5
~Pauline Batumbakal~
"Ano ba naman, kendi?!" Sigaw ni Francine sa'kin. "May nagbabanta na nga sa buhay mo at lahat, papaganahin mo pa'rin yang kabaitan mo? Jusko naman, oh!"
"Baka naman kasi nangtitrip lang." Katwiran ko.
"Nantitrip?!" Sigaw ulit niya, "Pinukpok ka na sa batok ng baseball bat tapos sinugatan ka na gamit ang bato tapos nantitrip? Aba. Ang lakas naman yata ng trip no'n, 'no?" Napakamot siya sa batok niya sa inis, "I-consult na kasi natin sa pulis! Baka mas lumala pa, eh!"
"Ganito na lang," Sabi ko, "Kung walang nangyari sa'kin bukas, hindi tayo magsasabi sa pulis. Kung meron, e di go."
"Hihintayin mo pang mapahamak ka ulit, gano'n?!" Sigaw na naman niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Napa-kamot ulit siya sa batok niya, "Argh. Sige na nga!"
Napangiti ako at napatingin sa labas nang tumigil 'yong tricycle na sinasakyan namin. Nasa tapat na kami ng dorm. Lumabas na si kendi at sumunod ako. Nagbayad na kami at naglakad papasok.
Sabi ng doktor, okay naman na daw ako. Hindi lang daw kinaya ng system ko 'yong lakas ng impact ng pagkakapalo sa'kin. Baseball bat pala 'yon, eh.
"Ewan ko ba sa'yo, kendi." Bulong niya nang makapasok kami sa dorm. "Ang bait mo masyado."
"Kasi, dapat 'wag ka munang kumilos kung hindi ka sigurado. Parang buhay lang 'yan. 'Wag ka munang umasa kung hindi ka sigurado na seryoso siya sa'yo." Sagot ko.
"Pwede ba?" Sabi niya at inirapan ako. "Tigil-tigilan mo ako."
"Easy lang, nanay." Bulong ko sabay haplos sa likod niya, "Blood pressure mo, baka tumaas."
"Tss." Daing na lang niya.
Wala nang masyadong pakalat-kalat na babae dito sa dorm. 9:30 na din kasi. Nagsimula na kaming umakyat papunta sa third floor.
Sa totoo lang, medyo natatakot na akong maglakad mag-isa sa labas. Baka kasi mangyari ulit. Masakit kayang mapukpok. Saka baka sa susunod, matuluyan na ako.
Pero, sino naman kaya 'yong gagawa sa'kin ng gano'n? Sa pagkakaalam ko kasi, mabait naman akong tao. Haaay. Buhay nga naman. Parang life.
Nang makarating kami sa third floor ay dumiretso kami sa dorm room namin. Tatlo lang kami dito-ako, si Francine at si Dalie. Maliit lang kasi.
Nang isara namin ang pinto ay napatingin sa'min si Dalie. Nakahiga siya sa kama niya nang nakabalot sa kumot. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya.
"Bakit ngayon lang kayo?" Matamlay niyang sabi. Sinalat ko siya pero hindi talaga siya mainit, eh. Baka nga lagnat sa loob.
"Gan'to kasi 'yan..." Tapos kinuwento ko 'yong nangyari.
"Ano?" Medyo malakas na sabi niya, "Ipapa-hunting ko talaga 'yon, tingnan mo."
"Si Kendi kasi," Sabi ni Francine at umirap, "Ayaw pang sabihin sa mga pulis. Pinipilit ko na nga, baka kasi mangyari ulit."
"Dapat 'wag niyo munang sabihin sa pulis," Sabi ni Dalie. "Hindi pa naman sigurado, eh."
"Yaaay." Sabi ko, "Apir tayo, Dalie."
Nag-apir naman kami.
Umirap na naman si kendi at nag-ayos na kami bago matulog.
***
The next day...
At dahil hindi ako sporty, sa cheerleading ang bagsak ko.
First family meeting namin ngayon. Kasama ko si Drany maglakad. Wala din siyang sport, eh. Si Kendi naman, badminton. Practice nila. Tapos si Dane, basketball. Family meeting din nila, kaso hiwalay sa mga cheerleaders. Si Dalie naman, ibang team. Kaya kami ni Drany ang magkasama.
Nang makarating kami sa gym, wala pang masyadong tao. Napaaga yata kami. Umupo muna kami sa mga bleachers.
"You know what, Pauline?" Biglang sabi niya, "I want to get to know you more. Mukha ka kasing mabait, eh, and I want to be your friend."
"Friends naman na tayo, ah." I guaranteed and gave her a smile, "At dahil sa friends na tayo, sige. Magkukwento ako."
"Yay." She whispered and I had to chuckle.
"First of all, lolo at lola ko na lang ang kasama ko ngayon." I sighed, "My parents died when I was still a baby. Birthday party ko daw 'yon no'n in a cruise then all of a sudden, a bomb explosion happened inside it. Some were caught on fire, tapos karamihan ay namatay sa pagkalunod. Buti na nga lang diver sina lolo at lola ko at malakas pa sila that time kaya nagawa nila akong iligtas."
"Oh. My greatest condolences." She whispered, eyes sad.
"Thank you," I mumbled and continued. "Sayang, hindi ko nakita 'yong mga magulang ko no'ng nagkaro'n na ako ng muwang sa mundo."
She patted my back, "Everything happens for a reason." Sabi niya, "May kapatid ka ba?"
"Wala," Sagot ko, "Sana nga meron, eh. Para kasing ang saya lang."
"Masayang magka-kapatid," Sabi niya. "You could treat me as a sister, though."
"Yiz naman. Solomot."
She chuckled, "It's nothing, sis."
Tumawa ako ng mahina at napansing madami na pala ang tao sa paligid. May teacher na din na nagpunta sa harapan at nagbigay ng introduction. Nakinig na kami.
After the family meeting...
Pinagsisisihan ko nang wala akong sports.
Sigaw ka kasi ng sigaw sa cheerleading, 'yong tipong mawawalan ka na ng boses. Nakaka-banas lang kasi tuwing magsasalita ka, magpuputol-putol 'yong boses mo kasi nga, paos ka.
"Ka-stress." Reklamo ko habang naglalakad kami ni Drany papunta sa canteen. Lunch na.
"Oo nga," Sang-ayon niya. "Kupas na beauty ko."
"Ay gusto mo bigyan kita? Madami akong stock."
Napatawa naman siya. "Ikaw na maganda."
I flipped my hair, "Matagal ko nang alam 'yan, anuba. You're stating the obvious."
Once again, napatawa na naman siya.
Nang makarating kami sa canteen ay nagulat ako nang may yumakap sa'kin mula sa likod. Amoy ng pabango pa lang, alam ko na kung sino.
"Pauuuu~" Sabi ni Dalie, "Na-miss kita. Huhuhu."
Tumawa naman ako at inalis 'yong pagkakayakap niya sa'kin saka siya inakbayan, "Ako, 'di kita na-miss." Tapos nginitian ko siya ng nakakaloko, "Sobrang na-miss kita."
"Kinikilig ako, promise." Sarkastikong sabi niya at umirap pero ngumiti din. Kaso nung nag-land 'yong mata niya kay Drany, nawala 'yong ngiti niya. Biglang may sumulpot sa tabi ko at nang tingnan ko 'yon, si Dane pala. Nakangiti siya sa'kin pero gaya ng nangyari kanina, nang mapatingin siya kay Dalie ay nawala din ang ngiti niya. Si Drany naman, seryoso lang.
"Ay, oo nga pala," Simula ko. "Ito 'yong mga bago nating kaklase. Hindi mo sila nakita kanina kasi na-late sila." Then I chuckled. "Ito si Dane at Drany Mahito, fraternal twins. Dane at Drany, ito si Dalie. Isa pa sa mga bestfriends ko."
Nag-expect ako na magngingitian sila kaso nakatitig lang sila sa isa't isa na para bang ang laki ng problema nila. Magsasalita na sana ulit ako nang may mang-akbay sa'kin.
"Yoyoyo man," Sabi no'ng nang-akbay. Ah. Si Francine pala. "Why so serious, guys?"
Para namang natauhan 'yong tatlo at napatingin sila sa'min. Biglang ngumiti si Dalie. She cleared her throat and spoke, "Nice to meet you, Drany and Dane."
"Nice to meet you, too, Dalie." Sabay na sagot nung kambal.
Napa-daing kaming dalawa ni kendi.
Parang may kung ano sa banggitan nila ng pangalan. Ang weird. Ah basta, may ibang feeling. Pero baka guni-guni ko lang 'yon kaya ngumiti na lang ako.
"Tara guys, kain na tayo. Nagugutom na ako." Sabi ko.
"Ay, ako din. Bawal nagugutom mga dyosa." Sang-ayon ni kendi.
Sumang-ayon naman 'yong tatlo pa naming kasama at bumili na kami ng pagkain at kumain.
Pagkatapos, naghiwa-hiwalay na ulit kami ng landas. Magkasama kami ni Drany, of course, na bumalik sa family namin at nagpatuloy ang practice.
Natapos ang araw and nothing bad happened to me.
Yay. Walang ikokonsulta sa pulis.
----
A/N: This chapter is dedicated to @parkyeolsproperty . Hi RQ!
Thanks for reading, guys. Muah! :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top