2
~Francine Lapastanganus~
Ang gwapo no'ng lalaki, shet. Sana naman hindi n'ya girlfriend 'yong kasama n'yang babae. Huhuhu.
Biglang pumasok 'yong adviser namin, si Sir Romeo kasama 'yong isang subject teacher na asawa n'ya, si Mrs. Juliet, kaya naudlot 'yong pagtingin ko kay gwapo.
"Good morning class," Sabi ni Mrs. Juliet nang nakangiti, "I'm here to introduce to you guys our transferees." Tapos nilibot n'ya 'yong paningin n'ya sa paligid at nang makita n'ya sila gwapo, she gestured for them to come to her. "Come here."
Lumapit naman 'yong dalawa sakaniya at nginitian ang buong klase.
Gwapo, wag kang ganyan. Wag ka talagang ganyan, kundi ipapabayad ko sa'yo 'yong burol ko. Pramis 'yan.
"I'm Dane Mahito, 18 years old." Pagpapakilala ni gwapo. Ohmygoooooooosh. Dane? Bagay sakaniya. Huhu. 'Yong feels ko. Help.
"I'm Drany Mahito, Dane's sister, and I'm 18 years old as well. We're fraternal twins. We came from 'Unknown Academy', this school's twin."
Yay. Hindi sila mag-jowa. HIHI. Yaaay. Pero, astig ah. Fraternal twins. Matagal ko nang gustong magkaro'n ng kakambal, swear.
"Alright." Sabi ni Sir Romeo, "Dane and Drany, thank you. Go back to your seats." Sinunod naman s'ya nung dalawa at inayos n'ya 'yong folder sa table. "Mrs. Juliet and I have to tell you something."
Nagbulong-bulungan na 'yong mga kaklase namin. Kinulbit ako ni kendi kaya napatingin ako sakan'ya.
"Kendi," tawag n'ya. "Ang gwapo ni Dane."
"Putchaaaa." Sabi ko at niyugyog s'ya, "Kambal yata tayo, eh. HUHU. Ang gwapo nga n'yaaa."
"'Yong... mata n'ya. HUHUHU."
"HUHUHUHUHUHUHUHUHU-"
Natigil kami sa pagpapantasya nang may tumawa ng mahina. Napalingon kami do'n at muntikan na kaming mahulog sa mga upuan namin.
Nahuli pa kami ni Dane na pinagpapantasyahan sya. Huhu. Ano baaa.
Napatitig na lang kami sakaniya hanggang sa iabot n'ya 'yong kamay n'ya sa'min.
"I'm Dane. You guys are?"
"Francine/Pauline." Sabay naming sabi ni kendi at sabay ding tinanggap 'yong kamay n'ya at shinake 'yon. Napatawa na naman s'ya.
"Full name?" Tanong n'ya. Abaaa. Demanding.
"Francine Lapastanganus," sabi ko at nginitian s'ya. Tumango naman s'ya at bumaling kay Pauline.
"Pauline Batumbakal," sabi ni kendi nang nakangiti din.
Biglang napatingin si Drany kay Pauline at napatitig nang matagal si Dane sakaniya. Nawala 'yong ngiti ni Dane kanina. Matagal tinitigan nung dalawa si Pauline kaya napakunot-noo s'ya.
"Bakit?" Tanong ni Pauline at kinapa 'yong mukha n'ya, "May dumi ba ako sa mukha?"
Para namang natauhan 'yong dalawa at sabay na umiling. Binalik ni Dane 'yong ngiti n'ya at dahan-dahang tumango.
"Okay..." Sabi n'ya, "Pauline."
Ba't parang may nararamdaman akong kakaiba?
Natigil ako sa pag-iisip nang mag-clear nang throat si sir Romeo.
"Okay, so," sabi n'ya, "Your Intramurals will be three weeks from now. Later at homeroom before dismissal, I'll be giving you your teams and you should go to your respective team rooms."
Nag-yes 'yong mga kaklase ko pero ako, hindi na pinansin 'yon dahil nakita ko pa 'yong pagsulyap ni Dane kay Pauline.
Ano ba talagang meron?
***
Lunch na ngayon at nagliligpit kami ni kendi ng bag. Sinukbit namin 'yon sa balikat namin at aalis na sana pero kinulbit kami ni Drany. Nasa likod n'ya si Dane.
"Pwede kaming sumama sa pagkain?" Tanong n'ya, "Saan ba kayo kakain?"
"Sa karinderya diyan sa labas." Sagot ni Pauline, "You want?"
Dali-daling tumango si Dane, "Yeah. I wanna try something new. What do you think, Drany?" Tiningnan ni Dane si Drany at parang may kung ano sa titigan nila.
"Yes, of course!" Sabi ni Drany, "Let's go?"
Tumango naman si Pauline at nag-cling sa braso ko. Napansin n'ya yatang matalim 'yong tingin ko sa D twins kaya she nudged me as she clinged onto my arm.
"Kendi," She whispered, "Okay ka lang?"
Tiningnan ko s'ya at nginitian. I returned the cling, "Oo. Alam mo naman, nagagwapuhan ako kay Dane. Hehe."
Bulong lang 'yon kaya kaming dalawa lang ni kendi 'yong nakarinig. She giggled and wiggled her brows.
"So, tara na?" Tanong ko at tumango naman silang lahat.
Lumabas kami ng school, syempre, at pumunta na nga do'n sa karinderyang parati naming kinakainan ni Pauline. Kahit low-class, masarap dito. Babalik-balikan ba namin kung hindi?
Nag-order kaming dalawa ni kendi nang adobo. 'Yon 'yong pinakagusto naming pagkain dito. Samantalang 'yong dalawa naman e in-order 'yong chicken curry.
Sosyal nga naman kasi, 'di ba?
Kumakain kami nang tumayo si kendi. Napansin kong tapos na siyang kumain. Tsk. Ang bilis naman. Kasing-bilis umapekto ng kagandahan namin sa mga tao. Hihi.
"Guys, ihi lang ako." Sabi n'ya at tumango naman kami. May portable comfort room sa tabi ng karinderya, pagmamay-ari din ni Mang Dodong, 'yong may-ari ng karinderya. Astig, 'no?
Napansin kong siniko ni Drany si Dane. Dane glared at Drany and he turned his gaze at me, immediately flashing that to-die-for smile of his. Waah. Wag kang ganyan kako, eh.
"Francine," He called and I had to raise my eyebrows, "May kapatid ba si Pauline?"
"Ako, kapatid n'ya." Sabi ko pero tumawa din sa hulihan. "De, joke. Wala. Only child. Bakit?"
"Wala naman," sabi n'ya. "Eh may mga magulang?"
"Syempre!" Sabi ko, "Kaso lang, ay, teka. Bakit ba?"
"Wala naman."
"O edi wala din akong dapat sabihin sa'yo."
I caught Drany's elbow nudge Dane again.
"Ah eh," Dane said and scratched the back of his neck, "I have... you know. My interest is in her."
Napatahimik ako saglit, pero soon, nanlaki ng sobra 'yong mata ko.
"Gusto mo si kendi?! WAAAAAH!"
"Wag kang maingay." Saway n'ya sa'kin, "O, ano na? Anong nangyari sa mga magulang n'ya? I wanna know more about her."
"Patay na mga magulang n'ya," I said sadly. "Tanong mo na lang sakan'ya 'yong ibang details. Wala naman na yata ako sa posisyon para sabihin lahat sa'yo."
Nanatili s'yang nakatitig sa'kin pero soon, tumango naman s'ya. "Thanks."
Nagtinginan sila nang kapatid n'ya at ayan na naman 'yong feeling. Para kasing may kung ano talaga sa titigan nila eh.
Ipinag-walang bahala ko na lang at inubos na 'yong pagkain ko. Soon, bumalik na din si kendi at natapos na kaming lahat. We decided to go back in the room agad. Malapit na mag-time, eh.
Plus, we're looking forward to our teams later dismissal.
Sana magka-team kami ni Pauline.
------
A/N: Hello guys. First author's note ko po ito. I just want to dedicate this chapter to @QueenKendi . Yoyoyo, man. Mahar kita. X3
Guys, gusto ko lang malaman n'yo na hindi mahaba 'tong story na 'to. Papadaliin ko lang 'yong mga pangyayari. :)
'Yon lang~ Silent readers, (kung meron man) , mag-ingay naman kayo sa comment box oh. =3= Mahal ko kayo.
Okay, guys. Annyeong. :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top