8

~Seth Park~

Dahil masyado na akong na-adik sa existence ni Francine, one time nung pauwi sila ni Pauline at Dalie, sinundan ko sila. Kaya alam ko na 'yong dorm nila.

At dahil Saturday ngayon, on the way na ako sa dorm nila. Sana lang talaga andun siya. Wala din kasi akong magawa sa bahay. Wala sina mommy at daddy, wala din naman yung kapatid ko. May kanya-kanyang ginawa, eh. Saka, kahit naman andito sila, pupunta at pupunta pa'rin ako kay Francine. Pinlano ko na 'to mula nung nalaman ko kung sa'n naka-pwesto 'yong dorm nila.

Hindi ako nainis sakanya nung iniwan niya ako kasama si Dianne. In fact, mas dumagdag pa 'yong admiration ko sakaniya. Hindi kasi siya naaapektuhan sa kagwapuhan ko. You know, gwapo ako. Nagmamayabang ako, oo, kasi alam kong may ipagmamayabang naman ako.

Going back. Hindi siya naaapektuhan sa kagwapuhan ko, samantalang 'yong ibang mga babae, halos maglaway na kapag nakikita ako. Alam kong sobra-sobra na 'yong kagwapuhan na taglay ko, pero sana naman itikom nila 'yong mga bibig nila bago magpalunod sa charms ko. Ako kasi 'yong nalulunod sa laway na lumalabas mula sa bibig nila, eh.

Yak lang.

Pinarada ko na 'yong kotse ko-oo, may kotse ako. Regalo sa'kin ni dad, syempre,-sa parking lot nitong dorm at bumaba. May nakakita sa'king babae at nanlaki 'yong mata niya tapos dali-daling sinuklay ang buhok niya gamit ang kamay niya. Lumapit ako sakaniya dahil katabi lang niya 'yong entrance. Akala niya yata siya 'yong nilapitan ko kaya nag-beautiful eyes siya habang nakatingin ng malandi sa'kin.

Kung hindi lang ako mabait, malamang sinukahan ko na siya. Pero pinaglihi ako sa anghel-kaya nga yung mukha ko, mala-anghel sa gwapo, eh-ay nagpapakabait ako. Nginitian ko siya. Narinig ko naman 'yong impit na sigaw niya. I fought the urge to roll my eyes. Tinanguan ko na lang siya habang nakangiti ng pilit at tumalikod para pumasok sa entrance.

Makakapasok na sana ako nang may humawak sa braso ko na siyang naging dahilan ng pagtigil ko. Pagtingin ko sa taong 'yon, siya din pala 'yong malanding babae na nagpapa-cute sa'kin kanina kahit na hindi naman siya cute.

"Bakit?" Magalang na tanong ko. Kaya ko siya ginagalang kasi bukod sa isa siyang babae, mukha naman na siyang gurang. Dapat lang igalang ang mga matatanda.

"Ah..." Simula niya at nilagay ang strand ng buhok niya sa likod ng kaniyang tenga, "I'm Bettina. What's your name?"

Harusosko.

Pero dahil nga mabait ako, nagsalita pa'rin naman ako kahit papa'no. "Nice knowing your name, Bettina. But I need to do something more important than letting you know my name."

Nakita ko pa ang pag-flash niya sa'kin ng how-dare-you look bago ako tuluyang pumasok sa loob. Napangiti na lang ako in success.

Anyways, pagpasok ko sa loob, nakita ko ang napakadaming babae. Seryoso? Puro babae lang ba dito? Pero, okay na din 'yon. At least walang kasamang lalaki si Francine ko. Oo, may KO 'yan. I'll make her mine soon, anyways.

Dumiretso ako do'n sa matandang nakaupo lang sa gilid, pinagmamasdan 'yong mga babae habang nakangiti.

"Uhm... Excuse me po?" Tanong ko at napatingin siya sa'kin. Ngumiti ako at kinuha ang kamay niya para magmano. "Hello po."

"Kay-galang na bata," Puri niya sa'kin. Nanatili naman akong nakangiti sakaniya. "Ano ang kailangan mo, hijo? May binibisita ka ba? Kung naman magpapa-book ka ng dormitory room, pasensiya ka na, ha? Puro babae lang kasi kami dito."

"Ay, hindi ho," Sagot ko, "May bibisitahin lang po ako."

"Ganun ba? Sino ba iyon at parang excited na excited kang makita siya? Jowa mo ba?"

Lumawak 'yong ngiti ko sa 'jowa' na sinabi niya.

Tumango ako, "Malapit na hong maging jowa." Tapos tumingin ako sa taas, "Siya ho si Francine. Francine Lapastanganus."

"Ay, si Cine-cine?" Tanong niya at tumango ako, "Hindi man lang nagsabi 'yong batang 'yon sa akin na may nanliligaw na pala sakaniya! Tsk." Tapos umiling-iling siya. "Sige, saglit. Ipapatawag ko lang do'n kay Huaja. Ay, teka lang pala. Ano palang pangalan mo, hijo?"

"Ah, ako po pala si Seth. Seth Park po."

"Kay-gwapong pangalan, parang mukha mo lang." Tapos ngumiti siya sa'kin, "Ako si Florita, ang may ari nitong dorm. Tawagin mo na lang akong Lola Flor, tutal tingin ko ay mapapadalas ang pagbisita mo dito." Tapos kinindatan niya ako na nakapagpatawa sa'kin ng mahina.

"Huaja!" Tawag niya do'n sa babaeng nasa counter. Lumapit naman ito sakaniya.

"Bakit ho?" Tanong nung Huaja.

"Pakitawag si Cine-cine. Andito 'yong manliligaw niya."

Napatingin sa'kin si Huaja, "Ay. Ang gwapo mo naman, koyaaa! Bagay kayo ni Francine babes ko. Alagaan mo 'yon, ha? Kung hindi... tatapyasin ko 'yang pagmumukha mo."

I chuckled, "Aalagaan ko po siya."

"Aba, dapat lang!" Sabi ni Huaja, "Osya, tatawagin ko lang." Tapos ay bumalik siya sa counter at may dinial sa telephone. Number yata nung kwarto ni Francine.

After a minute, binaba niya na 'yong telepono at ngumiti sa'kin, "Pababa na."

Bumilis bigla 'yong tibok ng puso ko. Andito siya. Makikita ko ulit siya. SHEEEET.

Pumirmi muna ako sa isang tabi. I waited patiently for her to come. As if on cue, isang pamilyar na figure ang naglakad papunta sa'kin. Napalunok ako. Nandito na siya.

Ang ganda niya talaga. Ka-bwisit.

Nang marating niya ang harapan ko, kinunutan niya ako ng noo. Aish. Wag kang ganyan, Francine. Ang cute mo masyado. Baka gawin kitang keychain para mabulsa eh.

"Ikaw 'yong bisita ko?" Tanong niya, "As in? Ikaw?"

"Bakit parang pinapaalis mo na naman ako?" Tanong ko at nag-pout.

"Yak. Mandiri ka nga sa ginagawa mo." Sabi niya at umirap, "Pero, seryoso? Binibisita mo ako? Bakit? Ano kailangan mo? Papaturo ka ba sa studies o ano?"

"Chill." Sabi ko at tumawa ng mahina, "Magpapasama sana ako sa mall."

"Bakit ako?!" Tanong niya. Medyo napalakas yata kaya napatingin sa'min si Lola Flor. Hininaan naman ni Francine 'yong boses niya. "I mean, andami mo kayang kaibigan! Saka, ano tayo, close?"

Aray. Ang sakit nu'n, ah.

Pero dahil gusto ko siya, kaya yan.

"Ah eh... ikaw una pumasok sa isip ko."

Ngumisi siya at sinundot 'yong tagiliran ko, "Hoy, ah. Baka naman may lihim na pagtingin ka sa'kin? Yieee!"

Kung alam mo lang, Francine.

"Ang piling nito," Pag-deny ko. "Basta, samahan mo ako. 'Wag kana magbihis, nakapang-alis kana din naman, eh. Dali na. Pleaseeeee?"

"Ayaw ko nga."

"Sige naaaa." Tapos nagpa-cute ako ng bongga. 'Yong tipong nag-pout ako tapos pinuff ko din 'yong cheeks ko.

Shet. Nababaklaan ako sa ginagawa ko. Pero para naman kay Francine kaya kaya yan.

Tinitigan niya ako pero soon, bigla niyang pinisil ng sobra 'yong pisngi ko kaya napangiwi ako sa sakit.

"Aray!" Sabi ko pero agad na pinaamo 'yong boses ko, "Samahan mo na kasi ako. Pleaseeee."

"Pasalamat ka mukha kang aso," Sabi niya, "Cute." Tapos hinila niya na ako palabas. Pero bago kami makalabas, tumingin muna siya kay Lola Flor. "Bye lola! Samahan ko lang 'to. See you later. Muah!" Tapos nag-flying kiss siya kay Lola. Tumawa na lang si lola at nag-thumbs up sa'kin. Tuluyan na kaming lumabas ni Francine.

Yesss!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top