20
Where the real twist spins.
————
~Francine Lapastanganus~
Hindi ko alam kung nasaan ako.
Pero ang alam ko lang ay panaginip ito.
Nasa isang sobrang dilim na lugar ako. Walang kahit ano—parang 'yong pinagmulan lamang ng napanaginipan ko dati. Pero ngayon, may umilaw sa likod ko.
Nilingon ko ito at nakakita ng apoy. Isang malaking apoy na hugis tao, may itim na kapa itong bumabalot sakanya. Natatakot ako. Nagtangka akong tumakbo palayo ngunit hindi ako makagalaw sa hinihigaan ko.
Nilabas ng taong apoy si manong Dodong. Nanlalaki ang mga mata na tiningnan ko sila. Madaming sugat si manong Dodong. Para bang matagal na panahon na siyang pinahihirapan.
"Francine..." Tawag nito sa akin. Kapos ang boses nya at halata mong nahihirapan syang huminga, "Hindi ko sinasadya... Hindi ko sinasadya..." Paulit -ulit lamang ang mga katagang iyon na lumalabas sa bibig nya.
"A-ano po?" 'Yon lamang ang nakaya kong sabihin.
"Mag-ingat kayong lahat. Malakas siya. Malakas. Mag-ingat kayo..." Patuloy na pagbabala nya sa akin.
Tatanungin ko pa sana siya ngunit nilamon na sya ng apoy. Abo na lamang ang nakita ko. Napasigaw ako sa gulat.
"Protektahan niyo ang isa't isa." Nawala na ang nag-aapoy na tao nang marinig ko ang boses na 'yon. Nag-e-echo 'yon sa loob ng madilim na lugar at napatakip ako sa aking mga tainga. Masakit. Para bang kutsilyo ito na tumutusok sa mga tainga ko. "Madami pang mamamatay."
"Tama na... Tama na..." Pagmamakaawa ko pero patuloy pa'rin ang hindi ko mawaring boses na iyon.
"Mamamatay kayong lahat." Huli niyang sabi. Napasigaw ako sa sakit.
Bumangon ako sa higaan ko.
"Buti naman at nagising ka na!" Sigaw ni Dalie pero halata sa mukha niya na nag-aalala siya, "Namamawis ka, oh."
"Binabangungot ka yata, kendi." Sabi ni Pauline, "Anong napanaginipan mo?"
"S-si manong Dodong..."
"Anong nangyari kay manong Dodong?"
"Hawak sya ng isang nag-aapoy na tao. Sabi ni manong, hindi daw niya sinasadya. Na mag-ingat daw tayo. Malakas daw sya."
"Sinong sya?"
"Hindi ko alam," Takot na saad ko, "Pero baka 'yon 'yong pumatay sa kanya."
Napalunok silang dalawa. Nagsalita si Dalie, "Ano pang sinabi nya?"
"Wala na. Sinunog na sya no'ng nag-aapoy na tao. Pero..."
"Pero?"
"May nakakabinging boses pang nagsalita bago ako magising. Sobrang sakit sa tenga, feeling ko mabibingi ako ng wala sa oras."
"Anong sabi?"
"Protektahan daw natin ang isa't isa. At..." Takot at nanginginig ko silang tiningnan, "Mamamatay daw tayong lahat."
Namayani ang tahimik sa pagitan naming tatlo.
"P-panaginip lang naman 'yon, di ba?" Natatakot na din si Pauline, "Tama. Panaginip lang 'yon. Walang totoo do'n." Kinumbinsi nya ang sarili nya na walang mangyayari sa mga napanaginipan ko.
"Hindi natin malalaman," Kahit na nagpapakalakas si Dalie ay alam mong natatakot din sya, "Hindi natin alam. Malay natin, isang sign na pala iyon na... kailangan nating maghanda."
Natakot ako bigla.
Ayaw ko pang mamatay.
Madami pa akong pangarap sa buhay.
Gusto ko pang makatapos ng pag-aaral at makapunta sa South Korea.
Madami pa akong gustong gawin sa buhay.
Sana... Walang katotohanan 'yong panaginip ko.
***
Nasa school kami ngayon. Hindi pa'rin namin matanggap na wala na si manong Dodong pero kailangan pa'rin naman naming magpatuloy sa pamumuhay. Alam ko namang kahit na napakabrutal ng pagkamatay nya ay napunta naman sya sa itaas. Napakabuting tao kaya niya.
To be specific, nasa canteen kami. Do'n sa pinakasulok na pwesto. Kasama namin si Dane, Drany, Dalie, Seth, ako at si Pauline.
Tahimik lang kaming kumakain. Naisipan kong basagin ang katahimikan.
"Ang dami nang nangyayari sa buhay." Sabi ko, "Sana matapos na ang lahat ng ito. Sana bumalik na 'yong dati nating mapayapang pamumuhay sa mundo."
Bumuntong-hininga si Pauline, "Oo nga." Sabi nya, "'Yong ang tangi lang nating pinoproblema e 'yong mga exams natin... projects... quizzes... seatworks... mga dapat reviewhin... 'Yong tipong ang pagiging estudyante lang ang pinaghihirapan natin."
"Kaso, iba na ngayon, eh." Nanghihinayang na sabi ni Drany, "May mga pangyayaring hindi mo talaga makokontrol."
"May mga taong dadating na magpapahirap sa buhay mo," Dugtong ni Dane, "At sa sitwasyon natin, hindi natin kilala kung sino 'yong g*gong pumatay sa lolo at lola ni Pauline. Kung sino 'yong punyet*ng pumatay kay manong Dodong."
"Kailangan na lang nating magmasid," Sabi naman ni Dalie, "Sana talaga ay mahanap na 'yong mamamatay-tao. Para matapos na ang lahat ng ito. Wala siyang awa."
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Seth, "Wag nating pag-usapan 'yan dito. Nakakawalang-ganang kumain, eh. 'Yong maiisip mo pa lang ang mga pinsalang nagawa no'ng killer... nakakasuka na. Nakakagalaiti. Ang sarap niyang murahin."
"Magpakatatag na lang tayo," Sabi ni Pauline.
"Pauline," Tawag ni Seth dito. Napatingin naman ito sakanya, "Lilipat na si kuya Charles dito."
Nagulat ako. Halata mo din ang gulat na namuo sa mukha ni Pauline at ng iba pa naming kasama dito.
"B-bakit daw?" Tanong ni Pauline.
Lumapit ng kaunti si Seth, "Nabalitaan nya kasi 'yong mga nangyayari at baka daw mapahamak ka. Mapahamak tayo. Gusto nya daw na madagdagan naman 'yong mga lalaki para mas madaming poprotekta sa inyo. Ngayon na yata sya lilipat eh. Hindi ko lang alam kung anong ora—"
"Yo." Nagulat kaming lahat ng umupo sa tabi ni Pauline si kuya Charles. "Oh? Ganyan ba kayo mag-welcome ng bisita or should I say... bagong schoolmate and kaklase?"
"Ah eh, sarreh, okeh?" Sabi ko, "Pasulpot-sulpot ka naman kasi, eh."
Napansin ko ang pagpait ng mukha ni Dane. Napatawa ako ng kaunti.
Selos everywhere.
Magkukwentuhan na sana kami kaso may biglang lumapit sa akin na isang babae. Nang tingnan ko, kaklase ko pala.
"O yes, why, Angel?" Tanong ko sakanya. Sya si Angel Francia, 'yong pinakamatanda sa klase. 19 years old na sya, eh. Pero, hindi na kami nag-a-ate sakanya. Sabi nya wag daw namin syang pagmukhaing matanda, eh.
"Francine, may ibibigay ako sa'yo sa locker room. Nasa locker ko, eh."
"Hindi ba pwedeng mamaya na lang?"
"Sige naaa~ Na-e-excite ako, eh. Pinagpaguran ko kaya 'yon!"
Tumayo ako, "Sige na nga." Tiningnan ko 'yong tropa ko, "Saglit lang, guys, ah."
Tumango naman sila, "Basta kapag pagkain yan, bigyan mo kami, ah."
Tumawa naman ako at tumango. Sumama na ako kay Angel pero hindi naman kami sa locker room pumunta. Sa CR, walang tao.
"Hala. Imumurder mo ako?" Pabiro kong sabi sakanya.
"Hindi." Biglang nagbago 'yong ekspresyon ng mukha at pananalita nya. Biglang naging seryoso pero natatakot, "Pwede ko kayong tulungan, Francine."
"Ha? Saan?"
"Sa paghahanap ng killer." Sabi nya na kinagulat ko, "Alam kong mapanganib pero alam ko ang mga nangyayari sainyo."
"P-papano mo nalalaman?"
"Hindi na importante 'yon," Sabi niya, "Tutulong ako sa ayaw at sa gusto niyo. Please."
Napakunot-noo ako.
Mukhang pursigidong pursigido siya.
Mas mabuti na siguro 'yong hindi kami kakaunti. Mas mabuti siguro kung mas madami kaming naghahanap ng pumapatay, na mas madami kaming magbibigay ng hustisya. Mas mapapadali.
"Salamat sa tulong. Sige," Pagtanggap ko sa alok nya. Nakakita ako ng saya sa mga mata nya.
"Kilala mo ba si Alyana Lee at Roscelle Lee?" Tanong nya, "'Yong mga anak ni manong Dodong?"
Tumango ako, "What about them?"
"They're willing to give a helping hand as well. Alam din nila ang nangyayari sainyo... sa hindi importanteng rason."
"Stalker ba kayo?"
Tumawa sya ng mahina, "Of course not." Sabi nya, "Gusto nilang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng tatay nila. Let them, please."
"Sige." Sabi ko naman, "Salamat talaga."
Ngumiti sya at tinahak na namin ang daan pabalik sa canteen.
Nagtataka lang ako kung bakit kinailangan pa naming lumayo sa kanila. Pero, ang mas kailangang pansinin ay madami na kami.
Madami na kaming hahanap sa'yo, killer. Mas madami na kami kaysa sa'yo. Mahahanap ka din namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top