24
~Francine Batumbakal~
Francine, wag ka ngang matakot. Asa'n na 'yong matapang na ikaw?
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Kaso, biglang may narinig kaming tumatakbo mula sa likod. E di awtomatikong napatakbo din kami.
Marami. Maraming humahabol sa'min. Hindi ko alam kung ilan, basta ang alam ko hindi ito isang tao lang. Madami sila.
Nagkahiwa-hiwalay na kaming lahat. Nahiwalay na ako sakanila. Hindi ko alam kung sa'n pupunta, basta tumatakbo nalang ako.
"Francine!" Narinig ko ang boses ni Angel. Tatakbo sana ako papunta sakaniya kaso biglang may tumakip sa bibig niya at nahimatay siya. Nanlaki 'yong mata ko at tumakbo ulit palayo bago pa ako makuha.
Nakababa na ako ng hagdan ay tumatakbo pa'rin ako. Hindi ko alam kung sa'n na ako dinadala ng paa ko, basta ay tumatakbo na lang ako.
May humawak sa kamay ko at muntik ko na itong masapak kung hindi ko lang nakumpirmang si Pauline 'yon.
"Ahh! Bitawan mo ak—" Narinig namin ang sigaw na 'yon at sigurado akong si Roscelle 'yon.
"Hindi tayo pwedeng mahuli dahil alam kong papatayin nila agad tayo." Bulong ni Pauline na mas dumikit pa sa'kin. Dali-dali akong tumango dahil gano'n din ang naiisip ko. "Francine! May tao sa likod! Takboooooo!" Sigaw niya at tumakbo kami nang magkahawak-kamay.
Natatakot kaming mawalay ulit sa isa't-isa. Hindi pwedeng makuha ang isa sa'min. Hindi pwedeng may makuha ulit sa mga bestfriend ko. Nakuha na si Dalie. Hindi pwedeng si Pauline din.
Next thing I knew, tumatakbo na ulit kami paakyat. Pero, hindi kami nagtagal sa second floor this time. Tumakbo kami papunta sa third floor.
Dahil wala naman kaming nararamdaman na papalapit o nakamasid sa'min, tumigil muna kami para maghabol ng hininga. Kahit naman sporty akong tao, napapagod din ako. Ang hirap kayang tumakbo akyat-baba.
Punyetang kadiliman naman kasi. Bakit ba walang ilaw? Kinakapos ba sila ng budget kaya hindi nilagyan ng ilaw?
Ay, gaga, Francine. Alam mo namang kaya nila ginawa 'to is para may thrill. Pero, punyemas, ah. Ano akala nila, nasa horror movie sila at kailangan pa ng thrill? Gahd.
"Francine," Tawag ni Pauline, "Isa lang masasabi ko sa killers."
"Ano?"
"My middle finger salutes them."
"I know right."
"Ansarap nilang saksakin ng middle finger. Ay, wag na. Baka masarapan pa sila instead masaktan. Ay gago. Anong sinasabi ko?" Sabi nya.
Sasagot pa sana ako nang biglang may narinig kaming boses.
"May tao ba diyan? Tulungan niyo ako! Please!" May sumigaw mula sa isang kwarto. Nanlaki 'yong mata namin ni Pauline.
Si Alyana.
"Al—" Napatigil ako nang takpan ni Pauline 'yong bibig ko.
"Baka may makarinig sa'tin." Sabi niya. Nag-peace sign ako at dahan-dahan naming tinahak ang daan papunta sa kwartong 'yon. Binuksan namin 'yon at nagulat nang nakita naming walang lock.
"Francine? Pauline?" Gulat na sabi ni Alyana nang makapasok kami sa kwarto.
"Shh." Sabi namin. Lumingon-lingon kami at nang makumpirmang walang tao ay agad namin siyang nilapitan.
Siguro busy makipaghabulan 'yong killers sa baba at kinalimutan nila si Alyana dito.
Dahan-dahan naming inalis 'yong lubid na nakapulupot sakanya para madikit siya sa upuan. Nang maalis namin 'yon ay nagulat kami nang makita ang napakadaming sugat niya sa katawan.
"Diyos ko..." Sabi ko, "Anong ginawa nila sa'yo?"
Biglang naiyak si Alyana. Niyakap namin siya at hinagod-hagod ang likod niya. "Nandito na kami."
Humiwalay na kami at tinulungan siyang tumayo, "Tara na. Aalis na tayo dito."
"S-si ate Roscelle?" Tanong niya.
"Ililigtas natin siya kung kakayanin ngayon, Alyana." Sabi ko, "Pero kung hindi... babalikan natin sila. Pangako yan."
Mas napaiyak siya pero tumango din. Inakay namin siya palabas sa kwartong 'yon at maingat kaming naglakad pababa, papunta sa second floor.
"Saan kayo pupunta?" May nagsalita sa likod namin at nanigas kami sa pwesto. Nasa gitna kami ng mahabang hagdan ngayon.
"S-sa..." Pagsisimula ni Pauline, "Sa Neverland."
"Gago." Seryosong sabi ng kumakausap sa'min. Napatingin kami sakaniya at nakitang naka-mask siya.
"Ano ka, cosplayer? Hi, Drakula." Sabi ko.
Bigla siyang naglakad papunta sa'min kaya pinagtulungan nalang namin ni Pauline na buhatin si Alyana. Dali-dali kaming tumakbo pababa hanggang sa makarating na kami sa second floor, hanggang first floor.
Binaba na namin si Alyana at nang tumingin kami sa likod ay wala na 'yong humahabol sa'min. Babae siya, sigurado ako. At alam kong weird pero...
Parang pamilyar siya sa'kin.
Nakita na namin ang labasan at lalabas na sana kami nang...
Biglang may magtakip ng panyo sa mga bibig namin na naging sanhi ng pagkahilo at pagbagsak bamin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top