26
~Charles Park~
Nakatali ang magkabila kong kamay sa dalawang mahahabang lubid na nakakonekta sa magkabilang dulo ng kwarto. Ang dalawang paa ko naman ay nakataling magkasama.
Medyo nanghihina pa ako dahil sa nalanghap kong amoy kanina mula doon sa panyo.
Punyeta. Ano bang pabango 'yon at ganoon na lamang ang epekto?
Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Walang ibang bagay. Napakalinis, ngunit napakadumi din. Napakalinis dahil ako lamang ang nandito kasama ang mga lubid na nakapulupot sa katawan ko. Ngunit madumi dahil sa masangsang na amoy na umaaligid sa akin. Hindi ko matukoy kung ano ito.
Kakagising ko lamang kasi.
Sinubukan kong kumawala kahit na alam kong wala naman akong mapapala. At, tama nga. Wala nga akong napala. Sa halip ay sumakit lamang ang kamay at paa ko kakapilit na alisin ang mga lubid na nakapulupot dito.
Hindi ako sumuko.
Sinubukan ko pa'ring kalagin ang mga nakapalupot sa kamay ko at laking tuwa ko nang maramdaman kong unti-unting lumuluwag ang mga ito. Tutuloy na sana ako sa pagkalag nang biglang magbukas ang pinto na siyang naging dahilan ng paglingon ko. May pumasok na isang babae. Halata mong babae siya dahil sa korte ng kaniyang katawan. Hindi ko nga lang siya makita ng maayos dahil mayroon siyang takip sa mukha.
Nagpanggap ako na mahigpit pa'rin ang lubid na nakatali sa mga kamay ko. Mahirap na, baka patayin niya ako agad.
Lumapit siya sa'kin. Ngayon ko lang napansin ang dala-dala niyang upuan. Nilagay niya iyon sa harapan ko at umupo duon, pinagmamasdan ako.
Nakikipagtitigan siya sa'kin. Aba. Edi tititigan ko din siya. Staring contest pala, ah. Magaling ako diyan.
"Kilala mo ako, eh." Pagbasag niya sa katahimikan. Hindi ko na pinakinggan ng mabuti ang boses niya para malaman kung sino siya. Tinatamad ako. Saka, alam ko namang magpapakilala din siya sa'kin mamaya, eh. Ba't pa ako magsasayang ng enerhiya para kilalanin siya kung mangyayari din naman 'yon mamaya, di ba?
"Alam mo, nung unang kita ko sa'yo... Nagustuhan na kita agad." Tapos tumawa siya ng mahina, "Kaso gusto mo si Pauline, eh."
"Mahal ko siya." Pag-kokorekta ko.
"DON'T BUTT IN WHEN I'M STILL TALKING!" Pagsigaw niya. Hindi ako natakot pero pinili kong manahimik na lang. Kitang-kita ko naman kasi 'yong kumikislap na bagay sa bulsa niya. Isang kutsilyo.
"As I was saying..." Kalmado na siya ulit ngayon. Tss. Bipolar. "Gusto kita pero may gusto kang iba. At, wow. Lantaran pa, ha." Tumawa ulit siya ng mahina. Punyeta. Nababaliw na yata 'to, eh. "Hindi ka naman dapat kasama dito. Kaso... sinaktan mo ako. Kaya dapat, kasama ka na din."
Ate, hindi mo naman sinabing story-teller ka pala. Sayang, hindi ako nakapag-invite ng kids.
Bumuntong-hininga siya, "Haaay, Charles. Gustong-gusto kita. Pero, hindi mo pinahalaganan 'yong pagkagusto ko sa'yo. Kung sana man lang, ginusto mo ako pabalik... masasama ka sana sa kapangyarihan ko. Share sana tayo."
"Alam mo," Paninimula ko kahit alam kong puwedeng-puwede niyang gamitin 'yong patalim sa bulsa niya sa'kin, "Kung hindi ka gusto ng isang tao, wag mo nang ipilit ang sarili mo. Magmumukha kang aso. Siksik ng siksik kung saan-saan." Tumigil ako, "Ay. Mukha ka na nga palang aso."
Naramdaman ko ang panggalaiti niya pero humugot siya ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili niya. Sunod, tumayo siya.
"Magpapakilala na nga pala ako sa'yo."
Tinanggal niya 'yong humaharang sa mukha niya at kahit na ayaw kong magpakita ng kahit na anong emosyon, gulat lang ang nailabas kong ekspresyon. Sa isang iglap, napuno ng mga tanong ang isipan ko. Sa isang iglap, napuno ng emosyon ang puso ko. Galit, pagkalito, pagtataka, inis, panghihinayang at ka-p*tang*nahan.
Nang makabawi ay pinilit kong ngumisi, "Tama nga 'yong sinabi nilang maraming namamatay sa maling akala. Drany, akala ko tunay na kaibigan ka. Hindi pala."
"Oh, honey." Saad niya gamit ang mala-demonyong boses, "Seems like you've solved the puzzle right already." Mas lumapit pa siya sa'kin, "Now, it's time for me to solve my puzzle."
Tinitigan ko ang kamay niyang bumunot sa kutsilyong nasa bulsa niya. Bigla siyang bumulong, "And this puzzle is... killing you."
Gagamitin niya na sana 'yong kutsilyo pero sinipa ko siya ng sobrang lakas kaya natumba siya. Tuluyan ko nang kinalag 'yong mga lubid na nagtatali sa'kin at tumalon-talon papunta sa direksyon na pinuntahan ng kutsilyo niya. Dinampot ko 'yon at ginamit para kalagin ang lubid na nakapulupot sa paa ko.
Lalabas na sana ako pero bigla niya akong hinila at nakipag-agawan sa kutsilyo.
Kingina.
Babae ka lang. Lalaki ako.
May respeto ako sa mga babae. Pero hindi ka naman karespe-respeto kaya never mind.
Sinipa ko siya sa tiyan kaya nabitawan niya 'yong kutsilyo. Kinuha ko ang kutsilyong iyon at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Lumingon-lingon ako upang siguruhing walang tao.
Ang tanga naman. Magkukulong na nga lang ng mga tao, wala pang hinire para magbantay. Masyado yata silang kampante na mapapatay nila kami sa oras na pumasok sila sa kwarto namin.
Mabilis ngunit maingat akong naglakad sa hallway. Bawat kuwartong madadaanan ko ay sisilipin ko. Puro naman walang laman.
Sa pangalawang kuwarto sa pinakadulo ay may narinig akong nagsasalita. Bumilis ang tibok ng puso ko. Lumingon ako sa likod at medyo nakahinga ng maluwag nang makitang hindi pa nakakalabas si Drany sa kuwartong pinanggalingan ko.
Dumiretso ako sa pangalawang kwarto sa pinakadulo. Sumilip ako doon at nakita si Seth. Nakatali siya gaya ng tali ko kanina at may kumakausap sakaniyang lalaki. Hindi ko siya nakikita dahil nakatalikod siya sa pinto at si Seth ang nakaharap.
Pero kung hindi ako nagkakamali...
Si Dane 'yon.
Napailing ako. Kambal-demonyo.
Huminga ako ng malalim at nang makakuha ng lakas ay walang-tunog na naglakad papasok sa kuwartong iyon. Napatingin sa'kin si Seth ngunit nang makita niya ang kutsilyo ko ay agad niyang tiningnan si Dane ulit.
Siguro para hindi mahalatang may ibang tao.
Unti-unti akong naglakad.
Diyos ko, dedepensahan ko lamang po ang aking sarili at ang aking kapatid. Sana ay mapatawad niyo ako sa aking gagawin.
Nang malapit na ako kay Dane at sasaksakin ko na sana siya ay bigla siyang humarap sa'kin at sinaksak ako sa balikat. Kinailangan ko pang kagatin ang aking labi para mapigilan ang pagsigaw dahil sa sakit.
Hinugot niya ang kutsilyo at tumawa ng malakas.
"Akala mo hindi ko mararamdaman ang pagpasok mo sa kuwartong 'to? Aba—AH!" Sigaw niya nang saksakin ko siya sa balikat din. Sinaksak ko siya sa tiyan at dalawa pang saksak sa magkabilang paa. Natumba siya dahil do'n.
Nanginginig ang mga kamay ko na kinalag ang mga lubid na nakapulupot kay Seth. Kinuha niya 'yong kutsilyo ni Dane. Tiningnan namin siya. Pinipilit niyang tumayo pero hindi niya magawa dahil sa dalawang saksak niya sa paa.
"Bilisan na natin, Seth." Sabi ko. Tumango naman siya at sabay kaming umalis sa kuwartong iyon.
Kahit anong mangyari...
Hindi ako papatay.
Hindi ko gagayahin ang ginawa ng mga sindikato sa tatay ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top