21
~Angel Francia~
"Pero... hindi ba kayo natatakot? Natatakot na baka... madawit kayo sa gulo?" Tanong ni Dalie. "Natatakot kasi kami. Ayaw naming mandamay ng tao."
Sumang-ayon yung mga kasama nya. Dismissal na ngayon at naisipan naming pumunta sa Mcdo para mag-usap-usap at makapag-bonding na din. Kasama na namin si Alyana at Roscelle A.K.A. the Lee sisters.
Ngumisi ako, "Hindi ako natatakot," desididong sabi ko, "Lalo na't alam kong madami akong maitutulong."
"Bibigyan namin ng hustisya ang tatay namin," Sabi ni Alyana, "Hindi namin hahayaang mapunta sa wala 'yong hustisyang kailangan nya."
"Napaka-g*go nung pumatay kay tatay," Sabi naman ni ate Roscelle, "At napaka-g*go din nung mga pulis para mag-chill lang do'n at hindi pagtuunan ng pansin ang krimen."
Tiningnan ko yung buong grupo nang sumang-ayon sila. Nanatili akong nakangisi at nagpatuloy sa pagkain ng burger.
Lahat ng tao, may sikreto. Lahat, may kabaitan.
Pero lahat din, may tinatagong kasamaan.
Kaso, minsan, hindi sila masyadong magaling magtago kaya kahit anong gawin nila, lalabas at lalabas pa'rin 'yong baho nila. Hindi man lahat, may kahit isa namang makakapansin no'n. May isang makakakita ng totoong nangyayari.
At sa sitwasyon ngayon, sa tingin ko...
Ako 'yong isang 'yon.
***
~Roscelle Lee~
Pursigido at desidido na ako.
Hindi ko matatanggap ang pagkamatay ni tatay at hinding-hindi ko din matatanggap na walang kumilos para mabigyan-katarungan 'yon. Kung ayaw ng mga pulis, edi kami na lang. Alam ko namang hindi kami nag-iisa ni Alyana sa laban na 'to, eh. Alam kong madaming taong nagmamahal sa tatay ko—at may ilan na gustong hanapin kung sino ang pumatay sakanya.
At ang grupo ni Pauline 'yon. Sa ngayon, kasama na kami sa grupong 'yon. Hinding-hindi kami maghihiwalay.
Natatakot ako, oo.
Pero kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong magpaka-ate kay Alyana, kahit na grade 12 lang ako, at bilang ate, dapat maging matatag ako. Si nanay, naatake sa pagkamatay ni papa. Naka-confine sya at hanggang ngayon ay hindi pa'rin nagigising.
Nanay, habang nagpapahinga ka jan, hahanapan namin ng hustisya si tatay. Hintay lang, ah?
Natapos akong maligo, nagbihis at lumabas na ako sa banyo. Dumiretso ako sa kwarto ko—na kwarto na din ni Alyana ngayon. Hindi na kami naghiwalay. Natatakot kami. Napakabilis ng mga pangyayari.
Pupunta kami sa ospital para bantayan ulit si mama. Sumaglit lang kami dito sa bahay para maligo.
Kaso nagtaka ako nang pagpunta ko sa kwarto ay wala doon si Alyana.
"Yana?" Tawag ko, pero walang sumasagot. Pumunta ako ng kusina, wala din siya do'n. "Yana?" Tawag ko ulit. Lumabas ako ng bahay para tingnan sya sa terrace pero wala din sya do'n. Nilibot ko ang buong bahay para hanapin sya pero wala talaga sya.
Nag-aalala na ako.
Tinawagan ko 'yong phone number nya pero nag-ring ang phone na nasa tabi ko. Hindi nya dala ang phone nya.
"Yana! Wag ka nang magtago, hindi na nakakatuwa!" Pasigaw na sabi ko sakanya. Sobrang kinakabahan na talaga ako. Hinalughog ko 'yong kama para hanapin 'yong pouch ko. Lalabas na kasi sana ako kaso nakakita ako ng isang puting papel. Maliit sya, nakatupi.
Out of curiosity, binuksan ko 'yon. Nagulat na lang ako kasi kulay red 'yong pinagsulat. Nilapit ko 'yon sa mata ko at pakiramdam ko ay tumindig lahat ng balahibo ko sa katawan.
Dugo 'yong pinangsulat.
Binasa ko na 'yon.
Roses are red, violets are blue. You can't see me, but I can see you. Blood is also red, your life is in danger. It's already done, you already did it, you already put me to anger. Run for your life, run with your fastest speed.
Save the life of your sister for she's in my hand, oh, fudge. This poor kid.
Natapon ko bigla 'yong papel sa sahig. Walang anu-ano'y tumakbo ako palabas. Sobrang nanginginig ako at hindi ko alam kung anong gagawin. Tinawagan ko si Angel.
"Hello?" Antok pa 'yong boses nya.
"Angel!" Pasigaw na sabi ko. Takot na takot 'yong boses ko, "Puntahan mo ako, p-please! Kailangang k-kailangan ko ng tulong mo, ng tulong nyo!"
"Ha? Anong nangyari?!" Gising na gising na sya ngayon.
"Si Alyana..." Naramdaman ko ang paglabo ng paningin ko dahil sa luhang namumuo, "N-nakuha sya ng killer."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top