3

~Pauline Batumbakal~

"Group two, black team." Simula ni Sir Romeo. Nag-a-announce na siya para sa intramural groupings namin. Natapos na 'yong first group at wala pang natatawag sa'ming dalawa ni kendi. Sana magka-group kami.

Sir Romeo cleared his throat when the class started making noises again. "Again. Group two, black team." Pagsisimula niya ulit. "Batumbakal," pagkasabi niya no'n e napa-squeez ng kamay ko si Francine. Magkahawak-kamay kasi kami. Huehue. "Lapastanganus,"

"YESSSSS." Sabay naming sabi ni kendi at parang napalakas yata 'yon dahil tinitigan kami ni Sir. Nag-peace sign kami at humarap sa isa't isa nang parehas na may malaking ngiti.

"Kendiiiiii~" Sabi niya. "Magka-team tayoooo."

"Hindi siguro," Sabi ko pero ngumiti din kalaunan. "Yeeeey. Em so happehhh."

Nagdidiwang pa kami nang magpatuloy si sir Romeo sa pag-a-announce, "The Mahito twins,"

Tinignan kami ni Drany at Dane. Nakangiti silang parehas sa'min at nginitian ko din sila pabalik. Nang ibalik ko 'yong tingin ko kay kendi, nakangiti siya kay Dane nang nakakaloko. Jusko. Nasasapian na naman yata.

Pinagpatuloy 'yong pag-a-announce ng black team pero at the end, hindi namin ka-grupo si Dalie. Nalungkot naman kami ni kendi do'n. Turns out sa group three, silver team siya.

Four teams lang ang meron kami. Group one is gold team, group two is black which is kung nasa'n kami ni kendi at ng Mahito twins, group three is silver kung nasa'n si Dalie at group four is bronze team.

"Look, I gave you your teams because this year, our Intramural's gonna have a little twist." Nakangiting sabi ni sir, "You're not being grouped upon your year level. It's by the colors I gave you, which means you're all mixed up. You'll have different sections and year levels in the team. Prepare yourself in adjusting now."

Nag-bulong-bulungan 'yong mga kaklase namin. Inakbayan ko si Francine, "Yow dude."

"Yo man." Sabi naman niya.

"We're on the same team, you know, bro."

"Yeah, bro. Rock and roll to the world."

Napatawa naman kami at bumaling na ulit kay sir.

"Pray by yourselves and you can go. Class dismissed."

Dahil may pagka-banal kami ni Francine, nag-pray muna kami ng mabilis at dumiretso na sa labas.

"Ay, kendi." Sabi niya at tumigil sa paglalakad. "Hindi ako makakasabay sa'yo pauwi sa dorm."

"Ha? Bakit?"

"You know, pinapatawag kaming mga varsity sa badminton."

Tumango-tango naman ako, "Aaah. Gets. Sige."

"Okay ka lang niyan? Kaya mo naman na, 'no?"

"Sus." Sabi ko at flip ng hair, "Sa ganda kong 'to?"

Inirapan niya naman ako saka binatukan, "Bye na. Love ya."

"Ge. Hate ya."

Umirap na naman siya sa'kin at tinawanan ko lang siya. Nag-flying kiss ako tapos bumaba na. Dumiretso ako sa labas ng school, do'n sa tabi ng karinderya ni manong Dodong. May turo-turo kasi dito tuwing uwian. Sipag nila, 'no? Umaalis tapos bumabalik.

Ganyan naman 'yong buhay, eh. Aalis sila, tapos kung kailan okay ka na, saka sila babalik para gambalain muli 'yong buhay mo.

De, joke. Hehe.

Tumusok ako nang sampung pisong fishball at sampung pisong kwek-kwek. Tapos sampung pisong kikyam din at maliit na hotdog.

May maliit pala na hotdog? Akala ko kasi malalaki lang, eh. De, joke lang ulit.

Nagbayad na ako at tumambay muna sa karinderya ni manong Dodong. Walang masyadong tao ngayon, masyadong abala sila sa turo-turo. Nilapitan ko si manong Dodong na nakaupo lang sa isang tabi.

"Oh, Pau. Buti hindi mo kasama si Cine?"

"Kasi po 'di ba varsity siya sa badminton? May gagawin yata sila."

"Ah. Okay."

Pau at Cine 'yong tawag sa'min ni manong. Hindi niya alam ang buong pangalan namin. Nickname na lang sinabi namin para wala nang paliko-liko.

Parang buhay. Dapat dinidiretsa mo na ang isang bagay para hindi maging kumplikado kung alam mong do'n din naman ang punta no'n.

Joke. HEHEHE.

Nagkukwentuhan pa kami ni manong Dodong nang bigla siyang mapatigil at parang may tiningnan sa likod ko. Ngumiti siya nang malaki.

"Seth!" Tawag niya, "Hijoooo~ Akala ko naman hindi ka na dadating. Sabi mo ililibre mo ako ng fishball, eh. Hehe."

Napatingin ako sa tinawag niya at nakita ko ang isang lalaki.

Aba, gwapo ah. Wiiiw. Ang daming gwapo ngayong araw. Balak yatang pasabugin 'yong obaryos ko.

Lumapit 'yong Seth daw kay manong Dodong at may inabot na plastic cup na puno ng fishball na may sauce.

"Hindi naman ako gano'n, manong." Sabi ni Seth, "Hindi ako katulad ng ibang taong hindi tumutupad ng pangako."

"Aysus." Sabi ni manong at kinuha 'yong plastic cup sabay subo, "Lalim ah."

Napatawa si Seth at napatingin sa'kin. "Hello." Sabi niya.

"Ah eh, hello." Sabi ko na lang din.

"Dati ka pa pumupunta dito?" Tanong niya at umupo sa tabi ko. Tumango naman ako. "Hindi kita nakikita, ah."

"Maaga kasi akong umuuwi dati. Nahuli lang ngayon kasi wala 'yong bestfriend ko."

"Ano daw 'yon? Nanay lang?"

Inirapan ko naman siya, sakto namang tumunog 'yong cellphone ko. Kinuha ko 'yon at nakitang may message sa'kin si lola.

From: Lolang Mahal Ko

Pauline! Bibisita ka ba sa Sabado dito, apo? Miss na miss ka na namin ng lolo mo. Mag-iingat ka diyan, ha? Mahal ka namin.

Napangiti ako nang mabasa 'yon. Nag-reply ako sakaniya.

To: Lolang Mahal Ko

Opo, lola. Miss na miss ko na din po kayo, eh. Hintayin niyo po ako, ha? Mahal ko din po kayo.

Ibubulsa ko na sana 'yong cellphone nang makita ko ang oras. Napa-daing naman ako. 6:30 na.

Tumayo na ako at tumingin kay manong Dodong, "Manong, alis na po ako. Ingat po kayo mamaya pag-uwi niyo."

"Ikaw din, hija."

Bumaling naman ako kay Seth. "Alis na ako."

"Okay. Teka, what's your name?" Nilahad niya 'yong kamay niya. "I'm Seth, as you heard awhile ago."

"Pauline." Sabi ko at tinanggap ang kamay niya saka shinake 'yon.

"Mag-isa ka lang, 'di ba? Do you want me to accompany you? Hindi masyadong ligtas sa mga oras na 'to, eh."

"No, thank you. I can handle." Tapos nginitian ko siya.

"Alright. Ingat ka na lang."

Tumango ako, "Ikaw din." Tapos umalis na ako do'n.

Naglakad ako papunta sa sakayan ng tricycle. Wala kasi siya sa tapat ng school kaya nilakad ko, syempre.

Natatanaw ko na 'yong sakayan ng tricycle. Madilim na agad at nagbukas na 'yong mga ilaw sa poles. Binilisan ko ang paglalakad ko dahil medyo takot ako sa dilim.

Hindi ko pa nararating 'yong sakayan nang may naramdaman akong matulis na batong dumaplis sa braso ko. Tiningnan ko ang braso ko at may malaking sugat na do'n. Lumingon ako sa paligid pero wala naman akong nakitang kasunod ko o ano.

Gagamutin ko na lang sa bahay.

Maglalakad na sana ulit ako pero may dumaplis ulit do'n sa brasong nadaplisan kanina, sakto do'n sa sugat. Napadaing ako sa sakit. Lumalim 'yong sugat at nagsimula nang tumulo ang dugo ko. Kinuha ko 'yong panyo ko at binalot do'n ang sugat. Masakit.

Naglakad ulit ako, kaso may narinig akong kaluskos. Lumingon ulit ako sa paligid. Wala na namang tao. Binalik ko ang tingin sa daan at maglalakad na sana ulit nang may marinig akong kaluskos muli at bago pa ako makalingon ay may naramdaman na akong isang matigas na bagay na pumukpok ng malakas sa batok ko.

Wala na akong nalaman pagkatapos no'n. Basta ang alam ko, nagdilim na ang paligid.

----

A/N: Hello guys~ I just want to dedicate this chapter to @RaveCannon for being the bestfriend anybody could wish for. Mahal kita, asawa ni Sehun!

So, 'yon lang. I hope you enjoyed reading. :) See you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top