25
~Pauline Batumbakal~
Nagising ako nang medyo masakit pa 'yong ulo. Nang maka-adjust ako ay nilibot ko ng paningin ang buong kwarto.
Nakatali ang mga kamay at paa ko pero nakaupo ako sa sahig at nakasandal sa pader. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sina Shaney at Jac na nandito sa kwartong ito din.
Dumapa ako sa sahig at gumapang papunta sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Shaney at binunggo-bunggo 'yong balikat niya.
"G-gising na." Mahinang sabi ko. Gumalaw naman sila at unti-unting nagmulat ng mata.
"P-pauline?! Nahuli ka din?" Gulat na tanong ni Shaney. Tumango ako sakanila.
"Nahuli yata tayong lahat..." Bulong ko at yumuko. Umiling ako at napaluha, "Wala na. Ni hindi man lang ako nakaisip ng paraan para mailigtas ang sarili ko at kayo dito."
"Pauline," Tawag ni Jac kaya napatingin ako sakaniya, "Makakalabas din tayo dito. Tiwala lang."
"Sana nga."
"Okay. Sasabihin na namin sa'yo ito bago pa tayo magkanda-leche leche." Sabi ni Shaney.
Tumango naman ako.
"Pauline... May..." Bulong ni Jac, "May kambal ka."
Nanlaki 'yong mata ko, "Totoo ba yan o pinaglololoko mo lang ako?"
"Totoo 'to, Pauline." Sabi ni Shaney, "At siya si—"
Naputol ang sasabihin ni Shaney nang may pumasok sa kwarto.
"Oh. Gising na pala kayo," Sabi niya. Lalaki siya, pero hindi ko maaninag ang itsura niya dahil naka-mask siya, "Buti naman nagising na kayo. Madami kaming ipapakain sainyo."
"Hindi kami gutom," Sabi ni Jac, "Mga punyeta kayo."
Tumawa 'yong lalaki at umupo sa harapan namin. Being this close to someone connected to the killer... brings shivers to my body.
"Siguro.. ipapaalam ko na 'yong itsura ko." Simula no'ng lalaki, "Tutal... hindi naman na kayo lalabas dito ng buhay."
"Sinungaling!" Sigaw ni Shaney.
"Tumahimik ka!" Sigaw no'ng lalaki at may nilabas na kutsilyo. Napatikom naman ang mga bibig namin.
Tumawa 'yong lalaki at dahan-dahang inalis ang mask niya. Nang itapon niya 'yon sa kung saan man at nang tumingin siya sa'kin ay parang gumuho ang mundo ko.
Nanghina ako. Nanlumo. Para bang pinagbagsakan ako ng langit at lupa.
"D-dane..." Bulong ko.
"You got that right," Bulong niya sabay tawa ng mahina.
"Walang hiya ka!" Sigaw ko. I tried my best to kick him but he was too fast he caught my feet.
"Oops, not too fast, baby." Bulong niya at biglang ginamit ang kutsilyo niya para sugatan ang paa ko. Nagsulat siya do'n ng letter 'P' at muntikan na akong mapasigaw sa sakit.
"Tigilan mo 'yan!" Sigaw ni Shaney.
"Tss. Ayaw niyo 'yon? Binigyan ko pa ng libreng tattoo ang kaibigan niyo." Sabi ni Dane habang nakangiti, "Gusto niyo kayo din?"
Hindi pa man sila nakakasagot ay nagsulat na ng letter 'S' at 'J' si Dane sa paa nila. Napapikit sila sa sakit.
"Kilala ko kayo, Shaney at Jac." Sabi ni Dane at mas lumawak pa 'yong ngisi niya, "Palagi ba naman kayong nakabuntot kay Pauline? HAHAHA!"
"W-wala akong pakialam." Sabi ni Shaney. Nagulat nalang ako nang biglang hilahin ni Dane si Shaney at Jac kaya napadapa sila sa sahig.
"Dane!" Sigaw ko kaya napatingin siya sa'kin, "Maawa ka naman. Please."
"Awa?" Tanong niya at ngumisi, "Hmm... No thanks."
Biglang may pumasok ulit sa kwarto. Ito 'yong nakausap namin kanina sa hagdanan. May dala siyang taga kaya napasigaw ako ng wala sa oras.
"A-anong gagawin mo diyan?!" Gulat at takot na tanong ko.
"Ano pa ba?" Sabi ni Dane, "Malamang gagamitin niya sainyo."
"Wag! Kung sino ka man, please. Wag..." Napaiyak ulit ako, "Maawa kana."
Tinitigan ako ng naka-maskarang babae. Wala talaga akong makita sakaniya dahil naka-maskara siya, naka-sunglasses pa at naka-scarf. Para bang tinatago niya talaga ang totoo niyang pagkatao.
"Pauline! Makinig ka!" Sigaw ni Jac, "Ang kambal mo ay si—AAAAAAAAAH!"
"JAAAAAAAAAC!" Sobrang lakas na sigaw namin ni Shaney nang tagain ng babae si Jac sa balakang.
"Tama na yan! Tama na, please!" Sigaw ni Shaney. Umiiyak na siya at hindi niya matulungan si Jac dahil nakatali din siya.
"Maawa na kayo! Pakiusap, tigilan mo na yan!" Sigaw ko.
Pero parang wala siyang narinig. Pinaulit-ulit niya ang pagtaga kay Jac at walang magawa si Jac kundi ang sumigaw ng sumigaw.
"Sh-shaney..." Bulong ni Jac, "Mahal... na m-mahal kita." At saka na siya nawalan ng malay.
Narinig ko ang pagtawa ni Dane.
Pinagpatuloy ng babae ang pagtaga hanggang sa mahati ang katawan ni Jac. Napasigaw ako at napapikit. Umiyak ako ng umiyak.
Napanuod ko kung paano mamatay si Jac.
Madaming dugo. Napakadami.
Bigla akong nasuka.
"PUT*NGIN* KAYO!" Sigaw ni Shaney at pinilit niyang tumayo pero walang nangyari dahil nakatali siya.
"Susunod kana din naman, eh. Tsk. Ang ingay." Sabi ni Dane.
Tumawa naman ng mahina 'yong babae at biglang tinaga ang ulo ni Shaney.
"WAG! PLEASE! TAMA NA! TAMA NA, PAKIUSAP!" 'Yon lamang ang nasigaw ko nang ihiwalay ng babae ang kamay, paa at hatiin niya ang katawan ni Shaney. Napailing ako at nasukang muli.
Hindi ko kaya ang ganito. At sa mismong harap ko pa talaga nangyayari.
Biglang lumapit sa'kin 'yong babae. Lumebel siya sa mukha ko. May dinukot siyang blade mula sa bulsa niya at ginamit ito para sa pisngi ko.
"AH! WAG!" Sigaw ko pero pinagpatuloy niya pa'rin ito. Nakita ko ang dugong tumatalsik sa mask na suot niya.
Bigla siyang tumayo at umalis. Sinundan siya ni Dane.
Napahagulgol ako.
Bakit hindi pa niya ako pinatay? Do'n din naman ang punta no'n, hindi ba?
Naiiyak kong tiningnan ang katawan nila Jac. Mas lalo naman akong naiyak.
Kakasali pa lamang nila sa larong ito... ngunit agad na silang nataya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top