" One of the hunters curiously asked me.
Napakagat ako ng pang-ibabang labi at marahang napailing. Mukhang napansin ng iilan ang naging reaksiyon ko kaya naman ay natahimik ang mga ito. I smiled again. "Alam niyo namang lahat ang nangyari sa academy noong nandito pa sa Utopia ang Coven," saad ko at marahang tumango ang mga ito sa akin. "I was lost back then at wala akong ibang lugar na mapuntahan. I can't stay here in Utopia. I... I was mad and at the same time, I was scared with everything. Pakiramdaman ko kasi noon, lahat ng mahahalagang taong nakapaligid sa akin ay napapahamak dahil sa akin. That's why... I distanced myself. And one day, I just found out that I was in Sanctuary. Trying to live a life that was not destined for me."
"Of course, Head Huntress! You're destined to be here. Dapat ay dito ka talaga sa Utopia!"
Napangiti muli ako sa narinig at marahang tumango sa kanila. Mayamaya lang ay tumunog na ang bell ng academy, hudyat na tapos na ang lecture ko ngayong araw sa mga bagong hunter at huntress ng Deepwoods. Isa-isang nagsitayuan ang mga estudyante ko at nagpaalam na sa akin. Panay ang tango ko naman sa kanila hanggang sa ako na lamang ang natira sa loob ng silid.
Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa may bintana at tiningnan ang mga hunter at huntress sa labas ng gusali kung saan naroon ako.
It's been a year since I decided to rebuild Deepwoods and Deepwoods Academy.
Naging usap-usapan iyon ng lahat sa Royal Capital at dahil sa naging kontribusyon ko sa naging laban namin sa Coven at kay Merlin, pinayagan ako ng hari sa nais kong gawin. He told me that he will support me with everything. Maging ang mga anak nito ay nagalak sa naging plano ko, well, maliban kay Reagan. Alam niya kung bakit ko ito ginagawa. He knew that it was my unfinished business here in Utopia.
But he can't stop me. Kahit na anong klaseng madilim at mapanganib na tingin pa ang ibigay nito sa akin ay hindi ako nagpapa-apekto. I have my goals here, and no one can stop me!
"You're taking all the witches here in Sanctuary?" tanong ni Kaiser sa akin noong magkita kami sa opisina niya.
Umiling ako sa kanya at umayos nang pagkakaupo. "I can't force them to return to our world. Naging tahanan na rin nila ang Sanctuary, Kaiser. If they want to stay and doesn't want to get involve with anything about Utopia, then, I will respect that decision."
Tumango sa akin si Kaiser. "You don't have to worry about your fellow witches here in Sanctuary, Zaila. We can protect them."
"I know that, and I trust your words, Vampire Emperor," saad ko sa kanya.
"So, what's your plan now?" He asked me.
Napabuntonghininga ako. "Sa loob ng isang daang taon, tanging ang blood moon lang ang naging dahilan ko para ipagpatuloy ang nasimulan naming laban noon," marahang saad ko. Seconds passed; I smiled at him. "Right now, I have another reason to live and continue being the last witch huntress of Utopia."
"Rebuilding your home," anito na siyang ikinatango ko.
"And helping the next king of Utopia," wika ko na siyang ikinatigil ni Kaiser. Mayamaya lang ay napangiti ito at tumango na lamang sa akin.
"Good luck with that, Zaila Amethyst."
Sa loob ng isang taon ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang ayusin ang buong Deepwoods. Sa tulong na rin ni Vanessa at ng ilang elder witches na nakasama ko sa Sanctuary, we managed to gather all young and talented half-witches. And with the help of Asher Asteria's newly invented silver weapons, kahit sinong witch na ang puwedeng maging hunter at huntress. Everyone wanted to help and protect Utopia kaya naman ay pinayagan din kami ng hari na tumanggap ng noble witches bilang mga estudyante ng academy.
It's the new generation of hunters and huntresses. At ngayon pa lang, sa sipag at talento nila, nakikita ko na ang magiging kinabukasan ng henerasyong ito. And one day, if the darkness rises again, I hope that everyone will do everything to protect this world. Sana'y hindi masayang ang pangalawang pagkakataong ito.
"Finally, you're not the last witch huntress of Utopia." Hindi ako kumibo sa kinatatayuan at nanatiling nakatingin sa labas kung saan naroon ang mga hunter at huntress ng Deepwoods. "Your unfinished business is done here, Zaila."
Napailing ako at binalingan ang nagsalita sa likuran ko. "No, Yuri. Hindi pa tapos ito," marahang sambit ko sa kapatid. "This is only the beginning."
Natawa ang kapatid ko at napailing na lang din sa akin. "You still have another plan, huh? Tell me, Zai, ano pa ang hindi mo nagagawa? Hmm, let see, you rebuild Deepwoods and the academy. You managed to teach the students to be an efficient hunter and huntress. You also taught them to use some magics. Ano pa nga ba ang hindi mo nagagawa?"
"We still need to teach them to be good... to be a better witch hunters and huntresses that even when darkness comes to them, they can still fight and win. Sabi nga nila Elveena, the evilness and darkness in this world is everywhere. Kaya naman ngayon pa lang, nais kong ihanda ang lahat sa maaaring mangyari sa hinaharap. We can't let our guards down. Mas mabuting handa kaysa naman maulit ang nangyari sa atin noon."
"Hindi na ulit mangyayari iyon, Zaila," matamang saad ni Yuri sa akin.
Umiling ako sa kanya. "Merlin was once a part of this academy. Isa rin siyang royal witch. Kaya naman ay hindi imposibleng may isa sa mga witch na narito sa Utopia ang mapunta sa daang tinahak nito."
"I say that it's impossible now, Zaila," muling saad ng kapatid ko at marahang ginulo ang buhok ko. "You're here to guide them. Walang mapapariwara sa mga estudyante mo." Ngumiti ito sa akin. "Stop overthinking, dear sister. The future is still unclear and definitely far from the present. Huwag mo munang isipin ang mga bagay na iyan. Sa ngayon, maghanda na tayo at kailangan na nating maglakbay. Mamayang gabi na ang pagtitipon para sa kaarawan ni Reagan. I don't want to miss that jerk's birthday."
Napakunot ang noo ko sa naging komento ni Yuri sa kaibigan nito. "He's strict and a bit cold-hearted, but definitely not a jerk, Kuya."
Natawa si Yuri at muling ginulo ang buhok. "Whatever you say, Zaila. Come on. Maghanda ka na. Sa labas ng academy kita hihintayin." Napatango na lamang ako sa kapatid at tahimik na pinagmasdan itong lumabas sa silid na kinaroroonan.
Napangiti ako at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. Nagsimula na akong maglakad muli patungo sa mesa at noong makita ko ang aklat na naroon, dahan-dahan ko itong dinampot. Wala sa sariling kong hinaplos ang mga letrang naroon sa cover nito at napangiti na lamang muli.
"The Untold Story of the Last Witch Huntress," mahinang basa ko sa titulo ng libro at muling inilapag ito sa ibabaw ng mesa. "Now that everyone already knew her story, I think it's time to create a new one. Another journey, another adventure."
Napatango ako at nagsimula nang maglakad palabas ng silid.
Kaiser, the Vampire Emperor of Sanctuary, told me about the new world that he and the rest of the emperors recently discovered. Mukhang magandang bumisita ngayon sa kanila at tanungin tungkol sa mundong tinutukoy nito!
"More alliance, the better for Utopia. For sure, Reagan and the rest of the royal siblings will agree with me." Nakangiting saad ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
My story ends here, but surely, a new exciting adventure is waiting for everyone.
***THE END***
A/N
Thank you everyone! Till our next untold journey!
Sa ngayon, focus muna tayo sa ibang ongoing stories. Next target kong matapos ay Realm of the West!
See you there!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top